Lunch na. Nilagang Ribs.. Late na lunch mga kaingay. Kanina pala nag laba ako katatapos ko lang mag sampay tapos ngayon kakaluto lang ng ulam namin medyo matagal sya anong oras na kasi akong namalingke sinalang ko habang nag nag lalaba..pag lalong minamadali no lalong tumatagal hehe..pag ganitong palambutin binbigyan talga siya ng oras para lumambot.. Tara na kain tayo..ang saya ko natpos akong magsampay tapos bigalng kumulog di pag ganung may kulog alam na kasunod niyan…
@Fairish in October 2022
Pancit kayo dyan mga mate. Good morning sa inyo? Happy happy sunday sa lahat araw na naman para mag pasalamat sa buong buwan na lumipas yong pag gabay kahit tayoy di perfect na nagkakaroon ng kasalanan sa Kaniya andyan parin siya na patuloy na gumagabay para tayo ay maging ligtas sa lahat ng oras.. Wala sa pag simba kungdi sa Puso na meron ka kung paano sya naninirahan sa puso naten..saan ka man kasa kasama naten.. Kay Buti ng Lord sa atin..peace happy heart..to every one..…
Happy Sunday. Finaly meron na po akong noise.app haha nagkanda hanap ako ng nouse.app kahapon sa play store at sabi ko di ko makita talaga haha gang gngayong umaga may nakita akong post ng isang kaingay na need pala ng link kaya ayon pindot ko ang link at dumirejta na don..napa yehey ako parang bata lang🤭 salamat meron na ayan magaan na ang buhay kasi nasa app na..diba..? Share this beautiful roses in the world di pinoy rose to alam ko American rose to di ko sure basta alaga…
Simpleng mensahe pero mapapaisip ka. Ang buhay nga naten ay iisa himala na nga ang tawag kong makaligtas ka..minsan di pa nakakapaglakad ang isang bagong silang na sanggol namamatay o nawawala na ng di manlang nasisilayan ang mundo. Naalala ko ang late hubby ko nong 1week before bago sya pumanaw, na pag binigyan sya ng pagkakataon marami syang babaguhin sa sarili. Matipid kasi hubby ko kaya nong binata sya noddles instant ang madalas ulamin kahit na may pambili naman kasi…
Pritong telapya. Sumapit ang umaga kaunting kilos ligo, nagsimba matapos ang kulan-kulang dalawang oras nakauwe sa bahay, pag dating ng bahay kumain sa bahay ng hipag libre na ang lunch tapos umuwe nagbihis ng pambahay pagkatapos nagpahinga ng kaunte, tapos nahiga kasama ang dalawang anak ko nakatulog ng bandang alas tres ng hapon sumonod nagising din ang dalawa kong anak, naghanap ng meryenda bumili kami sa tindahan ng kanilang biscuit frootess ang napili tapos gatas ako…
Ang munting handa ko.. Masayang nakaraos ang kaarawan nagsalo-salo kasama ang mga hipag bilas at mga pamankin. Bumili lang ako ng 200 na kasim na pork at lettuce, hotdog, hipon, parang pang samgyup lang hehe. Masayang tanghalian namin kwentuhan walang katapusan maganda din na close yong side ng asawa ko hehe.. Tayo po kain kayo dyan mga kaingay..ingat po..kayo..
My Gift for my Pamankin. Imbes ako ang bigyan ng gift ako ang nag bigay ng gift wish granted para sa king pamankin. Noong last month pa ito nagsabi sa akin ng need niyang pang basketball na sapatos pero kapos ako non kasi katatapos lang ng birthday ng anak ko..sabi ko pag nakaluwag nalang papadalhan ko sya pambili ng sapatos..kasi kinukuha sya ng basketball player ng school nila..nasa grade 8 na to pero ang tangkad na ng pamankin ko ayan dahil sa pinadala ko sa kaniya…
Burger niyo Pagod na😅 Good morning sa lahat sa inyo kaingay. Akoy natutuwa dito sa mcdo burger na to kasi parang ang dami niyang pinag daanan bago nakarating sa amin hehe..kagabi pa ito pero dahil sa gabi na di na nakain ng mga bata kasi katatapos lang namin mag dinner non..nag SM kasi bilas ko kahapon at ito pasalubong niya sa mga bata.. Ngayon ito almusal ng dalawa akin naman yong sumang malagit na turon pero yon ay nakain ko na..kaya wala ng picture.. Good morning po sa…
Unang kagat patty😅 Di ako mahilig sa burger pwera kung di nag mahal yan noon pong kapanahonan ng 2007 every sahod ko ay pupunta ako sa mcdo para bumili ng sundae at burger na halaga lang nito noon ay nasa 35 lang..ang laki ng deprensya grabe minahal..di naman dapat syang mag mahal kasi di ko na din aford hehe pang ulam na ang presyo na ngayon kaya mag iisip ka nalang pang ulam o pang meryenda hehe.. Binigyan ako ng anak ko ng burger lumabas sila ng tita niya una ko agad…
