Hi, part3 na ng kwento ni Dahlia at Vince. Bago yan basahin niyo po mina ang dalawang naunang part.
https://read.cash/@Greyzzz/closure-d715cd8c
https://read.cash/@Greyzzz/closure-part-ii-e757a689
Lumipas na ang isang linggo simula noong naging official na kami ni Vince. Nakabalik na rin siya sa boarding house niya. Mas lalo pang sumaya ang pag-uusap naming dalawa. Pareho kaming nag-uupdate ng mga ginagawa namin, kung saan kami nagpupunta, kung kumain na ba sa tamang oras. At kung ano-ano pang pwedeng pagkuwentuhan.
"Babe, uwi ako diyan next week. Sobrang miss na kita." Chat ni Vince sa akin.
"Miss na rin kita, pero sayang naman pamasahe kung kada linggo uuwi ka dito." Sagot ko sakanya.
"Okay lang naman yun babe, pinayagan naman ako ni mama eh. Dali na pumayag ka na rin. Pleaseee?" Naiimagine ko ang mukha ni Vince habang binabasa ko ang chat niya. Sigurado nakanguso nanaman yun. Ang hilig magpa-cute haha.
"Okay babe, sige na nga." Ayaw ko na tumutol dahil alam kong kukulitin niya lang ako tungkol sa pag-uwi niya. At namimiss ko na rin naman siya.
"Yehey! I love you babe. See you soon mwaah."
"I love you too babe."
Simula nang naging kami ni Vince, super sweet niya na sakin. Walang humpay na I love you-han. Pag may babaeng nagcha-chat sa kaniya sinusumbong niya sa akin. At ganoon din ako.
Dumating na ang araw ng sabado, uuwi na si Vince sa barangay namin. Napag-usapan namin na pupuntahan niya nalang ako sa bahay para 'di na kami gumastos ng pamasahe. At doon nalang kami magpu-foodtrip.
Nakarating si Vince sa barangay namin mga bandang 10:30 am. Napag-usapan namin na after lunch nalang siya pumunta samin para makapag pahinga muna siya dahil alam kong nakakapagod din bumiyahe.
"Ano ka ba babe? Ikaw ang pahinga ko alam mo yan." Banat niya. Nagiging boy pick-up na rin ang boyfriend itong mga nakaraang araw haha.
"Ewan ko sa'yo boy pick-up" pang-aasar ko sakanya.
"Kiligin ka naman please."
"Ah basta mamaya kana pumunta rito. Mamaya sabihin ni mama mo umuwi ka lang dahil sa akin eh." Sagot ko sa makulit kong boyfriend.
"Eh totoo naman babe eh. Haha pero sige na nga para 'di kana magalit." Sa wakas sumuko rin siya sa pangungulit haha.
Fast forward...
2pm na at tirik na tirik ang araw. Dumating si Vince sa bahay pawis na pawis. Nakasimangot pa, ang cute hahaha.
"Kanina pa dapat ako nakarating dito eh, kaso ang tagal ng tricycle." Pagmamaktol niya sakin. Ang cute niya na ang gwapo pa.
"Pwede ka naman kasi maglakad eh." Sagot ko habang tinatawanan siya.
"Eh tinatamad ako magdala ng payong babe. Panira sa porma ko" hahaha ewan ko pero tawang-tawa talaga ako sa mukha niyang nakanguso ang cute talaga.
Tumambay kami ni Vince sa labas ng bahay namin. Hindi naman mainit kasi may puno na humaharang sa sikat ng araw. Ang lamig ng simoy ng hangin. Nag-kwentuhan lang kami ulit at kung ano-ano ang sinasabi niya tungkol sa pag-aaral niya. BS Mar-E kasi ang course niya. At isa pa sa nirereklamo niya sakin ay yung buhok niya. Mukha raw siyang pugo tingnan hahaha.
Hindi nga pala siya umabot sa k-12 program at ako naman grade 12 palang. Andaya diba? Haha.
Kumakain kami ni Vince ng paborito niyang chichirya. Obsessed siya sa Chicharon ni Mang Juan na spicy flavor.
Paminsan-minsan ay tumatambay sa tabi namin si mama. Wala naman siyang problema kay Vince kasi nga sobrang bait nito.
Pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na si mama dahil may gagawin rin siya. Kaya kami nalang ulit dalawa naiwan ni Vince dito sa labas.
