Anong Role Mo?

10 34
Avatar for Grecy095
3 years ago

October 3, 2021

Ano-ano ang role na ginagampanan mo everyday? Hindi ako artista ha, muka lang! O, bakit natawa ka, kaw ha! Kasi naman naisip ko lang ito habang nag overtime ako nun Friday. Kasi tatlo na lang kami na nasa office at pag wala nang tao, yan na yun panahon na nag kukwentuhan kami tungkol sa buhay, sa stress, sa pamilya, sa mga tao sa office at Iba pa. Kadalasan, may isa akong officemate na Laging humihingi NG advise sa mga problema nya. So pag dating sa kanya, ako ang kanyang adviser? Hahaha.

Naalala ko rin minsan, habang nag tatrabaho kami, napapasobra sa asaran at kulitan, minsan ako yun nag sasaway. So pag ganun, ako ang Tagasaway?

Minsan, ako yun taga tama NG Mali, o taga puna NG Mali. So pag ganyan ako na ang dakilang Fault Finder!!

Naisip mo ba yun? Ako kasi na realize ko talaga yan at eto nga naisip ko gumawa NG article para dito.

May mga kanya kanya talaga tayong role na ginagampanan sa araw-araw at minuminuto NG buhay kaya dapat galingan natin ang role natin para maalala tayo.

Siguro napanood nyo na yun Squid Game. Meron nito sa Netflix at eto ang trending na series ngayon sa Netflix. Eh diba may mga characters dun na tumatak sa inyo? Ako kasi Di ko pa napapanood, pero pag nanunuod ako NG TikTok, gets na gets ko na ang story sa dami NG spoiler. Kaya kahit di ko panoorin, may mga characters na ko na natatandaan. Kahit hindi Korean series ang buhay natin, may role tayong ginagampanan at dapat gingalingan natin para matandaan.

Hindi naman ito sapilitan pero mag kwento lang ako NG role ko sa araw araw.

Sa pagmulat NG mata ko sa umaga, ang unang role ko talaga ay ...

Isang Ina

Ina, Ina-away ko yun mga tuta na maingay sa bahay. Pano naman tahol NG tahol. Ang aga-aga ang ingay na. Away talaga kami NG mga tuta, ang dami pa naman nila. Hala habulan para makulong ko sila isa-isa, ang kukulet.

Ina pa din ako pagkatapos nyan, Ina-antok pa akong pumasok sa banyo para maligo. Naiiyak pa nga ako minsan pag naliligo kasi parang ikot ikot lang, gising trabaho kain trabaho, idlip, trabaho, tulog. Ganun ganun lang. Pero God Di naman ako mag rereklamo , okay lang po, chill lang po ako.

Ina pa din ako bago umalis NG bahay. Ina ni Unnie. Hay naku, katakot takot na explanation ang abot para sabihin na uuwi naman ako agad para kumain lang Sya NG almusal. Kita mo naka uniporme na ko, karga ko pa yun dambuhalang aso ko kasi nagtatampo na.

Isang Commuter

Commuter, akala nyo ba madali mag commute? Hindi pows! Ang hirap kaya. Kasi una na face mask at face shield ka. Hirap ka huminga habang nag hihintay NG masasakyan. Di mo sure ang makaka sabay mo, hindi ka save outside. Nakikipagsapalaran ka parati. Kaya kayong mga nasa wfh or work from home, ang swerte nyo guys kasi pangarap ko yan, pero impossible sa line of work ko.

Dakilang Empleyado

Pag ka in ko sa office, nag iiba na ang role ko. Empleyado ako agad. Nag lalakad pa lang ako papuntang table may nagsasabi na sakin na may iniwan daw sila sa table at rush daw iyon. Magugunaw daw ang mundo pag Di ko ginawa agad. Ay ganun ba? Eh Di wow.

Taga gawa NG report, taga sagot NG tawag, taga sagot NG email, taga solve NG problems, Inuutusan, Laging pagod, stress sa mga toxic na tao, wait lang, puro negative ano? Wag na nga ito.

Taga Asar at Joker

Pag stress na sa office, dapat may magandang timing NG joke para ma tawa. Pero dapat kasundo mo audience para may taga salo pag waley yun joke mo. Ako yun taga asar pag waley yin joke kaya nakakatawa. Minsan may aasarin ako na officemate, ija-judge ko siya in a funny way, o kaya lahat NG sabihin ko may hugot o mag bibritish accent ako pag sumagot sa telepono. Minsan nga Korean pa, saranghe! Kimchi! Oppa!! Tama na nga.

