read.cash Log in

@keyem

Joined 9 September 2022 · 47 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@keyem

From 0 follower to 145, yiee kakakilig naman. Kahit papano nakikita ang progress ng fb page ko, ang hirap kasi ng walang followers lalo nagpopromote ako ng products sa shopee. Dalaw kayo minsan, madami kayong mabubudol doon HAHAHA skl. By the way, ang tagal kong nawala dito, sobrang busy sa life. Welcome back self! Kamusta na kayong lahat? Namiss ko kayo! ❀️

@keyem

Slow progress is still progress. Quitting won't make it any faster! LabarnπŸ’ͺ Nakaraang araw ko lang sineryoso ang pagiging shopee ambassador at happy naman ako sa result. Dumadami na ang clicks at orders kahit papano. Wala pa kasing budget for fb ads kaya pure organic muna ako. Last month pa akong naapproved ni shopee pero nahirapan ako magsimula kasi puro malalakas ang kalaban HAHAHA. Puro ba naman influencers. Pero try ko parin baka dito na ako swertehin. ❀️ - Late morning sa ating lahat.

@keyem

Just wanna flex my baby boy na manang mana sa papa niya na maka Diyos. Bago matulog at paggising nakikinig muna ng worship song. Kabisado nadin ang mga kanta kaya tuwang tuwa kami sa kanya. Totoo yung kasabihan na kung ano yung nakikita ng bata naaadopt nila ito. Tuwing Sunday nag-aaya nadin siya magsimba. Lagi niya sinasabi, Thank you Lolo Jesus. Amen.❀️ Nakakatuwa. Skl. Happy Friday guys!

@keyem

After two years and 8 months of waiting dumating na din ang UMID ko, actually UMID Pay Card na ngayon nag update na sila. Akala ko naman hindi na dadating buti nalang at pala check ako ng email ko, nabasa kong may email pala si Sss sa akin na kailangan daw iupgrade ang UMID to UMID Pay Card. Mas mabilis ngang dumating kasi after 10 days kong inupdate yung application ko dati, dineliver na agad. 😁 Skl. Hai, Hello. Kamusta na ang lahat?

@keyem

Sobrang bilis ng panahon, hindi ko namamalayan may binata narin ako. Pero yung trauma ko sa paglabas sa baby ko hindi mawala wala HAHAHA By the way, Happy second birthday sa aking forever baby. Simpleng handaan pero masaya kasi sama sama ang pamilya. Haba pa ng nguso ng anak ko sa pagboblow πŸ˜‚ By the way, kumusta na ang lahat dito? tagal kong walang paramdam sa sobrang busy sa life.

@keyem

SSS UMID Pay Card Lahat na ba nakapag upgrade na ng UMID ID to UMID Pay Card? Ako kasi OO, skl. πŸ˜‚ Kaya pala hindi pa napaprocess ang UMID ko kasi iuupgrade pala, pero sabi sa email marereceive ko nadaw after 15 days. Sana totoo na HAHA Ang tagal ko ng nagaantay, 2 years mahigit na. By the way, ngayon lang ulit nakapag update dito at sobrang busy ngayon ang ferson. Bawi ako bukas. Goodnight guys!

@keyem

Can't sleep, paano ba naman maghapon akong tulog. Thanks god at okay na ako, wala ng sinat, sipon at ubo. Usong uso na naman ang sakit kaya doble ingat tayo, more on water at kumain lagi ng healthy. Mahirap magkasakit. Nagpapaantok ako habang nanonood sa tiktok. Ewan ko ba at ang hilig ko manood ng ganitong klaseng video πŸ˜‚ ako lang ba o kayo din? Pakiramdam ko kasi ako yung nasa video e. Goodnight sa mga tutulog na. Hello sa mga gising pa.

@keyem

Not feeling well padin ako hanggang ngayon, masakit parin ang ulo at sinisipon. Kahapon masakit din lalamunan ko na parang uubuhin buti nalang nawala paggising ko. Uso pala talaga ang ubo't sipon ngayon. Yung asawa ko halos isang buwan na nagkasakit buti nalang magaling na, ako naman sumunod. Kamusta na ang lahat dito? ngayon lang ulit nakapag update gawa ng sumasakit ulo ko kapag nadutdot ako sa cp HAHAHA. Kumain na ba ang lahat?

@keyem

Like a boss. Sarap ng nood ng bebehan ko habang nagpapahilot sa likod, nainggit sa akin kasi nagahilot ako sa papa niya. Pagkatapos ko siya naman with matching pikit pikit pa, inaantok na πŸ˜‚ Minsan kapag sinabi kong hihilutin ko sa likod ayaw niya ngayon kusa na siyang nagpahilot. Nakasanayan ko na kasing hilutin lalo na kapag may sipon at ubo siya. P.S. tulog na siya ngayon. Good evening guys. Not feeling well today, may sipon ako at masakit ang ulo ko. Uso ba ngayon ang sipon?

