Isang malungkot na hapon mga kaingay. Habang busy kami mag chikahan ng parents ko kanina may nakita kaming sasakyan sa punerarya may ibuburol na patay sa chapel. Ang chapel kasi saamin ay tapat lang ng bahay namin. Nalaman namin na yung namatay pala ay yung dinala ng DSWD dito inuwi sa tatay nya. Bali may sakit sya pero ang masakit dun na part kasi patay na mama nya at yung tatay na sana ang mag aasikaso ngunit wala din itong kakayahan at ang worst pa dun ay itinaboy pa nito yung anak nya. May sama ng loob ata yung tatay sa anak gawa na din na nung mga panahon na malakas pa yung anak ay galang gala din ito at iniwan ang tatay nya. Mag isa na lang tatay nya at umaasa na lang din sa mga binibigay na pagkain ng mga kapatid nito. Para sa akin sila na yung pamilyang nakaka awa. Yung mag asawa kasi biniyayaan ng 2 anak. Isang babae at isang lalaki. Yung asawang babae ay nagkasakit at tuluyan ng nasiraan ng ulo. Dahil sa sakit nya bigla na lang sya nawala, at nabalitaan na lang ng asawa nya na patay na daw ito. Yung anak na babae naman ay maagang nakapag asawa, pero nabalitaan lang namin na nagkasakit daw at namatay din. Yung anak na lalaki ay nag layas, at pumunta sa malayo ni hindi man lang binisita ang tatay nya at last week inuwi sya ng DSWD dito sa tatay pero tinanggihan na ito ng tatay. Tanging mga kapatid ng tatay na lang ang nag aasikaso dahil na din sa matanda na ang tatay nya at di na din sya kayang alagaan pa. Hanggang sa kanina ay natagpuan na lang daw na patay na. Grabe ang pamilya nila. Nakaka awa talaga.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet