Ang mundo nating mga tao ay nilikha ng ating Mahal na Ama sa kaitaasan. Pagkatapos nilikha ang mundo na may langit at lupa, tayong mga tao ang sunod na nalikha sa pamamagitan ng kaniyang makapangyarihang kamay. Ang lahi nating mga tao ay nagsimula kila Adan at Eva. Nalikha din ang mga iba't-ibang hayop upang manirahan sa mundong ito kasama natin.
Sa paglipas ng ilang siglo, ang populasyon ng tao ay unti-unting dumami at nagkalat sa iba't-ibang lupalop ng mundong ito. Ang mga tao ay nanirahan sa gubat , kuweba kasama ng mga mababangis at maamong hayop. Nakipagsapalaran sa laro ng buhay. Habang tumatagal tayong mga tao dito sa mundo ay natututo tayo ng iba't-ibang kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay.
Lumipas pa ang daang taon tayong mga tao ay nagkaroon ng wika. Wika, isang salita lamang at binubuo ng apat na letra. Simple man ito sa inyong paningin at pandinig ngunit ito naman ang pundasyon nating mga tao kung nasaan na tayo ngayon. Kung hindi dahil sa wika wala tayo sa ating kinalalagiyan at tinatamasa nating kasagaan at kapayaan sa kasalukuyan. Bakit ko nasabi ito?
Sapagkat ang wika lang naman ang nagbubuklod sa atin sa mga panahon na tayo'y nagkawatak watak. Wika din lang naman ang nagiging daan upang tayo'y patuloy na umuunlad. Wika lang din naman ang susi sa mga hindi maintindihang bagay dito sa mundo.
Ngunit sa pagkakaroon natin ng iba't-ibang wika sa bawat sulok ng mundo. Nagdulot ito ng kalituhan , hindi pagkakaunawaan , nagdulot ng mga giyera na kumitil sa mga inosenteng buhay na ang dahilan lamang ay hindi magkaunawaan.
Ngunit sa kabila nito, Wika din naman ang nagbigay daan upang magkaayos ang mga nasyon. Wika din ang naging daan upang matigil ang mga hindi pagkakaunawaan. Dahil sa mga hindi pagkakaunawaan na naganap at nagdulot ng mga trahedya, napagkaisahan ng buong mundo na gawing pandaigdigang wika ang wikang Ingles. Sa pamamagitan ng wikang Ingles ay makakapagkomunikasiyon ang bawat isa sa mga bansang may iba't-ibang wika at ng magkaunawaan.
Sa ating bansa , mayroon tayong iba't-ibang wika sa kadahilanang binubuo ng mga isla ang Pilipinas. Sapagkat kahit ganiyan ang sitwasyon natin ay wika parain ang nagbuklod sa atin bilang iisang bansa. Sa pagkakalikha din ng wikang Filipino bilang pambansa nating wika na maari mong gamitin kahit saang sulok ng bansa ay ika'y mauunawaan. Sa pamamagitan ng wikang Filipino naisasakatuparan natin ang mga bagay-bagay na magbibigay ng kaunlaran sa ating bansa.
Dahil sa iisang wika nating mga Pilipino tayo ay nagkakaisa. Nakakamit natin ang kapayapaan dahil sa wika. Napapasaya natin ang ating mga kapwa tao dahil sa wika. Marami tayo nagagawa dahil lamang sa isang salita na ito na apat na letra.
Ang pagkakalikha ng mga wika ay nagdulot ng naraming benepisiyo sa mga tao ngunit hindi natin maiiwasan na magkaroon ng hindi magandang epekto sa nga tao. Isa na rito ang, dahil sa wika nakakapanakit tayo ng kapwa natin. Dahil sa wika nakakagawa tayo ng mga bagay-bagay na hindi kanais-nais. Dahil sa wika maaaring buhay ay mawala.
Sa kabila ng mga magagandang naidulot at hindi magandang naidulot ng wika ay hindi parin matatawaran ang kahalagahan nito sa ating makabagong panahon. Paano nalang kaya kung ang ating mundo ngayon ay walang wika. Magkakaroon pa kaya ng kapayapaan tulad ng tinatamasa natin ngayon? Masisilayan pa kaya ang mga ngiti na abot hanggang tenga?
Sa akin lamang ay sana hindi maabuso ang paggamit ng wika. Sabi ko nga pwede itong kumitil ng isang buhay o buhay ng lahat ng tao. Sana ating isaisip, isapuso at isagawa ang pagmamahal natin at pagrespeto sa kung anumang wika na meron tayo. Kung ano man ang wika mo , ipagmalaki mo. Gaya nalang dito sa platapormang ito, narerespeto ang bawat wika ng bawat indibidwal na naririto. Ganun din sana sa labas ng platapormang ito.
Gaya na lamang ngayon na buwan ng Agosto, Buwan ng wika. Kaya naisipan ko rin na gumawa. Ikaw pwede ka ring gumawa. Ipagdiwang natin ang buwan ng wika na nagkakaisa. Isang lahi para sa iisang bansa. Bansa kung saan tahanan ng mga makata. Tahanan ng mga magagaling magsalita at tumula.
At ito ang artikulo na aking ipapasa sa masa. Magandang gabi sa inyong lahat kapwa ko manlilibag at magbabasa. Nawa'y masagot na ang iyong dasal at ng kaligayahan ay matamasa.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
Pambungad na larawan: Unsplash.com
Plagiarism test:
Huwag mo rin kalimutan na bisitahin ang mga artikulo ng mga magagaling na kapwa ko manlilimbag.
Ang husay naman! Galing! Tama wag nating abusuhin ang paggamit natin ng ating wika. Lahat na sobra ay hindi mainam.