@keyem

Sobrang init ng panahon, Ice cream muna tayo kaibigan. Tirik na tirik ang araw nakakatamad tuloy lumabas, may lakad pamandin sana kami. Pupunta sana kami sa appartment para maglinis dahil panigurado puro alikabok na naman. Andito kasi kami ngayon sa biyenan ko. Yung appartment na iyon ay pinatira kami ng libre ng tita ng asawa ko kaso bumalik ulit kami dito sa biyenan ko at laging may sakit ang aking baby. May kalaro daw siyang mumu doon sabi ng nagtawas sa kanya.skl. Nakakain na ba ang lahat?

@keyem

ABC WOOD BLOCKS Nakalibre na naman tayo for todays video. Nakaka taba naman ng puso kasi may tiwala sa akin si seller, dalawa agad ang ibinigay na free sample sa akin sa tiktok. Yung isa ay yung pinost ko nong nakaraan na spider man na bag. Hindi ako masiyadong blessed ngayon sa sales pero sa free sample OO. ☺️ Yung iba kasi puro sila declined pero ako approved din naman agad kaya nakaka happy. Basta masipag lang gumawa ng videos kahit wala benta kapag nakita ni seller na prinopromote ang products nila tapos nagrequest ka ng free sample, approved agad. Ganun kasi ginagawa ko, tapos konting effort lang okay na.skl. Good evening, tara kain na us!

@keyem

Tinamad ng magluto ang ferson kaya barbeque at isaw nalang ang binili para may maiulam. Nagmahal na ang presyo pero sulit naman kasi sawsawan palang ulam na, mapapa extra rice ka talaga. Kaya hindi nakakapag taka kung bakit sobrang tagal na ng isawan na iyon kasi malinis ang tinda, the best din ang sawsawan. πŸ˜‹ 2016, dalaga palang ako doon na ako bumibili. Masarap iulam at pulutan HAHAHA. skl. Kumain na ba ang lahat? good evening.

@keyem

SSS UMID ID Nawalan na ako ng pag asa na dadating yung UMID ko e pero may pa email sila kanina. Ewan ko lang kung true na ito HAHAHA ilang taon na ang nakalipas, naipit kasi gawa ng pandemic. Sa awa ng diyos tapos na ang Probinsiyano bago sila mag update. Last na update ko June pa ngayon lang sila nagreply πŸ˜‚ skl. Nakakain na ba ang lahat? Ngayon lang ulit nakasilip at nagloloko na naman si converge, araw araw nalang.

@keyem

Happy ang bebehan ko at may bag na siyang spiderman. Naiinggit sa kanyang pinsan kaya oorder sana ako sa tiktok, buti nalang naapproved yung request ko kay seller kaya nakalibre ulit tayo for todays video πŸ˜‚ Siyempre ginawan ko din ng review para hindi magtampo si seller, sana makabenta ulit. Nakakadami na ako ng free samples sa tiktok. Sana sales ko naman ang dumami. HAHAHA By the way, good evening sa ating lahat.

@keyem

Smile, even if it's fake. Laugh, even if you hurt. Don't let anyone get to you, you're beautiful regardless of what anyone says to you. Ay taray! 5 years ago na agad. Dora is that you? HAHAHA Iba talaga nagagawa kapag boring ka, bigla bigla nalang nagbabangs. Huling bakasyon ko ito sa probinsiya e, 8 months ata akong tambay dati kaya sobrang boring ang life, kaya pati bangs napagtritripan. Aminin niyo kayo din. πŸ˜‚

@keyem

Puyat is real na naman ang mama ng anak ko πŸ˜‚ Ang sarap na kasi ng tulog ng biglang pumasok ang lola niya sa kwarto. Kapag papasok kasi sila dito, wala manlang katok katok, nakalimutan ko kasing ilock ang pintuan kanina. Nangangamoy ala una na naman ang tulog naming mag ina neto. Hello sa mga gising pa jan. Tara chika muna tayo, para magising ang diwa ko HAHAHA.

@keyem

Another Free Sample received. Dumating kanina yung free sample ko na croptop galing kay seller sa tiktok. Ang ganda ng tela pero hindi naman ako nagsusuot ng croptop kaya binigay ko nalang sa pamangkin ko. Sunod sunod ng nagsisidatingan ang mga request kong sample, sana lang makabenta pa. Sobrang tumal na mga bes! Anyways, tulog na ba ang lahat? Mejo madaming ganap ngayon sa amin kaya pasilip silip lang ako dito. Kayo, kamusta ang maghapon niyo?

