How are you guys? missing you all here. napaisip ko na mag open dito. May nakakilala paba sakin.
Joined 22 September 2022 · 94 posts
BCH&NOISE
120 KT
0 KT received · 0 KT given
How are you guys? missing you all here. napaisip ko na mag open dito. May nakakilala paba sakin.
Hello everyone kumusta kayo lahat? Matagal din di nakapag post dito namiss ko din maka chissmisan kayo heheh. Nabusy na ako dahil araw² na ang pasok sa school ng aking bulilit na Daycare. Nakakapagod din sobrang aga gumising para mag asikaso tapos pagdating sa school kailangan pa mag antay bago matapos school nila.
After a week ngayon lang ulit nakapag pahinga sa daming ginagawa at nagkataon din na umuwi ate ko from SG kaya nagkasabay dalawang inaasikaso ko. Natapos din ang first Christmas party and first Coronation rites ng aking pinakamamahal na bulilit kung makulit. Ayan naka 8th runner up sya. Sobrang saya din as mommy na meron achievement ang aking baby.

Natapos din canvassing namin para sa search ng bulilit ko. Ika 8th sya kasi diko man binigay lahat yong na solicit ko sa kanya don ko din kasi kukunin ang pang bayad sa kanyang susuotin at foods pero not bad at least nasali sya. Mas excited yong mga parents sa Christmas party at search ng mga bata kesa first time din nila ma i-experience yon.
Dahil ginabi kami kakahanap ng pang costume ng anak ko kaya kumain na kami sa labas sa kilalang pagkainan sa bubuyog alam nyo na. Ito binigay na spoon samin may dumi pa akala ko ba naka sterelize di hinugasan parang di nga sinabonan. Di narin kami nag reklamo dahil sa sobrang busy din nila, kaya hinugasan nalang namin ulit.
Christmas is very fast approaching. Dina talaga mapigilang ang pasko ay sasapit na Na amaze ako dito sa City Hall namin puno ng ilaw ang mga puno Dumaan lang kami kanina at sobrang nakakawala ng stress kapag ito'y iyong masisilayan.
Kahapon nong naglakad ako papunta ng palingke akala ko may sunog kasi may bombero at ang ingay. May ililibing pala na kasamahan nilang pumayapa. Ganyan pala kapag bombero ang mawala parang nag parade sila at pinatinig ang siren. Tagal ko tuloy dyan nakatawid kasi baka mabasa ako hehehe takot din ako tumawid dami sasakyan.


Ice cream sa mainit na panahon Paborito ko chocolate flavor pati ng baby ko. kayo anong flavor ng ice cream ang gusto nyo?
Foods from generous neighbor dahil nag bi birthday pala yong anak niya at pinadalhan kami dito sa bahay. Tuwang tuwa naman tong bulilit ko kasi paborito niya tong coffee jelly at spaghetti kaya yan na dinner nya. Malamig na gabi tulog naba kayo?
GCASH update kanina lang mas mapadali at secured na sya dahil sa ganitong may pa finger biometric na dikana panay type ng iyong mpin diritso nalang. After how many years ngayon pa nila dinagdagan ng ganitong feature. Sa inyo updated na din ba si GCash?
Grabe daan dito samin parang palayan na. Palay nalang kulang dito. Kapag umuulan ganito scenario ang hirap makadaan sa daming putik. Galing kasi ako 7/11 para mag cash in kaso offline naman.
Happy Birthday sister we're too far apart to spend this bday together but near or far you're close to my heart. Wishing her the best always happiness love and health. I have no other prayer that we will all gather together I am happy that you are my sisters/brother and I wish the time had come.


