read.cash Log in
@JhennyDR

@JhennyDR in November 2022

@JhennyDR

Sopas po kayo diyan! Kain po muna tayo noise.app family! Pagkagaling namin sa sementeryo nagpabili si mama ng pang sopas kaya ito niluto ko ngayon. Talaga namang nakakamiss mag sopas lalo na kapag ganito ang panahon. Kaunti lang din ang nailagay kong gulay kasi ang mahal na pala ng gulay ngayon. Dati nakakabili ng ginayat na gulay na 10php or 15php pero ngayon ay 30 pesos na isang balot. Ang dami kasing apektado na magsasaka at ang hirap ngayon at maulan kaya din siguro…

@JhennyDR

Before and after! Sa wakas nakatapos ako kanina dito sa bandang harap at gilid ng bahay. Grabe akala ko Hindi ako makakatapos sa dami ng dahon na nalaglag bale almost 2 days ang mga dahon na yun dahil nakawalis pa ako nung nakaraan hehe pero grabe na kaagad ang tambak na dahon. Magandang gabi po sa inyo, akoy magluluto pa lang ng aming hapunan. Nandito si mama at darating ang isa kong kapatid kaya kailangan makapagluto na para makakain na yung kapatid ko pagdating galing…

@JhennyDR

5:00am versus 6:30am Sa unang picture ay ang maliwanag na itsura ng view na ito mula sa shrine doon sa sementeryo, ang lakas ng alon ng dagat at talaga namang rinig na rinig namin. Ang second picture naman ay yung 5am. Madilim pa talaga ang paligid at ilaw lamang ang tanging makikita pero naririnig pa rin ang lakas ng alon. Ang lamig pa niyan kanina mga kaingay. Ang sarap mag muni muni habang dumadalaw sa puntod na ganito ang view. Ngayon lang ako nakatambay ulit dito kasi…

@JhennyDR

Hot Pandesal Naaalala ko yung palaging sinasabi ng papa ko dati nung nakabili kami ng matigas na tinapay. "Walang matigas na tinapay sa mainit na kape" hehe think positive pa rin ang papa ko nun. Hanggang sa nung maggawa na rin siya ng tinapay talaga namang malalambot at masasarap. Ito naman pong aking picture ay gawa ng aming kapitbahay. Masarap sila gumawa ng tinapay, malasa at talagang di ka magsasawa na bumili. Pero ito ay kapalit nung ingredients na kinuha nila kila…

@JhennyDR

Umaraw na din! After ng ilang araw na walang tigil na ulan, finally ay umaraw na din. Kagabi naglaba ako para makapag labas ngayon ng sinampay. Yung iba hindi na nagkasya hehe kaya nasa loob pa rin ang mga maninipis lang. Sana po ay maaraw na din sa inyong mga lugar. Ang hirap magpatuyo kapag maulan. Ang mga damit ng mga bata ang inuuna ko parati at ang mga uniform din ni mister kasi hindi pwedeng hindi matutuyo at wala silang gagamitin. Sana nga ay hanggang mamaya naman ang…

@JhennyDR

Anung tinatago mo diyan? (^‿^) Kakagising lang po nitong aking aling maliit at busy na siya mag sulat. Mag sulat, hindi sa papel kundi sa kamay haha. Kaya tinatago niya yung ballpen at yung kabila niyang kamay hehe. Sabi ko nga ay wait lang siya, laro siya dito sa loob nilagyan ko siya ng laruan tapos mag wawalis ang mama, aba sabi niya, "maaaaaaa wawa Ela" yung itsura niyang parang kawawa namumungay ang mata hehe. Tanggal ang stress ng mama sayo anak ko. Salamt sa Diyos at…

@JhennyDR

Tara kape! Magandang gabi po! Habang nag gagayak ng pang hapunan ay nag kakape, ganun din po ba kayo minsan. Dami kasing tumatakbo sa isip ko ngayon, hindi na malaman kung anu ang mauuna hehe. Mag una unahan na lang sila anu po haha. Ang sarap kasi magkape kahit medyo mainit init pa rin. Salamat sa Diyos kasi natuyo ang karamihan sa sinampay ku, ang mga makakapal na lang ang hindi pa pero pasasaan at matutuyo din. Bukas ibibilad ko sila ulit. Nakaluto naba ang mga ate, kuya…

@JhennyDR

Champorado Niluto ko ang kanin na tira kagabi, hinaluan ko ng cocoa. Dahil para maiba naman ang almusal ng mga bata. Kapag mag luluto ako ng champorado sa umaga nag dadagdag ako ng sinaing sa gabi para yun ang lulutuin ko kinabukasan. Mas mabilis na lang din ang proseso para di gaano matagal lutuin. Magandang umaga po, papakainin ko muna ang aling maliit namin. Kain na rin po kayo! God bless you All!

@JhennyDR

Pati picture pala nasa notification din😍 Ngayon ko lang ito napansin hehe hindi ko alam kung matagal na bang ganito or ngayon palang. Marami kasi akong naka on ang bell para ma subaybayan ko ang mfa posts nila and nung mga nakaraan eh di ko naman nakikita ang picture na kasama, mga text lang. Ngayon hehe nakita ko ito post ni sissy @XOperUs Nakakatuwa naman ma vview na din ang picture kahit nasa notification palang hehe.