Libreng ulam sa haponan. Nagluto ng ulam hipag ko at amoy palang nito masarap na lalo pa siguro ang ulam na. Ang bango kahit walang tanlad wala lang kaming mahanap sa oalingke..tinanong ako niya kung anong lahok ng ginataang manok hehe sabi ko di ko alam di pa naman ako nakakapagluto non..nagtanong sya sa tindera di din alam hehe Don kami nakakuha ng matinong sagot sa nag titinda ng manok..hehe . Sabi kp mag youtube sos ang dali lang.. Libre na haponan mga kaingay sa inyo…
Ready na para Bukas. Gagawa ako ng Puto.. Mag iiwan ng tips para iwas palpak.. Tama ba caption ko basta nag prepare na kao ng maaga para bulas mag titimpla nalang..puto kasi sa akin para sa teachers day e ang start 6 gang 9am oh diba pag di ko niluto ng maaga yan ubos oras ko hehe. . Tips para iwas palpak sa puto mo kung gagawa ka.. 1. Dapat ang baking powder mo ay ok pa..para matiyak mo i try mo sa warm water kung bumubula ok pa yan kung hindi bumula itapon mo na kasi kahit…
Naki party din si bunso😂 Akoy tawang tawa talaga kanina sa anak kung bunso na to..sya pa naunang nabusog kesa sa amin kasi bago dito sa room ng ate faith ay don na sya galing sa sa kabilang room kinuha sya kasi ng tita niya magkakainan na don... Nakita niya yong puto..sabi niya "mama yong puto oh paubos na kuha mo ko mama"😂 sabi ko hindi kasi meron pa tayo sa bahay..sa kanila na yan.. Di nabaling ang atensyon nong may namimigay ng juice at donnut..aba ang ginawa kumalong sa…
Happy World Teachers Day sa lahat ng Guro 😊 Kulang ang salitang salamat sa mga teachers naten ang iba nga sa kanila isinasakrepisyo ang pamilya nila magampanan lang ang tungkuling tinahak nila. Andyan yong tatawid ng ilog susuungin ang baha bagyo tatawirin ang mga ilog..aakyat sa kabundukan makapaghatid lang ng serbisyo sa mga nangngailangan ng karunungan lalo sa mga kabataan. Unang pagkakataon saken bilang magulang ang dumalo sa isang teachers Day kasi mula kinder lockdown…
Gandang morning mga kaingay. Kamusta naman kayo mga noisemate ng dahil sa pagod ko kahapon di na ako naka update grabe. Salamat sa aking panganay na ate Faith nilinis niya talga higaan nag ligpit sya sa labas at pati dito sa loob. Pag nag ligpit yong panganay ko as in wala kang makikitang kalat..kahit mailiit yan pag alam niyan pagod ako kasi nasa lamesa ako sabi ko ligpit na ang bed para makatulog maipagpag na..sya na ang gumawa non s a salas nga pinatayan ko na ilaw…
Paksiw na Bangus..😉 Sa Noise pag ganitong oras ng kainan ng tanghalian, babaha ng ulam may gulay, isda karne at minsan kahit wlang handaan may kasamang desert pa yan. Tunay ngang di mapapantayan, kasiyahang nadarama minsan magugutom ko picture lang diba? Pero ang dating sayo kulang nalang isubo mo hehe. Kaya when i start to Noise tila ba din nag bago ang pananaw ko sa mga bagay bagay minsan nakapaligid tayo sa mga bagay na nakakapag pa inspired sa iba..meron kang wala sila…
Part 2 wala yong picture. Nag uusap ang dalawang anako habang ako naman nakahiga pa.. Ate: nagugutom na ako alin kaya masarap na meryenda? Irish: bili ka te hingi ikaw pera kay mama. Ate: wag tulog pa si mama(gising naman na ako na nakikinig sa kanila😂 Irish: maya nalang pag gising ni mama bibile tayo don ng burger diba masarap yon diba ate Faith? Ate: oo nga diba binile tayo ni mama non masarap. Habang nag uusap sila nag iisip nako kong anong ipameryenda ko sa…
Talong and bagoong😋 Dinner na tayo mga sissy mga mate kumain na din ba kayo. Ang ganda ng panahon maaliwalas kitang kita sa kalangitan ang nag liliwanag na buwan. Binigyan ako ni ate ng isang talong na malaki pinirito ko at yan isinawsaw ko sa bagoong o ginamos sa bisaya medyo may kaanghangan unti gawa don sa sili..galing nga pala yan sa marinduque kaya sorry na agad sa kanin hehe.. Pag mga ganito lang ang ulam masaya na ako kasi may ulam padin may kanin pading…
Mainit na pandesal sa mainit na kape. Good morning po mga noisemate. Mamaya pa sana ako gigising pero nag chat ang aming teacher sa gc na need maglinis ngayon ng room na lilipatan ng mga anak namin..yon yong bagong building na permanent room na nila..bilang magulang gusto ko ding tumulong mapaayos at malinis bago sila lumipat kasi next week yon gagamitin.. At dumaan si nag lallako ng pandesal napasigaw tuloy ako ng " pabili!.hehe sya lang naman ata ang nag lalako na ang…
Good morning beautiful Flowers. Ang ganda naman ng ngite ng flower na to nag lalakad kami papauntang school ng anak ko tapos sa malayo palang tanaw ko na ang kulay pink na kulay nito at mas gumaganda pa habang papalapit kami ng papalapit nalampasan ko na nga siya pero sa isi ko picturan mo na sayang ang ganda niya..kaya ayan buti dala ko ang cp ko at na capture ko yong ganda niya ang sarap tuloy niya sa mata.. Parang ako lang din ako kasi kahit di ako pala imik basta alam ng…
