Almusal Mode Kanina ito ang almusal namin, maliliit na kamote kaya perfect pang laga. Ang tamis pa nito guys kaya talagang mapaparami ka ng kain hehe. Syempre sinamahan ko nanng kape para naman may panulak hehe. Medyo masama ang pakiramdam ng mga junakis ko kanina kaya hindi muna sila pumasok. Obserbahan ko na muna sila hanggang mamaya para kung papapasukin ko ba sila or hindi. Nauuso nanaman ang ubo at sipon dito sa amin kasi ang lamig lamig na. Sa inyo din ba malamig na ang hangin?
12 comments
Happy Monday morning sis masarap yan sis sawsaw Sa konting Asukal chaka black na coffee
oo sis pak na pak yun. 😊
Malamig na din dito. Kaya may sipon din ang bunso ko. Pero pumasok naman sa school. Get well sa mga junakis mo. Morning sis!
salamat sis. dito kasi sis medyo mahigpit sila hindi sila nag papapasok kasi sis basta may ganun eh. kaya sana nga sis eh mag okay na sila
Ah ganun ba. Buti na lang medyo maluwag dito sa amin. Welcome ( ◜‿◝ )
oo nga sis buti pa diyan sa inyo sis. hehe
Happy monday morning sis...
good morning sarap ng almusal nyo sabay kape
Kagabi hindi na ako nagdinner yan ang kinain ko bawas muna sa rice paggabi.Good morning:)
sana gumaling na bebe mu, sis 🙏 sarap ng kamote 🙂
Ang sarap nyan sissy
Ang sarap ng kamote sis, bagay talaga sa kape