Late lunch na ako. Tinapos ko na muna ang pagsasamapay bago kumain buti andito hipag ko kanina sya na ang nag luto ng gulay na binili ko kahapon. Nang hinayang ako sa mga itlog na binili ko ang daming sira ang mahal pa naman di naman kasi mahahalata na sira kasi ang kinis at malinis yong mga itlog don din ako sa suki ko bumibili kasi ang alam ko di na iistockan yon. Pero kahapon bumili ako ng kalahating dosena pero yong 6 bulok talga. Unang pag kakataon na ganito hay sayang..ee.. Buti si ate ang gawa niya inisa isa niya biyak yong itlog na ilalagay dyan sa gulay kasi naranasan niya na yan kala ko isa lang pero anim may natira pang lima nag aalangan ako baka bulok din.. Sasabihin ko to sa binilhan ko alam ko di lang saken kasi madami pa yon nong bumili ako di naman nila yan mali binabagsak lang sa kanila yan yong supplier ang may mali dyan..buti kung isa lang e anim magkano itlog ngayon.. Ayan imbes na madami sanang itlog yan para masarap kaunte nalang..kain tauo mga beshhy mga mate kain po..kapagod mag laba..mas nakakapagod umulan pa😅
25 comments
Ako dipa nakapaglaba at hugas pati ligo. wala kasi tubig hirap dimakagalaw kapag tubig yong mawawala.
napakainit kasi ng panahon this few days kaya madali masira ang itlog.
Ganyan din ulam namin mate.
Baka pwedeng ikwento sa binilhan niyo dahil suki ka na nila para mapalitan yung mga sira.
2 n kau ni sis ariel sa Ginisang ampalaya friend. Nkktakam
Sayang naman, ang daming sira. Sarap naman ng ampalaya with egg
Ay same tayo ng post hehe
it looks yummy. masarap
Ako sis nag ttnda Ng itlog ng itik pero pag my sira pwede nila plitan
Ako sis nag ttnda Ng itlog ng itik pero pag my sira pwede nila plitan
Nahiya nako magbalik sis siguro sa uulitin mas pipiliin ko na t titingnan kong maganda o bago..
Heto talaga pinakamasustansy
Oo dapat hindi deretso sa gulay sayang ang gulay kapag mahaloan ng sira na itlog.. tingin pa lang masarap na sisy..
Buti nga sis biniyak muna ni ate sa isang mancook tas ayon nga sira.. Buti di naderekta kungdi sayang pati gulay..
Ang mahal nga Ng itlog ngaun. Buti pa mga NSA probinsya na masipag magtanim at may mga alaga, di masyadong affected Ng pagtaas Ng pagkain
Hay sad sayang si itlog Sis dibali nextime aware na yung nagtitinda
Fave! Enjoy your lunch, sis!
Mas mainam sa suki sa pwesto ka bumibili. At least baka pwede sa susunod na bili Kong meron man masama na di na okey eh pwedeng palitan. Cguro kunan mo ng picture tapos ipakita sa kanya .
Di ko na nga nakuhaan sis kasi po ang hipag ko po nagluto deretso tapon na pero mabait naman po ang binilhan ko niyan sasabihin ko nalng po para maging aware sila sa dadating sa kanilang itlog.
Sis ang sarap dahil eggs ang nilagay. 🤤❤️
Sarap naman nyan,na miss ko tuloy magluto ng ganyan,makabili nga ng ampalaya hihi
Mukhang ang sarap nitong pagkaluto mo Ng ampalaya sis half cook lang :) Nakakapanghinayang talaga sis ang mahal na ng itlog ngayon magkano rin Yung anim na sirang itlog na nabili mo. Maulan din dito sis ang hirap talaga maglaba tapos naulan na walang masampayan sa loob ng bahay.
Nangyari din po sakin yan. Naisip ko nga nabasa sila isang tray puro tapon din sakin. Kaya ngayon gawa ko po kapag bibili lalo na maramihan iniilawan ko ng flashlight para makita if sira na sya.
Nkakainggit naman yang ampalaya mo sis parang gusto ko iulam yan mamaya😂
Enjoy your lunch dear.