105 Days na lang Pasko na, Anong Plano mo?

28 41
Avatar for Grecy095
3 years ago
Topics: Freedom, Real Life

Ngayon ay Setyember 11, 2021. Naisip ko bigla, ilang araw na lang ba bagong mag pasko? Pumunta ako sa Google para Alamin, at ito ang sinagot sakin.

Tama po, 105 days na lamang at pasko na. Kung ikaw at isang Pilipino, napapalunok lunok ka na dahil sobrang mabilis ang pag daan NG araw na akala mo ay may lakad. Baka bukas makalawa ay pasko na!

Alam nyo naman pag Pilipino, excited yan pag malapit na ang pasko, pero nalulungkot din kasi yun mga inaasahan na bagay para sa pag hahanda sa Pasko at mukang Di mangyayari, o Baka pwede naman mangyayari pero kakaiba nga lang.

Nun nakaraan taon, siguro buwan pa lang NG Mayo nun meron na akong Ipon goals. Nag si-save na ko NG money para isaisahin ang mga inaanak na padalhan NG pera sa gcash. Meron din akong plano sa dekorasyon NG Christmas tree namin. Pasko talaga ang pinag kaka abalahan ko, hindi yun birthday ko.

Kung bakit ako nag ilusyon na maging bongga ang Christmas tree namin ay dahil dito sa Christmas tree na ito. Ang picture na yan ay noon pang umattend kami NG Christmas party sa headquarters. Nasa bahay ako NG may ari NG company namin sa Forbes Park Makati. Every year, nakakarating ako sa malaking bahay nila, kasama NG lahat NG employees nila. Pero nun taon 2020, wala NG ganito at puro virtual na lang ang party.

Pero tignan nyo ang Christmas tree. Ang tingin ko sa Christmas tree na yan ay isang estado sa buhay. Kung pa bobonggahin ko ang aming Christmas tree katulad nyan, parang umanggat na din ang estado namin sa buhay. Echusera lang talaga ako talaga at ilusyunada, pasensya na, pero gusto ko pa din NG ganyan na Christmas tree.

Pano naman eto? Eto naman ang Christmas tree NG Mall of Asia sa Pasay. 2019 din NG huli kaming bumisita dyan, pinasyal namin ang pamangkin ko. Na pagod lang ako dyan. Ewan ko ba Kung bakit ang lapit lang NG Moa samin, pero pagod na pagod ako mag punta dyan.

Pero Christmas tree pala ang pinag usapan natin, kaya tignan nyo ang pagkapula nya. Gusto NG mama ko NG ganyan. Gusto nya din NG isang kulay. Yun unang Christmas tree, gusto nya din, yun puro silver lang. Pwede na itong dalawa na pag pilian.

Eto naman, maganda ba? Ang gulo diba? Yan Christmas tree NG Diamond Hotel. Dyan ako nag check-in nun nanood ako NG concert na A1 at Otown. Di ko makuha Kung ano yun goal nun nag dekorasyon NG Christmas tree na ito, baka may pinag dadaanan siya, tsk tsk. Sa natatandaan ko mga flowers na pahaba ang decoration at may stars na gold. Ayaw ni mama, kakainin lang daw NG mga aso namin yun flowers.

Sponsors of Grecy095
empty
empty
empty

Bago ko ituloy, papakilala ko muna kayo sa aking butihing mga sponsor. Sila yun tutulong sakin mag ka Christmas tree NG bongga ngayon taon!

Naalala ko nun 2019 din pumunta kami sa Ayala Triangle para manuod NG Festival of Lights. Grabe yun feeling na binigay sakin, para akong bata na excited sa pasko.

Gumawa pa nga ako NG Vlog kasi ang saya ko nun. Panoorin mo para malaman ko Kung gano ka ganda yun Festival of Lights.

Pauwi na kami NG kunan ko NG picture ito. Grabe buhay na buhay ang Ayala Makati tuwing pasko. Binibigyan ka NG pakiramdam na dapat ma excite ka dahil pasko na. Iniisip ko tuloy, sapilitan bang dapat masaya pag pasko?

Masaya pag Pasko

Nun bata pa ako, yan lang ang hinintay ko na panahon, bukod sa mga birthdays NG pamilya ko. Kasi pag pasko, may pera na ko, may regalo pa ko. Saka may simbang gabi. May challenge sa simbang gabi noon. Kapag nakumpleto mo ang siyam na Araw, pag nag wish ka, matutupad daw. Awa NG Diyos, wala naman natupad sa mga wish ko 😊.

Meron din caroling. Ang Lola nyo kasi puma part time sa caroling. Malaki ang kita mga dzai!! Kasi ba naman bumiblending ang lola nyo, may pa second voice, kaya natutuwa sila samin. Gamit lang namin tinidor at kutsara, diretso hapunan na pag uwi NG bahay.