"Babe?" Tawag ni Vince.
"Po?"
"May sasabihin ako sayo hehe okay lang ba?" Nag-aalinlangan niyang tanong.
"Gora lang, ano ba yun babe?"
"Hehe, pwede ko ba mahingi password ng fb mo? Don't get me wrong ha, gusto ko lang talaga malaman. Di kita pinagdududahan babe ha." Mahaba niyang tugon.
"Haha yun lang naman pala babe eh. Walang problema dun, tsaka wala naman akong tinatago sayo." Sagot ko sa kanya habang nakangiti.
"Yehey! Thank you babe, i love youuu!" Tuwang-tuwa nanaman siya.
Pagkatapos noon ay binigay ko rin sakanya ang password ko. Siguro nagtataka kayo kung bakit 'di ko hiningi ang password niya? Kasi nirerespeto ko ang privacy niya, malaki tiwala ko sakanya tsaka ang gusto ko siya mismo kusang magbibigay saakin.
"Babe, thank you ulit!" Paglalambing ni Vince saakin. Hays inlove na inlove na talaga ako sa boyfriend ko.
7pm na pala, hindi nanaman namin namalayan ang oras. Ganito yata talaga pag kasama mo yung paborito mong tao. Walang dull moment.
"Vince, bago ka umuwi dito kana maghapunan samin." Pag-alok ni mama.
"Sige po tita." Agad na sagot ni Vince. Alam niyo ba kung bakit 'di na tumanggi si Vince? Dahil baka raw maging bad ang impression sa kanya ni mama. At isa raw sa goal niya ay makasabay ako sa hapunan.
Habang kumakain kami kasama si mama at kapatid ko, casual lang kami nag-uusap ng kung ano-ano. Lahat sila kumportable kay Vince.
Fast forward...
Tapos na kaming maghapunan at nakauwi na rin si Vince sa kanila.
"Babe, thank you sa araw na 'to sobrang saya ko. Pakisabi rin kay tita na maraming salamat. Ang sarap ng luto niya. Naparami tuloy ako ng kain haha."
"You're always welcome babe. Nasabi ko na kay mama. Punta ka raw ulit dito pag may time ka."
"Balik kaya ako diyan babe?" Biro niya.
"Haha, loko ka talaga babe." Sagot ko sa boyfriend ko.
Araw ng linggo...
Tadtad ako ng good morning message at walang humpay na i love you mula sa boyfriend kong makulit.
"Babe, may pupuntahan pala ako ngayon biglaan lang din nasabi ng classmate ko." Chat ko kay Vince.
"Ah oo babe nakita ko yun. Anong oras ka makakauwi niyan?"
"Baka gabi na o baka doon na rin ako magpalipas ng gabi. Magdadala nalang ako ng uniform ko para diretso na pasok."
"Babeeee, wag ka nalang kaya pumunta? Sabihin mo di ka pinayagan ni tita." Pakiusap niya sakin.
"Pero alam naman na ni mama babe."
"Chat ko nalang si tita babe. Sabihan mo rin classmate mo na 'di kana pinayagan ni tita. Please wag kana tumuloy dun babe?" Pakiusap niya ulit.
Nahihiya man ako tumanggi sa classmate ko ay ginawa ko na rin. Pero naunahan na pala ako ni Vince i-chat ang classmate ko gamit ang account ko. Natawa nalang ako sa ginawa niya. Pagbibigyan ko nalang siya sa request niya alam ko namang safety ko lang din naman ang iniisip niya.
"Yehey thank you babe!" Tuwang-tuwa nanaman siya.
"Welcome babe, tinatamad din naman ako umalis hehe." Sagot ko nalang sakanya kahit gusto ko talaga pumunta. Ayaw kong ito ang dahilan ng unang pag-aaway namin ni Vince.
"I love you babeeee!"
"I love you too babe mwa." Tugon ko sa boyfriend ko.
Magdamag ulit kaming nag-usap ni Vince paminsan-minsan ay nagvi-video call kami.
Lunes na bukas pero hindi pa nakakabalik si Vince, plano niya raw kasing umabsent nalang muna at sa tuesday nalang siya papasok.
Bandang 11pm pinapatulog na ako ni Vince dahil may pasok pa ako ng 7am. Pumayag naman ako dahil inaantok na rin ako.
Abangan ang part 4 ng closure. Salamat pagbabasa. -greyzzz