Magbabalot na kami! Nag order ang mama ko ng 50pcs na pinangat para ipampasalubong namin sa mga kamag anak namin sa manila at cavite. Mamaya kapag di na sya mainit pwede na namin ibalot sa foil tapos ilalagay lang din namin sa freezer para sa Saturday kapag bumiyahe kami ay frozen sya. 12hours din kasi ang biyahe mula albay to manila. Nag Luto na din si mama ng pili nuts yung may asukal tapos yung tito ko nag pagawa ng cocoa at nag haharvest din sya ng sugpo at crabs. Oh di ba? Probinsyang probinsya talaga hahahahahaha Magandang umaga po sa lahat!
6 comments
Ang layo ng biyahe. Ano po yan? Ang sarap naman ng Pili Nuts
Pinangat po ang tawag nito. Bali gawa po sya sa dahon ng gabi. Masarap po sya. Opo 12hours po biyahe namin. Kasi bus po kami nag pa book, di po kasi pwede mag plane kasi ang dami po naming bitbit na mga pampasalubong sa mga kamag anakan po namin sa caloocan at cavite din.
Ang sarap naman po niyan.
Opo nakakatakam kaso di pwede kainin kasi saktong sakto lang yan sa mga pagbibigyan namin haha
Ay wow!sarap niyan sis pinangat wala na kasi nagpapaorder niyan dito samin.Anlayo pa pala ng mararating ng mga yan.
Bihira na lang kasi sis yung gumagawa din nito. Buti meron dito malapit sa katabing barangay namin..di pwede na uuwi kami ng caloocan at cavite na wala nito kasi ito ang request ng mga kamag anak namin lagi.