Closure

3 64
Avatar for Greyzzz
3 years ago

Hi everyone, this is the first part of the story of Dahlia and Vince titled "Closure". Error ahead, pasensya na at nagsisimula pa lang po ako. Sana magustuhan niyo po.

Dahlia's POV

Nandito ako ngayon sa isang fiesta sa kalapit na barangay. At dito sa amin usong-uso pa rin talaga ang mga sayawan tuwing gabi pagkatapos ng mga palabas na tinatawag sa amin na "bayle o baylehan" .

"Hayst! Ang boring naman, nasaan na kaya yung mga kasama ko?" 'di ko alam kung nasaan mga kasama ko at iniwan lang nila ako dito sa lamesa at mag-isang nag-iinom.

Bored na bored na talaga ako ng bigla akong nakarinig ng sigaw, "Daaaaaaa! Tara sayaw tayo!" Sigaw ng pinsan ko na 'di ko alam kung saan nanggaling.

"Buti naman naisipan mo akong bisitahin ano? Oh teka, bat mag-isa ka lang? Nasaan yung iba nating kasama?" Bungad na sagot ko sakanya.

"Ahmm umuwi na sila eh, baka raw mapagalitan nila tita. Oh ano? Tara na kasi, di ka ba naboboring mag-isa dito? Sumama kana daliiiiii."

Ayoko sana sumama sa kanya kasi 'di naman ako mahilig sumayaw at medyo nahihilo na rin ako. Pero dahil nga nabuburyo na ako ay sumama nalang ako.

Sayaw dito, sayaw doon. Grabe yung siksikan tapos ang sakit pa sa mata nung ilaw. Pero di kalaunan ay naenjoy ko rin naman.

"Ang saya pala" bulong ko sa sarili ko.

Matapos ang ilang minutong pag-sayaw mas lalong dumadami ang tao, niyaya ko na ang pinsan ko na bumalik na sa lamesa namin pero ayaw niyang sumama sa'kin.

Pabalik na sana ako ng biglang may bumunggo sa'kin. "Aray ha!" Sigaw ko sa lalaki. "Sorry miss." Sabay alis. Hindi ko masyadong naaninag yung mukha niya dahil sa sobrang hilo at sa ilaw sa baylehan.

Pagkatapos ng limang kanta yata yun, bumalik na yung pinsan ko sa lamesa namin. Tuwang-tuwa siya samantalang ako badtrip na badtrip. Iniinda ko pa rin talaga yung sakit ng pagkabangga sa'kin. Kinuwento ko ang nangyari sa pinsan ko at ang baliw tuwang-tuwa.

"Baka yun na soulmate mo! Anong itsura? Gwapo ba? Ano gwapo ba ha? Gaano katangkad?" sunod-sunod na tanong niya sa'kin.

"Kalma mo puso mo, 'di ko nga nakita mukha niya. Halatang di ka nakikinig sa kwento ko, tsssk!" Sagot ko.

"Umuwi na nga tayo, anong oras na wala tayong masasakyan pauwi." dagdag ko. At pumayag rin naman siya dahil nga alam niyang tama ako.

Fast forward, nagising ako dahil sobrang uhaw na uhaw ako at masakit pa rin ang ulo ko dahil yata sa alak kagabi. At bumalik ako sa higaan ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"You have friend request from Vince"

Medyo pikit pa ang mata ko pagkita ko sa notification. Dinedma ko lang dahil antok na antok pa talaga ako.

Nagising na ako sa mahimbing na pagkakatulog at nawala na rin yung sakit ng ulo ko. Pagkatapos ko kumain ng tanghalian ay agad kong binuksan ang cellphone ko para mag-facebook, at naaala ko yung friend request kanina. Tiningnan ko at parang pamilyar ang mukha niya. Marami rin kaming mutual friend kaya ayun inaaccept ko nalang, baka kasi schoolmate ko or what. Wala pang ilang minuto ng biglang tumunog yung messenger ko at bumungad sakin ang pangalang vince.

Vince: "Hi, thank you sa pag-accept. 😊

Me: "πŸ‘"

Hindi talaga ako mahilig reply sa mga message lalo na pag 'di ko talaga kilala. Akala ko hindi na siya magrereply.

Vince: "Di mo ba ako natatandaan?"

Me: "Hindi eh."

Vince: "Sad naman hehe. Ako nga pala yung nakabunggo sayo kagabi. Sorry ha 'di ko talaga sinasadya."

Napaisip ako bigla kaya dali-dali kong inistalk yung facebook account niya at tiningnan ko ang pictures niya.

"Ah kaya pala pamilyar yung mukha niya" bulong ko. Hindi muna ako nag-reply sakanya dahil di ko rin naman alam ang isasagot ko.

5 o'clock na ng hapon at magdamag ko rin chinarge ang cellphone ko. Naisipan kong magbukas ng data nang sunod-sunod naman ang pagtunog ng cellphone ko.

"16 message from Vince"

"Vince liked your photo"

"Vince commented in your post"

"Luh, problema nito?" At dahil curious ako binuksan ko rin yung mga message niya, "sorry talaga galit ka ba? "Uy reply naman diyan" "Hala galit ka nga yata talaga." at pauulit-ulit na ganyan ang chats

"De okay lang yun, 'di naman maiiwasan yun kasi andaming tao." Sagot ko dahil nabuksan ko na rin naman chats niya na. Ayoko naman kasi maging maldita sa pagsagot kahit inis pa rin ako sakanya haha. Pero nakakatuwa rin pala siyang kausap, 'di ako naburyo kasi madaldal talaga siya.

Nalaman kong halos kaedad ko lang siya. Siya ay 18 years old na at ako ay magdedebut palang. Iisang barangay lang pala kami pero dahil nga baguhan lang din ako sa probinsiya namin at siya naman ay nag-aaral sa malayo kaya 'di kami magkakilala talaga kahit marami kaming common friends. Umuwi lang pala siya sa barangay namin dahil school break nila at nasaktong sabado ang fiesta kaya ayun nakagala siya. At ako rin wala namang pasok sa school. Andami niya pang kinwento sa akin at marami pa kaming nalaman sa isa't-isa.

Hindi namin namalayan na apat na oras na pala kaming nag-uusap. Andami na naming naging topic. Nakakatuwa siya dahil pareho kami ng trip na pag-usapan.

Abangan ang part 2 ng kwentong to. Sana po ay natuwa kayo. Mag-uupdate po ako kaagad. -greyzzz

10
$ 7.56
$ 7.52 from @TheRandomRewarder
$ 0.04 from @icary
Avatar for Greyzzz
3 years ago

Comments

Wow nice

$ 0.00
3 years ago

Wow sis ganda 😍 part 2 na agad!

$ 0.00
3 years ago

Thankyou sisπŸ₯°

$ 0.00
3 years ago