Wika:Apat na letra, Isang salita.

31 345
Avatar for Jher0122
3 years ago
Topics: Wika, Free writing

Ang mundo nating mga tao ay nilikha ng ating Mahal na Ama sa kaitaasan. Pagkatapos nilikha ang mundo na may langit at lupa, tayong mga tao ang sunod na nalikha sa pamamagitan ng kaniyang makapangyarihang kamay. Ang lahi nating mga tao ay nagsimula kila Adan at Eva. Nalikha din ang mga iba't-ibang hayop upang manirahan sa mundong ito kasama natin.

Sa paglipas ng ilang siglo, ang populasyon ng tao ay unti-unting dumami at nagkalat sa iba't-ibang lupalop ng mundong ito. Ang mga tao ay nanirahan sa gubat , kuweba kasama ng mga mababangis at maamong hayop. Nakipagsapalaran sa laro ng buhay. Habang tumatagal tayong mga tao dito sa mundo ay natututo tayo ng iba't-ibang kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay.

Lumipas pa ang daang taon tayong mga tao ay nagkaroon ng wika. Wika, isang salita lamang at binubuo ng apat na letra. Simple man ito sa inyong paningin at pandinig ngunit ito naman ang pundasyon nating mga tao kung nasaan na tayo ngayon. Kung hindi dahil sa wika wala tayo sa ating kinalalagiyan at tinatamasa nating kasagaan at kapayaan sa kasalukuyan. Bakit ko nasabi ito?

Sapagkat ang wika lang naman ang nagbubuklod sa atin sa mga panahon na tayo'y nagkawatak watak. Wika din lang naman ang nagiging daan upang tayo'y patuloy na umuunlad. Wika lang din naman ang susi sa mga hindi maintindihang bagay dito sa mundo.

Ngunit sa pagkakaroon natin ng iba't-ibang wika sa bawat sulok ng mundo. Nagdulot ito ng kalituhan , hindi pagkakaunawaan , nagdulot ng mga giyera na kumitil sa mga inosenteng buhay na ang dahilan lamang ay hindi magkaunawaan.

Ngunit sa kabila nito, Wika din naman ang nagbigay daan upang magkaayos ang mga nasyon. Wika din ang naging daan upang matigil ang mga hindi pagkakaunawaan. Dahil sa mga hindi pagkakaunawaan na naganap at nagdulot ng mga trahedya, napagkaisahan ng buong mundo na gawing pandaigdigang wika ang wikang Ingles. Sa pamamagitan ng wikang Ingles ay makakapagkomunikasiyon ang bawat isa sa mga bansang may iba't-ibang wika at ng magkaunawaan.

Sa ating bansa , mayroon tayong iba't-ibang wika sa kadahilanang binubuo ng mga isla ang Pilipinas. Sapagkat kahit ganiyan ang sitwasyon natin ay wika parain ang nagbuklod sa atin bilang iisang bansa. Sa pagkakalikha din ng wikang Filipino bilang pambansa nating wika na maari mong gamitin kahit saang sulok ng bansa ay ika'y mauunawaan. Sa pamamagitan ng wikang Filipino naisasakatuparan natin ang mga bagay-bagay na magbibigay ng kaunlaran sa ating bansa.

Dahil sa iisang wika nating mga Pilipino tayo ay nagkakaisa. Nakakamit natin ang kapayapaan dahil sa wika. Napapasaya natin ang ating mga kapwa tao dahil sa wika. Marami tayo nagagawa dahil lamang sa isang salita na ito na apat na letra.

Ang pagkakalikha ng mga wika ay nagdulot ng naraming benepisiyo sa mga tao ngunit hindi natin maiiwasan na magkaroon ng hindi magandang epekto sa nga tao. Isa na rito ang, dahil sa wika nakakapanakit tayo ng kapwa natin. Dahil sa wika nakakagawa tayo ng mga bagay-bagay na hindi kanais-nais. Dahil sa wika maaaring buhay ay mawala.

