read.cash Log in

@Mitchi

Joined 9 September 2022 · 115 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Mitchi

Hello good evening to all Musta na mga friend, ako eto tindera parin πŸ˜„

@Mitchi

Flex ko lang po itong kuha ng aking eldest kanina nung nasa school sya, nagandahan daw sya sa Papalubog na Araw kaya naisipan daw nyang kuhanan ito. Kayganda naman talaga,kapag may mga magagandang tanawin una kong naiisip ay ang noise.cash,Nakakamis naman yung dati na lagi tayong updated sa noise.cash. Good evening everyone ☺️

+1 more

@Mitchi

Coffee Time β˜•πŸ˜Š Happy Saturday every one. God bless Us All.

@Mitchi

Big WOW, yung dating 38 ko eto na sya ngayon 😍ang saya saya naman 😍 Pwede na ito sakin, time to sell na.

@Mitchi

Ang ganda naman sa mata nito 😍 Swerte daw ang numero kapag inulit. Sana umabot ito sa isang Daan para todo ang saya 😁 Ngayon ako nanghinayang sa na sell ko last April 1.5 BCH, sa takot ko na magka aberya sa gcash kapag nag deadline na ng Sim registration, kahit mababa ang palitan nun nag sell na ako πŸ˜… Ang laki Sana nyan ngayon, Sayang talaga.

@Mitchi

Big wow, from 38, naging 68. Sana tumaas pa ng tumaas para makabawi manlang kahit konte para sulit yung mga puyat ko Noong 2022 πŸ˜…πŸ˜‚

@Mitchi

Kelan ko kaya madadagdagan yan πŸ˜…yan pa yung huling ipon ko sa noise.cash 😍diko pa nilalabas kasi yan nalang yung alaala ni @noise.cash ❀️ Nakakamis naman talaga, nag eenjoy kana kumikita kapa #noise.cash

@Mitchi

Magandang tanghali mga kaingay Musta po kayo? Ano na pinagkakaabalahan nyo? Ako eto sumusubok sa iba, in na in kasi ngayon ang kitaan sa fbr33ls, tara Subukan natin. Pwede tayo mag ftf duon hihi.

@Mitchi

Ito ang kwentong Starbucks namin kaninang Umaga. Dahil nakagat ako ng pusa nuong March 14,nagpa anti rabies ako kanina sa Premier Medical Center Cabanatuan for second session. Maaga kaming nagpunta sa Hospital, 8am andun na kami kaya ako ang kauna unahan hehe. Ibig sabihin maaga akong natapos na magpa anti rabies. Naisipan kong magpagupit sa David's Salon sa SM Cab.,9am andun na kami kaya ang ending sarado pa ang Mall hehe,pati parking lot ay sarado parin,pero sa harap ay may open ngalang para lang daw sa Starbucks at Macdo lang ang parking dahil ito palang ang mga bukas, kaya kahit wala sa Plano ay Napa snacks kami sa Starbucks. Sulit naman at Napa stay kami dun ng 1hour haha.

@Mitchi

Good morning 😊 Musta na mga kaingay? Tara po kape tayo β˜•

@Mitchi

Super BlessedπŸ™πŸ˜‡πŸ˜β€οΈ Ganito na kadami ang pinamimili ko mga kaingay, kaya madalang na akong makapag update dito, super busy sa tindahan. Samantalahin ang paghataw ng benta para makaipon 😁Pwera usog hehe. Namili ako kanina,at Ayan nga napuno ang kolong kolong ng suki kong namamasada, dahil alas dose pasado na nung kami ay pauwi, dumaan muna kami sa kainan para mananghalian dahil gutom narin kami. Sa mahal ng mga bilihin, umabot po lahat sa 30k ang Napamili ko,sobrang mahal na talaga ng mga bilihin, malaking puhunan na ang kailangan. Btw, magandang gabi po, kumusta napo kayo? Nakaka mis ang mag ingay dito, Nakakamis ang chikahan. Miss you all po πŸ₯°

@Mitchi

Kahit mainit ang panahon, kape parin hehe Ayan, katatapos ko lang magkape, kumalam ang sikmura kaya kahit mainit, napa kape ng di oras, syempre nag tinapay narin, ubos na kaya wala na sa picture haha. Magandang hapon mga kaingay, musta na kayo? Ngayon nalang ulit naharap na mag post, pero araw araw naman akong bumibisita dito, pumupuso at nag ko komento. Musta buhay buhay mga kaibigan? Ako eto dito parin sa tindahan, nililibang ang sarili hihi.

@Mitchi

Happy New Year πŸ˜πŸŽ‰πŸŽŠπŸŽ‰ Welcome 2023! Masaganang Bagong Taon sa ating lahat 😍

@Mitchi

Bilo bilo Dahil uso ang Bilog Bilog, gumawa ang Nanay ng bilo bilo 😁 Ilang oras nalang, magbabagong taon na, sana tumaas na ang BCH 😁 Happy New Year everyoneπŸŽ‰πŸŽŠ

@Mitchi

Merry Christmas everyone Halina at tikman ang aming munting handa 😁 Kaluluto ko lang nyan kaya titikman ko muna hehe. Maligaya at masaganang pasko mga kaingay.

