Gulay at Isda Ito talaga ang perfect match na ulam eh, yung may gulay ka at isda. Kaya lang wala yata sa mood mag isda ang mga chikiting kaya ayan at may tira pa. Maging si Ela eh di gaano nag pasubo ng isda ngayon, mas nagustuhan nila mag higop ng sabaw ng gulay. Bukas reremedyohan ko ang isda para naman sa almusal. Diskarteng nanay points haha. Talagang walang dapat masayang,diba noise.app fam? Sa presyo ng bilihin ngayon, nakakalula na sa taas, kaya talagang lahat ng pwedeng magawang paraan wag lang makapag aksaya ay gagawin natin. Huwag din natin kalimutan na magpasalamat sa Diyos para sa lahat lahat ng pag papala niya sa ating lahat. Salamat po Lord God for this healthy bounty blessings for us.
2 comments
Enjoy sis sarap ng ulam nyo
Pwedeng sarciado yan sis o kaya lagyan ng tokwa at blackbeans.