Pyesang Isda. Magandang hapon kumain na ba kayo ang hirap mag isip lagi ng lulutuin no lalo kong ang budget mo ay di kakasya sa ulam na gusto mo..diba kaya ibes na karne telapia nakang sabawan lagyan ng sayote at walaaaaa! Instant tinolang isda ka na hehe maging madiskarte nakang tayo ang mahalag ay may nabibili wag nating pilitin pwede naman humanap ng ibang uulamin na pasok sa budget..maging matalino sa pag gastos ang hirap kumita ngayon. Kung makakaluwagluwag na nga lang…
Footlong Burger! Bunso: mama can i buy? Me: ano po? Bunso: bili mama. Me: anong bibilhin mo po? Bunso: Urger po mama(😂) Me: anong urger anak? Bunso: eh yong may ganyon yong may dulay at yong may cheese at yong may hotdog mama yong haba mama (alam ko naman kaso aasarin ko sya muna) Me: meron ba non ano yon food ba anak? Bunso: ay naku mama urger nga po yon yong pagkain na my tinapay may cheese! Me: ah burger ba nak? Bunso: opo mama bili kamo mama tapis share kami ni ate…
MOON..good evening. LG G6 ang gamit ko may vedio pa yan kita ang rainbow na paikot sa buwan. Tanglaw naten sa gabi ang ganda naman ngayong ng panahon kitang kita amg buwan. Sana pag nag fullmoon wag maulan o kayay maulap akala ko di ko sya makikita ngayon kasi maulan kanina. .pero ngayon naging kalmado na ang ulap. Aabangan ko to pag nag fullmoon na ganda siguro non noh hehe. Nagkaroon na naman ako ng interes sa paligid di lang puro ulam ang content ko bigyan din naman naten…
Pansit pansit mga kaingay. Happy weekend mga kaingay o kay bilis ng araw no parang kelan lang ang lunes ito mag lilinggo na naman bukas. Maaga akong nagising kasi yong byenan ko maagang kumatok galing kasi sya sa pagsamba ayan may dalang pansit si mother mainit na pansit sabi ko kong alam ko lang na napadaan sya don nag padagdag ako ng pansit. Masarap kasi yon don sa may palingke kasi pwesto nito may kalayuan dito..maagang pansit bihon pag ganito ang panahon sarap lang…
Pansit bihon with sardinas😋 Happy Sunday! Good morning mga mate..mga kaibigan kamusta kamusta? Sana ay nasa mabuti tayong lahat ngayon. Sino po may gusto ng lutong bihon sa sardinas ako isa yan sa paborito ko na luto ng pansit. Natututo akong magluto nito grade school palang ako noon kasi wala namang gulay gulay ang magagawa mo nalang ang igisa sa sardinas. Ayan nag crave ako kaya napaluto si ateng Neria ahee sarap niyan with kamansi partiniran ng masarap na kape solve na.…
Pritong isda mga Mate.. Giod afternoon late na late na ang lunch ko nag luto pa kasi ako pag datin namin galing simbahan grabe na ang gutom kong nadarama charissss.. At sa wakas nakaluto din kahapon ko pa to binili nakilagay ako s aref ng bilas ko bukas nalang ang adobong paa hehe. Ang sawsawan ko nga pala bagoong imbes na toyo wala lang gusto ko lang naubos ko na nga itong kanin di na babalik kasi ang dami na sarap kumain pag nagkakamay pa..oh ano tara na kainan na po😊🤗
Pray before Eat😊 Naalala ko pa paano sila mag pray noon hehe ang co'Cute lang nitong mga anak ko si bunso ang nag le-lead ng prayer dyan kahit di ko maiintindihan kasi mangul pa sya 2years old palang sya dyan. Binyayaan naman ako ng mababait na anak kahit ngayon ang lalambing pa din. Ngayon nauutusan ko na sa simpleng gawain di man mabigat yon sa kanila yong kaya lang nila ngayon di ko na yan kailangan sabihan na mag wash sila na mismo mag aayaan mag totoothbrush punta sa…
DAISY😍 Good morning! Happy monday to everyone aba lunes na naman mga kaingay kamusta kayo? Mga nanay na maagang papasok sa paaralan ang mga anak..ingat po kayo. Kami gang October 30 pa ang 2days classes ng anak ko sa November na ang back to normal class nila Thank You Lord! At kahit paano nakalabas na kami sa pandemyan ilang taong kinulong this is it na talga uunting bangon na Pilipinas..halos 3years din..salamat at nag ba-back to normal na tayo. Share my photos of this…
Spaghetti Kayo dyan.. Ang dilim ng kuha ko..nag luto si ate ng spaghetti libre naman kasi to yan yong pasta na galing sa mayor para sa mga senior ayan niluto ni ate para may meryenda.. Masarap ang pag kakaluto nilagyan ni ate ng Bearbrand na powdered milk mas malasa pala at creamy pag ganong powder ang ilalagay.. Ang creamy niya sarap lalo ng spaghetti..ma sosolve na naman ang meryenda namin kayo dyan anong food mga mate?
