Pangarap o Kalusugan
March 10, 2022
"SA WAKAS," sa wakas ang isa sa nasa isip ko ngayon sapagka't pagkatapos ng ilang araw ay medyo bumalik na rin ang internet connection. Ilang araw din akong hindi naka access dito at hindi nakapag publish dahil yun nga nawala ang signal ni kahit ganitong mga oras 1AM-5AM ehhh wala talagang ka signal signal. Siguro dahilan na rin sa walang tigil ng pag ulan. Sapagkat naglalaro sa orange at red rainfall alert ang aming probinsya at talagang walang tiginna ulan. Mabuti nga ngayon ay wala ng ulan at medyo okay na ang panahon kaya't medyo naging okay na rin ang signal. At nagpapasalamat ako't sa wakas din ay naka access na ako rito sa read.cash. Pero yun na nga, isa sa mga consequence ay marami akong namiss na araw ma hindi nagkaroon ng interaksyon at ni hindi nakabasa ng mga artikulo. Pero, sige lang kahit papano ay hindi tuluyang nawala ang signal at may araw na bumabalik siya kagaya ngayon. Kaya lang kailangan talaga siya ng napakataas na pasensya sapagka't ang hina talaga dahil umuulan na naman. Hayyssttt.
Maiba ako. Ito palang entry ko na ito ay credit ko sa aking partner. Kaya simulan na natin ang kanyang gawang artikulo. At sana'y kagigiliwan niyo rin ito. Pagpasensyahan niyo na rin itong Tagalog ko dahil ito'y may limitasyon lamang at kadalasan ay napulot ko lang sa tabi-tabi. Lol
Okay, tama na sa pasiunang pasabi. Ito napo ang artikulo na gawa ng aking butihing kabiyak.
Pangarap o Kalusugan?
by: Junix
Paano kung dumating ang panahon na kailangan mo nang pumili kung ano ang ipagpapatuloy mo. Pipiliin mo bang sumugal kahat buhay mo pa ang naka taya dito alang-alang sa pangarap mo? O sumuko nalang sa kabila ng kaliwa't kanang sakripisyo ng ibang tao tungo sa pangarap mo?
Ang pag dedisisyon ay ang pinaka mahirap na gagawin ng isang tao sa kanyang buhay. Kailangan nya itong pag isipan at bigyan ng oras, iwasang magka mali dahil hindi na pweding ma-ibalik kung ano ang nasimulan nito.
Ako ay nasa ika-apat na taon na ng pag-aaral sa kolehiyo, sa wakas sa haba ng paghihintay ay umabot din sa huling taon ng pag aaral. Masaya kahit wala pang ka siguraduhan sa taon na ito ngunit mas nangingibabaw ang aking saya kaysa sa aking pangamba. OJT (on the job training) palapit na, at ako ay kabilang sa... Maswerte na mag kokumpleto sa 600 hours na ibinigay ng paaralan. Ngunit may malaking pagsubok na nakaharang at nagpapahirap sa akin at sinusubok ang aking sinsiridad. At ito ay ang COVID vaccine... Sapagkat akoy may problema sa aking kalusugan. Tayo ay may karapatan na ingatan ang ating mga sarili sa anumang bagay na ikakasama sa atin. Subalit sa panahon ngayon ay alam natin na bawat tao na may vaxcard o vaccination card lamang ang tinatanggap sa mga pampublikong mga lugar, establisyemento at mga ahensya mapapribado man o publikong mga kompanya. At kung wala ka nito ay pasensya nalang at ako ay kabilang dito.
Mahirap dahil para sa aking dahil sa COVID-19 vaccination parang ako o hindi lang ako ang siya nakaranas ng diskriminasyon. Sabi pa nila hindi mandatory ang vaccine pero naging requirements naman sa iba. Gaya ng pag OJT ko ngayon, ang pagiging bakunado ay isa sa mga kailangan. Kaya't nahuhulog ako sa tinatawag na "no choice" dahil kinailangan ko ding maka OJT at para ako'y makapagtapos na sa kolehiyo. Kaya nga kahit may takot at kaba ako sa posibleng reaksyon ng bakuna sa akin ay kailangan ko pa ring harapin ang takot.
Kaya't naisip at napagtanto ko....
Paano na lang ang ina asam na maka pagtapos ng pag-aaral kung magiging sugal para sa akin ang tagumpay at buhay ko naman ay nakataya. Ano ang gagawin ko?
"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :) - @Janz
Lead image were from Unsplash.
Mao jod ni nKapait mamsh kay bisan di gusto sa usa ka tao, mapugos nalaman jod. Kay lge di required pero mandatory 🤣