read.cash Log in
@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

To all the parents out there, please teach your children to be grateful mapa maliit man o malaki, mapa mura man o mahal ang value ng gift. Paisa isa na ngang nagsisipag datingan mga order ko kay shopee at lazada para sa mga inaanak ko. Matagal na ngayon ang pagdeliver kaya napa aga mga pag bili ko. At ito na lang yung nag iisang laruan na oorderin ko para makumpleto ko na ang mga regalo ko sa mga inaanak at family ko. Alam nyo ba na meron akong isang inaanak na sinabi ko sa sarili kong never ko ng bibigyan ng regalo? Yes po, last year bumili ako ng gift nya set ng coloring materials kasi papasok na sya sa school Kaya yun ang naisip kong bilhin para di na bibili ang mama nya tiyaka ang dami kayang nakalagay na dun sa set. Nung inabot ko sakanya tuwang tuwa sya pero nung pag bukas nya nakita nya yung laman at hinagis nya, sobrang sumama ang loob ko bakit? Kasi pinag paguran ko yun, tinipid ko ang sarili ko mabili lang yun at financially struggling din ako kasi mag enrollment naman ako sa January pinilit ko lang talaga pagkasyahin ang budget ko plus wala po ako work, yung kita ko yun sa mga online job ko tapos ganun lang gagawin at masakit pa dun yung parents, instead na sawayin yung anak tinawanan pa. So akala nung bata tama sya. Ngumiti lang ako kahit deep inside nasasaktan ako at sinabi ko sa sarili ko di ko na sya bibigyan kahit kelan ng regalo.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.