Camping part II

10 43
Avatar for Greyzzz
3 years ago

Hi eto po link ng part 1

https://read.cash/@Greyzzz/camping-16ae8497

Nasa NLEX na kaming magkakaibigan at medyo mabilis ang biyahe dahil 'di na gaanong traffic. Ako nga pala ang nag-suggest kay Beigh na around North Luzon maghanap ng pwede naming pag-campingan. At ang napili ni Beigh ay sa liblib na lugar sa Pampanga. Sumang-ayon naman ang lahat para malayo sa polusyon. Walang hotel doon, pero ang sabi ni Beigh ay may mag-guide naman samin na taga roon. Kaya pumayag na ang lahat.

Napag-usapan namin na 3 nights and 2days kaming magsstay doon.

Wala pang 8pm ay nakarating na kami sa pampanga pero isang oras pa raw ang biyahe papunta sa mismong camp site kung saan kami mag-stay.

Sobrang tahimik na ng lugar at wala rin street light sa dadaanan namin kaya ang ilaw nalang ng van ang magsisilbi naming ilaw. Habang nagda-drive si Jake ay naisipan niyang magpatugtog nalang para mawala ang antok naming lahat. Lahat kami ay sumasabay sa kanta pati na rin si Alex.

Pagkalipas ng isang oras ay nakarating na rin kami sa wakas. Sinalubong kami ng isang babaeng morena, mahaba ang itim na itim na buhok at may maamong mukha. Siya raw ang magiging guide namin.

"Wow pre ang ganda niya." Bulong ni Jake kay Beigh pero narinig ko naman dahil magkalapit lang kaming tatlo.

"Hello, ako nga pala si Maui." Pakilala ng guide namin.

Ang ganda niya na ang ganda rin ng boses niya.

"Saan pwedeng mag-cr kanina pa ako naiihi eh." Tanong ni Apple kay Maui.

Agad namang itinuro ni Maui kung saan ang cr.

Isa-isa kong pinakilala ang kasama ko kay Maui.

"Hi, ako si Sheena, siya naman si Beigh, at yung lalaking matangkad naman ay si Jake. At ito naman si Alex. Yung nag-cr naman ay si Apple."

Sinuklian ako ni Maui ng isang ngiti.

"Ilapag niyo na muna ang mga bag niyo. Ay oo nga pala gusto niyo mag tent o sa bahay na yun?" Tanong ni Maui habang tinuturo ang bahay .

"Duh, syempre sa tent kaya nga camping eh" sabat naman ni Apple.

"Nandiyan kana pala." Mahinhin na sagot ni Maui.

"Obvious ba? Tss." Mataray na sagot ni Apple.

Nakita kong kinurot ni Alex si Apple para siguro ay sabihan siya na magdahan-dahan sa kamalditahan niya.

"Uy pasensya kana kay Apple ha, ganyan talaga yan pero mabait naman siya kahit papaano hahaha." Bulong ko kay Maui. Napangiti naman si Maui ng sobrang tamis.

"Marunong ba kayo mag-assemble ng tent?" Tanong ni Jake samin.

"Syempre hindi." Sabay naming sagot. Natawa ako dahil as in sabay talaga.

"O siya sige inyo na muna ang gagawin namin ni Jake. Oh ano tara pre." -Beigh

Agad namang sumunod si Jake. Natuwa ako ng makitang masayang nakikipagkwentuhan si Alex kay Maui.

"Nakakatampo ka naman sa kanya ang bait mo samin hindi. Kaibigan mo ba talaga kami ha?" Biro ko kay Alex habang nakangiti.

"Syempre sawa na ako sa pagmumukha niyo." Pabalang na sagot ni Alex na nakangiti rin.

Kahit KJ yang si Alex, komportable naman kaming lahat sa kaniya. Squad nga kami diba.

Inabot na ng hating gabi bago ma-settle ang lahat sa camp site. Sa sobrang pagod ng lahat lalo na sina Jake at Beigh ay napagpasyahan namin mag-inom muna dahil marami naman kaming dalang inumin at mga pwedeng kainin.

Sinubukan naming yayain si Maui pero sabi niya hindi raw siya umiinom ng alak. Pero nag-offer siya na sasamahan niya kami sa pag-inom para na rin makapag-kwentuhan.

Tinulungan ako ni Maui at ni Alex magluto ng mga dala naming karne para sa pulutan. Si Apple naman na maarte ay panay ang maktol dahil andami raw lamok at siya ang naging tampulan ng asaran nila Beigh at Jake.

Nakakatawa lang isipin na nagrereklamo kami na panay inom eh hanggang ngayon umiinom pa rin kami pero ang pinagkaiba lang ay nasa out of town kami.

Di pa man kami nakarami ng inom ay napagpasyahan na naming lahat na magpahinga na para sa mga activities na balak naming gawin pagdating ng umaga.

Fast forward...

Alas sais ng umaga isang malakas na sigaw ang nagpa-gising sa aming lahat.

Dali-dali akong lumabas ng tent ko at ganun rin ang iba. Si Apple pala ang sumigaw at kitang-kita ang takot sa mata niya at nanginginig habang nakatitig sa labas ng cr.

Lumapit kaming lahat at lahat ng balahibo sa katawan ko ay nagsitayuan kinlabutan ako nang nakita namin ang walang buhay na katawan ni Maui na naliligo ng dugo.

--

Isang oras na ang nakalipas simula ng matagpuan namin ang bangkay ni Maui, ang mga tao na naninirahan malapit dito sa site ay ang nagdala ng katawan niya. Walang sinuman ang nagtangkang magtawag ng pulis. Palaisipan pa rin sa aming lima kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Maui.

"Nasaan si Alex?" Tanong ni Beigh nang mapansin na wala si Alex.

Oo nga, nasaan kaya si Alex?

Abangan ang susunod na parte ng kwentong ito. -greyzzz

7
$ 7.49
$ 7.49 from @TheRandomRewarder
Avatar for Greyzzz
3 years ago

Comments

Luhh anyare kay Maui?😱😱😱

$ 0.00
3 years ago

Pinatay ni harry haha. Char! Abangaaan🥰

$ 0.00
3 years ago

Ito talaga si Harry mamamatay tao😂

$ 0.00
3 years ago

Nag-cross sa parallel universe😂

$ 0.00
3 years ago

Hindi na sya ang Harry na kilala ko chaarr😂

$ 0.00
3 years ago

Same sis same😂

$ 0.00
3 years ago

Keep up the good work

$ 0.00
3 years ago

Thank youuu

$ 0.00
3 years ago

Next pls

$ 0.00
3 years ago

Soonest po🥰

$ 0.00
3 years ago