Tanga

Tanga! Dakila naman! Alala nyo pa yan? San ba nag mula yan? Tanga ako naturally eh, siguro dahil sa Laging kulang sa tulog kaya natatanga. Tinatawanan ko na lang, dibdibin ko pa ba, ang daming problema sa mundo, conserve energy. Pero pag nag ka kamali naman ako, inaamin ko naman, at humble ako dyan, syempre nakaka hiya eh, Di ka na naka tulong, naging pabigat ka pa, dumble?

Sponsors of Grecy095
empty
empty
empty

Eto pala mga sponsor ko, hindi sila pabigat sakin. Ang role nila sa buhay ko ay para sumuporta at tulungan akong iangat ang estado NG buhay ko, naks!! Salamat pows!!

Taga Remind

Isa ako sa taga remind sa mga officemate ko na mas bata sakin. Taga remind NG utang nyo bayaran nyo, may pambili kayo NG bts merchandise pero yun utang nyo sakin Di nyo maalala. Joke lang. Taga remind ako pero work related. Mahirap na ma award eh, Masakit. Ang term NG award sa opis Iba kasi. Award means masermunan. Be a better team player, para walang Award.

Malasakit Center

Hindi lang sa opis ang role ko na Malasakit center eh, kahit sa chatroom, sa kamag anak, o sa mga close friends. Pag may problema tumutulong ako sa abot NG makakaya. Pag masama ang pakiramdam NG isa sa opis mate ko, saluhin ko yun Ibang work nya. Kakamustahin ko naman ang mga kaibigan o kamag anak na dumadaan sa pagsubok, syempre may kasama NG dasal. Gusto ko kasi malaman nila na hindi sila nag iisa at kahit malayo ako, pwede sila mag sabi sakin. Sana lang napapagaan ko ang narardaman nila.

Tagapulot NG Basura

Sorry po, I-clear ko lang po na hindi ako taga tapon NG basura as part time job. Ganito lang, naiirita kasi ako sa basura sa bahay at sa opisina. Pag may nakita akong kalat at basura, ligpit ko yan agad o lilinisin ko. Naging habit ko na ito.

Taga pa tugtog NG Music

Sa opisina, ako yun nag papa tugtog NG music. Iba Iba ito.. Minsan may app akong gagamitin para ma pa tugtog ko yun Mellow 94.7 o East Rock radio station sa office. Maganda kasi na may music in the background para pag naburyo ka, sing along na lang para mawala agad. Sana lang Di sila maumay pag BTS playlist ang pinapatugtog ko. Kaya pag wala pang music silang naririnig, Alam na NG mga officemate ko na wala pa si Grecy.

Dakilang Anak, dakilang Tita, Dakilang ate, dakilang kapatid, dakilang taga hugas NG plato, taga pakain NG mga hayop at taga linis, Katulong

Pag dating sa bahay, yan na lahat ang role ko na ginagampanan sa araw araw NG buhay ko. Anak para sa mama ko. Ako lagi nyang kinakausap pag may kailangan bilhin, ipaayos kasi nasa akin ang pera. Kaya sabi sa inyo, importante ang contingency plan sakin. Kahit Di na ko mag Add to cart, basta may CP ako, Contingency Plan.

Dakilang tita naman ako sa pamangkin Kong lalaki na ubod NG kulet. Ay sobra talaga ang likot at kulet NG pamangkin ko. Ako yun nag ba bantay pag ka uwi ko galing work kasi mag aaral pa siya o gagawa NG assignment. Habang nag papa hinga ako, natu-tutor pa ko.

Dakilang Ate sa kapatid Kong lalake. Pag tatamad tamad, ako ang nag a-award sa kanya. O diba Alam nyo na yun meaning NG Award? Sermon. Sakit ulo ko sa kapatid ko eh, ang tamad. Ang laki NG tao pero walang kusa. Di ko maaasahan. Kahit mag hugas NG plato, ako pa din kasi tulog sya, Di ko pa na papa hinga ang kamay ko, babasain ko na kaya Laging pilay.

Dakilang kapatid kay ate ko. Si ate lagi umaasa sakin pag dating sa decision making. Di sya mapa lagay mag decide hanggat Di nya sakin na kokonsulta. Buti na lang at Laging tama. May anxiety kasi ako kaya gusto Laging may option at Alam ko na agad ang mga consequences NG mga decision, magaling ako dyan!!