Ang saya nun mga dzai!! Business I good.

Pano naman yun exchange gift o Monito Monita sa Classroom?Nakakulekta po tayo NG 8 panyo , tatlong suklay, isang pabango at apat na flowerbase. Ay nakalimutan ko yun photo album, meron na din pala akong nakolekta.

Masaya din ito. Aminin mo masaya yarn!! Ang masaya dun hindi naman yun regalo itself, kundi yun pagbubukas NG regalo!! Unboxing na ang tawag ngayon nun!! Masaya tapos ma Di disappoint ka kasi medyo Di mo gusto yun natanggap mo, kaya yun ngiti mo alanganin na, pero smile pa din at thank you pa din, regalo pa din yan.

I dagdag natin ang Christmas party!! May baon ako Laging chocolait at cheese Cupcake nun bata pa ko. Kasi sabi ni mama, para daw pag naubusan ako NG handa sa Christmas party, may kakainin pa din ako. Takot ma gutom!! Yun mga palaro ang pinaka busy-han ko dito kasi may makukuha NG regalo at pera. Panalo ako parati sa Maria Went To town at Paper Dance. Tawa lang ako lagi NG tawa. Kasi masaya ako eh!!

Isa pa, birit pa ko NG isa ha, yun regalo na ibibigay ni ninong at ninang. Dumagdag yun sa budget na makukuha natin sa pasko, pero syempre sisimula muna natin sa mga magulang natin, Tito at tita, then Ninong at Ninang, then si Mayor, si counselor. Tiba-tiba talaga ako nun. Pero ngayon taba-taba na lang.

At isa pa, syempre ang Misa de Gallo at Noche Buena. Laging marami ang handa namin pag Noche Buena. Aatend muna kami NG Misa de Gallo. Yun mga choir sa simbahan naamin pag Misa de Gallo, ang mga boses parang Angel. Sila talaga ang gusto ko nun. Ang haba nga lang NG Misa noon, Ewan ko ba.

Pag uwi sa bahay, mag bubukas muna NG regalo at kakain pagkatapos. Ang bilis lang nyan maya maya nanonood na lang kami NG TV habang nagbibilang ako NG kinita sa pasko. Pag New year, ako na ang nag reregalo kina Mama, Papa At ate. Bakit? Kasi may budget na ko!!

Ngayon 105 days na lang, Pasko na

Feel na feel ko naman yun pag selfie dyan, ganda ka ghurl? Yan nga ang gagamitin kong Lead Image para maakit ko kayo Iclick yun article ko ngayon, hahahaha.

Balik tayo sa 105 days na lang pasko na. Gaya NG sabi ko, mabilis na lang ang araw at ang Pasko ang much awaited event NG bawat isa sa atin. Anong balak mo gawin?

Meron na ako, kaso challenging pala mag gawa NG goal para sa pasko. Kung aasahan mo lang ang isang sahod, mahirap ito. Ako na mayroon Iba pang trabaho hirap na, pero sige lang, para lang maging memorable ang Pasko at para Laging maalala.

Basta masaya lang siguro, walang stress at abirya, ayos na Pasko na yan kahit wala kang handa. Basta magkakasama kayo at kumpleto, Kung hindi na kumpleto, basta andyan lang sa isat isa, Kung malayo ang Iba may video call naman. Ang sumagi tuloy sa isip ko, ang pasko ay para sa pamilya. Pamilya ang sagisag NG Pasko.

O sige na, pinaalalahanan lang kita na 105 na lang at Pasko na, anong plano mo?

Ginawa ko ang article na ito NG 10 minutes. Nag aantay lang talaga ako NG hapunan, kaso natapos ko NG lahat wala pa din hapunan😭.

I own all the image.

September 11,2021

10
$ 3.56
$ 3.27 from @TheRandomRewarder
$ 0.09 from @King_Gozie
$ 0.05 from @gertu13
+ 5
Sponsors of Grecy095
empty
empty
empty
Avatar for Grecy095
3 years ago
Topics: Freedom, Real Life

Comments

Hanggang throwback na lang muna ako, Grecy. 2 lang naman kami ulet ng anak ko magcecelebrate ng Christmas :( Tsaka di na natigil tong Covid na to eh :(

$ 0.00
3 years ago

Oo habang buhay na yan sis, baka nga lalala pa yan eh. Matira matibay. Di bale sis, Alam naman natin na kahit simple lang celebration ang importante mag kasama kayo!

$ 0.00
3 years ago

Dasal at hope na lang talaga pag-asa natin, sis.

$ 0.00
3 years ago

Ang gganda nung mga Christmas treee. Oo ate tama ka. Ako din excited na sa Christmas hehehe.

