Kapag ganitong oras noong Bata ka pa ,ano ginagawa nyo? Kami, pinapatulog kami Ni mama tapos hihiga sya SA tabi namin pero nauuna syang nakakatulog... Tapos kapag nakatulog na sya, tatayo kaming magkakapatid... Lalabas kami SA bahay may paborito kaming puno Ng balimbing Doon kami nag babahay bahayan....
Naalala ko Ang dahon Ng Madre de cacao na malalapad, yon Ang ginagawa naming pera... Tapos nagluluto lutuan kami SA bao Ng niyog nilalagyan namin Ng pinong buhangin tapos bulaklak Ng santan... Lahat NG magandang bulaklak pinipitas namin ginagawa naming ulam... Tapos lahat NG sako Ni mama ginagawa naming dingding at bubong... Yong kendi namin, mga balat Ng frutos,snowbear at candy mint nilalagyan namin Ng bato SA loob... Hahaha
Pag gising Ng mama ko, ayon sisigaw na Yan Kung saan kami... Pinapauwi kami Kasi tirik na tirik Ang araw ... Pagdating SA loob Ng bahay may sinturon na o hanger nag aabang SA mga pwet namin... Hahaha... Sarap maging Bata no?? Lalo na kapag puro Palo pwet mo..π π π
hays sarap maging bata,yung wala kang iniisp na problema,maglalaro lang kayo ng bahay bahayan ng kalaro mo masaya kana..