Sa kabila ng mga magagandang naidulot at hindi magandang naidulot ng wika ay hindi parin matatawaran ang kahalagahan nito sa ating makabagong panahon. Paano nalang kaya kung ang ating mundo ngayon ay walang wika. Magkakaroon pa kaya ng kapayapaan tulad ng tinatamasa natin ngayon? Masisilayan pa kaya ang mga ngiti na abot hanggang tenga?

Sa akin lamang ay sana hindi maabuso ang paggamit ng wika. Sabi ko nga pwede itong kumitil ng isang buhay o buhay ng lahat ng tao. Sana ating isaisip, isapuso at isagawa ang pagmamahal natin at pagrespeto sa kung anumang wika na meron tayo. Kung ano man ang wika mo , ipagmalaki mo. Gaya nalang dito sa platapormang ito, narerespeto ang bawat wika ng bawat indibidwal na naririto. Ganun din sana sa labas ng platapormang ito.

Gaya na lamang ngayon na buwan ng Agosto, Buwan ng wika. Kaya naisipan ko rin na gumawa. Ikaw pwede ka ring gumawa. Ipagdiwang natin ang buwan ng wika na nagkakaisa. Isang lahi para sa iisang bansa. Bansa kung saan tahanan ng mga makata. Tahanan ng mga magagaling magsalita at tumula.

At ito ang artikulo na aking ipapasa sa masa. Magandang gabi sa inyong lahat kapwa ko manlilibag at magbabasa. Nawa'y masagot na ang iyong dasal at ng kaligayahan ay matamasa.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

Pambungad na larawan: Unsplash.com

Plagiarism test:

Huwag mo rin kalimutan na bisitahin ang mga artikulo ng mga magagaling na kapwa ko manlilimbag.

Sponsors of Jher0122
empty
empty
empty

8
$ 6.11
$ 5.50 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @LykeLyca
$ 0.10 from @LucyStephanie
+ 9
Avatar for Jher0122
3 years ago
Topics: Wika, Free writing

Comments

Ang husay naman! Galing! Tama wag nating abusuhin ang paggamit natin ng ating wika. Lahat na sobra ay hindi mainam.

$ 0.02
3 years ago

Ang lalim kahit ung mga comments nahawa na rin sa lalim ng wikang Filipino. Mag nosebleed na yata ako. Nkaka inspire ung mga articles na ganito kc mahirap gawin eh hehe! Pero gusto ko rin e challenge sarili ko before matapos ang buwan ng wika makasulat ako ng isa heheh!

$ 0.02
3 years ago

Ganiyan po talaga ang nagagawa ng wika lalo na ang ating pambansang wika.. Impluwensiya nito'y ginagawang makata ang lahat ng mambabasa. Maraming salamat po pala sa oportunidad na ako'y iyong suportahan po.

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat sapagkat pinaalala mo sa amin ang kahalagan ng wika. At salamat na rin dahil pinaalala mo na ngayon ay buwan wika . Sapagkat marami rami ang nakalimot sa ating pambansang wika.. Mabuhay ka , at gayun na rin ang mga makatang Pilipino sa ating bansa..

$ 0.02
3 years ago

Salamat po sa pagbabasa. Tama marami ng nakakalimut ngayon na buwan ng wika..kayat naisipan kong gumawa at upang ipaalala sa lahat

$ 0.00
3 years ago

Ang estorya ng Superbook ay aking naalala. Noong unang panahon isa lamang ang wika ngunit nagiging instrumento ito upang magka-isa ang bawat nilalang upang akyatin ang langit. Kaya ang bathala ay gumawa ng napakaraming wika upang hindi magka-intindihan basta-basta ang mga tao, suguro ngay ginawa ito para don. charr

$ 0.02
3 years ago

Dahil din sa iyong komento ginoo naalala ko din ang mahiwagang libro na nagiging daan upang maglakbay sila Chris..

$ 0.00
3 years ago

Ang wika ay ikaw, ikaw ang wika. Kaakibat na natin ang wika sa ating araw araw na buhay. Tama ka na dahil sa wika kaya tayo nagkakaintindihan at nakami ang tagumpay laban sa mananakop. Ang wika ay isa sa naging daan upang tayo ay magkaisa. Mahalin natin ito at huwag gagamitin sa maling paraan.

