read.cash Log in
@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

Is it okay to stay and live with your boyfriend before getting married? Disclaimer: This post is just based on my personal opinion po. Two days ago, I saw a comment on Facebook post sabi nya " kaya mas maganda mag live in muna bago magpakasal eh" Madaming sumang ayon at madaming hindi pabor dito. For me, im not against sa concept ng mag live in muna bago magpakasal. Before you judge me, let me explain why. 1. Pwede naman kayo mag live in or magsama as boyfriend/girlfriend pa din. Of course pwede kayo mag stay sa bahay ng either ng bf nyo or ng gf nyo para may magulang pa din kayong kasama. 2. Di ibig sabihin na mag lilive in kayo eh gagawin nyo na yung mga bagay na ginagawa ng mag asawa, alam nyo na minimean ko dito. 3. Sa ganitong set up makikilala nyo mga jowa nyo. Pano ba sya pag nasa bahay? Tamad ba sya or maaasahan ko ba? Pano nya itrato mga kasama nya sa bahay? Nirerespeto nya ba magulang nya or palasagot ba sya? Oo importanteng malaman ang lahat ng details kasi yan ang madalas na pinag aawayan ng mga mag asawa yung pagiging tamad ng isa. Yung ugali na di na kayang tiisin Kaya nag hihiwalay. 4. Nakita mo na ba syang magalit? Pano sya magalit? Kung papakasalan mo ba sya kaya mong tiisin ang ganyang pag trato nya sayo kapag galit sya? Nanakit ba sya? Verbal or physical ay both pwedeng maging reason ng pag hihiwalay nyo. Sa ating bansa na wala pang divorce at mahal ang mag pa annul ng marriage kailangan maging wais tayo sa mga desisyon natin para wag natin pag sisihan ito sa future. Also, di lahat ng annulment case ay binibigay ng korte, kailangan ang reason ng pag annul ng marriage ay nakapaloobbor kasama sa grounds for annulment. At para wag na tayo magaya sa ibang failure ang marriage. Huwag tayong papadala sa bugso ng damdamin natin. Pag isipan ng mabuti. Magandang umaga po sa lahat.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.