@JhennyDR

Tuyo/dried fish plus noodles! Maaliwalas na umaga po sa inyong lahat, thank you God sa another day na binigay ninyo sa amin. Kasalukuyan na kaming nasa school ngayon, hinatid ko ang aking mga estudyante. Kanina itong aming almusal ay tuyo at itlog, sabay sabay kaming kumain na buong pamilya. Ang sarap sa pakiramdam na sabay sabay kumakain pati si aling maliit hehe. Maaga silang nagising lahat dahil kagabi maaga silang nakatulog. Hindi na rin ako agad nakabalik dito, sorry…

@JhennyDR

Late lunchiees! Sabay sabay kami ngayon nagtanghalian nila mother earth at ng kapatid ko. Day off kasi ng bunso kong kapatid ngayon kaya dito kami lahat nag ipon ipon. Pritong bangus po ang iniluto namin tapos may nilagang gulay din. Okra at talbos kaya lang di ko pala na kuhanan ng picture. Tuwang tuwa ang mga chikitings kasi namiss nila ang tito nila. Ang ganda sana maglaba ngayon ang init kaya lang baka bukas pa ako makalaba at ang supply ng tubig ay bukas pa. Hehe Mainit…

@JhennyDR

Large Pandesal Kakagawa lang nito kaya mainit init pa, bumili si mama dito sa aming kapitbahay. Sumakto kasi na kagagawa lang nila at oras naman din ng paglabas ni mother earth. Maulan nanaman ang aming hapon noise.app fam, sa inyo din po ba? Ito na siguro ang kapalit ng sobrang init nung dalawang araw, ngayon naman bumawi. Tara po at magkape na!

@JhennyDR

Magandang gabi po! Maulan na gabi noise.app family! Thank you Lord sa mga blessings. Kanina ito ang kinain ng mga bata na hapunan. Pero si Ela patatas lang ang kinain niya, ayaw daw niya ng hotdog. Mas mabuti naman din yun patatas hehe. Ngayon ko lang sila ulit napaulam ng hotdog. Madalang, kasi hindi nga siya healthy na araw araw kainin at isa pa ay nagmahal na din. Ang hinahanap talaga ni Ela ay papaya ¯\_(ツ)_/¯ kaya lang wala naman kaming papaya kanina. Subukan kong…

@JhennyDR

Saging po kayo diyan! Mapagpalang umaga po sa ating lahat noise.app fam. Mag almusal po muna tayo bago gumawa ng mga gawain natin ngayong sabado. Naka tiyempo ng murang saba kaya heto at nakalaga na ako sa labas para tipid sa gasul. Happy Saturday!

@JhennyDR

Late lunch po muna tayo! Tinapos ko ang aking labahin kasi kailangan malabhan na ang mga kakailanganin ni mister sa pag pa manila niya bukas. Hay salamat Lord sa kalakasan, nakatapos nanaman ng gawain. Kaya ngayon harapin ko naman ang aking tiyan haha. Kain po muna tayo! Kumain naba kayo?

@JhennyDR

Ube Kamote Mother earth is here! kaya pala tahol ng tahol yung mga aso sa labas may kasama pala si mama na nag titinda ng kamote at ang nakakatuwa ay sa murang halaga dahil sarili nilang ani. kaya syempre laga mode tayo muna para may ma meryenda hihi. tapos sabayan natin ng kape ito mamaya. Salamat Lord for another blessing po. magandang hapon, mga magaganda kong ate at magagandang lalKe kong kuya at sa mga kapatid ko ditey!

@JhennyDR

ginisang ampalaya na may itlog! (sauteed bitter gourd with beaten egg) Cold evening noise.app family! kamusta po ang maghapon ninyo? sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Gabi nanaman at hapunan time na kaya ito po ang aking entry for today's vidyow, este for today's hapunan pala 😅. Hindi ako nakatuyo gaano kanina kasi biglang umulan kaya ayun, nataranta ang inday sa pag kuha ng mga sinampay haha biglang bugso talaga, sa inyo din po ba umulan ngayong araw?

@JhennyDR

magandang magandang morning! Madali talagang masanay at mag adjust ang body clock ng aking mga chikitings hehe. Kapag may pasok 4:30 to 5am sila nagigising. Ngayon kahit weekend hehe ganun pa rin ang gising nila hindi na nababago.Ang tres marias ko naku mahilig mag picture sa phone pero ang aming kuya di masyado mahilig, may pag ka mahiyain kasi siya. Bangon bangon na po tayo, at prepare na ng almusal para mamaya. Hindi ko pa alam kung anu bang schedule ng pag alis nila…

@JhennyDR

A Blessed Sunday noise.app family! Kamusta po kayong lahat? Maayos ba tulog natin diyan? Kagabi malamig kaya ang aming little bossings ay masarap ang tulog .hanggang gabi ang ulan dito sa amin, akala ko nga ay di nanaman aaraw ngayon pero thank you Lord at ito po napaka aliwalas ng panahon. Nakapagbilad nanaman ako ng mga sinampay ko kahapon para makatuyo na. I hope na maging productive ang araw nating lahat!

@JhennyDR

Lunch Time na! Ngayon lang ulit ako nakapag luto nitong adobong atay ng manok. hinaluan ko ng itlog din ito na nilaga para sa chikitings. Naalala ko sabi ng aking late father ay dito daw ako pinaglihi, dahil nong pinag bubuntis daw ako ni mother earth ko mahilig daw si mama dito. Mas marami siya nakakain at di nag susuka kapag ganito ang ulam hehe. Nung ako ay nag lilihi din grabe ang tindi ng selan ko. Lahat na lang ng kainin ko eh nilalabas ko din. Mga dati kong nakakain…

@JhennyDR

Nanay is back! Kaninang hapon dumating na si nanay, may mga dalang gulay at itong manok na niluto niya ngayon. Siya daw muna magluto para sa mga chikitings at sa amin na din. Adobo na manok po itong niluto ni nanay na dinagdagan niya ng itlog na nilaga at nag dagdag din siya ng sabaw kasi mahilig minsan ang mga bata sa sabaw ng adobo, minsan pag ako ang nag luluto ng ganito, binubukuran ko ng sabaw mga bata para mailuto ko pa rin na medyo tuyo ang adobo kasi mas masarap…