@keyem

Happy birthday sa biyenan kong lalaki. Birthday na birthday pero nagtatampo HAHA Paano ba naman kay aga aga may nagbubunganga na. Hindi tuloy namin alam kung saan na nagpunta, magsisidatingan na bisita niya pero wala parin siya. skl. Kaya hindi rin ako makasilip dito at busy ako sa pagtulong sa pagluluto plus may makulit pa akong chikiting. Tapos ngayon lang ulit bumalik internet connection namin, converge ano na? πŸ˜‚ sa isang araw 4 hours lang ata kaming may net. Mejo paambon ambon parin dito sa amin kaya hindi makapag laba. Sa inyo rin ba? Tara kain muna, menudo at kaldereta ulam

@keyem

Mangga with alamang Oh siya, maglaway muna kayo jan HAHA Kasalanan to ng napanood ko sa fb e. Naalala ko tuloy naglilihi pa ako, wala na akong ibang gustong kainin kundi mangga tapos isasawsaw sa sukang pinakurat. Kilo kilong mangga ang binibili ng asawa ko πŸ˜‚ Hinihigop ko pa yung suka kasi sarap na sarap ako. Although, favorite ko na talaga ang mangga kasi madami sa probinsiya. Yung tipong nabubulok nalang sa sobrang daming bunga. Wala lang, skl. Kamusta na kayong lahat? Maulan parin ba sa inyo? sa amin hindi na, bumalik narin ang internet connection kaya nakabalik na ulit ako dito.

@keyem

Nakapag sopas na ba ang lahat? Dahil malakas ang ulan at malamig ang simo'y ng hangin, nagluto ng sopas ang pamangkin ko. Sopas is life kasi siya e, kada ulan magluluto ng sopas. Hindi na nga nagluto ng tanghalian kanina at sopas nalang daw kakainin. Ang lakas ng hangin at ulan ngayon sa amin, signal # 3 na daw kami dito kaya nakakatakot. Kumakalampag na nga ang mga bintana, lumakas kasi ang hangin e. Sa inyo rin ba? Keep safe everyone lalo na sa apekto talaga ng bagyo.

@keyem

Let’s pray for the affected areas of bagyong β€˜Paeng’ Philippine search and rescue teams pulled bodies from water and thick mud on Friday, in Maguindanao, bringing to 42 the death toll from flooding and landslides with dozens more feared buried. KEEP SAFE SA ATING LAHAT. | PHOTO CREDIT TO THE RIGHTFUL OWNERS

@keyem

TIKTOK FREE SAMPLE RECEIVED Yay! dumating na ang isang free sample ko galing kay seller, nagawan ko narin ng video. 2L Motivational water bottle ang dumating kanina, bale may tatlo pang dadating. Ang ganda pero sobrang laki naman HAHA bagay sa mga malakas uminom ng tubig maghapon. 115 pesos lang siya at free shipping may kasama nading stickers na ididikit. Bukas yung damit naman ang gagawan ko ng video. Sunod sunod na kasing nagnonotify si tiktok na ipinadala na daw mga request kong free sample. Sign na ata ito na tuloy tuloy na akong makakabenta . Charr! Yunlang. πŸ˜‚ Malamig na gabi sa ating lahat. Umuulan din ba sa inyo?

@keyem

Ay pak! HAHAHA Mukha akong ewan dito, 4 years ago na agad. Mga panahong puro ako pang gabi sa work πŸ˜‚ Natatawa lang ako kasi ang corny ko magselfie dati (hanggang ngayon naman) skl Hindi ako makatulog mga mare kaya sumilip muna ako dine. Tulog na ba ang lahat? Kaway kaway sa mga puyaters jan. Tara palakihan ng eyebags πŸ˜‚

@keyem

Diary ni Jam Saw this post ng isang kapwa ko nanay sa fb group na USAPANG NANAY. Tumulo agad luha ko kasi naramdaman ko yung bigat sa dibdib at lungkot bilang isang nanay. Although, hindi kami same ng sitwasyon kasi ako buo ng family ko. Siya kasi ay isang single mom at mejo kapos sa buhay. Napakaswerte parin niya kahit na single mom lang siya kasi maunawain at mabait ang kanyang anak. Mahirap talaga kapag hindi buo ang pamilya kasi bata ang maaapektuhan. Pero bilog ang mundo, hindi malayong malayo ang mararating ng buhay ng batang ito. Para sa nanay ni Jam, laban lang sa buhay at pray lang kay GOD. Maswerte ka at maunawain ang anak mo. Isasama ko kayo sa panalangin ko. ❀️ P.S ctto po yung pics. https://www.facebook.com/groups/usapangnanay/permalink/5100437593391954/