Monggo Day.. Simpleng luto ng monggo may chicharon at nilagyan ko ng talbos ng kamote. Yan lang kasing dahon ang available sa kaniya pwede din naman yan. At nilagyan ko din ng miswa gusto kasi ng mga anak ko ang may miswa kaya ayan nilagyan ko.. Madaming nakain si bunso mas maraming nakain kesa kay ate niya. Si ate kasi niya ay kumain ng taho alas 10 na halos kaya medyo busog pa..sarap din ang ganitong gulay simple pero nakasanayan na naten..ako kahit anong araw yan pag…
Bistek😋 Magandang hapon sa lahat ng noisemate..naluto na din ang niluto kong bistek para to bukas pero niluto ko na para makaulam ang aking panganay yong baon niya kanina ubos na din kulang pa ang kanin hehe.. Simple lang ang pagluto nito di maarte toyo kalamansi lang ang sahog at sibuyas panalo na. Kakain muna habang yong kulog nag paparinig na yan na nga ata yong LPA. Nag lilinis pa naman ng bakod kong kalapit bakud ko tinanggal niya yong mga sangang nakalawlaw dito sa…
Morning Smile😊 Good morning ang aga nag sigising akala mo may pasok pa. Kanina pa naman ako talga gising pero di pa naman ako bumangon at madilim pa.. Ngayon nong tumayo nako sa higaan abay nag iinit-inat na din itong bunso ko..gang si ate ay nagising na din sabi ko matulog pa ulit at maaga pa wala namang pasok ay gang sa nag tayuan din umaga naman na daw kasi maliwanag na hehe tapos sabay tanong ng panganay ko "mama ano po almusal?" Sabi ko wala pa bibili nalang tayong…
Miswa na may Patola😊 Happy module Day este kain pala hehe paano ba naman habang nag luluto ako akoy nakafucus din sa anak ko sa module..ako kasi di ko sinasabi ang sagot sa kaniya..hanggat kaya kong ilagay sa paliwanag amhanggang makuha niya. Gusto ko kasi magsikap sya sa ginagawa niya yong resulbahin niya sa sarili niyang paraan..nasa proper noun at common noun kami..sabi niiya mama ang hirap naman.. May kwento kasi tapos kukunin don kung alin yong propper noun at common…
More milk more delicious(champorado) Yay maagang nag crave mga kaingay, good morning kamusta kayo sana okay lang ang lahat sa atin nasa maayos tayo ngayong mag hapon para lahat happy. Noong isang araw may nakita akong post na champorado na may gatas. Pero dahil walang tinda yong nabilhan ko noon ipinag paliban ko muna..gang sabi ni ate kahapon mag chachamporado daw sya ngayon agad ako na nagsabi na bibili ako oorder nako hehe lagi kasing ubos yon kaya kung gusto mo talga…
Tagalog na Beef steak..ay Bistik😅 Gutom lang yan neria pambihira yong tiniis mo na wag munang kumain kasi pipicturan mo pa at kailangan maayos bago picturan yan ang tinatawag na effort hehe. Di pala beefsteak yan porksteak yan apat ba piraso at kamahal pero ok lang yan may bumiling load 200 kaya nailabas ko sa coinsph ko yong 200 sa pamamagitan ng laod imbes magbayad ng fee ay libre na kumita pa ako hehe...ayan may masarap tayong ulam lunes pa ako mag kakaroon ng pag…
Budget 5500 for 1 Month.. Bilang nanay isa na yan sa pinakamahirap ang mag budget ng kakailanganin naten sa isang buwan. Dapat magaling ka sa math sa 5500..yan na ang natira.. Tubig/ilaw -500 Groceries -1000 Sa pag go-groceries inuuna ko ang pinakakailangan ko sa isang buwan na yan, sabon, shampo, kape, asukal at gatas ng mga anak ko..yan ang pinakainuuna ko na talaga mawalan ako ng iba wag lang yan. Di ko na pinoproblema ang kulang..para iwas utang kung alin ang kaya yon…
Pancit Bihon.. Maulang umaga sa atin di na talga maarawn ang kumot na nilabhan ko kahapon bat naman taong umuulan pag nag lalaba ako ng kumot hayst hehe matutuyo na naman sya ng kaniyang sarili. Maagang bumangon nagluto ako ng oancit half kilo lang yan yong dalawang piraso lang madami na yan pag may matira yan na din ang uulamin namin masarap naman kasi yan lalo pag mainit panganay ko mas gustong may kanin pag kumain ng pansit. Nilagay ko na sa pandihado para lumamig mga…
Luto Na. Magandang tanghali sa inyo kami po ay kuman na nakapaghugas na din nang pinagkainan nailabas na din ang mga sampay para matuyo sa araw.. ngayon time to siesta naman tayo mga kaingay ang hirap ang bikis kang ng araw ano mga kaingay. Tumatagingting na init pero kanina ang ang kulimlim dito samin kala ko nga maghapon na naman ang ulan sure na matutuyo itong sinampay ko magandnag hapon sa lahat.. Kain na din po ang di pa nag lunch hehe.