@JhennyDR

Early Biyahe Goodmorning po sa mga gising pa diyan, goodmorning everyone. Ako di makatulog kasi nag aalala ako kung makaka abot ba si mister ko sa usapan nilang oras. kanina pa siya nag ready 11:30pm. Umalis dito sa bahay ng 12:30 pero anong oras na di pa nakakasakay. haaay. Ito ang hirap kapag walang service, talagang napaka hirap ilang oras ka mag aantay ng masasakyan. Ngayon kasi ang biyahe niya pa manila para sa 1 week training nila. Sana ay umabot siya. Hindi pa ulit…

@JhennyDR

Nilagang Kamote! Goodmorning po ulit! Kamusta po kayo? Kamusta po ang tulog natin diyan? Naka idlip ako ng mga mag 5am, pero bumagon din agad kasi kailangan makaluto ng almusal ng aking mg estudyante. Nag kanin sila at itlog, tapos nag laga naman ako ng kamote para sa amin. Si aling maliit ngayon lang nagising at nung makita niya yung kamote hehe tuwang tuwa. kain na daw siya. Happy Monday po sa ating lahat,Thank you Lord sa another week na ito na ipinagkaloob ninyo sa amin.

@JhennyDR

Hapunan Time po Muna Kakatapos lang mag video call ng papa namin at nandoon na daw siya sa boarding house nila. Tapos na din siya kumain, grabe ngayon ko lang naranasan na hindi siya uuwi for a week kaya talagang nakakapanibago. Panay din ang bilin ko na kumain doon at yun di mahilig kumain kapag walang kasabay. Anyways kakain na din po kami nag dagdag na lang ako ng saluyot doon sa gulay kanina na may papaya plus itong pritong tinapa at saging para sa hapunan. kahit ganito…

@JhennyDR

Kid's snack for school later! Hatid time na at ito ang ibinalot kong baon nila, nagustuhan kasi nila iyong ensaymada na gawa din dito ng katabi namin. Kanina naman ang inalmusal nila ay kanin, itlog at noodles. nagluto ako ng isang noodles para lang din may sabaw sila. Nagahol kami sa oras kanina dahil 5am na kami nagising, at nagising din si Ela hehe nagka S siya kanina pero napatulog ko din kaya mabilisan na munang almusal ang niluto ko, madalang lang din naman dahil…

@JhennyDR

Recess time din daw niya! Kapag talaga maraming kailangan gawin ang nanay ay kailangan busy din ang babies. Si Ela, habang ako ay busy sabi niya kanina sulat din daw siya, habang nag tatrabaho ako, siya din hehe. Tapos ngayon nag luluto na ako ng pananghalian, siya daw recess na haha. Enjoy lang sa iyong turon bebe Ela ko, mamaya call natin ang papa para naman maibsan ang pagkagiliw. Ang mga mommies and dads diyan busy na din ba magluto for their chikitings na uuwi galing…

@JhennyDR

Mataas din ba ang presyo ng gulay inyo noise.app fam? Grabe parang araw araw ngayon ay nadadagdagan ang presyo ng gulay. ang sitaw na per tali dati ngayon ay kinikilo na din daw sabi ng may tindahan dito sa amin sa kinukuhanan nila na bagsakan ng mga gulay. Dati madalas marami akong magluto ng gulay pero ngayon ay hindi, iilang pirasong okra, halos 10 pirasong sitaw at isang hiwa na kalabasa lamang ito makaulam lang ng gulay hehe.

@JhennyDR

Nakapag hapunan na po ba ang lahat? Sa mga hindi pa diyan, sabayan niyo na po kami. Ulam namin ay hindi basa kundi tuyo haha. Dinagdagan ko na lang ng tuyo at itlog ang ulam namin kasi may tira pang kaunting gulay kanina. Dagdag bawas lang muna tayo ngayon hehe. Mahigpit na ang sinturon dati, mas pinahigpit pa ngayon. At yung noodles na makikita ninyo sa susunod na pic ay sinend naman ni mister ko, meryendahin daw niya muna ito kasi mamaya pa daw siya kakain ng hapunan dahil…

@JhennyDR

Tara Kape! Kapartner at Kahati ko talaga si mister pag nag kakape pero ngayon pang 3rd day na siya doon sa manila. Kaya solo muna ako magkape, nakiusap ang tatlo kong estudyante susubukan daw nila ulit pumasok ng sila lang. Tinanong ko muna sa papa nila at pumayag naman, sakto at maglalaba na lang ako ngayon hehe. Si Ela naman nasa secong pic, busy na din school na daw siya haha. magandang umaga po ulit! tara kape!

@JhennyDR

Macapuno Pasalubong ni bunsong kapatid itong macapuno at yung isa hehe nasa ref pa hindi ko ma picturan dahil si Aling maliit antok mode na siya kaya habang siya ay nag dedede ako naman si noise hehe. Di na ako nakabalik mula kaninang morning dahil nabusy sa mga labahin. mga damit pati kumot at sapin pero bago yun ay naglinis pa sa ibaba ng mga walisin mga dahon. kaya sobrang kabusyhan ng lola niyo. Bago naman ako mag open ng noise ay kausap din namin si papa niya kasi break…

@JhennyDR

Lumpiang gulay! Meryenda pero mukhang hapunan na rin hehe kasi anong oras na rin. Ngayon ay magkakasama kami nila mother earth at bunso kasi day off niya. Dito kami nag iipon ipon para makapag bonding din at hindi ganoon ma bagot si mother earth. Nag meryenda na po ba kayo o hindi pa, pagsaluhan natin itong biyaya ng nasa itaas. Salamat sa Diyos sa lahat ng biyaya. Mahal na ang mga gulay kaya yung mura na lang ang ipinalagay ni mama dito sa lumpia. May sawsawan na din, kaya…