Guys paano maningil ng di nakakasama? Yong sabi kasi nyang date na babayaran di tinupad. Naka ilang ulit na yan sakin kasi naawa ako kasi gamitin daw nya pambayad din ng utang nya. Ako naman tong maawain kaya bigay ng bigay. Ngayon hirap na mahagilap kahit sa chat kahit online dina mag seen. Maulan na hapon sa lahat. Sabi pag may ulan may biyaya sana nga babayaran na ako ng nangutang sakin kahit yan ay napakalaking biyaya na sakin. picture not related wala iba makita hehe yan nalang nong time na umuwi ako samin.
Last review namin kasi bukas evaluation na nila Ayeeehh mas na e-excite pa siguro ang mama kesa sa mag take ng exam. hehehe Sana kung ano sya dito magsagot sa bahay sana ganon din sa school nila. Perfect nya lahat yong pinagawa kung reviewers. Pagkatapos nya mag answer nyan natulog na ng maaga. 5am palang gising na sya bukas para mag ready, bago natulog nyan nag pi-pray pa sya for guidance sa exam nila tom. Sana lagi sya mabait at masunuring bata. #my Pre-K1 student #my 4 years old

Kaninang hapon gumala ang kaibigan ko sa dagat para magpahangin. Kawawa din lage lang daw siya nasa bahay namroblema kaya kanina nag e-emote. Wala daw siyang tamang kain sa bahay ng partner niya ang hirap kasi kapag nasa isang bubong lang kayo tapos may mga kapatid pa kung may gusto kang kainin dimo mabili kasi nakahihiya din kapag ikaw lang kakain.

Congratulations sa anak ng kaibigan ko si Jhelo. Napaka sipag mag aral. Lagi nagbabasa ng books kaya naging achiever sa school. Top1 sya sa klase nakaka proud pag ganyang bata. Bihira lang kasi lalaki na seryoso sa pag aaral. Pero lahat sila mga lalaki masisipag at may awards.


Dahil parating na ang exam nila gumawa ako ng reviewers para sa 1st evaluation nila this coming monday! Ganito pala ang feeling na may studyante nakaka excite tuwing mag exam hehehe. At dahil wala kaming printer at mahal magpa photocopy. Handwriting na mona at gagawa pa ako ng copies nya para bukas uulit sya mag review para sa monday alam na nya ang sagot. Buti mabait din tong studyante ko marunong na at makinig pero dami din advertisement saka sasagotan yong reviewers nya. He is 4 years old and Pre-K1 student.


Buko galing sa farm ng pinsan ko. Kapag wala mainom na tubig at di nakapag igib kukuha ka nalang ng buko sa paligid para maibsan ang uhaw ganyan ang buhay don. Minsan ganyan din gamot namin kapag feeling namin na napadami kain ng maaalat palagi kami iinom ng buko juice para iwas infection sa ihi. Sa probinsya namin yan ay tinawagan na "butong".
Kung kelan ako maglalaba saka umulan hmmm. Nakakaantok lalo na ganito ang panahon pero di pwede marami labahin at asikasohin. Parating na evaluation ng anak ko kelangan pa mag review kami para sa exam alam na nya at di sya masyado mahihirapan. Dyan sa inyo umulan din ba?
Alam nyo ba to mga mate? Isa ito sa pagkain na paborito ko lalo na sa mga tubong bukid ganito ang inuulam halos. Kaya kahit andito na ako sa bayan pero nag crave parin ako ng pagkain bukid. Pero ito lang mona kasi wala din available. Tanim ko lang yan dito sa likod bahay kaya kapag gusto ko kumain kukuha lang ako ng ilang piraso para di masayang. Ako lang naman din ang kakain nyan kasi ayaw nila.

Goodnight everyone! Ang tagal kung natulog ngayon dipa dinalaw ng antok kaya tumambay na mona at pa scroll at puso sainyo dito. Iniisip ko kasi siya, bakit kaya? Ok lang. I know may dahilan at di pwede. hmmm. Wala kasi akong manahap na pic na pwede ulit ma upload dito kaya ito nalang, kasama ang buddy kung napakakulit. Galing kami nyan sa church at nagpahinga mona. Dati nong ona ako lang nag sisimba at gumala pero ngayon may bitbit na hehehe.
Saan kaya makahanap ng tuxedo na pang 3 to 4 years old. Hirap kasi makahanap ng fit sa anak kung mapayat. Pangit tingnan maluwag eh. Baka po ay meron kayo dyan na kahit preloved bilhin ko sana basta good as new pa. Gamitin nila sa Christmas party at sa King and Queen. Or sino po dito taga Davao City may ma recommend kaya kayong pwede parentahan na set na tuxedo na mura lang?
Yesterday with my buddy going to town para mag solicit sa ninang nya sa darating na party nila may pa King and Queen. Kaya nag chat yong ninang niya sakin papuntahin kami ng anak ko buti 3 hours lang klase nila kaya pagkatapos namin kumain lumakad na kaagad medyo malayo pa naman sa kanila. Ginabi na kami kasi umuulan kahapon. Inantay na mona namin huminto ang ulan saka umuwi kaya by 8:45pm saka nakauwi. Sobrang ingay pa ng anak ko sa bus. Halos mga pasahero nakatingin sa kanya at naka smile, pati conductor sabay sabi "ang cute ng anak mo mam talkative daw" Nag e-english pa tapos ako di masyado alam sa English kaya puro yes no opo lang sagot ko ako labh nahihiya, hahaha. pagka baba namin, sabi ng driver uy ito pala ang maingay na englishero magmingaw na daw sila kasi wala ng maingay sa loob ahhaha. Ganyan din ba anak nyo napakaingay?