Salamat Noise.app Alam niyo mmula pa kaninang umaga di ko sinisilip itong aking wallet at yay tiningnan ko ngayon lang ang dami na pala abay nakakatuwa napo kao kung sino man kayo di ko man kayo kilala pero salamat santa ko. Tunay ngang pag may lungkot dito may saya sa kabila malungkot man ngayon sana dumating ang araw na mag iingay tayo ng todo..na maririnig sa buong mundo diba..nakakatuwa pag ganito ang makikita..nag papasaya sa atin.. Kayo ba siguro ang iba dyan marami na…
Goooood Niiiight Noisemate!! Maulang gabi po sa inyo kung sa inyo ay inuulan. Galit na galit si haring ulan arang ang sama ng loob ay binuhos lahat😂 Nagising nga bunso ko sa lakas ng ulan sa inyo din ba? Ang sarap matulog no kaya good night na muna sa inyo.. Salamat sa mga taong generous salamat..nakakatuwa na tunog ng tunog ang wallet heeh Godbless sating lahat padaan kami ng aking mga anak🤗
Pancit at tuyo almsal tayo😋 Halo ang daming blessings ngayon kahit na may mga bagay na mahirap iwasan go pa din. Anak ko nilagnat kagabi kaya di ko papasukin ngayon bukas nalang. Kahit anong ingat mo dadating talga yong ganito pero dadaan lang yan mga sakit na yan.. Bigay ng hipag ko pansit tapos tuyo maaga daw syang nagising at nagluto nito akala niya maaga papasok ang pamankin pero sabi ko wag muna at may sinat pa. Kain na din po kayo tara mag almusal na din tayo ng…
The Siblings😍 Ang magkapatid, minsan mas marami pang away kesa sa bati minsan may disisyon ang isa na di aayunan ng isa, may gusto ang isa na di rin naman gusto ng isa. Mas masarap sa pakiramdam bilang nanay na lumalaki silang normal as magkapatid, okay lang ang di pag kakasundo minsan lilipas ang oras pagdating sa pagtulog bati na ulit, di na iisipin kung alin yong mga bagay na di napagkasunduan, nauna na yong tawanan. Si ate Faith, ay ayaw niyang katabi yang si bunso kasi…
Bangus na Sinigang! Magandnag tangahali sa lahat kamusta kayo alam ko kahit di ko nakikita ang mukha mo masaya ka ayie.. Basta happy lang tayo.. Share ko lang po ang ulam ko ngayon sinigang na bangus. Sa bangus akin ang ulo bakit? Kasi hihimayin ko lang naman yan na parang pusa as in walang makain yong pusa pag ako ang naghimay niyan hehe..yan naman ang gusto ko kaya dpat pag kumakain ako niyan ako lang mag isa walang mang aabala saken..parang di kasi ako mabusog pag nag…
Pangarap na makasakay sa eroplano😅 Ang pangarap ko noon noong bata pa ako ay ang sumakay sa lumilipad na eroplano wala pa akong alam sa kung ano meron sa eroplano inosente talaga ang datingan no🤭 Na sa edad kong ito di pa nakasakay niyan kahit meron namang ipamasahe takot kasi ako haha kahit saang parte ng pataas basta malulain ako in short. Overpass nga lulang-lula ako pakiramdam ko lumilipad ako sa hangin at felling ko babaksak nilalakaran ko😆 Pero mas maganda mangarap ka…
Coffe😋 Black na black na kape pang pagising ng kalamnang inaantok, kagigising ko lamg anak ko may pasok kaya maaga ang mama magising para ipagluto ng baon ang mahal kong anak. Alam niyo kahit antok na antok ako masaya ako kasi gigising ako sa umaga na napagluluto ko ang anak ko ng almusal at baon sa school, kahit antok ka pa babangon ka talaga para sa anak mo di ko kasi naranasan sa nanay ko noon dahil ang nanay ko nag tatrabaho sa bayan linggohan lang ang uwe so kaming mag…
Solong Ninang (pandemic days) Maalala ko sa August 20, 2020 kasagsagan ng Covid noon diba limitado ang pag gawa ng mga pagtitipon isa na din ang pag kakaroon ng mass ng binyag etc. Naging ninang ako ng pamankin ko sa asawa marami kami nito pero ako lang ang umatend bilang ninang ng pamankin ko kung mapapansin niyo malaki na yan 6 years old na kasi yan nong bininyagan hehe na late na kasi ayaw pang pabinyagan ng papa niya.. Naawa naman ako dyan may kaya yong papa niyan pero…
Good Afternoon! Para di na muling magkasakit alam ko mahirap sundin pero gat maari iwas muna sa bawal..kasi sa mga kinakain mo nakukuha kaya umaataki madalas uti mo..kahit pa sabihin nating mabilis gamutin ni mama yon e ulit ulit nlang tayo pag sinabing bawal wag muna iwas muna masarap naman talga ang bawal.. Ngayon ayan gulay lang ikaw nilaga ko lang yan kasi ang alat ng baon mo kanina meatloaf hehe hay nasanay ka naman sa gulay kaya pwede sayo yan..diet ka talga yan nak…
Miss Mexico 😊 Nauuso na ngayon ang UN..hehe ito yong panganay ko lahat naman don kasali sa room nila nursery sila noon. Palabunotan ang bansa nabunot niya mexico ayan binilhan ko ng costume sa Qmart pa..nanlo sya photogenic dyan hehe.. Yan yong panahon na susod sunoran pa sa akin sinusuot ang kung anong gusto ko..pero ngayon ewan ko nalang..kaya di ko na sinali sa UN ngayon sa school niya kasi alam ko di niya feel ang mga costume na di palamoymoy 😂 Ewan ko ba sa anak ko iba…
Modules! At first hayst paano ba to basta nalululungkot ako kasi sa mag iisang taon ako sayo sa november26 noise.cash sa 11month po na andito ako super blessed po to have you😢 kasi malaking bagay po ang nakamit po mula nong naging member ako ng noisecash blessings platform po kayo kasi ang iba na nagudyok sa akin na sumali dito ay wala pang isang buwan pero tumigil na pero ako dahil matyaga akong tao nag stay ako may kitain man noon o wala..ang earnings po nong sumali ako ay…
