Magandang buhay mga malugod kong mga mambabasa at sa mga katulad kong manunulat dito sa read.cash. Ilang araw nalang at talagang pasko na, nakapag shopee na ba kayo? I mean nakapag shopping na ba kayo? π€£π.
Anyway, pardon to my non-Pilipino readers, just for today let me write my article in our own language. I will write an English article tomorrow, as I am thinking something.... I can't tell π .
So ayon na nga mga kaibigan, bukas nga po ay 12.12 Christmas sale na ng Shopee, nakaipon na ba kayo ng pamasko mula sa mga artistang ambassador ng Shopee?
Sa ngayon ay meron na akong 36 pesos na nakukuha, sayang nga at minsan ay nakakalimutan kong mag claim. Pero maswerte ang mother-in-law ko dahil isang claim niya lang 100 pesos agad. Yung sa partner ko naman kahapon ko lang siya naturoan, pero mas maswerte siya sakin dahil minsan nakakakuha siya ng 20 pesos, random kasi yung amount na makukuha sa bawat red envelope kaya ngayon meron na siyang 40 pesos, okay na yun mga besh libre naman eh.
Para sa mga hindi pa nakakakuha, ituturo ko sa inyo para makapag claim na din kayo.
Ayan na nga mga kaibigan pagkabukas nyo nga po sa account ninyo ay ito nga po ang inyong makikita, e click nyo nga lamang po iyang Shope Celebrity Pamasko , makikita nyo po agad yan pagkabukas nyo po ng shopee app nyo.
Besh wait! Wag mo munang e click ang red envelope e share mo muna kahit kanino para makakuha ka pa ng isa pang red envelope, para dalawa ma claim mong pamasko π. E click nyo lamang po yang plus (+) na yan para ma eshare mo siya tapos pag na share mo na dalawang beses ka ng pwedeng makapag claim ng pamasko. Besh, take note random yung amount hindi siya pare pareho, minsan 0.1, 5,10,20,100 ewan ko kung may mas malaki pa sa 100 kasi yung sa mother-in-law ko 100 pesos yung pinaka malaki niyang na claim the rest 0.1 na.
After mong ma claim yung dalawang envelope mo besh, scroll down mo lang at e click mo ang Claim More Pamasko. Sa loob nyan meron pang sampong celebrity ambassador na namimigay ng pamasko. E claim mo na lahat at wag kalimutan ang first step, share then claim.
Oh ayan mga besh, kuha na.Sayang nga kasi hanggang bukas nlang pala yan, pero ok lang, claim lang kayo ngayon malay nyo may isang libo jan, sayang.
So pano may mga na add to cart na ba kayong pang regalo para sa mga inaanak, anak, apo, pamangkin ninyo? Pano naman si jowa meron na din ba? Sila tatay,nanay, mommy,daddy,papa, mama meron na din ba? Oh wag kalimutan ang para sa sarili .βΊοΈ
Mensahe;
Mga besh wag kalimutan at pakatandaan na ang totoong diwa ng pasko ay hindi ang mga regalong matatanggap at maibibigay. Para sa akin ang totoong diwa ng pasko ay pagmamahalan, kapatawaran at kapayapaan. Masarap magdiwang ng pasko kapag wala tayong kaaway at inaaway, kaya magbati bati muna tayo at saka na tayo makipag away pagkatapos ng New year lol, joke lang mga besh βΊοΈππ€©πβ€οΈπ.
Hanggang dito na lamang po at hanggang sa muli. Salamat po sa pagbabasa. Ingat!
December 11,2021 11:43
All images from this blog are originally mine, and edited by me using logo maker app.
Enjoy 12.12 and don't buy the whole of shopee and I hope you win something :)