read.cash Log in
@Jurisdoctor2022OnNoiseApp

May kaso ba ang hindi pag bayad ng utang? Sa panahon ngayon na sobrang taas ng mga bilihin, hindi talaga mawawala satin ang ugaling humingi ng tulong sa iba at mangutang. Ngunit hinay hinay lang po sa pag uutang at siguraduhing mababayaran po natin sa napag usapang petsa para hindi ito ang dahilan ng pag aaway nyo ng mga kamag anak nyo o ng mga kumare nyong nahiraman. Ang tanong madalas ng mga kakilala ko sa akin ay " makakasuhan ba ko pag di ako makapag bayad ng utang?" Ang sagot ko po ay "depende magkano ba ang utang mo?" Para sa kaalaman po ng lahat pwede po makasuhan ang sino man na mag uutang at hindi mag babayad kung ang inutang ay hindi taas sa Php400,000.00 or Php300,000.00 depende po kung san kayo nakatira at kung saan na venue ipafile ang kaso. Ang tawag po sa kaso na pwede isampa sa mga taong di nag babayad ng utang ay SMALL CLAIMS. Ang purpose po ng small claim ay para mabigyan ng mabilis at hindi magastos na paraan upang ayusin ang problema tungkol sa pera. Kailangan lang mag file ng kaso ang nagpautang at mag seset ng araw kung kelan ang nag pautang at nangutang mag hehearing. Ito ay isang araw lang na hearing at hindi kailangan ng abogado dito. Isang paraan para mabayaran ang utang ay ang pag benta ng lupa o ari arian ng nangutang upang mabayaran ang utang nya. Kaya matuto tayong magbayad ng mga utang natin. Bukod sa makakasuhan ka na mawawalan ka pa ng kaibigan na nakasama mo na ng matagal. Walang masamang mangutang, ang masama ay ang hindi pag bayad nito. Magandang hapon po sa lahat!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.