Magic 222 Good Night to every one time to sleep na. Isang araw na may lungkot at isang araw na may saya malayong lalakbayin naten sumunod sa agos at wag papatangay sa walang dereksyon..ang buhay don ka sa mabagal umusad pero gumagana .parang walang koneksyon ang pinag sasasabi ko inaantok na talga ako pero hahabol ako may last post.. Anyway thanks guys so much po kahapon nasa 120 something lang yan pero now ang dami na salamat sa inyo be positive lang lagi ha..good night.…
Nakaka bless na umaga sa lahat naniniwala na ako na ang mga tippers naten mga ibang lahi naniniwala ba kayo o may ilan ilan siguro saten na pinoy din pero halos dumadating to madaling araw..kasagsagan ng tulog naten sila namam gising heheh..hay buhay na buhay na ulit wallet ko mga besh. Salamat sa inyo kahit di niyo kami kilala ee nakasuporta po kayo lagi ayie good morning Santa mag papasko na pinapakilig niyo kaming lahat..kung sino ka man maraming salamat😊 Good morning po…
Magandang tanghali mga kaingay. Kamusta kayo sana ay ok lang kayo lagi mga mate.. Ako nga pala nag prokse sa hipag ko sa TUPAd kaya kakauwe ko lang malapit lang naman yon samin kaya maagang nakauwe. Yong tupad po ay cash for work ng congressman namin dito e sayang naman kung aabsent apat na oras lang naman. Di naman pati mainit. Bago ako umalis kanina namalingke na ako bumili ako ng hipon para gawing gulay at ulam laswa ang luto dyan ang mahal ng sibuyas at kamatis kaya tag…
Mingming😊 Halow ming ming kamusta na naalala niyo pa ba to naipost ko tonsa noisecash dati. Di na nga pala yan nakauwe ng bahay nila mula ng dinamitan nila ng ganyan. Siguro mga bata ang kumuha natuwa ata sa suot muning o baby cat pa kasi sya non. Dalawang nuwan na pala yan na di umuuwe sa kanila. Naalala ko lang nakita ko sa gallery ko sayang din to mga inahin nito takot sa daga sya kahit malaki pa sa kaniya ee naaway talaga. Kakatuwa din may pusa sa bahay pero mga anak ko…
Vitamins! Ito na naman kami UTI is the town na naman sa panganay ko ang hirap din naman kasi mag padoctor ang resita sandamakmak na pagkamahalmahal na antibiotic mas kawawa ang kidney ng anak ko pag ganun..kaya hanggat maari ginagawan ko ng paraan na magamot sa herbal ang anak ko tumalab naman ngayon bumalik na naman ang sinat kahapon at ngayon pero naging ok na sya nong inisteam ko hay sana matapos na tong sakit na ito..mas naiirita ako pag ganito nararamdaman ng anak ko…
SUNRISE 🌅 GOOD morning mga kaingay, papasokin na natin ang positive energy ni Lord sa life naten ang ganda naman talga ng nilkha ng Dios para sa atin, sa gabi may buwan para mag silbing ilaw naten sa madilim na kapaligiran, may araw naman sa umaga na mag bibigay liwanag sa maghapon nating gawain. Kay buti Ng Dios sa atin, minsan maiisip mo puro problema nalang ang dumarating sa buhay mo, tandaan mga kapatid sa problema ka sinusubok nilinang na parang ginto para maging purong…
Green leaf vagetable. Mayaman sa VitaminsC at maraming minerals ang makukuha dito..hehe ayaw kong mag search nasanay ako sa noisecash walang tulong tulong ni gogol hehe..basta mayaman sa bitamina. Ayan ang binipisyo ng gulay na green tulad ng dahon na binili ko. Simple pero napakayaman sa bitamina. Yang pechay request ng panganay ko dahil yan ay isa sa paborito niyan gulay..ilalagay ko sa isdang sinabawan na may kamatis at yong pang asim ko ay kalamansi. Yang talbos naman ng…
Ayaw Niya Sa Akin😂 Bata nato ayaw lumapit saken pagsulpot ko sa pintuan nila bigla syang gumapang sa mama niya kala mo kakaining buhay apang gigilan ko to ee hehe.. Yan pala yong batang malapit naman sa tao bat kaya saken ayaw niyang lumapit hehe..si BBM pag nag kapatid pangalanan nilang Inday Sarah pamilyang loyal🤣 Naghatid lang naman ako ng built pero isa din sya sa dahilan kung bakit gusto kong pumunta sa bahay nila kasi gusto ko syang makita ayaw makita ninang niyang…
Healthy Lunch. Magandang maganda kayo! Hapon na naman pala kaya anak ko nag hahanap na ng meryenda ayaw matulog nasa tabi ko lang at nag babasa ng tinatype ko samantalang si bunso tulog na tulog na. Yan na nga po pala ang talbos ng kamote kanina inunahan pa ako sa talbos ng panganay ko kasi yong pechay niya sa isda ay ubos na hehe sarap na sarap sa talbos. Pinakuluan ko lang saglit at ayan bagoong lang katapat niyan naubos ko ang tirang lamig na kanin. Yan mga gusto kong…
Pancake! Nag meryenda na ba ang lahat foods muna ngayon kasi yan ang merong ganap ngayon. Magluluto ako sa ng puto para sa aming c'group pero nag cancel ang aming leader kasi namamalat sya. Pero mga anak ko magluto nalang daw kami ng pancake para meryenda nila kanina ko pa ito niluto ngayong meryenda nalang kinain ng dalwa kong chikiting. Yan tapos gatas ay busog na busog ang bunso ko mabigat pa naman sa tyan hehe. Kayo mga kaingay mga mate ano man ang tawagan naten…
Mainit na Pandesal sa Mainit na Kape. Good morning, pag maaga ka talga natulog maaga din ang gising gaya ko nakatulog ako alas 9 tas ngayon gising na linggo ngayon so relax lang at mag sisimba mamaya parang ang lingo apat na araw lang kay bilis. Merry na talga ang Christmas no hehe. Maaga akong bumili na din ng pandesal baka maubusan ako wala akong pang bara sa kape laging ubos kasi tinda ni kuya. Kayo almusal na tambak na pala unread ko hehe ang bilis dumami ang dami na…
They Love SEAWEED😋 Maalala ko lang tong vedio ng dalawa kong anak..hehe inupload ko to sa youtube eh. Pinagbukbang ko sila ng seaweed o arosep kalahating kilo ng seaweed yan hinati ko sa kanilang dalawa. Ubos nila yang dalawa. Bihira na kasi ang ganyan sa amin pag meron talagang bumibili ako pinapapak nila yan lahot walang timpla hinuhugasan ko palang panay na dampot ng mga yan. Kahit ako gustong-gusto ko din yan tinatambalan ng pritong isda na bangus ay sarap niyan. Kayo ba…
