Bakit ka nag-iba? Meron na bang iba.

20 38
Avatar for Jher0122
3 years ago
Topics: Love, Free writing

Ako'y nakahiga sa mga luntiang damo nakatingala sa kalangitan pinagmamasdan ang mga tala na nag-uumapaw sa kagandahan kapiling ang inang buwan na sinisindihan ang madilim na kapaligiran. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin at kaytahimik ng paligid na siya namang kinakalma ang aking isipan na punong-puno ng halo-halong kaisipan. Kayganda talagang pagmasdan, hindi ka magsasawang sulyapan lalo na kung kapiling mo ang iyong pinakamamahal.

Bumalik na ako sa aming tahanan at tumungo na sa aking higaan. Aking mga mata'y kaybigat na kasing bigat ng kung ano ang nasa aking balikat. Mata ko'y papikit na ngunit sumagi sa aking isip na magdasal muna sapagkat ito'y kinalakihan kona. Tapos na aking pagdarasal at aking ipinanalangin na sana akin ng matagpuan ang babaeng papawi sa bigat ng aking nadarama. Akin ng ipinikit ang aking mga mata at natulog ng mahimbing.

Mahimbing ang aking tulog ng ako'y maalipungatan dahil mata ko'y nasisilaw na sa sinag ng haring araw. Mga sinag ay tumatagos na sa bintana ng aking silid tulugan na nagbibigay init sa aking paggising sa umaga. Ako na'y nag almusal, naligo at nagbihis upang pumasok sa aming paaralan ngunit aking napagtanto na ako'y nananaginip ng gising sapagkat nasa gitna pala tayo ng pandemiya kaya sa loob ng bahay ang ating paaralan.

Ako nalang ay nagbihis muli at sa aking pagbibihis ay aking nasulyapan ang isang larawan na punong-puno ng kasiyahan. Napangiti nalang ako sabay napaupo at aking inalala kung ano nga ba ang larawan na aking nakita. Mga masasayang ala-ala kasama ang aking pinakamamahal na kasintahan ay nagbalik ngunit kasabay ng pag-alala sa masayang nakaraan ay bumalik naman ang pait na aking naranasan.

Diko namalayan na pumatak na pala ang mga luha sa ating larawan. Kumirot ang aking dibdib at para bang pinipiga na tila ba ako'y mawawalan na talaga ng hininga. Aking pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha kasabay ng aking pagpigil sa pagbalik ng mga mapapait na ala-ala nung kasama ko pa siya. Habang luha ko'y patuloy na umaagos mula sa aking mga mata ay unti-unti ring nabubuhay ang mga matagal ko ng ibinaon sa malalim na hukay na nagdulot sa aking puso at isipan ng malalim na sugat na hanggang ngayon at hindi pa naghihilom ng tuluyan.

Tuluyan na kitang kinalimutan ngunit pagkita ko sa ating larawan ay para bang may sinisigaw pa ang aking puso na para bang hinahanap parin ang iyong mainit na pagmamahal. Iyong pagmamahal na sa una'y para bang ito'y tunay na tunay ngunit kinalaunan ito pala'y isa lamang biruan at ang masaklap pa ay ginawa niyo pa itong pustahan ng iyong mga matalik na kaibigan.

Noon una ay napakaganda ng iyong pakikitungo sa akin ngunit paglipas lamang ng ilang taon ay naging matigas na yelo na ito. Sa pagkakataong iyon aking naitanong sa aking sarili kung bakit ka nag-iba, meron nabang iba sa iyong puso at isipan na siya nang nagpapaligaya sa iyo sinta. Kinagabihan ng aking kaarawan ay inaabangan kita sa iyong pagpunta ngunit hindi ka man lang nagparamdam. Sa mga oras na iyon ay gulong-gulo na ang aking isipan, tingin ako ng tingin sa orasan baka sakaling ika'y hahabol pa. Wala talaga at diko na napigilang lumuha pa.

