Bicol University Hataw 2022 Nakaka proud na minsan ay naka sali din ako sa ganitong activity. Parang kelan lang sobrang busy kami mag practice para sa hataw pero ngayon taga panood na lang ako. At mapapasabi na lang na sobrang swerte ko kasi naging estudyante ako ng Bicol University. Naaalala ko tuwing enrollment noon may mga nanay na halos mag makaa awa makapasok lang sa BU ang mga anak nila. Bakit nga ba ? Sa mga hindi nakakaalam ang BU ay isang state university sa bicol. Before magkaron ng free tuition, sa buong bicol region BU ang pinaka murang university na may maraming courses na inooffer. Tanda ko noon mga 2013 nasa php5,000.00 lang binabayaran namin per sem plus mga departmental fee at college student council fee. Pero hindi ganon kadali ang makapag aral dito out of 11,000 of students na gusto mag aral dito, nasa 5000 students kang ang kayang tanggapin ni BU not sure ako sa numbers ha? Pero parang ganun. Kaya pagalingan na lang talaga. Pag naka pasok ka sobrang worth it ng pagod mo, yung enrollment process, pag pila sa mga department at sa kung ano ano pa. Isa sa mga nakakaproud pa kasi state university ang BU pero very competitive din kami, home of top notchers din po kami..at sobrang taas din ng passing rates namin sa mga board exams. Kaya nakakaproud talaga.
No comments yet