Kare-kare😋 Wala sa plano kong bumili ng lutong ulam pero hipag ko dumating hipag ko mula sa tupad at yon lutong ulam ang binili una natakam ako kasi kare-kare ang binili ni ate pero naumay nako nong natikman parang ang daming oil na ginamit. Pero masarap naman ang mhalaga ay nabusog nag prito na din pala ako ngtuyo pero para akong naumay lalo hehe. May bagoong din na kasama. Yong kinain ng mga anak ko Baguio beans na may hipon wala dyan sa picthre kasi ubos na..kayo kaingay…
Pababa ka ba o Pataas? Syempre lahat tayo sa platform ay gusto pataas ang ating BCH naku kasayang pasko nito..hehe e share ko lang itong meryenda namin ngayon nagluto ang hipag ko ng spaghetti ang sarap ng pagkakaluto ang daming giniling. Nag tupad kasi sila kanina kaya ayon napagdisisyonann na magluto sila ng spaghetti para sa meryenda nadamay ako haha abay libre ng meryenda yan wag ng tumanggi haha. Kayo kumain na ba mga kaingay. Tara na kainan na..😋
Dagdag na naman sa unried mga kaingay😂 Bago ako matulog mag iiwan muna ako ng pasasalamat sa mga biyayang natatanggap namin ngayong maghapon. May biyaya may good news abay nakakatuwa. Minsan di rin naten maiwaaan ang mag bagay suliranin sa mga iniisip nten ang dami na nateng plano para bukas..pero sabi nga ang Diyos lang naten ang nakakaalam kung ano meron bukas sapat na ang araw ngayon para pagtuunan ng pansin. Pero tao tayo nakalakihan na naten yan basta manalangin tayong…
Good Morning! Masarap pa sana matulog kaso yong manok dito sa kapit bahay ko panay tilaok para bang sinasabihan kang "gumising ka na"😅 Sabay sabay pa naman ay sus bali na talaga nasa higaan pa nag iisip nako ng aalmusalin namin pero mamayang kunte hehe. Ang bunso ko..Ang bilis lang din talga ng panahon dati nagapang pa ngayon marunong ng mangapit bahay hehe. Yan muna ang aking content good morning di pa ako makapagisip masyado at maingay yong manok..haha sinisi yong…
800 before 1802 na ngayon(unread)😅 Paano ko kaya yan habolin hehe ayaw ko din naman i scroll gusto ko din naman magheart kahit di nako mag comment pag may gawa natatambakan ako haha kaya mamaya iisa-isahin ko kayo charring. Nga po pala kumain na po kami ng tanghalian kasama ang ang nag tupad na hipag ko..sarap na sarap sa sabaw ng bangus kalamansi kasi nilagay kong pang asim kaya masarap ang sabaw lalo at may bagoong sya naparami tuloy kain ko. Yan na muna at mag reread back…
Mag hapong Review! Kumuha ako ng 4na oras kaninang umaga para sa e review ang kaniyang module. Naka dalawang module kami ngayon. Tas pag natapos niya na yan bukas erereview ko sya sa mga huling pagsusulit sa lahat ng subject kung natatandaan walaa kong problema sa english sa kaniya mapeh ang di niya kabisado pero ok lang kung alin lang ang kaya nakalimutan ko nadin kasi ang music nota mga ganyan mahina ako dyan hahaha. Mabilis sya math englis mtb bihasa na sya don.. Ayan…
Good Morning. Good Morning. Masiglang umaga sa lahat martes na naman bukas myerkules na 5days more to go ay nobyembre na at sa sunod buwan pasko na hehe nakaakexcite pag ganyan no magpapasko tayong tulad ng normal na gaya noon nakakatuwa lang isipin no sa mga pagsubok talga na dumadaan kahit imposibleng matapos ay may wakas din 2years tayong limit ang galaw dahil sa pandemya pero itong pasaoit na kapaskohan alam kong mag eenjoy ang lahat kabataan. Same po kahapon maiingay…
Pancit, Tinapay, Kape😋 Umagahang mapapagising sa umaga mong malamig at masarap matulog. Napabangon ako nong naisip ko mailan-ilan nalang damit nila ate at bunso nag laba ako nong makaraan mga short lang lahat yong inuna ko ngayon naman puro damit kaya mabilis lang hehe ang hirap kasi sabay sabay at masakit na sa likod walang hirap mag laba kaso yong pag banlaw ang hirap ako hehe. Todo yuko ka pa naman ayaw ko yong nakaupo pag nag babanlaw pakiramdam ko di ako nag banlaw pag…
Late lunch na ako. Tinapos ko na muna ang pagsasamapay bago kumain buti andito hipag ko kanina sya na ang nag luto ng gulay na binili ko kahapon. Nang hinayang ako sa mga itlog na binili ko ang daming sira ang mahal pa naman di naman kasi mahahalata na sira kasi ang kinis at malinis yong mga itlog don din ako sa suki ko bumibili kasi ang alam ko di na iistockan yon. Pero kahapon bumili ako ng kalahating dosena pero yong 6 bulok talga. Unang pag kakataon na ganito hay…
Cucumber for Ate Faith. Maulang gabi mga kaingay kamusta kayo sanay ok lang kayo lahat medyo ulanin ngayon may bagyo pala tayo may exam pa naman si ate Faith bukas. Namalingke ako kanina kasi gusto niya fried chicken ang ulam niya sa baon bukas so bumili ako pambaon niya at ulam na din naman ngayong gabi nag laga naman ako ng manok..wala akong makitang mais ilalaga ko sana at ipapainom kay ate Faith kaso wla so itong pipino nalang ang nakita ko ubos niya po lahat yong…
Good Morning Noise.app Fam! Alas 4am sakto tumunog ang alarm ko, agad na bumangon para mag saing. Tapos ng pagsaing nag luto nako ng uulamin ng Ate Faith ko. Tapos ngayon ito ako nag kakape hinihintay mag 5:10 ang oras at gigisingin konat pakakainin. Buti tumigil na nag ulan mula kagabi siguro ambon na lang. Kamusta mga nanay gising na ba kayo..tara na at mag kape hehe. Bulaklak nga pala para sa lahat mag ingat po kayong lahat Merry Christmas po sa lahat😅 advance ko na hahah.
