read.cash Log in

@ariel0417

Joined 9 September 2022 · 132 posts

FreelanceMom

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@ariel0417

Good morning sa lahat. Ito na nga pala yung kinita ko kahapon sa Google Ads hihi. Medyo mahirap kasi need computer literate ka tapos maalam ka din dapat sa transactions ng tonic app at paypal. Pero worth it naman kasi magdamag lang na nakaopen PC ko para mag live run ng ads. Pero yung iba medyo alat hehe re-run sila at hindi naging successful ang pag live run nila. Ung iba naman burn ads kaya 200 lang earnings nila. Pero wala parin katalo talo hihi. Gagawa ulet ako email ad para makapaglive run ulet baka makajackpot na naman ng malaki laki. Basta may PC or laptop pwedeng pwede. Pag walang device pwede naman daw hati sa kakalabsan ng earnings. Basta matyaga at hindi atat sa earnings dapat ang mga sasali sa ganito. Tulad ko sabi ko kahapon kahit magkano lang masaya na ako. Di ko akalain na 1500 ang kikitain ko sa magdamag lang. Thank you po talaga papa G sa lahat ng blessings. Kay ysense magreredeem na naman ako hihi. Paskong pasko na talaga.

@ariel0417

Good morning! Musta na po dito? Akoy busy ngayon sa google ads hihi, as usual raket na naman. Magdamag nakaopen PC ko at pagkagising ko checking kung ano na nangyayari. May TL na nag aassist saken dito. Ang kitaan daw is 200ph to 5k pag sinwerte. Ako naman ay kahit 500 lang kitain ay oks na hehe. Balitaan ko kayo pag kumita na ko dito, syempre share share lang ng kaalaman like sa ysense.

@ariel0417

Hello hello..kanina puro comment at heart lang muna si ako. Busy kasi sa online jobs at sa sideline hehe. Yung kakareceive ko lang ng payment kahapon tapos nagrequest ulet ako kanina ng $10 and then may balance na naman akong almost $4. What can I ask for? Napakabuti ni papa G, lagi Nya ko binibigyan ng blessings. Dito kay noise app naka piso naman ako hehe not bad chicka chika lang naman dito hehe. Hoping na bumalik na sa dati ang sigla dito para lahat ay masaya. Siesta time na naman, sana all haha kasi ako tambak pa ng tasks na dapat tapusin para sa ekonomiya hehe.

@ariel0417

Dahil Mafia attire nga ang theme nila unica sa year end party nila eh aba naman at nag iimagine na ata ng attire nya haha. Gusto nya daw mag ala yor forger sa party nila kay dinrowing nya sabay pakita saken. Sabi ko naman ay aba mahirap na costume yun haha baka di sya makasali sa mga games at may cape pa yung nagugustuhan nyang costume. Sabi ko nalang na ako na bahala sa kanya hehe, leave it to mommy at for sure Mafiang Mafia ang dating nya sa party nila haha.

@ariel0417

Ito pala yung ganap kanina nila unica sa kanilang charity work which is Donation Drive. Kitang kita naman talaga sa mukha ni unica ang excitement at saya papunta sa napiling barangay. Ayan nga at kita pa sa lokid nya yung mga boxes na idodonate. Sakay din sila ng coaster para ihatid sundo ang mga bata at teachers. Ngayon knock out si unica sa pagod haha. Tulug na tulog na sya ngayon sa pagod haha.

@ariel0417

Blessed morning mga kanoise.. today is Saturday pero naggagayak na si unica kasi may pasok sila sa school today. Meron silang charity work which is Donation Drive para sa isang barangay dito samin. Hanggang ngayon kasi baha parin sa lugar na yon. Kaya naman nagkaron ng charity work sa school nila unica. At dahil president si unica, kasama sya ng mga teachers at iba pang students para sa donation drive na gagawin nila ngayon.

@ariel0417

Bawas bawas muna ng kinita kay Ysense hehe. Kinakapos na ko sa budget kaya naman kumurot na muna ako kay paypal hehe. Kasi naman yung Christmas party nila unica may theme pang nalalaman. May damit na sana sya for Christmas party pero Mafia theme daw ang isusuot. So hanap agad ako kay mareng Shopee ng pang aura at baka mag out of stocks ang mga damit pang awrahan haha. Ang gusto pa naman ni unica ay aesthetic mafia attire. Kaya naman busy ako kakascroll ngayon haha.

