March 13 pala yun last post ko dito, nabusy sa physical store at gawain bahay at medyo nagbawas na rin ako sa puyat kaya minsan minsan na lang nakakapagpuyat, kadalasan sa online games at movies ang kinawiwilihan.Di na tuloy makabisita sa priandori at tangled tinamad na talaga ko.Iba pa rin talaga kapag nasa real world ka,yun bang di ka masyado sa gadgets and everything, much more time sa sarili at pamilya.
@Ghie4945
Joined 9 September 2022 · 2612 posts
Small but terrible
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Ok na ulit ang Priandori, ngayon lang nkabisita ulit sa mga site nabusy sa ibang mga gawain.Ngayon nman magbabawas lang labahin pagkatapos kumain.Nakakaantok na eksena pagtapos nyan😅.Matuloy na dapat paglalaba.Buti pa sya naexperience na nya to sa Priandori.
Sana lang talaga legit ang Priandori,pero mayron naman ako nakita nagpost dun na nakapay out 1k plus din nareceive,sayang lang di ko nascreenshot at sa ngayon marami pa pending even sa verification pero may post din nman ang Priandori na may upgrade sila kaya mayron talagang mangyayaring ganun this week.Super hirap lang talaga makaipon dun 100k points ang hihintayin mo na maearned, kailangan talaga masipag ka magpost ng maayos na post para sure di ka maBan or mapending yun payments mo dun. Sa tangled naman nabasa ko 1 dollar lang makakapay out kana at may view lang sa post mo may maeearned kana, mas madali lang talaga dun. Anyway lahat yan sinalihan ko, nasa sa inyo na lang yan. Pero kalaban mo talaga dyan tyaga sa paghihintay. Ienjoy na lang para di maramdaman.Dito nga kahit wala na naeearned nandito pa rin ako. Parang may sentimental value na sakin tong website na to hehe. Hanggat nagagamit pa at nandito pa rin yun iba hehe
Try na guys...kita kits😊😊😊
Morning guys sino pa wala dito, invite ko kayo, yun ibang kababayan natin nandun na pala, nakakatuwa magpost dun, parang noise din...user friendly din sya at ang earning thru paypal.Kakaumpisa ko pa lang kaninang madaling araw. https://priandori.com/register?ref=GhieLee4945
Pano ba magwidraw sa tangled, di ko pa natutukan, saka parang nakakahiya magtagalog puro ibang lahi kasi nandun. May nakita ko dun na pwede gumawa ng group. Mayron ba dito gumawa na ng group na pinoy group dun.Duduguin ilong na ilong ko dun eh🤣🤣🤣.Namimiss ko talaga yun dating Noise,friendly user din kasi to.Dun nakakalito talaga.
Effective naman yun set up ko, para di na ko lumapit pa sa pintuan namin para kumonek sa wifi ng ate ko sa likod bahay. Bakit ba ngayon ko lang nadiscover yun sa cp ko na pwede pala kumonek thru blutooth internet connection. Ngayon di na ko magloload lagi, tipid na din sa data.May nagawa tong old cd's ko para malakas ang sagap sa kwarto ko, tapos abot din sya sa computer area ko sa kabila.


+1 more
Nappractice ang English spokening ko sa tangled, puro kasi ibang lahi nandun hehe. By the way bakit ba ngayon ko lang to nakita sa phone ko, yun gamit nito,.Noon pa dapat ako nakatipid sa load ko. Ngayon nakakaconnect na ko sa wifi ng ate ko kahit malayo sa room ko.Gamit ko lang yun isang phone ko na Vivo nakaconnect sya sa wifi at nilagay ko sya malapit sa pinto namin kung saan nkakasagap ng signal, tapos yun isang phone ko nakaconnect naman sa vivo ko thru bluetooth internet access.Kapag ok na yun loptop ko,pwede ko na rin magawa to, galing.

Medyo nakukuha ko na sya kung paano gamitin.Nabago ko na rin name ko.Gaano kaya kadami need dito ipost para mawidraw.Any crypto wallet kaya pwede dito. Sa mga di pa nakajoin tena invite ko na kayo. https://melsia.tangled.com/join
Di ko pa gamay yan tangled, nalilito pa ko talaga, mayron kaya nyan sa youtube kung paano.Pero pansin ko lang every online ko, may earning ako narereceive, paano kaya to iwidraw, tingin ko lang need ko ng maraming earning saka ko masusubukan yun widrawal.Paano din kaya Iedit yun user name ko dyan na Melsia. Eto nga pala referral link ko sa mga di pa nakajoin. https://melsia.tangled.com/join
Ngayon lang nakacheck, 2 days din inaatake ng migraine kaya di muna din humarap sa cp, loptop naman wala pang pangpagawa kaya cp na lang muna. Nasa tangled na pala sila, sige punta ko dyan ngayon.Di ko pa lam earning dyan,pero nabasa ko na rin yan before.