@Mitchi

Ayan dahil nagkaroon ng encampment sa school ng bunsuan ko, na busy ako ulit hihi, Pati ako kasama nag camping haha, diko kasi kaya iwan Doon ang aking bunsuan at bebe pa, first time nya mag camping. Hirap kasi ipagkatiwala nang basta basta ang Anak ngayon, kaya hindi lang ako ang kasama sa camping ng mga bata, marami kaming mga Nanay ang nag bantay 😁 Sino kaya dito ang tulad ko na di kaya iwan ang Anak Lalo na at first timer πŸ˜…

@Mitchi

I miss you allπŸ€— Super busy ang tinderella, daming ganap sa life kaya eto madalang na makapag update, pero pasilip silip parin dito every day. Namis ko kayo, namis ko na ang mga chikahan natin mga frend, dami na atang nawala, diko na nakikita ang iba. Kaka mis talaga ang noise.cash, Doon super active ako, lahat ng kwento ng buhay ko nai share ko na haha. Ingat po lagi Magandang gabi po 😊

@Mitchi

Tinolang manok Late ang aming almusal kanina, kaya late din ang tanghalian. Musta kayo mga kaingay Sino pa po di kumakain, Tara napo Kain tayo.

@Mitchi

Pork and tokwa sisig Yan po ulam namin ngayon, pauwi palang ang mag Ama ko kaya waiting pa kami ni bunsuan. Konteng tiis pa hehe, mas masarap kasi kumain nang sabay sabay, mas masaya kapag kumpleto. Magandang gabi po

@Mitchi

Madalas talaga tuwing mag papasko lang meron kaming ganito, sa sobrang mahal nito, mas pipiliin ko nalang na bumili ng karne ng manok kesa dito hehe. Kasama pala yan sa bigay na grocery ng kumpanya ng hubby ko, nakakatuwa hindi lang isa kundi tatlo pa. Iluluto ko na yung isa para almusal namin, tiyak bago sumapit ang pasko ubos lahat to haha. Magandang Umaga po sa lahat, may gising napo ba? Tara napo magluto hehe.

@Mitchi

Kape muna bago matulog Wag sanang mawala ang antok ko dito sa kapeng ito hehe,mukha kasing masarap ang kapeng ito kaya diko na napigil na tikman sya. Uwi pala ito ng hubby ko galing sa opisina,Ibinigay na ang groceries Nila pang pasko, kasama itong kape kaya tikman na hehe. Tara po kape muna bago matulog πŸ˜…

@Mitchi

Magandang hapon mga kaibigan Kumusta po kayo? Medyo iwas muna ako sa pag gamit ng cp ngayon kaya madalang na makapag update dito, Galing ako sa EO kahapon, nagpa salamin ako dahil nasira yung dati kong salamin. Kahapon ko nalaman na tumaas na pala grado ng Mata ko, at may astigmatism ang dalawa kong mata,kaya Bawas muna sa pag gamit ng cp. Pero kahit di ako nag po post, araw araw din ako bumibisita dito, pasilip silip ngalang, hindi nagtatagal. Ingat po kayo lagi Namis ko na kayo ka chikahan ❀️❀️❀️

@Mitchi

Good morning ☺️ Happy Saturday po :) Weekend, Sabi Nila ito ay pahinga, pero minsan or madalas hindi rin hehe Mapa weekdays or weekend daming gawain sa bahay, walang katapusan. Lumabas kaman or mag outing, pagdating mo sa bahay Ayan nanaman ang mga tambak na gawain haha. Btw, ngayon lang nagkaroon ng time para mag almusal. Namis ko ang fried rice kaya Ayan ang niluto ko, nagtimpla narin ako ng kape para mas masarap ang sinangag. Kain po tayo mga frend :)

@Mitchi

Dahil magkalapit lang ang SM Cab at Ribinsons Cab, pagkatapos naming mamili ng ibang gamit sa SM, lumipat kami sa Robinsons. Yung kahit kumain na kami sa SM, paglipat namin sa Robinsons, kumain kami ulit haha, gutom yarn 😁 Joey's Snack house, paborito naming kainan,kahit may kamahalan basta sulit at masarap keri na. #Kahapon yarn 😁

@Mitchi

Family Bonding Kahapon yarn Samatalahin ang pagkakataon, walang pasok kahapon kaya Ayan nakapasyal din ang mga ferson hehe. Tuwang tuwa ang bunsuan kaya Ayan Napa picture picture, ang unica ija ayaw Maki join kaya sya ang naging photograper 😁 Happy Family πŸ₯°

@Mitchi

Paksiw na isda Salay daw ang pangalan ng isdang ito Sabi ng suki ko, masarap daw itong I Paksiw kaya Ayan pinaksiw ko nga 😁 Late na ang aming tanghalian, mahirap kasi talaga magluto habang bantay ng tindahan, takbo dito takbo Doon kaya inabot ng syam syam bago makapagluto hehe. Tiyak naman na karamihan ay nakapag lunch na kaya tayo po ulit kumain mga frend☺️

@Mitchi

Happy Monday everyone Good morning :) Maaga akong gumigising kapag may pasok, pero kanina mas maaga pa, need kasi makadating sa school ang aking Unica sa school ng 6:15, may dance practice kasi sila, half hour ang byahe mula dito samin gang school kaya need talaga gumising ng madaling araw 😁 Habang nasa daan sila ng daddy nya,ayan ang tanawing Nadaanan Nila sa bukirin, Kaygandang pagmasdan,pinasa nya agad sakin para daw maipost ko πŸ˜„ Btw Magandang Umaga mga frend, na busy ang life ko kahapon kaya ngayon lang ulit nakapag update, Nagkape naba ang lahat? Tara po magpainit muna ng sikmura, kape kape naβ˜•