Alas dos na ng madaling araw at nag-iinuman pa rin kaming magbabarkada dito sa bahay ng kaibigan kong si Beigh. Lima talaga kaming laging magkasama Ako, Beigh, Apple, Alex at Jake.
"Hays! Nakakasawa na! Hindi na nakakatuwa 'tong puro inom natin. Sobrang boring!" Nagulat kami sa sigaw ng kaibigan naming si Apple.
"Ano ka ba Ple? Alam mo namang bawal pa naman mag gala ngayon hello? Pandemic kaya." Sagot ko sa kaniya na medyo naiirita.
Naisip kong may point siya. Sobrang boring na talaga.
"Tama naman si Apple eh, kung tutuusin parang sinusunog nalang natin atay natin pero 'di na tayo nakakaramdam ng lasing." Sabat ni Jake.
"Ano ka ba Sheena? Pwede na rin naman lumabas ngayon, ang dami ko na ngang nakikitang nagra-rides at swimming eh." Si Beigh.
"Tara rides na rin tayo" -Apple
"BORING!!!" Sabay na sabi namin ni Jake.
"Oh teka, kanina ka pa yata tahimik diyan Alex?" Puna ko kay Alex. Ang KJ ng barkada.
"Ayoko lang mag-suggest sainyo, di rin naman ako sasama if ever." Walang emosyong sagot ni Alex.
"Come on, Alex. Ilang beses mo ng sinabi yan but you are here with us your beloved friends." Apple.
"HAHAHAHAHAHAHA" sabay kaming lahat tumawa maliban kay Alex.
"Kung 'di lang kinaladkad ni Beigh hindi naman ako sasama tsss." -Alex
"May naisip na ako, akyat tayo bundok o kaya camping." Suggestion ko sa barkada.
"Tara g." -Beigh
"Gameeee" -Apple
"Camping nalang" -Jake
"Ayo--" -Alex
"Sagot ko na expenses mo" Pagpuputol ko sa sasabihin ni Alex.
"Still no." -Alex
"KJ talaga tss" bulong ni Apple na rinig naman ng lahat.
Kahit KJ yang si Alex alam kong sasama pa rin naman yan samin, sapilitan nga lang. Si Jake ang lalaking G sa kahit ano basta may thrill. Si Beigh ang parang locator ng barkada hahaha. Siya ang maghahanap kung saan kami pwede tumambay o gumala. Si Apple naman maarte talaga yan. Ako? Ang promotor ng barkada, kaya kung saan ako doon din ang lahat.
"Ako na bahala sa van kayo sa gas." Sagot ko. Lahat naman kami may kotse pero hassle pag lahat kami magdadala.
"Sinong magda-drive?" Tanong ni Jake.
"Tinatanong pa ba yan ha? Malamang ikaw, gusto mo ako nalanc mag-drive?" Iritang sagot ni Apple na may halong pang-aasar.
"Hindi na okay na. Ako na magda-drive. Ayoko pa mamatay" Ngiting asong sagot ni Jake.
"Yun naman pala eh" -Apple
May trauma na si Jake noong gala namin year 2018. Muntik kaming mahulog sa bangin dahil kay Apple. Marunong naman talaga mag-maneho si Apple kaso nga lang syempre sino ba naman hindi kakabahan diba? Hahaha.
"Hayaan mo pre, palitan nalang tayo." Paninigurado ni Beigh kay Jake.
"Oh ano okay na kayo? Mamayang 4pm pumunta na kayo sa bahay."
Sumang-ayon naman ang lahat maliban kay Alex.
"Ba't parang agad agad naman yata?"-Alex
"Why not?" Maarteng sagot ni Apple kay Alex.
"Sige na Alex 'wag kana kumontra. Daanan nalang kita sainyo para sabay na tayo pumunta kina Sheena." Sabi ni Beigh kay Alex.
"Okay, as if namang may magagawa ako tss." -Alex
Malapit na rin palang mag 3am kaya naisipan naming tumigil na at umuwi sa kanya-kanyang bahay para makapag-ready na at para makatulog din kahit papaano.
Fast forward
12noon na rin pala kaya naisip kong mag-impake na ng mga dadalhin sa camping namin. Chinat ko rin ang mga kaibigan ko para siguraduhing nakapaghanda na rin sila. Buti 'di na kami pinahirapan ni Alex sa pagsama niya.
2pm at himala nauna sila Alex at Beigh makarating sa bahay.
"Aga niyo ah, 4pm pa naman ang usapan natin." Puna ko sa dalawa.
"Tanungin mo yang si Beigh." Sagot ni Alex na naka-poker face pa.
"Eh kasi naman akala ko mahihirapan ako kay Alex magyaya, nagulat nalang ako na nakabihis na siya kaagad. Kaya ayun dumiretso na kami kaagad dito. May pagkain ba kayo? Pakain nga." Paliwanag ni Beigh. Sabagay may point siya mahirap kasi talaga pilitin si Alex isang malaking himala talaga.
Kumakain na kaming tatlo ng biglang dumating si Jake. Halatang nagulat rin siya na nakita niyang mas maaga pa sa kanya sila Beigh at Alex pero pinili niya nalang manahimik. Siguro ayaw niyang magbago bigla ang isip ni Alex.
"Hay nako as usual! Si Apple nanaman ang late." Bulalas ni Jake.
"Hayaan mo na 3pm pa lang naman pre." -Beigh
Makalipas ang 30 minutes naisipan kong tawagan si Apple para i-check kung nakahanda na siya. Maarte pa naman yun, baka buong bahay nila dinala niya na.
Agad naman sinagot ni Apple ang tawag ko.
"Hoy bruha, nasaan kana? Kumpleto na kami dito ikaw nalang ang kulang." -Ako
"So kasalanan ko pang maaga kayo dumating? Aba 4pm ang call time ah." -Apple
"Oo nga 4pm ang call time. At 3:30 pm na po ngayon. Baka gusto mong bilisan at baka gabihin tayo ng sobra." -Ako
"Sandali!" Sagot niya sabay patay ng tawag.
Aba bastos kung 'di ko lang talaga kaibigan to baka sinapak ko na talaga haha.
4:30 pm...
"Aga mo ah, sana mga 6pm kana dumating." Si Jake na kanina pa talaga nagrereklamo sa kabagalan ni Apple.
"Alam mo ang OA mo 30minutes lang naman akong na-late ah." Naiiritang sagot ni Apple kay Jake na salubong na ang kilay.
"Osyaaa, tara na wag niyo na subukang magtalo." Putol ni Beigh sa dalawa.
"Ano aalis pa ba tayo o hindi? Sinasayang niyo oras ko." Biglang sabat ni Alex na akmang pupunta na sa van dala ang gamit niya.
"Okay na tara na." Si jake na bitbit na rin ang gamit niya.
Kinuha na rin namin ang mga gamit namin at sumunod kila Alex at Jake papuntang van. Mabilis lang naming nailagay lahat ng gamit namin.
Sumakay na kaming lahat sa van at handa ng umalis.
Abangan ang part 2 ng camping. -Greyzzz
Part 2 sana😍😍