read.cash Log in

@Bhing.05

Joined 29 May 2021 · 9 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Bhing.05

https://charlsss.tangled.com/join Peek a boo🫣. Nasaan na kayo? Doon ulit tayo sa kabila magmaritesan hahah. Baka sakaling meron pang hindi nakakagawa ng account doon kaya nagpost ako dito. Nakakamiss ang noise sobra.

@Bhing.05

Throwback picture ng pamangkin ko, abunjing abunjing siya dito hahah. Kinder na pala siya ngayon. May bakasyon sila ng lampas isang week sa school pala. Tita: Ang tagal ng bakasyon niyo sa school Given ano. Given: Oo nga pero ok lang kahit gawin pa nila hanggang December. Natatawa talaga ako minsan sa batang ito eh. Magpopost lang ako kahit wala ng tao dito haha

@Bhing.05

Feeling ko ang bata ko pa, akalain mo yun kasali pa ako sa age bracket nang bobotong SK. Bale dalawang balota, para sa barangay at SK sakin. Parang ayaw ko tuloy magboto lalo pa halos mga kapamilya namin ang magkalaban na tumatakbong kapitan, sigurado d'yan magsisimula magkasakitan ng loob. Ingats ang lahat. Padaan.

@Bhing.05

Hindi masaya na mag-isang naglalakad lakad dito sa SM. Sa dami ng tao dito wala man lang ako nahanap na kadate haha. Ang sadya ko lang naman talaga ay LBC para kunin ang padala ng kapatid ko. Hmm hindi pera ang padala🙊. Mga papel papel nya lang naman. Dahil hindi masaya kaya uuwi na din agad pagkakuha. Punta lang saglit sa supermarket dahil may kailangang bilhin. Hm gusto ko lang magpost. Kung anu-ano na lang sinasabi ko. Alam ko namang hindi kayo interesado.😅 Magandang hapon.

+2 more

@Bhing.05

Sariwang Ala-ala ng Lumang Pagkakaibigan Mukhang ako na lang ang nananatiling pinanghahawakan pa rin ang pinagsamahan natin. Paano nga ba ako makakalimot kung napakarami mong binigay na ala-alang napakasarap alalahanin? Patawad, pero aaminin ko, kapag napapasama ako sa iba, hinihiling kong mahigitan ka nila. Ngunit paano? Ni hindi ka nga nila mapantayan. Niloloko ko lang ang sarili ko kung patuloy kong hihilingin ang bagay na ’yon. Ngunit hindi ba’t kamangmangan din kung papangarapin ko pang bumalik ka? Kung gayon nga, napakamangmang ko naman. Akala ko noon ay ayos lang ang lahat sa pagitan nating dalawa, hanggang sa isang iglap, bigla mo na lang akong iniwan. Walang abiso, walang paalam. Basta-basta ka na lang umalis. Gusto kitang puntahan. Gusto kitang tawagin. Nakakainis pero hindi ko magawa. Dumating na siya. Ang bago kong kaibigan. Sa wakas. Kanina ko pa siya hinihintay. Ano ba’ng nangyari? Nahuli siya sa takdang oras ng pagkikita namin. Ngunit ayos lang. Malaking ginhawa na ang dala ng pagdating niya kahit ga’no pa katagal. Nakakatakot na kasing maghintay e, dulot ng hindi mo pagsipot noon. Iniwan mo na ’ko, at siya naman ’tong nagtiyaga sa akin kahit batid ko namang minsan mahirap akong intindihin. Kahit naman kasi ako sa sarili ko, hindi ko rin maintindihan. Mahirap akong intindihin ngunit mas nahihirapan akong umintindi. Kaya siguro hindi mo na ’ko natagalan. Lumapit na siya sa akin. Heto naman ako, pinapakitang nasabik ako nang sobra na makita siyang muli. Yumuko siya’t hinimas-himas ang aking ulo, kasabay ng pagkawag ng aking likod bunsod ng tuwa sa pagkakita sa kaniya. Tinanggal niya na ang pagkakatali sa aking leeg, ngunit hindi ang pagkakatali ko sa nakaraan. PS: Nabasa ko lang pala yan haha. Post ko yan sa NC dati. Nagbukas kasi ako sa kabila at naghanap kung may matino din ba akong napost doon. Yan ang nakita ko at itong picture ng kapatid ko habang nasa tuktok ng Mt. Isarog. 🙊 Gandang gabi sa lahat. Kain na pala.