Merry Christmas Everyone! Sending love from our family to yours💞 Enjoy lang po tayo bawal ang bad vibes kong walang matatanggap na regalo. God Bless....
@IsabelleVillar
Joined 8 September 2022 · 344 posts
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Sotanghon+Happy Happy Kaarawan Yesterday we celebrated the 40th birthday of my lalabs. Kaya na busy ang amiga nyo kahapon. Luto dito, prepare doon. But still na lessen ng kaunti ang gawa ko dahil may naglibre ng pancit kay hubby. Walang iba kundi ang kanyang butihing sister. Pancit na sotanghon or sotanghon lang, hahah. 535php isang bilao grabehh nakatipid ako kahapon buti nalang may pa libre si sister in law at napaka sharrappo.

Magandang hapon sa lahat... Pagkatapos namin maggrocery ni panganay tambay tambay muna kami dito sa loob ng mall. Ng makita si jolibee nanghingi ng spaghetti, ahhhaaa wala ng pera si mamy! Sabi ko next time nalang muna anak bibili pa tayo ng milk ehh. Buti naman hindi sya umiyak at napapayag ko netong kumain na lang ng pillows at uminom ng tubig,ahhahayyyy. Mainit pa sa labas kaya palamig na muna kami dito sandali sa loob ng mall.
Magandang morning sa lahat... Feeling ko naman kanina paggising ko gutom na gutom ako. Yung natutulog ka lang pero pagkain ang nasa isipan mo kaya gigising na nga para magsaing. Kaya etong nalang saging muna ang naluto ko for our breakfast. Tatlo ang kinuha ko kasi nga feeling ko talaga madami makakain ko neto. Pero sa ikalawang pag balat ko ng saging ayon ayaw ko ng kumain. Nakakabusog talaga itong saging ano napawi na gutom na nararamdaman ko kanina, hahhha gutom talaga hah for real. Kumusta naman po ang gising gutom din ba tulad ko? Ahhhahahha
Kumusta mga kaingay's? Share ko lang itong valenciana na gawa ng aking ina. Ang daming sahog like atay ng manok, hotdog, shrimp, atbp. Basta luto ni inay masarap talaga at hinahanap hanap ko. Kaya last Sunday andami kong take out neto, ang dami talaga haha isang malaking lalagyan ng ice cream. Dahil alam ni inay na paborito ko eto. Nilagay ko talaga sa freezer para hindi mapanis kaagad at mag aice, tapos binabad ko sa tubig para lumambot at kunting init agad. Ohhh diba extended ang kainan sa birthday ng aking pamangkin last Sunday. Kaya tara saluhan nyo na kami.
Gandang gabi... Hindi ako makapag upload ng photo My signal naman ako, network error pa rin lumalabas. Gusto ko sana eshare ang ka busyhan ko kaninang umaga. Nakikain ako sa birthday ng pamangkin ko. 4th birthday nya ngayong araw nato. Happy tita here dahil yung pangalan nya ehh ako ang nag bigay o yung sinaggest ko na name ay yun talaga ang sinunod ng ate ko ng ipinanganak sya at ipinangalan sa kanya. "Yassy" yun mga kaingay, lodi ko kasi si Yassy Pressman that's why, hehehe.. Dami sana ako eseshare na food pero bukas nalang, si globe talaga uhhh tampo nakowww. Kaya kwentuhan nalang muna etong post. How's your Sunday guys, busy din ba?
Wazzz up everyone! Today is Saturday happy weekend sa lahat. Mas happy siguro pag pahiga higa lang ano, hahha Daming gawa ngayong Saturday ehh kaya inagahan kona at late na ang aking breakfast. One piece of Spanish bread cost 5php not bad naman dahil malaman sa loob, and a cup of coffee.. Enjoy this weekend guys.
Fiesta ni Immaculada Conception kaya naman holiday sa aming lugar. At walang pasok ang mga estudyante. Ang plano naming magsimba at igala ang mga bata sa plaza ay naudlot dahil nagkaroon ng foot and mouth disease ang aking panganay. Napatsek up kona kahapon sa doctor kaya hindi ako masyadong active kahapon. Rinesetahan ng doctor at hindi palabasin sa bahay para hindi makahawa sa ibang bata sabi ng doctor. After 7-10 days mawawala din daw ito sabi ng doctor hopefully gagaling sya agad nakakaawa dahil hindi halos makadede ang bata. At focus na focus ako sa kanya para naman maibsan ang dinadamdam nya.
5php ensaymada bread+coffee=Breakfast Good Morning friends... Medyo nalate na ang breakfast dami na kasing ganap ngayong umaga. Bawi sa ganap kahapon na halos wala akong nagawa sa bahay due to headache. Tara breakfast na sa mga hindi pa nakapag breakfast jan.
Coffee Everyone... Grabe umagang umaga palang kanina ang sakit sakit na ng ulo ko. Halos hindi ako makagawa ng gawaing bahay. Dalawang beses na akong na kainum ng gamot buti nalang ngayong hapon medyo umokie na ng konti makakatingin na ako sa cp ko ng matagal.Shakkklappp ng umaga ko ngayong Monday buti nalang napalitan ng saya sa mga biyayang dumating kung sino kaman po gift mona to sakin o samin sa Pasko. GodBless po.
Snack Time... Let's eat Knick Knacks, double choco flavor. Kung pwede sa bata pwede rin sa matanda, a hehehe. Wala lang talaga makain ang ina, ayaw patalo kakain rin ng snacks ng mga anak.ahhaha Gandang Hapon po sa lahat Kumusta po ang Sunday natin?
Snack Time... Peanut butter and bread everyone, have some? Ngayon lang ako nakaupdate naubusan ng load kaya bago ako magpost nakikibasa muna sa bali balita dito sa noise.app. Hindi na yata ako sana'y na walang load hindi ako mapakali ehh nagutom ako sa kaiisip kung ano ano ng nangyayari sa World na eto,ahahha. Naka recev na rin ako ng email ni noise regarding sa import pero hindi kopa nagagawa. Meryenda muna kami bago ang lahat lahat, sana kayo rin.
Our lunch right now,the leftover one last night. Nilagang karne po yan with patatas, saging, repolyo. Init init lang tayo guys para makatipid naman sa budget ng ulam kahit papano. Hindi kona pala binalatan ang saging kagabi dahil super hinog na talaga sya. Pero ok naman ang lasa ng sabaw hindi naman naapektuhan sa balat ng saging sabi daw kasi nila baka mag iba na ang lasa. Tara kainan na sa hindi pa nakakain jan.