Magandang Umaga sa Lahat. Umagang nag papangite mga larawang nakalipas. Convo namin ni Bunso😅 Mama: Sinong Maganda? Bunso: Ako" Mama: Sinong Mabait? Bunso: Ako" Mama: Mabait ka ba di kaya nang aaway ka' Bunso: eeee" mali siya ey" Mama: Sinong Pangit? Bunso: Wala ey" Mama: Bakit wala mama kaya pangit!? Bunso: Hindi mama ah mali ka maganda ka ey tsaka si ate Faith at ako din diba mama? End of convo kumatok si Lola😂 Alam niyo pag tinatanong niyo batang ganito sasagutin ka ng…
Sardinas with Kalamansi. Happy lunch sakto ala una na ng hapon nag sundo ako kay ate sa school at sabi niya wala daw ang teacher niya sa school ibang teacher daw kasi meeting ata. Tinanong ko kung kamusta ang ang exam abay sabi pa ang easy naman mama sabi ko bakit? lahat naman ng inaral naten andon sa test kaya mabilis lang ang haba nga lang daw 1 to 30 hehe kala ko mahirapan siya. Pero sabi nga niya ang saya mag exam😅 Di niya nakain yong baon niya kaninang manok kaunti lang…
Dapit Hapon. Good evening sa kamusta na ang maghapon. Ulam sana ibabahagi ko pero ito nlang muna para mawala na sa aking gallery alam niyo gallery ko mailan-ilan na lang picture mas lamang picture ng pagkain hehe Ito nature naman para maiba..yan ang sunset sa probinsya kung masipag lang ang mga pamankin ko madaming sunset ang dumadaan dyan hehe sa kaniya nga pala yan galing. Nakakarelax din ang makakita ng bagong imahe lalo pag ganyan..diba ulam pala namin adobong kangkong…
Good Night sa Inyo mg Mate. Maagang natulog ang ate Faith ko 8:30 tulog na ito namang si bunso pilit nilalaro si ate kahait tulog na. Sabi ko wag at maaga pa ang pasok niyan bukas. Nakaunawa nanan at ang ginawa niya nag wash na sya ng kaniya alam na ni bunso linisan ang sarili bago matulog kaya di ko na kaingan sya samahan sa banyo. Inihanda ko na lang ang damit na pantulog niya. Tapos nakaramdam na ata ng antok nag pakalong saken sabi ko mamaya na at naghuhugas pa ako ng…
Good Morning People of Noise.app Blessed morning, hmm akala mo maulan kaya nagbukas ka ng payong at namayongan napagtanto ko may nag didilig lang pala sa second floor🤣 Hayst alam niyo allergy ako sa ambon kaya pag may mga ganyang patak ng tubig ay maagap akong magbukas ng payong. Nag lalakad kami papuntang school ng dumaan kami sa isang bahay na dalawang grado sabi ko pa sa anak ko kasi nauna "Faith mag payong ka naulan" sabi niya hindi naman mama ah tapos tumingala may nag…
My Irish Baby!😍 Sumama saken to kanina pag hatid kay ate niya. Pag uwe namin natulog ulit siya at naka tatlong oras pa sya na tulog hehe ayaw din naman kasi magpaiwan sa tita sabi ko wag nang sumama at malamig ang talino..sumagot "di mag jacket alang ako mama" diba parang wala nakong dahilan don sa sagot niya oo nga naman may jacket panlaban sa lamig😅 Nong nagising ayaw niya ng hotdog kasi nong kanina habang kumakain si ate nakadalawang hotdog na sya. Bili daw kami tinapay…
Red Ribbon Cake! Gandang hapon. Meryendahan na agad pag ganutong hapon meryenda ay hinahanap lalo pag nasanay ka kahit pa biscuit pa yan. Ako kahit kape lang solve na di kompleto hapon ko kong walang kape..may pameryenda si tito pinsan ng mga anak ko..ayan may pa cake isang hiwa solve na ang dalawang bulinggit ko dyan. Di ko na hahabaan ha marami pa kayong babasahin hahaha kabilis dumami ee..gandang hapon.
*Nangungutang. *Unread Post Good evening to everyone..nag punta dito ang kumare ko inaanak ko ang anak niyang pangatlo. Lesson learn pag nangako ka tuparin mo lalo at hiram..lilinawin ko hiram yon di bigay kung kusa kong binigay yon ok lang pero sabi mo hiram at pangakong araw pa. Yan yong ayaw ko sa lahat mangangako ka ng araw at kakalimutan mo nalang kalaunan wala sa liit o laki ng hiniram mo yong tiwala ko nawawala sa ganun..uunahan ka na agad ng isip ko na ayan ka na…
Ms, UN.. Maaga ang gising mga kaingay. Sasamahan ko yong pamankin ko dito sinama ko na din si bunso at si ate. