Camping part III

2 40
Avatar for Greyzzz
3 years ago

Camping part 1 and 2, visit the link below.

https://read.cash/@Greyzzz/camping-16ae8497

https://read.cash/@Greyzzz/camping-part-ii-a7de037f

"Uy Alex nandiyan kana pala." Puna ni Beigh nang makita niya si Alex.

"Saan ka galing?" Tanong ko kay Alex.

"Ba't 'di ka man lang nagsabi kung saan ka pupunta?" Nag-aalalang tanong ni Beigh sakanya.

"Oh, ba't 'di ako nainform na dapat pa akong mag-paalam sa inyo? Para 'di niyo na ako kulitin, galing po ako sa tabing ilog dahil naligo ako. Okay na ba kayo kasi may gagawin pa ako." Iritang sagot samin ni Alex.

Nang mapansin kong may dala siyang plastik, na may damit at may mga dugo.

"Ano yang dala mo?" Pahabol kong tanong.

"Ano nanaman ba? Syempre damit ko. Alangan namang itapon ko kung saan-saan lang." Muoi niyang sagot at halatang galit na.

Hinayaan ko nalang siya. Maaring namalik-mata lang ako.

Tanghali na at hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina, ganoon din sila Jake, Apple at Beigh. Napansin kong parang wala lang kay Alex ang nangyari.

"Nakita niyo ba si Maui?" Casual na tanong ni Alex na tila walang alam sa nangyari.

Nagkatinginan kaming apat.

"Oh bakit? Ano 'to titigan challenge?" Dagdag niya pa.

"Wala ka ba talagang idea ha Alex?" Medyo mataas na boses ni Jake.

"Idea saan?" Muli niyang tanong.

"Patay na si Maui. Natagpuan siya ni Apple sa cr kaninang alas sais." Kalmadong paliwanag ni Beigh kay Alex.

Kita ang pagkabigla ni Alex sa narinig. Pero hindi mawala sa isip ko ang nakita ko sa dala ni Alex kanina, 'di ko maiwasang isipin na siya ay may kinalaman sa nangyari. Napaparanoid ako, ayokong pag-isipan ng masama ang kaibigan ko.

Si Apple balisa pa rin, the fact na may phobia sa dugo si Apple kaya 'di ko siya masisisi.

"Okay ka lang ba?" Pag-aalala ko kay Apple.

Tumango nalang siya bilang tugon.

"Ano tuloy na natin mga gagawin nating activity kahit wala si Maui." Suggestion ni Jake.

Parang ayoko na tumuloy ngunit bigla naman sumang-ayon si Alex na parang walang pakialam sa nalaman niya. Nakakapagduda.

"Tara na 'wag tayong mag-aksaya ng oras." Yaya ni Alex samin.

"Kayo nalang muna, magpapahinga nalang muna ako sa tent ko." Malumanay na sagot ni Apple. Halata pa rin sa boses niya ang takot.

"Sigurado ka ba? Gusto mo samahan nalang kita dito?" Alok ko kay Apple na agad niya namang tinanggihan.

"Ano tara na" Sabat ni Alex.

Halata rin kay Beigh na 'di siya sang-ayon sa gusto nila Jake at Alex, pero dahil si Alex ang may gusto sumunod nalang ito. Ganun din ako.

Nag-aalala man ay naisip ko rin na baka kailangan kong mag freshen up para mawala sa isip ko ang imahe ni Maui na naliligo sa sarili niyang dugo.

Dahil sa pagkamatay ni Alex nagkaroon kami ng bagong guide. Si Manong Toto, mabait siya pero ilag kami sakanya dahil yata sa age gap namin. Si Maui kasi ay halos kasing edad lang namin.

Naglibot-libot muna kami sa buong camp site sa loob ng isang oras. Buti nalang at di gaanong mainit.

At noong hapon na ay umakyat kami sa bundok. Tatlong oras ang inabot namin bago marating iyon. Pagkababa ay naligo muna kami sa ilog na pinagliguan rin ni Alex kaninang umaga.

Mag-aalas sais na ng gabi bago kami nakabalik sa mga tent namin. Si Manong Toto naman ay umiba na ng daan after niya kaming samahan.

Pagkatapos namin magpahinga ay nagluto na kami ng mga pwede naming kainin at sinamahan na rin namin ng alak. Sobrang nakakapangilabot ang nangyari kaninang umaga, hindi ko alam kung ako nalang ang nag-aalala at natatakot. Kung tititigan ko ang mga kasama ko ay parang okay na sila maliban kay Apple na balisa pa rin pero hindi na tulad kanina.

Fast forward...

Tapos na kaming lahat kumain at ngayon ay umiinom na kami ng alak.

Kalagitnaan na ng inuman namin nang biglang magsalita si Apple.

"Alex umamin ka nga, anong kinalaman mo sa nangyari kay Maui? Diretso niyang tanong kay Alex.

Napangisi si Alex.

"Hahahahaha so ako pala pinaghihinalaan niyo for fck sake?" Sagot ni Alex.

Tinitigan lang siya ng masama ni Apple.

Nagulat kami ng biglang hampasin ni Alex ang lamesa nang sobrang lakas. Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming lahat.

"Kayo rin ba? pinagdududahan niyo rin ba ako? SUMAGOT KAYO!!!" Sigaw ni Alex sa aming lahat.

Gusto kong magsalita pero natatakot ako, paano kung si Alex nga? Paano kung ako ang sinunod niya?

"Ikaw Sheena sumagot ka! Piangdududahan mo ba ako ha?" Sigaw sakin ni Alex.

Namuo nanaman ang katahimikan. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Ba't ako lang ang pinagdududahan niyo? Ba't 'di niyo pagdudahan si Apple. Sainyo na rin nanggaling na si Apple ang unang nakakita sa bangkay ni Maui." Dagdag pa ni Alex.

"So ako naman ngayon ang sisisihin niyo? Hindi ko ginustong ako ang unang makakita nun. At kung may choice ako 'di ko pipiliing makita yun. Tandaan mo yan Alex!" Sigaw ni Apple habang umiiyak.

"Ano ba?! Ano bang nangyayari sainyo? Magkakaibigan tayo ba't kayo nagkakaganyan? Hindi natin kailangang magsisihan, hindi lang naman tayo ang tao rito. Mag-isip nga kayo! Nandito tayo para magpakasaya hindi para magsisihan!" Galit na si Jake.

Ako at si Beigh ay tahimik lang. Wala nang gustong magsalita pagkatapos nun.

Lahat ay bumalik na sa kaniya-kaniyang tent. Pero ako 'di pa rin ako panatag. Natatakot akong matulog baka ako na ang susunod.

Abangan ang kasunod na part -greyzzz

9
$ 9.00
$ 9.00 from @TheRandomRewarder
Avatar for Greyzzz
3 years ago

Comments

nakakatakot ang storya . buti nalang umaga ko to binasa , kindi buong gabi ako gising

$ 0.00
3 years ago

Abang abang na me 😂

$ 0.00
3 years ago