December 02,2022 Thanks G it's Friday🙏 At dahil Disyembre na busy busyhan kami kagabi sa paggawa netong project ng pamangkin ko. Any kind of Christmas display para daw sa classroom nila sabi ni teacher. Humanap kami dito sa bahay ng mga hindi na namin ginagamit as decoration. At swerte namang naitago ito ni byenan kaya wala talagang gastos si pamangkin sa project nya. Ang mga baby Angel ay mga give aways yan sa binyag na nakadisplay dito samin at pinahiram kona muna sa kanya at ipapabalik naman daw sabi ni teacher after ng Christmas Party nila. Pasample ko lang sa kanya yan at pinicturan lang namin dahil don sa school nila dapat tapusin ito para makita din ni teacher na sya talaga ang gagawa. Kaya goodluck sa pamangkin ko sana mapaganda nya lalo para sa grades nya.

December 01,2022 Say hello to you😘December... Ang Nobyembre ko ay malungkot puno ng problema sa pamilya. Sana naman makabawi ngayong Disyembre maibsan naman ang lungkot na aming nadarama. Unang bungad ng Disyembre kanina ay ang pagbuhos ng ulan, sana naman mga biyaya naman bubuhos sa susunod. Wish me luck and I'll wish you luck too.. GodBless to us.
Good morning as usual late na naman ang gising... Kaya pala ang iingay na naman sa labas wala palang pasok sa school ang mga bata dahil Holiday. Pero etong si kuya nadatnan ko dito sa sala nagsusulat sa papel nya. Susulat daw sya ng name nya para may star ulit sya kay teacher. Pag marunong na daw magsulat ng name binibigyan ni teacher ng star. Sana all tulad nya ang isa nya kasing pinsan din na ka klase nya naglalaro na sa labas ayaw nya daw magsulat wala daw kasing pasok bukas nalang daw pag may pasok nah! Ahhhahaha

