Closure part II

7 62
Avatar for Greyzzz
3 years ago

Hi, ito na po ang part 2 ng kwento ni Dahlia at Vince. Please read the part 1 before reading this thank you.

https://read.cash/@Greyzzz/closure-d715cd8c

After ng ilang oras naming chikahan ni Vince ay napagpasyahan na naming matulog na dahil may pasok pa ako bukas at siya naman ay babalik na sa boarding house niya na malapit sa school niya. Ayaw niya pa sanang matulog kasi nag-eenjoy daw siyang kausap ako. Pero 'di ako pumayag kasi nga 4 o'clock ng madaling araw ang alis niya. 3 to 4 hrs. ang biyahe galing saamin.

"Okay lang naman kung ayaw mo pa matulog, baka may kausap ka pa." Sabi ko sa kanya.

"Hala wala noh, ikaw lang kausap ko." Sabat niya.

Natawa lang ako kasi sanay na ako sa ganyang mga linyahan ng mga dati kong nakakausap.

Fast forward...

4:30 am, naalimpungatan ako kaya pumunta nalang ako sa kusina namin para uminom ng tubig. Pag balik ko sa higaan, nawala na yung antok ko. Naisipan kong mag-cellphone nalang baka sakaling antukin ako, scroll down lang sa news feed ko natatawa ako sa mga memes na nakikita ko. Nang biglang tumambad sa screen ng cellphone ko ang pangalan ni Vince. Nag-send siya ng voice message.

"Ba't ang aga mo nagising? Baka naman di ka natulog niyan ha." Pabiro niyang sinabi sa akin.

"Ay good morninggggg pala" pahabol niya.

"Ang ingay mo naman naka-full volume pa naman phone ko tapos wala akong earphone na suot." Reply ko sa kanya habang natatawa.

"Ay hahaha. Sorry nakalimutan kong masyadong maaga pa pala." Sagot niya.

"Charot okay lang. Diba ngayon balik mo?" tanong ko sakanya.

"Eh ikaw diba may pasok ka pa mamaya? May balak ka pa bang matulog ulit?" Pabalik niyang tanong sakin.

At ayun nga nagtuloy-tuloy nanaman ang usapan namin. Imbes na nagpapaantok ako, 'di na ako nakatulog dahil sa kadaldalan niya. Buong biyahe niya inuupdate niya ako kung nasaan na siya at kung anong ganap. Pero hinayaan ko lang baka need niya lang ng kausap para 'di siya mabored sa buong biyahe.

Wala pang 6:30 am ay nag-chat na siya sakin na nakarating na raw siya sa boarding house niya.

"Oh ang bilis mo naman nakarating?" Pagtataka ko.

"Ganun talaga pag maaga umalis, 'di pahinto hinto yung van tapos 'di gaanong traffic."

"Ahhh, o siya maliligo at mag-aayos muna ako kasi may pasok pa ako mamaya. Bye" huli kong reply bago ko patayin ang data ng cellphone ko.

7am kakatapos ko lang magbihis ng uniform nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Arrggh kaasar naman, teka nga makikibalita ako sa gc namin baka walang pasok." Bulong ko. Umaasa ako na sana wala ngang pasok dahil wala pa ako masyadong tulog at nakakatamad bumiyahe papuntang school pag umuulan.

Ambait sakin ng panahon wala raw pasok sabi ng adviser namin. Kaya dali-dali akong nagpalit ng damit pambahay at ready nang matulog.

Paggising ko 11am na pag-check ko ng phone ko nagpop-up chat ni vince na wala rin daw silang pasok. Simula nanaman ng walang humpay naming kwentuhan. Para kaming 'di nauubusan ng topic minsan nga ay naghahalo-halo na yung usapan namin haha.

Fast forward...

Ilang buwan na rin pala kaming magka-usap ni Vince pero yung conversation parang katulad lang din nung una naming pag-uusap masaya pa rin walang nagsasawa. Kwento rito, kwento roon.

Nagpaparamdam na rin si Vince sakin pero ayokong mag-assume. Nahuhulog na rin ang loob ko sakanya pero ayokong pangunahan ang mga bagay.

Hanggang sa isang araw...

"Hi dah, saan ka?" tanong niya sa akin.

"Nasa bahay pero aalis ako pupunta sa city." Casual kong sagot kay Vince.

"Sama akoooo"

"Luh, tara lipad ka dito pauwi. HAHAHAHA" Pabiro kong sagot sakanya.

