Naisip ko na gumawa ng guide para sa mga kababayan natin diyan na medyo nalilito pa sa Readcash. Actually nainspire ako dahil kay @Aynaaamarieee kasi talagang push na push ang pagguide ko sa kanya. Haha. Tsaka kay @Ronmichael basahin mo nalang din to baka may di pa ko naexplain sayo. Tsaka naisip ko din na baka mas mapapadali para sa mga bagong member na Pinoy kapag native language ang guide.
I assume kapag nababasa mo ito, nakapag register ka na. At naniniwala din naman ako na talaga namang ginagawa ng naginvite sayo ang best niya para ma-assist ka. Maiguide ka kung anu ang uunahin mong gawin. Sana makadagdag ang article ko na to para maiguide o assist ka sa platform na ito.
So, ano nga ba itong platform na ito? Anu ba gagawin dito? Panu bang article ang dapat isulat? English ba? Tagalog ba? Panu ba kumikita dito?
Yang mga yan ang ilan sa mga napakadaming tanong at kailangan mo ma-explain sa friend mo. Susubukan kong isa-isahin yan para sainyo hehe...
Ang Readcash ay isang crypto-blogging site. Para ito sa mga mahihilig magshare ng thoughts nila at sa mga may passion sa pagsusulat na pwede mo ding mapagkakitaan. Hindi siya kasinglaki na tipong magreresign ka nalang sa trabaho mo para dito. Isipin mo nalang, yung mae-earn mo dito at bonus lang sa passion mo. Pero hindi din naman natin inaalis ang possibilities sa platform na ito. Pero sa ngayon, magenjoy ka muna magsulat at wag mo masyado isipin ang kikitain.
Cge na nga pag usapan na natin ang kitaan. 😅
Kikita ka dito depende sa random rewarder. Hindi tao yan system yan ha hehe... Ang pinagbabasehan ng random rewarder ay (sa tingin ko) ang bilang ng subscribers mo, upvotes o kung tawagin sa fb eh 'like', paid upvote o sa madaling salita 'tip' galing sa ibang users din, sa comments sa article mo lalo na kapag power user ang nagcomment. Di ako sure kung pano maging power user. Parang may nabasa ako tungkol dun pero hindi ko na maalala eh. Basta ganun. Tapos sa views ng article mo at quality nito. Basta dapat original ang article mo at maganda ang quality. Ibig kong sabihin ay may sense. Interesting siya, informative, useful, helpful, mga ganun.
Okay lang naman ang mga kwento na article. Fiction stories ganun. Or mga experiences mo sa buhay... Kahit Tagalog o English o Taglish ang article mo okay lang. kahit nga Spanish kung marunong ka mag Spanish eh. Kaso syempre dahil mas maiintindihan ng lahat ng users (lalo na ng mga banyaga) ang English kaya mag sulat ka din sa English. Para mas madaming makapag engage sa article mo. Keri yan bes basta original at quality. Hindi yung basta nalang kahit nonsense go. No no no sis and bro. Unang una paano ka tatangkilikin ng readers kung hindi maganda ang quality ng article mo. Remember, ang random rewarder.
Hindi din ibig sabihin dito kada galaw mo may points ka. Although sa mga ibang writers dito mabilis talaga ang points minsan.... Wag ka magalala bes may bukas pa para makaipon ulit... 😅
Meron din naman mga willing magsponsor sa nga writers. Members din sila dito sa platform. Kumbaga babayadan ka nila monthly para sa sponsorship. Ang rate ay depende sa kanila. Mula $0.01 to limitless kung ilan gusto nila. Sky is the limit ika nga. Bakit kamo? Kasi they believe in you. Nagustuhan nila ang mga articles mo. And kasi mai-include ang logo (picture) nila sa bawat article na gagawin mo in the future kapag in-accept mo ang sponsorship nila at after nila magsend ng payment sayo.
Araw-araw tuwing midnight sa London, mabu-burn ang nalikom mong points. Pero pag online na ang namamahala jan, ipe-paid naman na yan. Sa akin madalas umaga, mga 9am sa Pilipinas paid na siya wallet ko. Mag-reflect na siya. Pero yung mga tips at payment sa sponsorship mo direct na yun sa wallet mo hindi mo na kailangan hintayin ang midnight. Tapos itatransfer ko na siya sa coinsph ko. Yes, di ako nage-stuck ng earnings ko dito. Ewan ko din kung bakit. haha.
Eto list ng mga bagay bagay na dapat mo i-consider ng seryosohan.
✴️Wag na wag mo papakita sa iba o iwawala ang SEED PHRASE mo. Yan ang susi sa wallet mo. Tuwing mag-log in ka sa ibang device, ibang browser, kailangan mo ilagay ang seedphrase mo. Itaga mo isave mo isulat mo.. Kakailanganin mo na gumawa ng new wallet kapag nawala mo yan at yung funds sa wallet mong nawala ang seed phrase, di mo na makukuha. wala na makakagalaw dun. palutang lutang nalang siya sa kalawakan. ganern.
✴️Always post ORIGINAL QUALITY articles. No plagiarism, no copyright,no copy paste, no gaya gaya puto maya sa kahit na anong paraan. Picture, text, etc... Pwede magpost ng pic basta sayo yun or kinuha mo sa websites na free ang paggamit ng pic or may liscence to use. Wag na po mag google search image ganyan. haha nasubukan ko din po yan. Tinuruan nila ako na bawal yun hehe. Sa unsplash.com free gamitin ang photos dun. Be orig. Be unique.. ☺️
✴️Abide by the rules of the website. No hate comments, no personal attack, no nudity (jusko pls wag dito haha), etc. Be kind. Kung hindi kaya, be civil nalang. Wag warfreak. Kung may napansin ka sa article na binasa mo n hindi masyadong maganda, kung di mo kaya wag nalang magsalita, at least magpakadisente naman po tayo at magbgay ng constructive criticism hindi yung mamemersonal ka na. hehe Syempre dba mas gusto natin masayang environment.Spread love... :)
✴️Be active. Magsulat ka, magbasa ka, magcomment ka at magreply ka sa mga nagcomment sayo o nag mention sayo. The more na active ka the more na magiging familiar sila sayo at the more chances of winning sa potential supporters. 😅☺️ Mas maganda pag maingay ang pangalan mo. Maingay in a good way. Yung sing lakas ng sinturon ni Hudas sa bagong taon. Sing lakas ng tama mo sa kanya kaso may mahal siyang iba.
✴️Be grateful. Maliit man o malaki ang kinita mo ngayong araw, be grateful. Madami ka mang supporters o wala pa dahil kakasign up mo lang kanina, be grateful pa din.
Ano pa ba....? Yun lang muna po. i-edit at dagdagan ko nalang ang list pag naalala ko yung iba.
Sana nakatulong itong article na ito para sa mga bago dito sa Readcash pati na din sa mga existing members sana maalala ulit natin ang essence at purpose ng platform na ito. Let's all spread positivity and good articles.
Also, as I'm always saying you might also want to check @Ashma 's community that can get you sponsored. Here's the link: https://read.cash/c/get-sponsored-2a0b
Don't forget to like, comment, subscribe and upvote if you liked my article!! 🌈☁️
Thanks for the piece of advice. I'm a newbie here. Gusto ko talagang magsulat. I wanna share my thoughts and experiences to inspired others. Maybe I'll use tagalog muna kasi mdyo conservative ako sa English ko. Not good enough to construct using this language.