Baby CarePlus Magtatanghaling na pero ngayon palang maliligo ang mga BB. Humugot muna ako ng konti sa ipon ko para makabili netong baby shampoo+conditioner jan lang sa kapitbahay, naki maritess muna sa nagtitinda kong anong magandang shampoo para sa mga BB na kahit pawisan na hindi amoy araw ang ulo nila. Normal lang naman kasi sa mga bata ang ganyang amoy kapag pagpawisan pero gusto ko sana maiba naman,maiba ang amoy, ahhaha. Kaya try ko etong suggest ni kapitbahay medyo pricey pero ok lang para naman sa mga kids kaya must try diba..
Doowee Donut A kind of donut na malambot. Kaya naiiyak anak ko sa tuwing kakain sya neto at mapuputol kaagad! Ako naman ngarag kakaexplain bat na putol yun, a hahhah. Ayaw paawat sa iyak gusto kasi nya hanggang dulo ng pagkain nya korteng donut pa rin. Ano ba yerrrnnnn! Kagigising nya lang at eto na naman ang snacks nya kaya todo explain na ako sa donut para hindi maputo kaagad ito ang tamang paghawak, ahahhaha #GandangGabiPoSaLahat

PUTO with small slice of cheese at the top.... Good Morning friends, its a busy day for everyone there coz it's Monday, lalong lalo na sa may mga student at pamilyang pumapasok sa trabaho. Kaya naman balik tulog ako kanina dahil maaga akong nagising at naipaghanda ko ng baon si Mister. Here's my breakfast for today left over puto cheese from my sister in laws birthday. Magtitimpla muna ako ng kape ipapares ko lang dito kaya BRB. #Monday #PutoForBreakfast
Magandang gabi po sa lahat... Maaga pong kakain ng dinner ang mga ferson. Nakabili na naman ng murang crab sa labas kaya eto na ang dinner namin. More garlic and oyster sauce lang po ang katapat neto tyak mapapaunli rice na naman ako. Ano po luto natin jan para sa hapunan?
Eto na ang bungad samin ngayon, putol na ang mga puno. Dumating na kasi ang may ari ng lupa sa katabing bakuran namin at magpapaayos sya ng bahay nya dito. Kaysa bibili daw sya ng gagamitin sa pagpapagawa putulin na lang daw mga puno nila. Manghihinayang ka pa naman kaso desisyon yun ng may ari I hope sana palitan nya din ang mga ito ng panibagong puno. Haisssttt it's Sunday by the way anong ganap po sa # inyo? #BlessedSunday


Ang labo talaga ng cam ko, mapalitan nga to'... Charrrrr lang guys! Half moon kasi yan ngayon pero ang lumabas sa kuha ng camera koy parang full moon na.. Ahhehehhe. Nandito kami sa labas nagpapasundo pamangkin ko dahil nakikibirthday lumagpas na sa curfew nya ang oras pag uwi nya. Hindi na tamang pag uwi ng normal na dalaga, normal talaga hah, heheh. Nagpaalam naman kaso medjo lumagpas na sa oras ang paalam nya. Kahit nasa tamang edad na naman sya respeto lang sana sa magulang diba. Mahirap ng makialam kahit napagsabihan kona, one word is enough bukas naman yung iba baka magtampo na. Sige napo goodnight na muna sa mga pagtulog na.
Tuyo For Lunch "Hindi ka matatawag na mahirap kapag ganito ang ulam mo. Maswerte kapa rin dahil may kinakain ka ngayong sa tanghalian". Humuhugot si inday, kapag kumakain ako ng tuyo may nagpapaalala sakin isang tao na minsan nagparinig sakin netong "poor" daw ako kasi eto lang ulam ko ehh sa kanya "hakdog!", esteeee "hotdog" hahhaha. Away bata lang to guys... Past is past.... Ang tawag dito ay blessings, kaya thank you G🙏. Tara po lunch....
Mapagpalang umaga sa lahat... Last Saturday for the month of November. How exciting right? Ilang araw na lang kasi Disyembre na, yehheeeyyy! SKl muna etong ganap kagabi dahil hindi sila makalipat sa kabilang bahay para maglaro, nagtago taguan sila. Etong batang makulit at bunso sa kanilang apat ay madiskarte din naman sa pagtatago. Ibinigay sakin etong malaking takip na ginagamit sa mesa kapag may tirang pagkain pa at tinatakpan alam nyo yun? Hehehe hindi ko alam tawag dito. Itago ko raw sya dito para hindi sya makita ng mga pinsan nya. aahahahh gulat ako don. Hindi talaga mapapansin na may tao sa loob neto kung hindi mo lalapitan. Madiskarte ng bata talaga ohhh... #EnjoyYourWeekendPO #TaguTaguan

