read.cash Log in
@JhennyDR

Nilagang Kamote! Magandang hapon po sa inyo! Ang dami kong nababasa na maulan sa kani kanilang lugar, dito naman sa amin ay makulimlim lang maghapon, itsurang mukhang uulan pero hindi pa naman tumutuloy. Nag sisimula nanaman nga ang mga sipon at ubo ng mga bata sa school ng aking mga chikiting, may nakakapasok pa din talaga kahit nag hihigpit na sila, anak ko kasi ang nag kukwento sa akin, sana naman ay di sila mahawa kasi ang hirap nanaman pag absent ng absent. Anyways, Meryenda mode po muna tayo, tapos sabayan na din natin ng kape para naman matanggal ang antok antok hehe, nasanay na kasi ako na 4am nagigising pero late na nakakatulog hehe. Kaway kaway sa mga momsh, dads at sa mga kapatid ko diyan na kagaya ko kasi marami pang need tapusin na gawain sa gabi hehe. di kasi natin matiis na hindi tapusin eh ano po para bawas gawain kinabukasan. Salute po sa inyong lahat!

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.