@JhennyDR

Energetic pa rin si Aling maliit! Magandang gabi po from our aling maliit na talaga namang energetic pa rin. Lumapit sa akin, nakita niyang hawak ko ang cp, sabay sabi, ma picture? Tapos after ng picture picture sasabihin niyan ,ma tingin? hehe kapag ayaw niya yung pic niya sasabihin niya ayaw niya yun kaya dinedelete ko na agad hehe, Basta itong aming little bossing na ito kapag nakalapit sakin or kay papa niya at may cp na hawak ayan agad ang request eh. After niya kasi…

@JhennyDR

Goodmorning! Ang aga namin magka chat ni mister at ito nga kakasend niya lang sa akin na nag aalmusal na siya doon kasi kailangan eh nakagayak sila ng maaga before 6am. Ngayon lang talaga kami nagkalayo ng ganito katagal kaya talagang nakakapanibago. Di ako makatulog, kahit mga anak ko hanap na ng hanap sa kanya. Si Ela na talagang masugid niyang tiga pag hintay sa gabi eh nag tataka din. Ang ginagawa namin nag vivideo call kami pag yung medyo malapit ng antukin si Ela para…

@JhennyDR

Hatid time! Pasok na ulit sila sa school. Kapag malilim ay sinasama ko minsan si Ela sa hapon pagsundo at paghatid sa umaga pero sa tanghali talagang hindi kaya at sobrang init. Ito ngang aking big three eh init na init na pagdating sa school nila hehe. Magandang tanghali po, kumain naba kayo noise.app fam? Sila ay oo pero ako mamaya na muna hehe, late na din kasi ako nakapag almusal kanina ng kanin kaya busog muchie pa. Btw, ano pong ulam natin diyan?

@JhennyDR

Little Marsh mallows! Habang nag hihintay si Aling maliit sa nilagang kamote eh ito muna ang pinag kaka abalahan hehe. Luto daw siya mallows, kaya ayan mag luluto muna siya nitong maliliit na mallows at siya din ang kakain pagkaluto niya haha. Nag lalaga ako ng kamote para sakto pagdating ng mga estudyante eh meron na silang dadatnan na meryenda. Tapos sasabayan natin ng kape, diba! Kamusta po kayo diyan, kamusta po ang araw ninyo?,

@JhennyDR

Finding Ela! Galing magtago ni aling maliit,pero nahuli rin! Huli pero di kulong. Kanina habang may ginagawa ako sa kusina, tumunog ang cellphone at si mister pala tinatanong anong gawa nila. Sinend ko sa kanya ang naka upload sa second pic, sabi ng papa nila, nasaan si Ela? Hayun pala at nasa ilalim ng kumot, pag silip ko sabi niya sa akin, mama goodnight haha. ang tawa ko ay haha, nandoon pala siya sleep na daw siya, eh kagigising nga lang niya kanina. Magandang gabi,…

@JhennyDR

Egg! Pambansang almusal na yata ito dahil kahit saan ay magagamit talaga ang itlog pang almusal. Mahilig din ba ang kids ninyo sa itlog pag almusal? Sa akin naku kahit na ito ang ulam nila madalas di sila nagsasawa hehe. Magandang morning noise.app fam! Have a blessed Friday! Let's stay positive and spread Love!

@JhennyDR

Enjoy na Enjoy sa Turon! Sarap yan Ela? Halos di siya nag sasawa sa turon talaga silang magkakapatid at papa nila mahilig sa turon, or basta kahit na anong saging pa yan di nila inuurungan hehe. Habang nag lalaba ako busy na siya nag rerecess, as usual eh talagang mayat maya eh kailangan may naka ready siya na kakainin kasi maya maya nagugutom, nag babawi pa silang lahat simula nung magkasakit. Kaya naman walang sawang pasasalamat ang sinasambit ko sa Panginoong Diyos natin…

@JhennyDR

On my way to Mom's Done taking my kids to school for afternoon session and now I'm on my way to mom's house. Later we will both go to our house which is not that far from hers. It's a gloomy afternoon, and I'm afraid that there will be another downpour later just like last night. I did the laundry this morning and I hope that it wil be dry before the rain comes. I don't know if there's a low pressure area or storm again. I hope that there's none. Happy Friday Everyone! How's…

@JhennyDR

Goodevening Noise.app Fam! Popcorn po kayo diyan, Galing si mother earth dito kanina at nagpaluto ng popcorn. Naamoy niya daw pagdaan sa school kasi may tindang popcorn doon hehe. Kaya nagluto na lang kami dahil meron kami dating nabili na popcorn. Kaya para mas marami nagluto na lang kami. Para di na rin gumamit ng mantika ang ginamit ko ay margarine. Nakatuyo rin ako ng ibang dami hehe, uminit ulit kanina eh pero yung pagdilim ulit eh may ambon na. Anong oras pa lang ay…

@JhennyDR

Gulay at Isda Ito talaga ang perfect match na ulam eh, yung may gulay ka at isda. Kaya lang wala yata sa mood mag isda ang mga chikiting kaya ayan at may tira pa. Maging si Ela eh di gaano nag pasubo ng isda ngayon, mas nagustuhan nila mag higop ng sabaw ng gulay. Bukas reremedyohan ko ang isda para naman sa almusal. Diskarteng nanay points haha. Talagang walang dapat masayang,diba noise.app fam? Sa presyo ng bilihin ngayon, nakakalula na sa taas, kaya talagang lahat ng…

@JhennyDR

A cold morning everyone! Cold sa akin pero kay Ela at Mj hindi, saglit ko lang kinumutan si Ela pag check ko ngayon may pawis na hehe. Same ni sissy @Neria ang aga ko din nagigising kahit walang pasok. Nakasanayan na ng katawan ko, pero ang chikitings ko eh borlogs pa. hehe Habang nakasalang naman ang niluluto ko tupi mode muna ng mga tuyong damit kahapon. Tara! Kape na!