Simula noon hindi kana nagparamdam sa akin sinta. Pakiramdam ko tuloy ako'y iyong kinalimutan na ng tuluyan. Pagdaan pa ng mga araw at ako'y nakatanggap ng isang liham na nakasulat ang pangalan. Sobrang tuwa ko naman nung mabasa ko na sa iyo pala galing ang liham. Akala ko'y liham ito ng iyong pagmamahal ngunit pagpatak sa gitna ng iyong liham ito pala'y isang sulat ng iyong pamamaalam. Diko namalayan na aking nabitawan ang baso na aking hinahawakan, ito'y nabasag kasabay ng pagkabasag ng aking puso at isipan.

Sa iyong liham ay iyong ipinaliwanag kung bakit ika'y nawalan ng gana sa ating pagmamahalan. Aking inaasahan na ikaw ay may malalim na dahilan ngunit pakiramdam ko ako'y iyong pinaglaruan lamang. Ang iyong dahilan ay dahil lang sa ako'y isang maralita. Sa puntong iyon para bang ipinagkait mo na sa aking ang tunay na kaligayahan. Bakit ba ganiyan lagi ang kalakaran padating sa mga maralita? Bakit lagi kaming napag-iiwanan? Hindi ba namin karapatan na maranasan din ang tunay na kaligayahan mula sa dalagang matagal na naming ipinagdarasal sa ating May Kapal.

Kay saklap nga naman kung paano maglaro ang tadhana sa ating mga tao ngunit sa kabila ng pait na dulot nito'y mayroon paring mas mabuti na ating mararanasan sa ating paglalakbay.

Simula noon hindi na ako nangahas pang subukan muli na ipagkatiwala ang aking puso sa isang dalaga sapagkat ayaw ko nang maranasan muli ang pasakit kagaya sa ating nakaraan. Kahit kami'y mga kalalakihan ay nakakaramdam din ng matinding kalungkutan sa tuwing kami'y nasasaktan lalo na kung kami'y pinaglalaruan lamang.

Gabi-gabi ako ay patuloy na nananalangin na sana akin ng matagpuan o di naman kaya'y kumilos na ang tadhana at pagsalubungin na kami ng aking kapares na sinta upang sa ganon ay masimulan na ang inaasam na ligaya. Titingala sa kalangitan at kasamang pagmamasdan ang nakakabighaning ganda ng mga kumikislap na tala. Ako'y patuloy na magdarasal at hahayaan nalang na ang tadhana ang bahala sapagkat naniniwala ako sa plano ni Ama.

Lead image: Ginawa ito sa tulong ng Canva kasama ang larawan sa itaas.

Sponsors of Jher0122
empty
empty
empty

10
$ 7.77
$ 7.41 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.10 from @ZehraSky
+ 3
Avatar for Jher0122
3 years ago
Topics: Love, Free writing

Comments

Ang ganda po ng story,, nkakalungkot man isipin na mabbaw ang dahilan pra makipagbreak yung girl pero wala ng magagawa kundi mag moveon at muling buksan sa iba ang puso masayang mabuhay at magmahal. Iwasan mong malugmok ng dahil lang doon.

$ 0.02
3 years ago

Talagang nakakalungkot na angbabaw lang ng dahilan ngunit sabi mo nga lahat may dahilan kaya't magmoveon at magdasal na lamang .ng sa ganon ay matagpuan ang tamang tao para hindi na lubusang masaktan.

$ 0.00
3 years ago

Kaya wag na lang magtago pa ng mga larawan. Sunugin nga mga yan lol! Joke lang. Tama ka jan. Wag huminto ang panalangin. Makakahanap ka rin ng taong para sa yo. Maraming sakit pa siguro ang mararanasan bago mahanap ang para sayo.

$ 0.02
3 years ago

Ay naisip ko din po iyan na bakit pa kasi nagtatago ng mga larawan ng ex kung mapait na ala-ala din lang ang maalala haha..Yung ibang kaibigan ko nakaprofile pa sa fb nila haha.. Opo dasal at matibay na paniniwala lang po ang karamay natin sa pag-aantay sa ating pinakamamahal na binibini.