Malamig na gabi... Practice muna daw sya magsuot ng raincoat dahil umuulan sa labas. Na SS kulang photos nya puro kasi video kuha ko ky BB kanina. Nag entermission pa sa raincoat may pa dance and sing hindi ako familiar sa song nya pero English song natutunan nya yata sa isang nursery rhyme. Ano po ulam natin jan? Kami antay antay pa kay Mister naabutan kasi sya ng ulan nakisilong pa daw.
Fried Rice+ Egg for lunch... Yan lang muna ang aming lunch mga ka noise. 2n1 na ang egg and rice. Kaninang umaga ang kanin na yan dami na namang tira kaya para mainit ang kanin e fried rice nayan. Bawi nalang mamaya sa dinner. Tara guys lunch napo. Don't skip your lunch everyone!
Good morning mga frenny's.... Makulimlim ang umaga dito samin, Umuulan na daw sa ibang baranggay samin paparating palang,hahah. It's TGIF once again,time flies so fast at next week say hello to December na tayo yohoooo! Pero wala pang pan regalo abang abang mga inaanak ko kong makadaan si ninang sa lugar nyo. Kung hindi makakarating baka naligaw lang,ahhahahh.... Keep safe po everyone!
Magandang gabi po sa lahat.. "sabi ng makukulit na mga bata nato" Sa kabilang bahay sila naglalaro pero pinalipat sila dito ngayon ngayon lang dahil ang iingay nila at ang kukulit pa!hahahah Masakit na raw ang taenga ng bantay nila kaya lipat na muna sila sakin habang wala pa akong ginagawa. Ako naman ang makikinig sa ingay nilang apat. Antay antay pa ako kay Mister hindi kopa alam kong ano ulam namin ngayong gabi pero nakapag saing na naman. Kayo po may ulam naba?
Good morning sa lahat... Heto na si Santa Claus nagpaparamdam na kaya gising na po ang lahat,mag unat unat na at umpisahan na ang gawain ngayong umaga at araw ng Huwebes. Skl etong si Santa kahapon sa Unitop po eto nakadisplay pumunta kami ng panganay ko dito para bumili ng medyas. Ng nasa hagdan na kami super excited sya na makita eto ng harapan at magpapicture na kami. Magpapacute na sana sya sa tabi ni Santa ng bigla itong gumalaw at sumayaw ng pakembot kembot! Ayun umiyak bigla sa gulat pati ako nagulat din!hahhah tawang tawa ako sa moment na yun kahapon pero ang anak koy ayaw tumigil sa kaiiyak. Dapat kasi hindi na gumalaw ehh hindi ko tuloy nakunan ahhahah.kaya solo na lang si Santa sa picture...
This is ittttt Pansittttt!!! Leftover lang po yan kahapon dahil napadami ang luto ko kaya may breakfast pa kami ngayong umaga. Napakanta ang mga kids ng "Happy Birthday" kahapon pagkahain ko sa kanila netong pansit. Birthday daw ng isa,pagkatapos sasabihin din ng isa birthday nya rin daw! Muntikan ng mag away dahil sa pansit nato,hahah sabi ko nalang birthday nyong dalawa kaya nagluto ako neto. Hayssss buhay bata nakakaenjoy panuorin bastat wala lang away talaga. Today is busy day for Monday kaya let's eat breakfast.