$ 0.00
3 years ago

Parang bata pa din ako mag isip pag dating sa pasko hehehe

$ 0.00
3 years ago

Wla pa siguro akong plano pero npakagandang alalahnin yung mga taon na dumaan na walang covid masaya talaga ang pasko kahit mahirap ay mafefeel mo lalo na simbang gabi,exchange gift lahat po ng nasabi mo sa article mo sis ay talagang naranasan ko din po. At isa din ako sa nangangarap magkaron ng malaking xmas tree tama ka po kung gaano kaganda ang xmas tree ganun din ang ganda ng buhay siguro ng may ari non heheh slamat sa pagpapaalala na 105 nalang pasko na.

$ 0.00
3 years ago

Yes sis, pero mas tama ka na isipin natin ang mga walang wala at mga may sakit sa kasalukuyan at Kung pano sila matulungan

$ 0.00
3 years ago

Oo sis mas sila talaga ang nakakawa lalo na ngayon sila ang mas naapektohan ngyong pandemya.. kaya sana maligya din ang kanilang pasko kahit papano.

$ 0.00
3 years ago

Sana mairaos nila pero una muna sana gumaling na silang lahat para makauwi na sila sa mga bahay nila

$ 0.00
3 years ago

Yay ! Malapit ng pasko ,excited na ang may mga bunos😁.

$ 0.00
3 years ago

Yun bonus ko sis pambayad lang NG utang hahaha

$ 0.00
3 years ago

I wish for you that great Christmas tree and that you receive many gifts this year.

$ 0.00
3 years ago

Yay! Bilis talaga ng araw 😘😁 panibagong pasko na may pandemic na naman 😒 lapit na din birthday ko. Hehe merry christmas mars. 😊❀

$ 0.00
3 years ago

Mag cecelebrate na naman po tayo ng paskong may pandemic, hopefully next tapos na to. Para balik na tayo sa nakasayan natin. Advance Merry Christmas po 😊

$ 0.00
3 years ago

Kami sis, usually kapag pasko umuuwi sa bahay namin sa probinsya. Kaso nung mag umpisa ang pandemic, di na kami nakakauwi. Ngayon, wala pa kaming plano para sa darating na pasko. Yung kapitbahay nga namin may christmas tree at christmas light na..Kami hindi pa nag aayus..hehehe

$ 0.00
3 years ago

Oo kadalasan uwian sa probinsiya sis diba, then family reunion, parang nasira tayo NG pandemya, nasira mga plano natin

$ 0.00
3 years ago

kaya nga sis..di na namin nabisita yung bahay namin dun since nagstart ang pandemic.

$ 0.00
3 years ago

Ngayon kaya sis?parang may sale sa Cebu pac ngayon eh, San province no sis?

$ 0.00
3 years ago

thru sea kami sis :)...Oriental Mindoro...di kami makabyahe kasi puro minors pa ang mga junakis ko :)...11 yrs old lang ang panganay ko, 7 ang sunod, 3 ang bunso

$ 0.00
3 years ago

Ay sis para safe wag na nga muna. Hayaan mo mag new normal na saka soonag vavaccine na din mga bata kaso kakatakot lang mag byahe

$ 0.00
3 years ago

korek sis..kaya nga stuck kami dito sa bahay namin :)...Di din makapasyal sa kung saan kasi nga bawal din naman sila sa labas...

$ 0.00
3 years ago

Napakalalaki po at napakaganda po ng mga christmas tree tlaga Ryan ehh, lalo na dun sa mga mall. Ang sarap pong ibulsa at uuwi eh hahaha. Kung pwede lang ehh, ngayonn po san matapos na ang pandemya BAgo mag pasko. Para mas masayaa po

$ 0.00
3 years ago

Hahaha, yun papaliitin mo muna para ma Ilagay mo sa bag hahaha

$ 0.00
3 years ago

Ang saya talaga pag pasko iba pakiramdam, pero ngaun nde ko pa alam dahil sa pandemya parang ang lungkot ng pasko, wala gaanong makikitang mga palamuti, walang caroling haay.

$ 0.00
3 years ago

Wala talaga sis, parang magiging normal na lang. Nasa puso daw ang pasko

$ 0.00
3 years ago

Sarap sa eyes ng mga Christmas tree at lightings nuon nung wala pang pandemic πŸ₯Ί kakamiss yung dating pasko. Ako naman plano ko unti unti humingi ng patawad sa parents ko habang wala pang pasko para hindi na mabigat ang kalooban ko 😌

$ 0.00
3 years ago

Ay maganda yan sis, hanga ako sayo at naisip mo yan. Dapat talaga sis para masaya ang pasko

$ 0.00
3 years ago

Korek sis

$ 0.00
3 years ago