@JhennyDR

Hindi talaga papahuli ang mga chikitings ko, gising na din sila kaagad kanina kahit walang pasok hehe. Ito ang pinag kaka abalahan ni aling maliit ko, habang busy ako nag luluto, siya ay busy din magluto kasi hungry na daw ang ate niya haha. Ang galing talaga gumaya ng mga bata ngayon. Luto daw siya ng brocolli at repolyo para daw healthy ang tummy aba anak sana nga ano hanggang paglaki hindi magbago at kahiligan ninyo sa gulay. Magandang morning po ulit, ang cute lang kasi…

@JhennyDR

Kumakain po ba kayo nito? Dilis na pinangat sa kamias po ito, Ang aming tanghalian kanina at talaga namang napalaban sa pag kutkot si byenan ko. Pero ito kasi yung isda na hilig niya talaga kainin yung maliliit. May kakilala kasi ako na ayaw naman ng dilis na ganito hehe pero ako malaki or maliit na isda eh keri naman hehe as long as okay naman ang lasa at makakain ay go tayo diyan! Ang sarap niya kasi sariwa yung kamias kakapitas lang.

@JhennyDR

Nilagang Kamote! Magandang hapon po sa inyo! Ang dami kong nababasa na maulan sa kani kanilang lugar, dito naman sa amin ay makulimlim lang maghapon, itsurang mukhang uulan pero hindi pa naman tumutuloy. Nag sisimula nanaman nga ang mga sipon at ubo ng mga bata sa school ng aking mga chikiting, may nakakapasok pa din talaga kahit nag hihigpit na sila, anak ko kasi ang nag kukwento sa akin, sana naman ay di sila mahawa kasi ang hirap nanaman pag absent ng absent. Anyways,…

@JhennyDR

Treat ni Kapatid! Dumating si bro kanina at may dala nito. Medyo matagal tagal na din nung huling nakabili kami nito kaya medyo nag crave daw siya. Sakto naman na wala pa si mother earth kaya pala dito muna dumiretso sa bahay. Isinama kasi sa pampanga si erms ng aking panganay na kapatid. Kumain na po ba ang lahat? Nakakatuwa talaga si God sobrang daming unexpected blessings kaya Salamat po Lord, Salamat po ng marami. O paano ba yan, isaw sakin at betamax kayo po kuha na!

@JhennyDR

Goodmorning everyone! Happy Sunday! Have a very blessed Sunday po sa ating lahat! Salamat po Lord for another gising blessing dahil kami ay nagising ngayong araw na ito. Love these lyrics and wanted to share it with you, "From that cross You looked at me,Oh what love, poured out for me What a beautiful love" What a beautiful love from you God" Before doing anything we had our breakfast earlier, pandesal at noodles para mainitan ang tiyan. almusal na din po noise.app fam!

@JhennyDR

Late lunchiees! Finally nakatapos na ng labahin kaya kakain naman ngayon ng lunch. Sinigang na isda po muna kami ngayon for lunch. Kamusta po kayong lahat, kamusta po ang inyong sunday? Medyo makulimlim ngayon pero buti na lang at hindi naman umaambon kaya nilabas ko pa rin ang sinampay namin, sa inyo po ba maulan or hindi naman?

@JhennyDR

Pampawala ng antok Kung si sis @Mitchi ang pampawala ng antok ay yung anghang ng sili sa kanyang kinakain na fishball hehe sa amin naman itong crinkles na pasalubong din ni kapatid kagabi. Kailangan na daw kasi kainin at galing sa ref kaya lang kagabi di na nakain kasi nabusog na kaagad kaya ngayon na lang. Hindi kasi pwede matulog dahil baka biglang umulan, naku sayang ang laba ng mga dami kung mababasa lang din, ang panahon kasi pabigla bigpa nagbabago eh, ngayon ang dilim…

@JhennyDR

Sigarilyas! Namiss ko.itong gulay na ito, mahal kasi ito sa bayan. Pero ito ang gusto kong luto dito, ang ginisa na may sardinas. Manamis namis kasi ito po ay bagong pitas. Yes na yes, sariwa po siya at medyo mura lang din itinda dito ng mga kakilala namin kasi sarili nilang ani ito sa bundok. Kumain kanaba? Hindi pa? Tara na, kaon na kita. Masilam ini! Ay tunay!

@JhennyDR

It's Monday! Thank Gof for this New Week! Goodmorning from our little one, masigla at ganado agad magdulat pagkagising kahit na may sipon. Hehe Hindi talaga paaawat sa kanyang hilig si Ela. Simula nung natutunan niya ang circle isulat ng paulit ulit, ayun naman na ang kanyang ginagawa tuwing umaga. Pag kagising at tapos na kumain maya maya ay hahanap na "ma bupeeen" ma pepel" haha Anyways, kamust po mga tulog natin diyan?

@JhennyDR

Kuha ni Ate Missy Sabi niya kasi sa akin may ipapakita daw siya, sabi ko kung anu yun, pipicturan na lang daw niya. Ayun pala ang sinasabi niya, yung moon daw. Nakikita niyo rin ba? Hehe medyo maliit siya eh, ay hindi pala sobrang liit pala hehe sa pagkakakuha ng aking ate Missy. At pati di Ela eh niyaya niya sa may pintuan para ipakita at amazed na amazed naman din ang Aling maliit hehe. Magkakasama sila ngayon kasi di nakapasok ang mga estudyante ko at may kaunting sipon,…

@JhennyDR

Torta at Tinapa Late lunch muna tayo noise.app family. Nakaready na din ang sawsawan ko may bagoong at suka tapos may kaunting sili. Late man ang lunch namin ay worth to eat pa rin. Nabusy ang inday at kailangan bumili ng gamot ng mga bata kanina, biglaang alis ng inyong likod kanina kaya kakarating lang. Kain po!

