Yesterday, I started my battle for my "ATTY. goal" Around 5am nasa venue na kami, as I was about to enter the gate i can hear so many people clapping and shouted " Goodluck po attorney!" Honestly, bigla akong nakaramdam ng konting lungkot at sobrang saya at the same time. Sobrang lungkot kasi wala ang parents ko or any family member to cheer me up, pero okay lang yun baka kasi umiyak lang ako ng umiyak kahapon dahil sa kanila, dahil para sa kanila ang laban ko na to lalo na sa papa ko at mama ko. Masaya din ako dahil finally, ito na yung simula ng pagtupad ko sa pangarap kong "ATTY." Sa name ko. Pag labas namin ng gate after mag exam nakita ko ang daming taong naka abang, at lahat sila ay pumapalakpak nakaka tuwa at nakaka gaan ng pakiramdam yung pag cheer nila sa amin kahapon. Tila ba ramdam kong hindi ako nag iisa sa laban na to. Pagkadating ko ng hotel kagabi agad naman akong nag update sa gc namin ng family ko at heto na nga yung cousin ko may pa grab pa hehe Nakakatuwa yung notes nya. Kasi inorder nya to at sya na din nag bayad. Kaya pala pinapababa ako sa hotel Kasi may pa mcdo sya. Nakakatuwa lang kasi kahit hindi sila physically present na kasama ko, pero pinaparamdam nila sakin nakasama ko sila lagi. Magandang umaga po sa lahat mga kaingay!
No comments yet