Ginagawa nyo din ba to tuwing pinapasok ng lamig yun gilid ng daliri o paa. Pinasok ng lamig nun nagbawas ako ng kuko sa daliri ng kamay ko at nakalikot ko yun gilid tapos nkapagbasa ako ng kamay ko.Pinatakan ko ng kandila para gumaling.
Nagamit ko din tong tv plus go ko n matagal na nakatago, bumili ako ng connector kaso di kumasya yun para sa antenna ng tv pero nagawan ko nman ng paraan. Makakapanood na ko sa kwarto namin gamit yun isang cp ko na Vivo pang watch ng tv.
Medyo nabusy this coming new year, need maggeneral cleaning bago pumasok ang taon. Saka may bisita kami sa new year Jan. 1, request ng tito ko dito samin mareunion, kaya ginawa nya yun gate at inayos para dun sila magbonding bonding magkakapatid ni nanay. Actually, ayoko talaga ng reunion kung di lng talaga dahil sa side ng nanay ko. One thing kasi dyan yun parang nagkakaroon ng payabangan sa buhay buhay, ewan ko ba, siguro naisip ko lang yun past ko nun bata pa ko, di ko naenjoy yun pagiging bata ko noon dahil sa hirap ng buhay kailangan mo tumulong sa tita mo noon imbis na maglaro,yun akala mo bakasyon pinunta mo yun pala para kang muchacha sa bahay nila, ewan ko tumatak sa isip ko yun. Na dahil mahirap kayo di ka na lang makatanggi kasi nandun ka sa bahay nila need mo makisama at sumunod dahil bata ka lang,tapos katapat nun kaunting pera. Parang prize sa pagtulong mo ng sapilitan. Tapos inggit na inggit ako noon, kasi yun mga anak nya, pinsan ko malayang naglalaro sa labas, habang ako naghuhugas ng mga plato ng mga bisita ng tita ko noon na dapat yun bakasyon na yun naeenjoy ko, di pala. Sa ngayon naman di na ko ganun na sunud sunuran sa gusto nila, kahit pa may utang na loob na tinatawag, lalo na nandito sila samin, hindi na pwede ng ganun ganunin nila ko,kahit di kami nkakaangat sa buhay, dapat pantay pantay.
Bakit kaya block ako? Wala nman ako comment na di maganda sa twitter.
Kaninang umaga paggising ko umaga na pala, nanaginip kasi ko na bigla daw ako nanalo kay Kim.Com ng 3K 🤣Napatingin tuloy ako sa cp ko kung nanalo nga va ko😅 Jusko panaginip lang pala kala ko totoo na, sabi ko pa naman tuwang tuwa pa naman ako at may pambirthday na sana ko sa darating na Dec. 15😅. Pero hopefully nga magkatotoo man lang haha.Daming gastusin ngayon December baka spagetti na lang maluto sa birthday,normal na okasyon pa rin.😊
Muntik na ko mabudol sa naggagala na nagchecheck ng Lpg na nag aalok nitong gas breaker nitong umaga lang, same lang nun gamit namin sa bahay, mabubudol na sana ko sa price na 2, 800, mabuti at di ko pa nabayaran thru gcash sana. Pagtingin ko sa online wala k nman mabibili na ganun kamahal, chineck ko yun price sa online ang laki ng difference 720 pesos lang pala yun, ginawa ko pinakukuha ko na lang yun item na iniwan,sinabi ko na lang wala pa lang pera yun hihiraman sana nmin ng pera.Mabuti naisipan ko magsearch ngayon.
Mayron na bang nakapasa dito sa Share it Challenge hehe.Ako kasi hanggang dyan lang inaabot ko😊
Participate na Heroes Association @Pencua02
Guys may naisip na ba kayo iboboto sa SK kabataan election. Dito kasi samin wala naman ako maisip na iboboto,naisip ko lang bakit may SK pa, may nagagawa ba ang SK sa barangay sa lugar natin.Di ko kasi makita. Yun mga tumatakbo pa naman sa lugar sa amin na kabataan, halos puro tambay na nakikita ko sa gabi. Halos wala talaga ko mapili talaga.Maiinvalid ba boto ko kung wala ko binoto sa SK election.
Laking bagay din to na nagparticipate ako sa cashrain, niwidraw ko na rin yun naipon ko na 100 pesos bawas transaction fee 96 pesos din to sa cash rain lang, kahit busy na sa pag aasikaso sa tindahan may extra din.
