Kuha ni Ate Missy Sabi niya kasi sa akin may ipapakita daw siya, sabi ko kung anu yun, pipicturan na lang daw niya. Ayun pala ang sinasabi niya, yung moon daw. Nakikita niyo rin ba? Hehe medyo maliit siya eh, ay hindi pala sobrang liit pala hehe sa pagkakakuha ng aking ate Missy. At pati di Ela eh niyaya niya sa may pintuan para ipakita at amazed na amazed naman din ang Aling maliit hehe. Magkakasama sila ngayon kasi di nakapasok ang mga estudyante ko at may kaunting sipon, bawala pa rin daw talagang pumasok kapag ganun delikado baka sila eh may mahawa pero ang nakakatawa eh sa school din yata sila nahahawa dahil may mga nakakalusot na may ubo at sipon hehe.
3 comments
Maliit sis pero kita naman ang moon.. maaraw na pero may moon pa din..
Oo nakita ko din yung moon hehe.
Nakita din ito ng anak ko knna bago pumasok.