Marang Fruit... Good morning po sa lahat. Nangangamoy marang ang buong bahay namin ngayong umaga. Bigay ni kuya kagabi pa sabi ko wag munang kainin dahil for sure hindi na naman ako makatulog sa amoy neto. Matalas kasi pang amoy ko kahit saan kapa magtago maaamoy pa rin kita,ahahhah So ngayong umaga hiniwa ni byenan at kakain daw sya dahil katatapos nya lang din mag almusal. Kahit hindi ko like ang amoy neto pero takam na takam ako dito dahil sa super tamis neto daig pa ang tamis ng candy ano,winner! Sino po gusto kumain jan at epapack kona para madeliver,taas kamay?heheh
26 comments
Parang langka ang itsura nia friend
Oo sis magkapamilya kasi sila pero kung papipiliin ako sa marang at langka sa langka nalang ako fav ko din yun ehh. Hehe
Namiss ko itong marang ang sarap niyan sis lalo na Tama Lang pagkahinog at matamis :)
Oo nga sis ngayon lang din ako ulit nakatikim neto. Tama nga lang sis pagkahinog nya kaya hindi ka mauumay sa tamis nya.
Kaya nga sis nakakaumay na rin kasi kapag masyadong hinog :)
Marang? May iba pabang tawag jan sis? Yaan din ba ang durian?
Hindi sis,iba din yung durian mas matapang yung amoy ng durian kaysa dito.
Ay ganun ba sis,akala ko ay pareho lang sila. Diko pa yan natitikman
Hindi pa ako nakatikim ng ganyan.
Durian ba yan mate?
Hindi sis,marang talaga..medjo may kahawig sa durian pero mas matapang pa rin yung amoy ng durian kaysa dito.
Ah may mga ganyan pa lang fruits. Langka lang natikman ko.
The fruit is a combination of jackfruit, but the texture is milder and more fragrant.🤤
sarap marang.. pati buto nyan makakain iluto mo.
masarap yang marang at matamis sya.
Ang marang ba ay durian?
Parang magkamukha sila pero magkaiba sila sa amoy at lasa.mas matapang yung amoy ng durian sis kysa dito.
Balita ko masarap daw yan sis pero hindi ko talaga masikmura ang amoy niyan.
Oo sis,sarap neto hindi ko lang din gusto ang amoy kaya kapag kumakain ako neto takip ilong ako,hahha ang arte ano..hehe
Sabi ni mama ko masarap daw yan. Di pa ako nakakakita in person nian. Ano kahawig na lasa nya sa prutas?
Parang langka lang sya?
nakkamiss naman tong marang na to sis matagal na ata ako hindi nakakain nyan hehe
Me din sis patikim din niyan ang pricey din kaya niya dito.
Season na nga yata ng marang pero hindi pa ako nakatikim ngayong buwan
Mabango tlaga ito lalo kapag hinog na pero mas bet ko tong kainin kesa durian
Uyy.. marang..miss ko na ito kainin..hehehe