@ariel0417

Agang gising na naman at nagluluto ng baon ni unica. Homemade nuggets mga kanoise para tipid tipid at iwas preservatives. Chicken potato balls talaga yan with sesame seeds dapat. Ang kaso naubusan ako ng sesame seeds kaya ayan fried nalang ang kinalabasan. Masarap din naman at crunchy kaya gusto parin ni unica. Sa panahon ngayon dapat talaga madiskarte sa ulam at napakamal ng mga bilihin. Ayan kapirasong chicken tapos potatoes, flour, eggs and breadcrumbs. Patok na patok pang pambaon ng mga kids. Magandang umaga sa inyo.

@ariel0417

Good evening everyone. Just wanna share my unica's first quarter report card. Last Monday nagkaron ng card giving and temporary copy lang muna ang binigay gawa ng may typo. Nagkapalit kasi yung dalawang subjects kaya naman ayan pasulat na muna at inabutan ng date ng card giving. I'm so happy as usual kasi ang tataas na naman ng grades ni unica. By the way grade 8 na sya and studying at science and technology high school. Isa na naman akong proud mom! Charot! Hahaha. Ano ginagawa nyo mga kanoise? Ako eto nakahiga at abangers ng Maria Clara at Ibarra hehe.

@ariel0417

Musta na po kayo? Long time no post si ako at dami kong tasks sa ibat ibang sites. Need rumaket kaya madalang ang pagvisit ko dito. Pero thank you kay Lord kasi di ako nawawalan ng task. Pahinga na muna ko saglit sa work at need ipahinga ang mga kamay hehe. Miss ko na talaga si bch hihi kasi puro paypal nalang ang nakakaalala saken. Lapit na nga pala Pasko grabe ilang tulog nalang hahaist. Hehe kala mo naman may pasko kami eh araw araw naman pasko samin. Good morning sa inyo...

@ariel0417

Magandang gabi po sa lahat!! 3 days ata ako di nagparamdam. Sobrang busy ko kasi sa aking online jobs na halos di na makasikip dito. Need rumaket at malapit na talaga ang December hehe. Miss ko na din ang BCH sa coins wallet ko kaya lang sadyang mailap pa. Kaya puro paypal na muna ang sinisilip ko at nagrequest na naman ako ng payout. Abang abang na naman ulet bukas ng mga tasks. Sana makasilip ulet ako dito ng madalas pag di na busy.

@ariel0417

Good morning! Adobong kangkong and fried fish for my unica and hubby's breakfast. Yung isa nasa kawali pa hehe. Ako pandesal lang ang kakainin ko at medyo nauumay na ko sa rice tuwing umaga. Yung mag ama naman ay di pwede na pandesal kasi mabilis sila magugutom. Kayo nakapagluto na din ba? Mamaya tambak na naman ang hugasin. Then after ko maghugas sa lababo back to work na naman.

@ariel0417

Musta na po ulet? Akoy tumambay na ng husto sa harap ng computer at hindi naman ako nabigo, nakakota na talaga ng lubos hehe. Kanina pa din may notif ang email ko pero ngayon ko lang inopen dahil busy talaga ako sa online job ko..at eto nga dumating na pala kaninang umaga yung payment from ysense. Hay salamat may pang jabee na si unica...charot lang. Ang hirap ng buhay ngayon kaya ipon ipon mga kanoise. Bakit ganon kung kelan walang galaw ang baso dito tsaka naman ako masipag magpost haha... positive lang, lavarn!😅

@ariel0417

Thank You Lord, in just an hour nakakota na. Need magsipag at medyo matumal ang surveys. Kung dati kinatatamaran ko to dahil katwiran ko eh may noise naman hehe. Pero ngayon na waley na galaw at matumal pa si ysense eh bawal tamarin ang mommy na maraming gastusin haha. Pahinga na muna at maya maya hugas pinagkainan naman, mahirap na at baka mapasma. Ang hirap nitong trabaho kong to need ng utak, pero mas mahirap pag walang trabaho 😜

@ariel0417

Kanina hinatid ko si unica sa baba para mag abang ng service, after nya makasakay dumaan ako ng tindahan para bimili ng maliit na patola kasi magpiprito ako ng tilapia mamayang gabi. Eh masyadong maliit kaya dalawa ang bibilhin ko sana. Pero nung malaman ko ang presyo eh bigla akong nagmenor haha. Grabe dalawang maliit na patola for 100 pesos?! Kaya isa nalang ang binili ko for 45 pesos. Grabe ayoko na sa earth haha. Good morning sa inyo!!