Katulong din ako sa bahay. Cute na maid!! May kusa ako. Pag ako ang tao sa bahay sigurado busy ako mag linis at mag ayos. Paborito ko mag hugas NG plato at mag lampaso NG sahig. Gusto ko yun pinapawisan sa gawaing bahay kasi exercise na rin yun. Magaling ako sa lahat NG trabaho sa bahay kaya matatandaan talaga nila ako sa ganito.

Dakilang Part Timer at Blogger

Sa gabi may dalawang trabaho pa ako kaya halos Di ako nakakakumpleto NG tulog. Dumagdag pa ngayon si Read. Cash kaya sobrang busy. Ginagalingan ko din kahit pagod na. Bakit? Kasi opportunities to, hindi Di lumilitaw parati kaya kapag meron kagatin agad!

Dakilang Fan Girl, Fangirling

Dakilang Kpop Tita ako. Cha Eun Woo fanatic at BTS, silent Army. Marami rin akong Oppa from Korean series na pinapanuod ko. Sila NG isa sa mga outlet ko pag masyado na akong burn out!! Masaya ako sa ginagawa ko, kaya sana masaya rin kayo para sakin, hahaha.

=============================

May pananagutan tayo sa isa't-isa

Alam nyo ba yun kanyang pananagutan? Ganito yun lyrics nya.

Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang

Walang sino man ang na mamatay, para sa sarili lamang

Di ko na itutuloy baka ma copy right ako hahaha. Basta ganun ang lyrics nun. Totoo yun. Lahat tayo, sa minuto NG buhay natin, ay may role na ginagampanan sa buhay. Ito ay hindi lang para satin, kundi para sa lahat din NG taong nakakasalamuha natin. Eto ang isa sa purpose natin kasi.

Kaya pag may humingi NG advise sayo, at Di ka sigurado sa binato mo na advise, pwedeng ma delikado ang buhay nila. Pag ganun, dapat galingan mo. Be the right person!

Minsan, ikaw ang kinakausap para ma ilabas nila yun sama NG loob nila, kasi magaling kang listener so be the Great Listener.

Nabubuhay ang Iba dahil sa tulong natin, nakaka inspire at nakaka impluwensiya ka din NG mga tao sa mga ginagawa mo. Kaya nga sinabi na nabubuhay ka Di lang para sayo, kundi para sa lahat. Dapat galingan natin ang mga role natin. Tao lang tayo, nagkakamali at minsan hindi kayang ibigay ang lahat. Ang importante, gampanan natin ang role natin, sa abot NG makakaya.

Ikaw ano ano ang mga role mo sa araw-araw? Ginagalingan mo ba? Galingan mo ha. Isa lang ang buhay natin, kaya one time big time dapat!!

Images: all are mine.

10
$ 2.61
$ 2.59 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Khing14
Sponsors of Grecy095
empty
empty
empty
Avatar for Grecy095
3 years ago

Comments

Hahahaa natatawa ako sayo sis at the same I admire you grabe kahit napapagod kana pero yung mga pic mo tila masya ka parin sa mga roles mo sa buhay hahaha laban lang sesss! Nawa'y bigyan kapa lalo ni Lord ng strength sa lahat ng gagawin mo hehe. Bdw ang cute ng mga pets mo haha lalo na yung aso

$ 0.00
3 years ago

Oo cute nga mga yan, mga spoiled pa kaya maarte. Oo sis smile lang kahit pagod, ganun talaga ang buhay.

$ 0.00
3 years ago

Yahh we're the same ms. Grecy! Ina rin ako sa mga aso at pusa ko. Taga play rin ako ng music sa school at work 😁

$ 0.00
3 years ago

Grabe! That's a lot on your plate. You're busy as a bee. I think 24 hours in a day are not enough to finish all your tasks. I feel the same way.

$ 0.00
3 years ago

Ang ganda mo nga sis, artistahin. I love cutieee meow and doggie. 😍 Naaaliw ako habang binabasa tu sis hehe.

$ 0.00
3 years ago

Nakakainsipire ka naman sis huhu. We also have pets, 3 dogs and 4 cats. Nakakawala sila ng stress sa buhay. Ang aamo nila and loyal. God bless po!

$ 0.00
3 years ago

Nakakawala ng stress at nakaka stress din at the same time Yung mga pets natin talaga eh, ang kukulit kasi hahaha

$ 0.00
3 years ago

We all have different roles to perform everyday, We must do our best to perform it well

$ 0.00
3 years ago

Ang dami mong role sa life sis..pet lover ka din pala.. Anyways... Keep it up lang po.. .

$ 0.00
3 years ago

Ang jolly mo magsulat sis, natatawa ako hihi keep it up!

$ 0.00
3 years ago