Lunch Time na! Ngayon lang ulit ako nakapag luto nitong adobong atay ng manok. hinaluan ko ng itlog din ito na nilaga para sa chikitings. Naalala ko sabi ng aking late father ay dito daw ako pinaglihi, dahil nong pinag bubuntis daw ako ni mother earth ko mahilig daw si mama dito. Mas marami siya nakakain at di nag susuka kapag ganito ang ulam hehe. Nung ako ay nag lilihi din grabe ang tindi ng selan ko. Lahat na lang ng kainin ko eh nilalabas ko din. Mga dati kong nakakain ay hindi ko makain. tapos may mga kinakain ako na natatawa si papa at mama noon kasi parang di match pero pinag papartner ko haha. may ganun din ba kayong experiences mga momsh? anyways, ang dami kong kwento haha, kain na po muna tayo.
5 comments
uy sarap naman nyan sis enjoy
Ako neng kapag nagbubuntis lahat ng gusto kung kainin nakakain ko maliban na lang kung hindi season. Wala akong vomit at hilo normal lang
Sarap nman nyan.
Looking yummy and decisions
Tagal ko ng di nakakain ng Adobong atay sis. 🤤