@ariel0417

Dahil chicken caldereta ang niluto ko kahapon, gulay naman ngayon. Ginataang puso ng saging, sayang walang available na labuyo kaya ito nalang munang siling panigang. Kayo po, nakapagdinner na ba kayo? Kami kakatapos lang at nanunuod na ng Maria Clara at Ibarra.

@ariel0417

Mainit init pa hehe. Thank You Lord at nakapagredeem na naman kay ysense. Laking tulong talaga pag nakakapagredeem ako eh. Mas kinikilig na ata ako dito kesa kay hubby...charot! More surveys pa sana at mahina talaga ang galaw ng baso ko dito kay noise haha. Naguton tuloy ako sa sobrang saya sa pagredeem. Aga ko tuloy makakapag lunch ngayon hihi...solo again, five days na naman akong solo sa lunch.

@ariel0417

Chicken caldereta sa gata. Our viand for dinner, matagal tagal na din akong hindi nakapagluto nito kaya naman parang namiss namin ngayon. Taob na naman ang isang kalderong kanin nito at gutom kaming tatlo kakatulog haha.

@ariel0417

Good morning! Pero yung photo ko pang good night nà hehe. This photo was taken yesterday while waiting hubby from work. Wala lang, nakatuwaan lang ni unica na picturan ako. Tagaytay feels lang ang peg hehe, ang lamig naman kasi pagdating ng hapon. Dito ko lagi hinihintay sa terrace si hubby kasi kita ang entrance ng village. Kaya kahit tuktok palang ni hubby ay kita ko na ahaha. Bakit nga kaya ganon ano? Pag mahal mo ang isang tao kahit dulo palang ng daliri kilala mo na hehe....ay aga aga ang harot hahaha...

@ariel0417

Habang natatakam ako sa mga posts nyo na puro masasarap na food, eto ako pang throwback lang ang post hehe. Two years ago, aba't ang ganda naman pala ng teeth ni unica pero bakit ko sya pinabraces haha. Actually sa picture lang sya maganda pero in person hindi pantay ang bite nya. Yun ang inaayos sa ngipin ni unica, dapat daw pag kumagat is pantay ang bite. Medyo tabingi kasi ang bite ni unica pag kumagat eh. Kaya naman nung mag twelve years old sya ay pinabrace ko na para mabilis din maayos. Oh sya ako ay kukuha na ng kanin at titingin nalang ako sa masasarap nyong ulam. Tipid tips ba haha. Mindset ba..😁😅

@ariel0417

Blessed morning mga kanoise! Saya ko kasi konting kembot nalang at makakapag-redeem na naman ako sa ysense. Kung makikita nyo since 2020 pa ako member dyan and almost $500 na din ang kinita ko hihi. Actually dalawa account ko sa ysense kasi ginawan ko din si hubby pero di ko na ma open ang acct nya kasi natrace yung same IP address. Mas malaki ang lifetime earnings non dahil since 2012 ko pa yon ginawa. Pero ok na din na kahit isa nalang tong account ko, at least may natira hehe.

@ariel0417

Good morning! TGIF! Hay salamat bukas pwede na ulet tanghaliin gumising. Last day ng pasok ng mga bata sa school kaya bukas siesta time na muna hehe. Kakaluto ko lang mga kanoise ng bulanglang. Ito yung maglalaga lang ng gulay tapos ilalagay yung pritong bangus...hmm sarap! Ready ba ang breakfast ng mag ama 😋

@ariel0417

Nawalan ng kuryente dito sa lugar namin kasama ang katabing bayan. Kaya naman pinauwi na lahat ng estudyante, pati nga si hubby nagulat ako at first time nya umuwi ng may araw pa. Si unica din pinauwi dahil wala daw aircon sa room at baka magkasakit ang mga bata sa init. Pero pag uwi nilang mag ama ay biglang nagkaron na ng kuryente haha. Kaya naman eto at nakialam na naman si unica sa aking online job. Sa picture makikita nyo na since kinder palang talaga sya eh nakikialam na sa work ko. Bilis ng panahon, yung bulinggit kong unica eh mataas na ngayon. Magandang hapon mga kanoise ..