@JhennyDR

Ginisang Gulay "Makulay ang buhay🎶, makulay ang buhay sa ginisang gulay🎵" Binago na daw ang lyrics hehe. Naaalala ko nung pinasayaw sa amin sa school itong tugtugin na ito hehe. Walang kwentahan ng edad po ah 😅 Magandang gabi po, Pagodmuchie ang inday today pero nakakatuwa dahil may magandang balita naman pagkauwi ko ng bahay. Haay Salamat po talaga Lord, Salamat po ng Marami! Kakain na, tara na po!

@JhennyDR

Sarap ng tulog aba! Newest favourite spot! Ito nanaman ang favorite niya simula kahapon dahil malambot at mainit itong sapin na ito dito sa may patungan ng tv kaya diyan nanaman siya nag pwesto haha. Lumalagpas pa nga ang paa niya oh, pero go with the flow pa rin. Kanina pa namin kinukuha siya nililipat sa loob sa higaan niya pero bumabalik siya dito. Magaling talaga pumili ang Smigol ko ah! Magandang magandang morning noise.app fam! Nag hahanda na din ba kayo ng almusal?

@JhennyDR

Pinangat sa Sampalok Magandang Tanghali! Kamusta po kayo? Uwian na ng mga estudyante ko ngayon kaya lunch time na at ito anh aming ulam ngayon. Mura nanaman pala ang tamban na isda ngayon mga ka ingay. Siyempre doon tayo sa mura lang pero masarap. Matinik lang talaga ang tamban pero ang nagustuhan ko dito ay malasa siyang talaga, ang hilig ko nito kapag pinangat piniprito ko kapag may natitira. Salamat Sa Diyos sa ating mga pananghalian! Lika na po, kain na po!

@JhennyDR

Goodmorning! Kamusta po kayong lahat noise.app fam? sana po ay nasa maayos kayong kalagayan. Don't forget na magpasalamat sa ating Diyos at tayo ay muling nagising ngayong umaga. Time na para maghanda ng agahan ng aking mga estudyante at ni aling maliit. Excited silang lahat ngayon at mamayang gabi na uuwi si papa nila. Yehey! Ang tagal ko pala bago nakabalik dito kay noise pa balik balik ako kahapon pero di ako gaano makapag interact at ang last post ko eh 17hours ago na.…

@JhennyDR

Ligo Muna Sila! Kung tayo naiinitan, siyempre sila rin! Kaya ligo muna sila para presko naman ang pakiramdam. Ang init ngayon noise.app fam, mainit din po ba diyan sa inyo ngayon? Ito ang masakit sa ulo talaga tapos mamaya ay didilim at uulan. Enjoy na enjoy ang mga kalapatids ko oh, pangatlong palit ko na ito ng tubig gustong gusto nila. Si mister ko ang nagturo sakin ng paano ang sensyales na naiinitan sila. Mamaya palang ang uwi ni mister gabi kaya bukas niya pa makikita…

@JhennyDR

Freshly Made Donuts, Pang baon ng mga bata mamaya sa school. Gawa ng aming kapitbahay na gumagawa ng mga tinapay. Goodmorming everyone! Thank you God for this another wonderful day! Panibagong umaga, panibagong pag asa. Kagabi ay nasundo ko na si mister, Thank God at nakabalik na siya from training. Pagdating niya dito sa bahay, sobrang yakap niya talaga sa mga bata nasabik talaga siya at mula nung kami eh magsama ngayon lang siya nahiwalay sa amin ng halos 11 days. Kaya…

@JhennyDR

Lumpiang Gulay Magandang morning po noise.app fam! grabe wala pala akong update mula kahapon naku sorry naman po talaga ng very very much. Nabusy ang inday kasi dami nilakad kahapon at sumabay din na may interview kaya lang halos ilang oras na aku nag antay wala pa naman nag aaccept ng sa akin kaya ayun, ako na yung bumitaw hehe. pero hindi ko talaga sana gustong bumitaw eh haha. Ikain ko na lang muna nga ng lumpia at maya maya eh balik sa pag hahanap nanaman ng mga pwede…

@JhennyDR

Ipitan time Kanina bago mag gayak ng pagpasok sa trabaho si mister ayan ang isa sa routine nila pag umaga. Hilig na din niya kasi talian ng buhok ang mga bata, hehe mula sa panganay iniipitan niya na noon di Missy hanggang dito kay bunso. Minsan nga eh mas pulido pa ang pag kakatali niya kaysa pag ako ang nagtali hehe. Happy Saturday noise.app fam! Any plans this weekend?

@JhennyDR

Busy nanaman ang aling maliit Habang nag tutupi ako siya busy din sa pag sukat ng mga damit na hindi pa natutupi. Ito ang pinaka trip niya kanina na isukat, ang short ni ate Jem niya. Kaya lang hindi niya sa binti isinuot kundi sa ulo haha. Kung nasaan ka talaga at kung may ginagawa ka eh gusyo din nila join na join sila hehe ano po? Happy Sunday everyone, Kamusta po kayo?

@JhennyDR

Kain tayu guyss! Goodafternoon po noise.app family, kamusta po kayo? hehe food trip muna ang peg, at hindi pa ako nagugutom sa kanin. Ito kasing chicharon na bituka kung tawagin eh nag he hello sa akin kanina pa haha. Sawsaw natin sa suka para mas masarap ang kain, at maya maya ay hahatid nanaman ng aking mga estudyante. Sana lang eh wag naman muna umulan habang nag lalakad kami, kasi uulan iinit dito sa amin kaya haay eto nanaman ang sipon at ubo ng mga bata.