@keyem

FREE SAMPLE APPROVED Ang bilis naman inapproved ni seller yung request ko na 2L PASTEL Motivational Water Bottle, yung iba kasi after 7 days bago sila mag respond. Siguro dahil nakabenta ako kahapon ng product nila tapos nakita nilang ginawan ko ng video. Mas maganda kasi magpromote kapag hawak mo yung prinopromote mong item. Nakaraan parang gusto ko na talagang tumigil kasi sobrang tumal pero biglang may mga nag order kahapon tapos may mga padating pala akong items kaya Go lang ulit ang nanay niyo. πŸ˜‚ Minsan tinatamad na talaga ako HAHAHA By the way, ngayon lang ulit nakasilip dito at busy pa ako. Kumusta ang araw natin?

@keyem

Professional Dashboard Naka turn on naba lahat ang Professional dashboard niyo sa facebook? HAHA Wala lang, nakikiuso lang ako malay naman natin nandito talaga kapalaran natin. Dahil naiinggit na naman ako sa mga nakikita ko sa tiktok na kesyo kumikita daw sila sa fb reels ganito ganyan nakigaya nadin ako πŸ˜‚ Wala naman masama magtry diba? Alam ko madami nadin nainvite ni fb dito na pwede ngang kumita thru ads sa fb reels at stars. Ako wala pang Ads, star lang. Hoping aketch na mainvite din ako soon. hehe Wala pa kasing nagtretrending sa mga reels ko e, hanggang 700 plus views lang ang kaya ko. Wala lang skl. Good night ❀️

@keyem

Naglalambing ang aming bulinggit, gusto hinehele ng kanyang papa with matching kiss pa ang gusto HAHAHA. Pagod ako sa paglalaba ng kumot at punda mga bes, gumanda kasi ang panahon kaya sinamantala ko na. Tamang hilata nalang muna habang busy ang mag ama ko. Buti nalang at magkasundo ang mag papa kaya nagagawa ko lahat ng gawain bahay kapag wala pasok ang asawa ko. Kamusta naman araw natin ngayon? Maulan parin ba sa inyo?

@keyem

Before and After πŸ˜‚ Sobrang bilis ng panahon no? Yung dating baby na buhat buhat ko noon big boy na ngayon. Hindi ko namamalayan na next month magdadalawang taon na ang baby ko. Dati halos hindi ko alam kung paano ko aalagaan kasi dumaan ako sa matinding Postpartum Depression. Yes po, isang taon mahigit akong lumaban at masaya ako na kinaya ko. Gabi gabi akong umiiyak dati kasi kung ano ano pumapasok sa isip ko. Tinatanong ko sarili ko kung paano nalang kung hindi ko kayang alagaan ang baby ko. Praning din ako, sobra. As in kahit may mabasa manlang ako sa social media na ganito ganyan naprapraning ako lalo na pagdating sa pagpapalaki sa baby.Ang bilis kong magalit at sobrang sensitive. Pero hindi ako nagpatalo, lumaban ako at nanalig lang kay lord. Kasi yun naman dapat diba? kahit anong mangyari at marating sa buhay huwag kakalimutan ang diyos. Kaya sa mga katulad kong mommy jan na dumaan din sa postpartum, LABAN LANG!

@keyem

Tiktok Shop Pinanghihinaan na ako ng loob, gusto ko ng bumitaw 🎀 mapapakanta ka nalang talaga sa sobrang tumal e. Isang linggo nadin akong walang benta plus shadow banned pa. Kung hindi kana magboost ng post wala ka na magiging views. Mahirap talaga kapag hindi ka influencer kahit todo effort ka sa pag eedit wa effect parin talaga. Late morning everyone, late na akong nagising dahil madaling araw na ako natulog. Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay. Sa inyo rin ba? Nakakatamad kumilos, sarap humilata kaso nanay na tayo kaya kailangan kumilos

@keyem

Can't sleep na naman huhu Paano kasi saktong papikit na ako ng biglang may sumigaw ng "TAO PO, LAZADA" sabay bukas ng malakas ang gate ng kapit bahay. My god! Normal pa ba yun? may nagdedeliver padin hanggang ngayon, sabayan pa ng mga maiingay na boarders sa baba. Oh siya, Chippy muna tayo. Walang ibang makain e. Puyat is real na naman tayo mga bes. Sino pa gising jan? galawin ang baso. πŸ˜‚