@ariel0417

Dinner time. Ginisang amplaya with egg and pritong daing na bangus. Request ni unica ang ampalaya and ako naman gusto ko yung pritong bangus. Kumain din ako ng ampalaya kahit konti at nakakahiya naman kay unica kung yung mommy ang di nakain ng gulay hehe. Sa totoo lang, si unica ang nagturo saken kumain ng ampalaya. Magandang gabi po sa inyo 😊

@ariel0417

Yung kakareceive ko lang ng payment kaninang umaga, tapos ngayon nakapagsagot na naman ng more than $4 kaya may balance na naman akong $6+. Iidlip sana ko pero paghiga ko sa kama bigla kong nakita cp ko pakalat kalat kaya nagcheck ng survey hihi. Nawala tuloy antok ko sa saya haha. Si noise nalang ang need kong pagalawin ang baso haha charot lang..ayaw kasi gumalaw eh hihi. Meryenda time na naman, kain na po tao.

@ariel0417

Good morning! Aga aga eto pinaluto saken ni unica kanina. Gusto nya daw magbaon ng nilagang mani kasi parang nagcrave sya. Ito daw ang gusto nya kutkutin sa break time instead of bread and yakult. Buti nalang at may stock pa ko dito sa bahay. Sabi ko wag kakainin lahat at medyo marami ang pinabaon ko para bigyan mga classmates nya. Baka kainin nya lahat ay yari ang tummy nya haha.

@ariel0417

Sorry naman agad ito lang kinaya ng phone ko. Maganda sa personal pero sa cp ko di gaano. Kitang kita sa kalangitan ang buwan na pula. Sabi nila di daw to maganda, pagkakaalam ko kahit sa Bible hindi rin magandang pangitain to. Pero sana wag naman, may awa ang Dios. Musta na kayo? Kami kakatapos lang kumain at andito sa rooftop para pagmasdan ang pulang buwan.

@ariel0417

Throwback Tuesday na po muna tayo mga kanoise. Memories ko to sa fb last November 5 pero ngayon ko lang maipopost. Ganito katalino si unica ko hehe, kinder palang sya kumikita na sya ng dollars. Panghapon kasi pasok nya sa school non kaya sa umaga lagi sya nakikialam sa online job ko hanggang sa tinuruan ko na sya at pinagamit yung account na ginawa ko for hubby, kasi lagi naman nasa ofis si hubby. Two yrs old palang kasi si unica nakakapagbasa na sya ng English kaya nung magkinder na sya eh kayang kaya na nya ko sabayan haha. By the way call analyst kasi ang work ko dati sa HM. Mga outbound and inbound calls lang ang pinakikialaman nya hehe. Wala lang naikwento ko lang kung gaano kapakialamera sa work ko si unica hahaha. Ngayon grade 8 na sya at di na makahinga sa science school haha.. Maganda pa kayo sa morning!🌅

@ariel0417

Dahil natapos na sa EQUIP at exams ang aking unica, ayan at nagkaron na sya ng time para magtiktok naman hehe. Yan daw yung trending ngayon, sturdy dance ata yan, ewan di ko maalala haha. Nasa gitna si unica at kasama nya ang mga besties nya dyan nung elementary pa sya. Dati hanggang balikat lang sya ng mga besties nya pero ngayon magkakasingtaas na sila. Pati mga besties nya nagulat sa biglang taas ni unica haha. Milk pa more 😁

@ariel0417

Just got home. Nakapamili din sa wakas hehe. Parang nagkaphobia na ko sa pag stock ng ulam sa ref mula nung bagyong paeng. Kasi naman dami laman ng ref nung inabutan ng bagyo tapos nawalan ng kuryente. Imagine niluto ko lahat kesa tuluyang masira, tapos pinamigay ko sa kapitbahay yung iba kasi masisira din kung walang ref kahit luto na. Tatlo lang lasi kami sa bahay kaya di kayang ubusin. Kanina bago ko namili inalam ko muna sa news if may parating bang bagyo haha. Konti lang pinamili ko ngayon at nadala na ko. Inuna kong linisin tong mga karne at isda, mamaya yung mga gulay at prutas. Pahinga na muna at nakakapagod. Maganda talaga may stock para kuha nalang ng kuha sa ref pag magluluto. Wag lang mawawalan ulet ng kuryente hehe. Good morning sa inyong lahat.