Morning guys, di ko lam saan makukuha yun code, sa cashrain to. @Pencua02
Ganda ng umaga ko kapag nakikita ko yun mga halaman ko sa bubong, sa bintana ko na lang pinikturan mainit na kasi. Kung magkakaron kami ng budget papasementohan namin to at gagawa kami ng 2nd floor, isa pang paupahan sa taas at dito maayos na kong makakapagtanim tanim. Di na namin masyadong proproblemahin ang panggulay at sahog lalo na sa panahon na pandemic.Sa panahon ngayon nagtataasan lahat kuryente,tubig,pamasahe,halos lahat dito samin may ebike na,baka kami mapabili na rin, pera na lang kulang para makabili ng ebike na pwede 3 person sakay. Sa dami ng gusto namin mangyari, lalong maiinggit yun inggetera at pakialamera namin kapitbahay once mangyari yun haha.
Daming marites talaga, nakapagpaayos lang kami ng bahay, akala ng mga marites marami na kaming pera haha. Kung di lang dahil sa tulong ng mga kapatid ng nanay ko eh, di mabubuo yun nais ng Tito ko na mapaayos ang garahehan na dati parang bodega itsura, tinambakan ng lumang gulong ang bubong, sirang trycycle, tapos yun gilid ng bagay namin kung ano ano basura nakalagay. Ngayon malapit na sya mapaayos at mapaganda, sa tulong ng Tito ko, sakripisyo nya na sya lang gumagawa. Dami talagang ìnggit, yun akala mapera ka na. Inuusisa kapag may magandang nagbago sa buhay mo.Only in the Philippines lang talaga.
Eto pa guys, yun nagrereklamo, dahil ayaw nga ng gulo ng nanay ko, dahil nag iinit ang ulo ng tito ko dahil nga naman alam naman nyan tama naman yun ginagawa nya may pakialamera lang na kapitbahay talaga, ayaw lang nya sabihin kung sino yun nagrereklamo. Yun inggetera namin kapitbahay na parehas kaming may tindahan na gusto nya lahat ng costumer sa kanya bibili.Pano nagsumbong yun costumer na nagtatampo raw yun kabila kapag dito samin sila bibili,kami naman kung saan gusto bumili wala naman samin yun, wag lang sa amin utang tapos sa kabila bibili kapag di utang liliko, masama naman yun di ba. Sabi ng nanay ko ganun pala sila no, samantalang kapag wala yun item namin tinuturo pa namin sa kanila tapos ganun sila, mula nun kapag wala samin, di na nya tinuturo sa kabila, sinasabi na lang nya, di nya alam.
Yun kapitbahay mo at kamag anak na di malaman kung naiinggit sayo o may galit sayo. Minsan lang nakapagpaayos ng bahay konting bagay pinupuna, kesyo lampas na daw kami sa lupa namin, pero di naman talaga,baka tuloy dumaan pa kmi sa barangay para ipasukat ang lupa. Sumobra lang yun alulod magkapitbahay naman daw bakit kailangan pa tanggalin o need baguhin, actually di na pwede baguhin dahil uulit ulit sa umpisa pagkaganun.Nahighblood tuloy tito ko. Hindi lang to yun pinuna ng kapitbahay namin, may nauna pa lampas daw sa kalsada yun dulo ng lalagyan ng yero, actually pantay lang naman sya ng kanal at di naman sasabit ang sasakyan kung dadaan dahil mataas naman daw,so pinalampas na lang namin yun pinutol na lang namin yun sinasabing sobra o lampas daw. Pero this time may reklamo nanaman, di na makapagpigil tito ko kasi sya naggagawa ng bahay namin.
Ang tagal na nitong Cash rain pero kailan lang ako bumisita dito. Akala ko kasi ang mahirap magfillup at maka earned madali lang pala, basta magjoin lang sa community,retweet meaning repost then optional na lang yun follow and comment.Sa mga di pa nakakasubok invite ko kayo eto invitation link, optional lang din to pag invite addional na lang. Saka pala gawa din muna kayo ng account sa Bitcoin.com: http://play.google.com/store/apps/details?id=com.bitcoin.mwallet Invite link: https://cashrain.com/invite/MAeYchHM46
Mabuti at may nareceive pa ko na voucher sa Kopiko sachet 6 sachet tig 5 pesos bali 30 pesos din napanalunan ko thru gcash. Nakalagay kasi tapos na yun draw nila nito Sep.30. Check ko pa fb page nila kung may update, may commercial pa sa tv eh.
Goodbye, coinbase, years din nun kauna unahan crypto wallet na naexplore ko noon. Yun walang wala pa ko alam sa mga crypto na yan. Basta gumawa na lang ako ng account at naglaro laro noon sa mga apps at yun pumapasok sa coinbase ko pwede ko pl mawidraw noon, na di ko pa noon alam kung paano itransfer haha. Nagkaroon din ng years na nakalimutan ko password ko, pero nabuksan ko naman nun time na may konti na ko idea sa crypto na yan. Yun high, low na di ko noon maintindihan hehe. Tapos yun time na no work na ko, dun ko nagamit yun laman, konti lang sya noon pero napakinabangan ko naman.