$ 0.02
3 years ago

At ako'y namangha sa ako'y wika.. Salamat sa iyong makabuluhang komento.😊

$ 0.00
3 years ago

Madami kang nasabing Maganda Ginoo, Madami din akong natutunan sa mga sinabi mo at Tama ka, Sapagkat sa panahon ngayon ang Wikang Ingles lamang ang siyang nagiging daan upang maintindihan natin ang isa't isa sa buong bansa.

Edit: Hindi ko din alam kung paano natin or tayo makikipag kumunikasyon sa ibang tao kung wala ang wikang ingles. At sa aking pagkakaalam, lahat wika sa iba't ibang bansa o buong mundo, kadalasan ang wikang ingles lamang ang ating naiintindihan dahil madali itong intindihin ngunit sa aking palagay, bakit kaya kokonti lamang ang umaaral sa ibang wika? Ang pagkakaalam ko, Tanging ang ating wika, Ingles, Hangul, at wikang hapon lamang ang napag aaralan πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ

$ 0.02
3 years ago

Tama wikang Ingles ang halos ginagamit sa iba't ibang bansa.. Hindi ko alam ang sagot sa iyong tanong binibini ngunit sa aking palagay ay dahil ang mga wikang ito ay popular na sa nakararami kaysa aa mga hindi masiyadong pinag -aaralan.

Sabi mo tulog ka πŸ˜…

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat sa pag papaalala sa amin na ngayon ay buwan ng wika at nararapat ang sariling wika ay gamitin

$ 0.02
3 years ago

Muntik ko narin pong makaligtaan.. ngunit may mga nababasa po ako dito kaya naalala ko.😊

$ 0.00
3 years ago

Maganda ☺️

$ 0.00
3 years ago

Tama, ang isang wika ang siyang nagbuklod sa lahat ng mga isla sa buong Pilipinas. Hehe. May pagkakaiba man ng salita sa iba't ibang mga isla, magkakaintindihan pa rin tayong lahat. :)

$ 0.02
3 years ago

Tama ka diyan kaibigan. Maraming salamat dahil napadpad ka sa aking artikulo

$ 0.00
3 years ago

Nag iisip din aq ng pang buwan ng wika entry b4 august ends.. Mahalin ang ating sariling wika.. At daoat din alam natin ang ating mother tongue

$ 0.02
3 years ago

Dapat lang na mahalin natin sapagkat marami ng nagawa sa ating buhay.

$ 0.00
3 years ago

Kaya dapat ang wika ay gamitin ng wasto. Hindi para manakit ngunit para magkaisa tayo. Marapat ang sariling wika ay pahalagahan sapagkat ito ang ating pagkakakilanlan.

$ 0.02
3 years ago

At nakuha mo kaibigan. Wika ang ating pagkakakilanlan..

$ 0.00
3 years ago

Totoo, wika ay pahalagahan at gamitin sa wastong paraan. Magandang gabi din sa iyo kapwa manlilimbag

$ 0.02
3 years ago

Sana nga kaibigan.Lalo na mga kabataan na sabi nila pag-asa ng bayan.

$ 0.00
3 years ago

Sana πŸ™ tiwala lang ang magagaws natin sa ngayon

$ 0.00
3 years ago

isang wika para sa isang bansa, isang pusong may alab para sa damdamin ng bawat umaakap. ngayong buwan ng wika dakila ang ating pagsasalita, sapagkat madalas ito'y nagagamit dahil dito tayo mismo ay nagsimula

$ 0.02
3 years ago

At ako'y namangha sa iyong komento..Maikli man ngunit napakamakata.

$ 0.00
3 years ago

maraming salamat ginoo

$ 0.00
3 years ago

Magaling! Napakaganda! Marami pa rin ang hindi nakakalimot sa pagpapahalaga sa ating sariling wika.

$ 0.02
3 years ago

Sana nga po hindi natin makalimutan ang kahalagahan ng ating sariling wika.

$ 0.00
3 years ago

Sana😍

$ 0.00
3 years ago

Ang cool at ang lalim, imagine apat na letra isang salita pero nagawan mo nang sentence haha. Galing!

$ 0.02
3 years ago

Maraming salamat po sa pagbabasa..😊

$ 0.00
3 years ago