"Hindi nga? Seryoso ako, sama na ako dali." Pangungulit niya

"As if namang nandito ka." Sagot ko.

"Paano kung oo, papayag ka?"

"Oo" maikli kong sagot. Kasi pakiramdam ko nagbibiro lang talaga siya.

"Sabi mo yan ha, tara na abangan kita sa terminal ng tricycle." Sagot niya habang tumatawa.

Nabigla ako sa sinabi niya kaya nag-video call ako sakanya. Ang loko laki ng ngiti, ngiting aso. Joke hahaha.

"Ba't di mo sinabi na uuwi ka?!" Bungad na tanong ko sakanya pagkasagot niya ng tawag ko.

"Para surprise namimiss na kita eh." Banat niya, ngumunguso pa ang loko.

Pero oo kinilig ako hahaha. Natawa nalang ako at sinabi ko sakanya na saglit lang paalis na ako ng bahay.

Nagkita na kami ni vince at nakarating na rin kaagad sa city dahil 20 minutes away lang naman ito sa barangay namin.

Napagpasyahan namin ni Vince na kumain nalang muna bago pumunta sa dapat kong puntahan at gala na rin pagkatapos.

Habang kumakain casual kaming nagtatawanan at nagku-kwentuhan na akala mo ay matagal na magkakilala pero sa totoo lang ito first time naming pag-uusap sa personal. Magaan talaga loob namin sa isa't-isa. Natapos na kaming kumain ni Vince at sinamahan niya ako sa mga dapat kong puntahan. Inabot rin kami 5pm sa kakalakad at natapos rin sa wakas.

"Tara tambay muna tayo dun sa tabing-dagat." Pag-aaya niya.

Hindi na ako kumontra dahil malapit lang naman atsaka may food park doon. Tsaka gustong gusto ko rin makita yung dagat at kumain na rin ulit.

"Uy doon tayo oh!" Turo niya sa may dalampasigan.

"Nood tayo sunset. First time kong makakakita nito na may kasama eh." Nahihiya niyang kwento sakin.

"Hahaha same"

Malapit na mag-sunset nang maramdaman kong hinawakan ni Vince ang kamay ko. Sabay tingin niya sakin.

"Pwede ba manligaw?" Nabigla ako sa tanong niya at pakiramdam ko namumula ako sa hiya.

"Pasensya na ha kung nabigla kita, matagal ko nang gustong manligaw sayo pero gusto ko magpaalam sayo ng personal." Dagdag niya pa.

"Tayo na." Sagot ko sa kanya. Halata ang pagkabigla niya sa sinabi ko kaya natawa ako na nahiya.

Hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi bigla, ang alam ko lang ayaw ko na patagalin pa kasi pareho naman kami ng nararamdaman ni Vince sa isa't-isa.

"Talaga? Wala nang bawian yan ha?" Sabay pisil niya sa kaliwa kong pisngi.

Tumango na lang ako dahil di ako makapagsalita. Kinikilig ako na ewan. Sabay namin pinanood ang sunset na magkahawak ang kamay.

Natapos ang napakahabang araw namin ni Vince. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag yung nararamdaman ko noong araw na yun. Basta ang alam ko pareho kaming masaya ni Vince.

Abangan ang Part 3 ng kwentong Closure. Salamat sainyo. -greyzzz

11
$ 6.49
$ 6.49 from @TheRandomRewarder
Avatar for Greyzzz
3 years ago

Comments

Very interesting article keep it up

$ 0.00
3 years ago

nice series .

$ 0.00
3 years ago

Hi sis can you tip me some BCH on article please ? Thx

$ 0.00
3 years ago

Ang ganda ng flow ng story. Sana may tragic part yan hahaa bitter po kase ako. Mas ok po tlaga na gumamit ng 1st POV pag babae ang bida kase maganda sa flow ng story. Ang hirap lang sa mga katulad kong lalaki na gumawa ng love story kase lalaki ang main character tapos 1st POV ang gamit. Tingin mo ate ok ba gumamit ng 3rd POV na lang?

$ 0.00
3 years ago

Hahaha pag-iisipan ko yan. Kaya nga eh, pero okay lang naman kahit kaninong POV gamitin mo as long as comfortable ka. 😊

$ 0.00
3 years ago

pero parang ang corny po kase pag lalaki ang bida hahaha tapos sa lalaki po ung POV.

$ 0.00
3 years ago

Sabagay may point ka. Pero pwede mong subukan malay mo maganda outcome. Pero kung sa tingin mo mas okay ang 3rd person POV push mo na.😘

$ 0.00
3 years ago