@JhennyDR

Pwesto! Naka pwesto na si Smigol para matulog, si Ela nakita niya sabay sabi niya, "ma antok si Ela" ang tawa ko, aba kailangan sabay kayo gigising at matutulog? hehe Madalas niya himas himasin ang malambot na balahibo ni Smigol, dati nung maliit pa si Ela kahit nilalamutak na niya si Smigol di siya inaano hehe kaya naging malapit din si Ela kay Smigol. Pareho din silang sleepyhead pero pag nag hyper naku, super duper hehe. Antok na din ba mga babies at furbabies niyo diyan?

@JhennyDR

Tayo na Giliw🎶 Mag saing na tayo, meron na ditong sinibak na gatong, diba nga kase mamaya hapunan na! kaya tiyak ay gutom na sila!🎶 Napakanta kaba?😅 goodvibes lang po muna at nadadaig nanaman ako ng mga rejections nitong nakaraan pero kada yakap ng mga anak ko pawi agad lahat. Gatong gatong muna ako ngayon noise.app fam , laking tipid nito sa gasul namin dahil halos kulang isang libo pa rin ang gasul. At paniguradong tataas pa yan bago mag disyembre. Haay lahat na lang ng…

@JhennyDR

Sarap tulog yarn? Malamig na gabi noise.app fam! Kakagising ko lang kasi umidlip ako kani kanina at ngayon eh mag kukusot na ako ng uniform ni mister para bukas. And later I will be visiting onlinr platforms for work application online. Maraming rejections pero alam ko darating din talaga ang tamang tao, or tamang client for me. Nakakalungkot lang na talagang kahit nasa platform na eh possible pa rin na mga scammers ang kausap mo kaya kailangan doble ingat or else…

@JhennyDR

Magandang morning! Let's start our day right, and healthy. Almusal ng mga chikiting at pang baon ni mister, para hindi na bibili ksi mas mapapamahal pa talaga siya kapag bumibili sa labas. Ang natatawa ako kay aling maliit, hehe nag hahanap ng papaya eh wala naman papaya itong niluto ko haha. Noong nakaraan naman papaya ang ulam maya maya naghahanap ng kalabasa hehe. haay ang bata batuta.. Kain po muna kayo ha!

@JhennyDR

Bulaga!!! Habang busy ako sa aking ginagawa na pag iimis, napansin kong tumahimik, siyempre pag ganun, hinahanap ko si aling maliit kaagad hehe. Minsan kasi eh nag lalaro na pala ng pulbos or nag susulat nanaman sa binti niya haha. pero this time iba ang trip niya, mag tagu taguan. Pag bukas ko ng ilaw nagulat din siya haha! Magandang hapon po, mainit nanaman ang hapon ngayon unlike nung ibang araw kaya uso nanaman ang sipon at ubo, diyan din ba sa inyo mga sis at mga bro?…

@JhennyDR

Turon Girl Turon pa more anak? Enjoy na enjoy siya sa wrapper at banana haha. may ganito din ba kayong chikiting noise.app fam? uunahin niya yung wrapper tapos pagkatapos ng wrapper tsaka naman yung saging haha. sabay sabi ni ela kapag nasa saging na siya, "mmm ma! yummy" hehe nakakatuwa naman na makita natin ang mga anak natin na magana kumain. Goodmorming po, duty na ang inday sa tupad ngayon. kanina ay nakapag hatid na ng estudyante tapos diretso na sa tupad, linis mode…

@JhennyDR

Breaktime Break time muna para may panlaban ulit hehe. Maambong morning po sa inyo. Ang sarap nitong chicharon na ito kasi hindi siya kagaya sa iba na maanta ang lasa. May nabibili kasi ako dati pang sahog sa mongo tapos maanta ang lasa, lumasa din sa mongo tuloy nun hehe. Upo upo muna din pag may time hehe, kailangan din kahit papaano ay may pahinga bago sumabak ulit. Sino po may suka diyan?

@JhennyDR

🍿Popcorn🍿 Merywnda ng mga chikiting, maaga aga silang naghanap ng meryenda kasi naglaro sila ng naglaro kanina hehe napagod na at nagutom. Kaya lang imbes na biscuit eh popcorn na lang daw para pambaon na lang daw nila next week ang biscuit. at ang daliri ni ate Missy eh naka extra pa sa picture hehe. habang kinukuhanan ko kasi saktong napa dampot siya hihi. Wala silang pasok ngayong hapon lahat kaya naman kanina eh tinulungan nila ako makapag sampay at nag brush sila ng…

@JhennyDR

Biyahe Mode Last na sakay na ito bago makarating sa pupuntahan. Tatlong sakay kasi ang kailangan, Pero ito na nga ang haba ng pila, itong paliko isang buong kanto pa ito bago sa sakayan talaga haay. Wala tayong magagawa kundi antay antay lang muna at pila pila. Biglaang biyahe at hindi magandang balita ang dumating kanina sa amin. papunta ako sa funeral homes ngayon, at bukas pa ang uwi ko ulit. Mabuti na lang at pinayagan din ako ni mister ko at nasa bahay naman si nanay…

@JhennyDR

Gulay is life! Mahal ka man pero di ka pa rin namin maiwasan. Dati eh halos isang kilo ang niluluto ko na gulay minsan nga ay mas marami pa lalo na kapag sama sama kaming mag hahapunan dito sa bahay nila mother. Pero sabi nga nila lahat nagbabago, siyempre pati presyo. Ang presyo noon mapapangiti ka pa eh, ngayon grabe hehe mapapa aray ka na lang sabay kamot ng ulo hehe. Naalala ko bigla may nabasa ako sa social media, yung panggisa palang ang nabibili mo eh ubos na ang pera…

