Mataas din ba ang presyo ng gulay inyo noise.app fam? Grabe parang araw araw ngayon ay nadadagdagan ang presyo ng gulay. ang sitaw na per tali dati ngayon ay kinikilo na din daw sabi ng may tindahan dito sa amin sa kinukuhanan nila na bagsakan ng mga gulay. Dati madalas marami akong magluto ng gulay pero ngayon ay hindi, iilang pirasong okra, halos 10 pirasong sitaw at isang hiwa na kalabasa lamang ito makaulam lang ng gulay hehe.
18 comments
Mataas talaga sis, Kaya ako nagtatanim talaga sa backyard namin,para kahit paano makabawas naman sa gastos.
kaya nga sis eh, yung iba may tanim din kami sis pati kila mama kaya lang naubos na hehe kaya kailangan bumili muna
Naku kaya hindi nga ako nagsisi na umuwi kami dito sa probinsya ma'am dahil nakakakain kami dito ng libreng gulay at fresh pa.
totoo yan sir, mas maganda kasi sa katawan hindi lang fahil mas madali matunaw kaysa sa karne kundi mas masustansiya para sa katawan natin.
Ganun na nga neng simula ng bagyong paeng sobrang mahal ng bilihin
kaya nga ate parang nag triple ang presyo tapos ang iba ay hindi na maganda ang kalidad ng binebenta pero sige pa rin sila
Wow this food dish looking really very tasty and delicious...
-->… ☺ mahal din dito sa amin sis… pero pag season naman bumababa…
Sobrang mahal na din po dito price ng veggies
Mahal din po ang gulay dito sa amin, epekto sigiro dahil sa mga nagdaang bagyo.
Pataas ng paraas sis ..pag misan magugulat ka iba na presyo. May times naman bumababa
Ay nako napakataas po halos wala na nga gusto magtinda dahils a mahal Sa talipapa ilan ilan piraso lang ng kamatis at patatas makikita mo
This food must be very tasty. It looks nice
Ang healthy naman to sissy. 🤤
Mag tanim ka Sis Ako halos sa garden ko nakukuha Ang pag araw araw na gulay Namin
very nutritious. gusto ni ela yan..
Pati po dito sa abroad..mahal din ang mga gulay...nagmahalan narin..
Ang sarap nian sissy