Can't wait heheh Dec.9 mag bakasyon ang sister ko dito samin kaya nag ipon na siya pampasalubong at sobrang saya naman tong bulilit ko dito dahil daw meron Kinder joy. Dikasi ako makabili nyan mahala kasi kunti lang laman. Kaya kanina humanap ako ng mapag stayhan nya dito for a week. Gusto nya kasi ng may privacy kaya mag apartment na mona sya kesa umuwi don sa kanila. Kunin lang nya yong anak nya para makagala sila at masulo ang isa't isa.

Nakakapagod pumila para makuha lang tong Mastercard na bigay ni gobyerno. Ito yong step 4 na pagka register namin nong sa National I'd. Ipapa activate sana namin kaso unavailable naman yong machine na malapit dito samin. Kaya next time nalang din. Sabi ng iba may laman daw sana nga totoo malaking help nato lalo na samin mahihirap na walang trabaho. Kayo din ba may Landbank Mastercard na binigay sa inyo?
Maulan na umaga sa kabisayaan diri sa Davao City Mag amping ang tanan lalo na sa babahaing lugar. Maagang nagising dahil sa lamig ng panahon at sa panay ulan. Kaya nag harvest mona ako sa mga puno kaya ito'y nakapagtanim ulit. Planting tree via online Kahit sa ganitong paraan nakakatulong tayo sa kalikasan na ma protektahan ang environment natin. Nakadalawang tanim na ako dito sa kakaharvest ko. Kayo din baka madami kayo enegery sa Gcash try nyo din mag collect at mag ipon ng makapagtanim din kayo.

Kamusta na kayo lahat? Napadaan saglit at medyo busy day pa kaya kahit minsan busy pero diko kayo makalimotan na ibabalik ang iyong puso. Dahil ang puso ang pinaka importante sa lahat kahit walang kinang basta makapag puso. Maulan na kaudtohon.
Walang ibang ikakasaya ng bata basta makain lang ang gusto nya at dahil minsan lang sya magiging bata bigay mona basta pagkain. Minsan lang din naghingi. Kita naman sa mukha nya na masaya sya. Paborito kasi nya yong fries lalo na sa jobeee. Magandang umaga sa lahat school time kami ngayon. nakakapagod bumangon dahil ang lamig maulan kasi kaninang madaling araw.

Sa tuwing ikaw ay aking makikita parang kumpleto na ang araw ko bakit nga ba ito? Sa tuwing ikaw ay lumalapit o ikay aking malapitan ang lakas ng kaba sa 'king dibdib pag- ibig naba ito? Di pwede kasi...._ pero hanggang ganyan nalang, pero alam ko sa puso ko na 'kaw nga ang laging laman nito. Pinipilit kung kalimotan ka kung sana ay paghanga lang to. Sarap sa pakiramdam na makikita ko ang saya ng iyong mga mata. (HAHAHA) Meng gabii kaninyong tanan.
DIY Witch cap Dahil walang pambili ng cap si @swabtaste dahil nagkahalaga ng 200 pesos at wala kami pambili. Ayan gumawa nalamang kami made of paper. 1 hour din bago natapos kasi pabilisan at gagamitin na nya mamaya para sa party nila. Sa tingin nyo maganda ba at ano kulang?