@JhennyDR

Araw ng Pagbasa Goodmorning and Happy Sunday everyone! Kamusta po ang Sunday ninyo? Medyo busy ang umaga ko kanina at madaming kailangan gawin. Pero ganunpaman eh nakapag pasa pa rin kami nitong picture na kailangan sa school nila para sa araw ng pagbasa. Kailangan daw makapag send ng pagbabasa ng mga bata kasama ang magulang. Hagardo Versoza pa ang inyong lingkod kanina at talaga namang linis dito linis doon, luto dito plantsa doon hehe. kaya si papa na lang nila ang…

@JhennyDR

Kuya Mj and Ate Jemjem's Duty May hindi sila nalabhan na sapatos kaya ngayon nilabhan nila. Binabad na nila kaninang umaga ito kaya madali na pagka brush nila kanina. Nilabas ko naman ang ibang sampay na di pa gaanong tuyo. Tamang tama ang panahon ngayon ay mainit at hindi makulimlim kaya for sure na matutuyo itong mga ito. Lunch time na din kaya sakto after nila ay kakain na kami. Kain na po tayo!

@JhennyDR

Peanuts anyone? or should I say, Bawang po kayo diyan hehe Siyempre magandang gabi muna sa ating lahat! Hope that you all had a great sunday. Ako naman, ito kakaupo lang at kakahawak lang ng aking cellphone kaya ngayon lang din nakapag update. Bakit kasi ang sarap ng bawang na kahalo sa mani anu po. Talagang pag nabili ako nito noon eh nag papa dagdag pa ako ng bawang hehe. Mamayang 1 ay sasabak nanaman ako sa puyatan kaya heto ang aking pampagising. Kurot muna ako ng kaunti…

@JhennyDR

Almusal Mode Kanina ito ang almusal namin, maliliit na kamote kaya perfect pang laga. Ang tamis pa nito guys kaya talagang mapaparami ka ng kain hehe. Syempre sinamahan ko nanng kape para naman may panulak hehe. Medyo masama ang pakiramdam ng mga junakis ko kanina kaya hindi muna sila pumasok. Obserbahan ko na muna sila hanggang mamaya para kung papapasukin ko ba sila or hindi. Nauuso nanaman ang ubo at sipon dito sa amin kasi ang lamig lamig na. Sa inyo din ba malamig na…

@JhennyDR

Magandang hapon! Kamusta na po kayo noise.app fam? Isang mainit init na hapon po sa inyong lahat at heto hindi pa tapos ang meeting namin dito sa school. Dahil nga malapit na ang pasko eh ang agenda din namin ngayon mga parents ay yung Christmas Party. After 2 years makaka experience ulit ang mga bata na magkaroon ng Christmas Party hehe. Excited na ang mga estudyante natin niyan for sure.

@JhennyDR

Magandang magandang morning! Thank you Lord for another blessing and another gising for all of us. Almusal time na ng aking mga estudyante at siyempre hindi mawawala ang itlog hehe. Siguro meron sa inyo eh itlog din ang almusal kasi naman pambansang almusal na yata ang itlog hehe. Madalas ay kanin talaga ang ipinapa almusal ko sa kanila para mas mabusog sila at dinagad magutom sa school, kapag kasi tinapay lang eh mabilis sila magutom. Walang kasawaan sa itlog naman itong…

@JhennyDR

Sinigang na manok ala mudra Magandang gabi noise.app fam. Mukhang busy din ang karamihan sa atin ngayong maghapon. Kagaya ninyo ay naging abala din ako kaya grabe after 14hours bago ako ulit nakabalik dito. Pabisi bisita pero iba pa rin kagaya ng dati. At eto na nga, dahil sobrang busy, aba napaluto si mudra ng sinigang na manok at ito na rin ang ulam namin dahil for sharing ang niluto niya hehe. Thank you God for this blessing at thank you din kay mother earth.Kaya hindi na…

@JhennyDR

Himbing na din ang baby Ela Mahimbing na din siguro ang tulog ng iba nating ka ingay dito kagaya ni aling maliit, pero heto ako, nag babawas ng tupiin hehe at kakatapos ko lang magkusot. Mahirap naman kasi kung pagod na si mister galing trabaho eh pagkatapos siya pa rin ang mag lalaba ng sinuot niya kaya inaasikaso ko na kaagad. Habang lumalaki si Ela ay nakikipagsabayan na din sa puyatan blues ko pero hindi nanaman siya nagwagi ngayon hehe. Inabutan na ng antok ang baby ko.…

@JhennyDR

Longanisa Breakfast time! Maganda ang gising ng mga chikiting lalo na si aling maliit, may pa goodmorming agad pagka gising niya kanina. kaya naman heto at ito ang aming almusal ngayon, baka magka s siya kapag nagutom na at wala pang nakahanda hehe alam niyo naman ang mga babies naten diba pag may hinihingi sila akala nila agad agad eh pwedeng nandiyan na kaya inaagahan ko ng pag handa. Magandang magandang morning po, late na ang gising namin ngayon kung dati eh 4am or 5am…

@JhennyDR

Magandang Magandang morning! Happy December First everyone! Palitan na muna natin ang negativity at let's spread positivity. Coming from me talaga anu po hehe, medyo nahimasmasan ako at talagang God is good. Maraming struggles pero marami din good ang nangyari. Anyways, Baon at almusal ay maagang naka ready dahil may tupad ako today hehe. Buti na lang ay nandito si nanay kasi may mag titingin kay Ela. Nasa four hours din akong mawawala hehe. Goodmorning ulit, and let's fight…