$ 0.00
3 years ago

Darating din po yan siguroy may dahilan ang lahat kung bakit naghiwalay ang inyung landas tanggapin mo nang buong puso ang katutuhanan na lahat ng pangyayari ay may dahilan, at palayain muna ang iyung sarili sa nakaraan ng sa ganoon ay ikaw ay maka move on and I thank you. 😊

$ 0.02
3 years ago

Tama ka diyan kaibigan kung nasaan ka man..para bang itong nilalaman ng aking kasulatan ay iyo ng naranasan kaya't napakaganda naman ng iyong payo sa akin na nasaktan ng lubusan..

$ 0.00
3 years ago

Napakasakit nemen. Meron sa buhay na darating na parang leksyon sa buhay. Parang blessing in disguise. hehe.

$ 0.00
3 years ago

Darating din ang tamang tao na karapat dapat sa iyong PAg ibig yong susuklian ka din ng lubos na PAg mamahal

$ 0.02
3 years ago

Tama kapo jan ang tamang tao para sa ating lahat ay darating sa tamang panahon at oras.

$ 0.00
3 years ago

Totoo yan may nakalaang tamang tao sa atin

$ 0.00
3 years ago

Ito ba'y iyong tunay na naranasan o dala lamang ito ng iyong malikot na imahinasyon? Subalit, datapwat, magkaganonpaman magbibigay pa rin ako ng aking opinyon hinggil sa nakalahad dito. Dalawa lamang yan ee, maaaring dumating sya para mahalin ka hanggang dulo o kaya naman ay upang mag bigay lang ng aral na magagamit mo sa iyong kasalukuyan. Maaari mo rin itong maipamahagi sa susunod na henerasyon.

Hahahaha ambot ahaha

$ 0.02
3 years ago

Hindi ko man nais na ika'y biguin ngunit ito'y dala lamang ng pakikinig sa mga musika na may malalim na pinanghuhugutan ..😁 Masasabi ko rin na nangyayari ito sa totoong buhay kayat ginawa ko ding basehan. Ang iyong opinyon ay tama sapagkat ganiyan talaga ang tadhana.

$ 0.00
3 years ago

Ang buhay ay parang life, minsan sometimes, mahirap it's tough 💪.

$ 0.00
3 years ago

Hahaha natawa ko sayo sis...

$ 0.00
3 years ago

Ahhhh so sorry for this. Anyways do you believe in the saying people come to give you a lesson? Cguro this time it is a lesson for you. Keep motivated. Maybe it's not the perfect time. Don't give up! The right person will appear on the right time

$ 0.02
3 years ago

Oo nga I do believe in that also that those people who are not meant for us are just a messenger who gives us a lot of lessons so that in the future we are ready for what might happen.

$ 0.00
3 years ago

'Wag kang mabahala kaibigan sapagkat darating at darating ang taong magmamahal sa iyo ng tunay na ang tanging hangad ay paligayahin at alagaan.

$ 0.02
3 years ago

Inaantay ko rin ang araw na iyan kaibigan.. Tadhana na ang bahala at. akin ng ipapaubaya kung ano man ang susunod na pahina ng aking buhay.

$ 0.00
3 years ago

Naranasan ko ang nasa ganyang sitwasyon. Huwag kang mabahala kaibigan, darating din ang taong inilaan sa'yo ng Maykapal. Ang taong magmamahal sa'yo ng lubusan at hindi tumitingin sa iyong katayuan sa buhay. Taong handa kang tanggapin at magiging katuwang mo panghabang-buhay.

$ 0.02
3 years ago

Sana nga ang dumating ay isang fao na katulad ng aking ipinagdarasal sa ating Ama. Sana pagmamahal ang ibigay at hindi ang panghuhusga sa kapwa.

$ 0.00
3 years ago