Bago ko simulan ang aking paksa sa gabing ito nais ko munang bumati sa inyo ng magandang gabi at masaganang buhay. Sana nasa maayos lang kayo at payapa ang gabi niyo. Sana nagsikain narin kayo kahit ano pa man ang ulam na nakahain sa mesa niyo. Ano man iyan ay kailangan magpasalamat parin tayo sapagkat yan ang nagbibigay ng sigla sa buhay niyo. Ako na ay dadako sa aking tula at sana mabasa niyo hanggang dulo.
Disyembre na naman, ramdam mo naba ang pasko? Dahil ako oo, ramdam na ramdam ko na ang malamig na pasko. Pagkalamig na simo'y ng hangin ay dumadampi na sa balat ko.
Kagaya ng lamig na naramdaman ko nung ika'y umalis sa tabi ko. Hindi lang puso ko ang winasak mo pati narin ang kaluluwa ko. Natural lang na ganiyan ang napala ko, kasi ginawa ba naman kitang mundo kahit alam ko na wala naman talagang permanente dito sa mundo.
Lahat ng bagay ay mabilis nagbabago kagaya nalang ng pag-ibig mo. Sabi nga sa kanta "oh kay bilis ng iyong pagdating , pag-alis mo'y sadiyang kay bilis din", ganiyan na ganiyan ang ginawa mo. Kaya sa huli'y nagsisi ako. Akala ko'y isa kang diyamante ngunit nung tumagal isa ka palang napakatigas na bato.
Isang matigas na bato na siyang nagdulot ng pagdurugo ng aking puso. Alam ko na hindi lang ako nag-iisahip na ganito ang sinapit sa bulwagang ito. Ramdam na ramdam ko na mayroon din tulad ko na magdiriwang na malamig ang pasko. Ok lang iyan, sama-sama nalang tayo nang sa ganon ay ating maramdaman ang tunay na diwa ng pasko.
Isa, dalawa, tatlo at akin ng ibabahagi ang kwento ng buhay pag-ibig ko. Pag-ibig na nagsimula mula sa pagkaligaw sa isang kanto. Doon, aking natagpuan ang babaeng pinakamamahal ko ngunit diko alam na siya rin pala ang magpapatulo ng mga luha ko.
Nung tayo'y unang nagtagpo, bumilis ang tibok ng aking puso at tila ba'y nawala ang lakas ko dahil sa matamis na ngiti mo. Sa sandaling iyon ako na nga'y nagtapat kung ano ang nilalaman ng damdamin ko at hindi ko na napigilang tawagin ka ng mahal ko. Sa pagkakataong iyon unang beses ko marinig ang iyong boses na lalong nagpatingkad sa nararamdaman ko.
Tinapik mo ang balikat ko at tinanong kung ok lang ba ako. Tanging sagot ko lang ay oo basta ikaw ang mapapangasawa ko. Ngumiti ka at sinabing palabiro ako ngunit igiinit kong ako'y seryoso.
Hindi na ako nagsayang ng oras at tinanong ko ang iyong numero, sobrang tuwa ko naman nung ito'y ibigay mo. Simula noon dun na nagsimulang maglapit ang ating mga puso na kinalaunan ay nakuha ko na ang matamis mong oo.
Sa wakas may inspirasyon na ako, tangi kong nasambit sa mga oras na iyon. Para bang ako'y nanalo sa lotto sa mga oras na iyon ng buhay ko. Pagkatagal din kitang sinuyo at tuluyan ko na ngang inangkin ang puso mo. Masayang-masaya tayo ngunit hindi ko inaakalang hindi pala magtatagal ito.
Pagdating ng malamig na hangin sa buwan ng disiyembre, ikaw ay tuluyan din lumamig. Hindi mo man ito sinasabi ngunit ramdam ko na ubos na ang iyong pag-ibig.
Parang kape lang, sa una lang mainit tapos sa huli ay parang bangkay na sa lamig. Alam ko hindi lang ako ang nakaranas ng bigla-bigla nalang tutulo ang luha sa sahig tapos maninikip ang dibdib at mapapaupo napang sa gilid.
Hindi ko ito dinibdib pero sino ba ako para lokohin ang sarili ko. Ninamnam ko ang sakit hanggang sa maubos ang luha ko. Pagkaubos ng luha ko ok na ako, nakamove on na ako. Sa kabila ng napakasakit na dinulot mo kasabay naman nito ang pagkatuklas ko sa tunay na magbibigay liwanag at direksiyon sa buhay ko.
Hating gabi noon, siya'y nagpakita sa akin at sinabing " Anak, tatagan mo ang loob mo andito lang ako sa tabi mo." Ako'y tinayuan ng balahibo sapagkat ang kausap ko'y si Kristo.
Sa puntong iyon aking napagtanto na sa buwan ng disyembre hindi mahalaga kung sino ang jowa mo. Ang mahalaga ay matuklasan at maisapuso ang tunay na diwa ng pasko.
Ito'y pagdiriwang sa kapanganakan ng ating tagapagligtas na siyang nagsakripisyo ng kaniyang dugo. Huwag sana natin makalimutan ang tunay na kahulugan ng pasko.
Magbabagong taon na naman at marami sa inyo ay nangangamba dahil wala pang kasintahan, yan ay totoo ngunit sana ay ika'y matuto na ang pinakamamahal mo'y hindi hinahanap bagkos ito'y darating ng kusa sa iyo. Siya at tatapusin ko na ito.
Muli pag-ibig man niya'y tuluyang lumamig akin namang natagpuan at walang hanggan na pag-ibig mula sa nag-iisang hari na siyang nagbigay liwanag sa madilim kong gabi.
Salamat sa inyong pagbabasa at sana'y nakapagbigay ako ng aral patungkol sa aking paksa. Sana'y hindi mawala ang tunay na kahulugan ng pasko dahil lang sa pansamantalang kaligayan na kinalaunan ay magdudulot ng pighati sa iyong kalooban.
Lead image: I made it in Canva same with the image above.
Baka nanlalamig lang yan kasi pasko na 💖 by the way, okay lang yan. Your friends and family never leave youu. 💖