"Pahinga muna"
Blog#157 February 22,2022 no.22
Oopss teka lang ang ibig kong sabihin sa pahinga muna, ay pahinga muna ako pag e English. Naisip ko lang na ipahinga muna ang utak ko sa kaka English, nakakatorete na kasi sa totoo lang. Ang hirap hirap kayang mag English, kahit puro wrong grammar yung ginagamit ko. Tapos kelangan araw-araw pa akong magsusulat. Hindi naman sa nagrereklamo ako ah, sinasabi ko lang yung totoo, kasi hindi naman talaga ako magaling mag English, trying hard lang😅.
Kaya ngayon para maiba naman naisipan kong mag Tagalog na muna. Ayoko muna talaga mag English, kaya sorry muna sa mga mambabasa kong hindi Pilipino. Kelangan ko ding ipahinga utak ko paminsan minsan baka ito'y pumutok na. Naku! Wag naman at ako'y baka mamiligro pa. Ipahinga muna kasi kahit sa pagtatagalog nachachallenge din utak ko. Hindi naman kasi ako ipinanganak na tagalog kaya minsan challenge din siya sakin.
Pero ang totoo nyan, (teka lang wag kayong maingay ha? ) wala lang talaga akong topic na maisulat. Pagod na pagod na mata ko kakatutok sa cellphone ko pero wala talaga akong maisip at mahanap na maganda gandang topic para isulat ngayon. Kaya ito naisipan kong mag kwento nalang muna😅.
Medyo nakakalungkot lang kasi alam ko na marami ang hindi makakaintindi sa article ko ngayon. Kasi feeling ko parang nasa 90% sa mga mambabasa ko ay hindi mga Pilipino. Pero ano ba kasi ang magagawa ko, tuyong tuyo na yung utak ko sa kakaisip at sa kaka English eh😅. Sa katunayan nga pati mata ko nanlalabo na, buhok ko'y namumuti na dahil sa kakahanap ng maganda gandang mapag uusapan, charot lang. Pero sadyang sa araw na ito ay wala talaga eh, as in zero.
Alam ko naman na hindi tayo nagsusulat para sa kompetisyon, at kelangan talaga nating mamili ng magandang topic. Pero napapaisip lang naman kasi ako, na kung magsusulat na manlang ako eh yung medyo maganda ganda naman sana.
Ang boring kaya basahin kung yung isusulat ko eh yung tungkol lang sa tuta namin na inampon ng manugang ko. Oh dba? Anu sasabihin ko sa mga tuta na yun? Na pareho silang babae? Tapos ngayon pinaligoan sila ng manugang ko? Ganun? Exciting ba yun? Feeling ko hindi eh.
Ay oo nga pala, habang sinusulat ko to ngayon ay nanunuod kami ng partner ko ng "All of us are dead". Naku medyo nakakatakot na nakakalungkot pala tong palabas na to noh? Nasa episode 3 palang kami pero napapasigaw na ako ng "takbo, bilis" 🤣. Feeling ko pati ako hinahabol ng mga zombie's. Nakakairita yung isang babae doon, ang arte arte, sigaw ng sigaw, naku nakakagigil. Pero teka may mga hindi pa ba nakakapanuod nito? O baka ako nalang yung hindi pa?🤣
May pagka train to busan din siya ano? Ayy siya di na muna ako magkukwento ng sobra at baka may mga hindi pa nakakapanuod jan🤣.
Hanggang dito na muna tong kwento ko ha at kami ay nanunuod pa. Maraming salamat sa mga magbabasa at pasensya na sa mga hindi makakaintindi, bukas na ako mag e English.
Lead image source designed using Canva app.
Kaya wag mag alala ipikit ang iyong mata baby pahinga muna. 🎤🎵