Sino rito ang may mga lihim na dinaranas na karamdaman? Kasi may mga panahon na tayo ay aatakihin na lang sa hindi inaasahang oras at sitwasyon. Na tayo ay bigla na lang nanghina sa kalagitnaan ng ating mga gawain o di kaya'y sa kalagitnaan ng ating pag abot sa ating gustong marating sa buhay. Mga karamdaman na kadalasan ay hindi natin kontrolado at sadyang nagpapahina sa atin.
Bakit kaya mahirap ang magkasakit? Sa sobrang hirap, minsan ay naisip na lang sumuko sapagkat di na kakayanin ng katawan. Tayo ba ang may gawa nito sa ating katawan? o ang kalikasan?
Tanong ko naman sa aking sarili, anong kinalaman ng kalikasan? Samantalang, kung ano ang mga masasamang elementong naibubuga ng kalikasan ay gagawan rin naman ng mga tao. Kaya't para sa akin, walang sinuman ang nagdudulot ng mga karamdaman sa atin kundi tayo at tayo lang. Tayo ang may dala ng ating katawan kaya tayo ang siyang responsable nito.
Sa artikulong ito, nais ko namang ibahagi sa inyo ang aking karanasan sa tuwing ang katawan ko'y nanghihina at itong iniinda kong karamdaman na hindi ko mawari kung ano baga ang pinanggagalingan. At ang naisip kong mga dahilan kung bakit ko ito ngayon ay nararanasan.
Disclaimer Note: Sana ay tangkilin niyo pa rin itong artikulo ko. Tagalog ito sapagka't ako ito, ang partner ng totong may ari ng account na ito. Ang kanyang asawa na si Jando o Junix. Meron din po pala akong noise cash account din baka ay nais niyo ring matangkilik. Roosevelt16 nga pala ang aking user name sa nasabing plataporma. Hayaan niyo na lang at susulitin ko na ang pag-eendorse. Lol
Okay, ito na po sisimulan ko na ang aking kwento.
Karamihan sa atin nakaranas o pinagdaanan ang pag-iinom ng alak at hindi na bago sa atin ang makakita ng taong umiinom nito. Sinubukan ko ang pag inom nito noong ako ay 16 taong gulang pa lamang para malaman daw ng mga tao na ako ay binata na. Sinubukan ang sigarilyo at pinilit gustuhin ito. Noong una ay hindi ko gusto ang lasa ng alak at lasa ng sigarilyo, ayos lang daw ito ganyan talaga pag bago at masasanay na kalaunan.
Makalipas ang mga araw at buwan gustong gusto ko na ang nakakahilong epekto ng alak at sigarilyo sa murang edad ko. Minsan lang akong uminom at madalas ang sigarilyo, gawang langhap usok at..... Pigil hininga sinusulit ang baryang binili upang makalimot sa mga pinag daraanang problema. Sabay buga ng usok na parang hindi nakakasama sa kalusugan ang ginagawa ko. Sunog baga ika nga.. Wala akong pakialam masunod lang ang gusto ko, sabayan mo pa ng alak na lubos at labis na nakakahilo.
Masasabi ko'ng ako'y lulong sa bisyo noon kaya ko nararanasan ito ngayon.. Nararanasan ang pagkawala ng aking lakas. Lakas ng tuhod at mga braso at mga kamay. Nakakalungkot isipin pero ginusto ko itong mangyari dahil hindi ko iniwasan ang mga makamundong bagay na dulot ng barkada. Napansin ko ito noong taon 2016 at hindi pa ito ganoon kalala. Tuwing umiinom ako at nalalasing , muli itong bibisita sa katawan ko at pahihirapan ako ng ilang araw. Pahihirapang tumayo at pahihirapan gawin ang mga bagay na gawaing bahay.
Ganon paman binigyan ako ng Panginoon ng liwanag na magbibigay sa akin ng pagkakataong maaninag ang matuwid na landas. Binigyan niya ako ng bagong pag-asa sa buhay. Binago ko ang mga bagay na nakaugalian ko at iniwan ang mapanirang bisyo dahil hindi na ako binata na gaya ng dati. Unti-unti kong iniwan lahat ng aking naka ugalian na bisyo nung nakikilala ko ang aking aasawa ang may-ari nitong account. Binago niya ang pananaw ko este binago ko pala ang sarili ko para sa kanya, para sa aking sarili at higit sa lahat sa aming anak. May responsibilidad na ako na dapat gampanan at yun ay ang maging matinong tatay o ama at asawa. Ayaw kong makita ako ng anak ko na may bisyo dahil ayaw ko rin siya na magiging kagaya ko noon. Salamat sa Panginoon at magdadalawang taon na rin na iniwan ko ang aking mga nakaugaliang bisyo.
Lahat ng bagay ay may katapusan. Kasali na dun yung pagtapos ko sa mga bagay na walang katuturan datapwa't nagdudulot lang ng kasamaan sa kalusugan. Lubos kong pinanghihiyangan ang mga panahon na ako'y lulong pa sa bisyo. Pero ika nga, nasa huli na lahat ang pagsisi at hindi na natin maibalik pa ang mga panahong nagdaan.
Ako ay nagsisi sapagka't nararanasan ko na ngayon ang epekto ng mga ginagawa ko sa katawan ko noon. Itong pagkawala ng aking mga lakas kung saan ako'y nahihirapang tumayo dahil walang sapat na lakas ang aking mga braso. Kaya't napag isip isip ko na ito na ang isa sa epekto ng aking walang pakialam sa katawan noon.
Ano pa ba ang magagawa ko? Naranasan ko na. Ako'y magdadasal na sana ay itong aking karamdaman na bigla biglang bumibisita sa akin ay tuluyan na sanang hindi bibisita. Sapagka't may anak akong umaasa sa akin.
Wakas ng aking kwento.
~ Junix
Sana ay nakapagbigay din ako ng kaliwanagan sa inyo kung bakit dapat natin na iwasan ang mga bagay na siyang pagsisihan lang natin sa huli.
Magandang Araw!
"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :) - @Janz
Wala gyuy maayong resulta ang bisyo ay