read.cash Log in
@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

I just woke up at pag on ko ng wifi sa phone ko, sunod sunod ang messages. Kagabi hindi maganda ang pakiramdam ko kaya 8:30pm pa lang ay tulog na ako. Nag send na pala yung sa barops food committee ng list ng pagpipilian namin for our free lunch. Tapos yung friend ko na kasama ko sa hotel nag chachat din sabi nya kung ano daw ang gusto ko yun na din daw sakanya. Since close ko naman yung head ng food committee tinanong ko sya kung magkano ang budget namin kasi baka lumagpas ako sa budget ang sabi naman nya wala daw specific budget para samin, kung ano daw ang gusto namin at ilista lang namin at isend sa kanila. Honestly, gusto ko yung baby backribs kaso nahihiya ako hahaha kahit libre nahihiya talaga ako. Pero yung isang friend ko ang sabi nya kukunin nya daw ay yung lahat na mahal para makabawi na naman daw sya sa lahat ng binayaran nyang fee sa barops mula pa nung 1st year kami hahahahah Every sem kasi nag babayad kami ng php550.00 para sa barops namin kaya ayun, mag oorder daw sya lahat mahal haha Ako naman ay nag iisip pa sa kung ano ang oorderin hehe Magandang umaga po sa lahat!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.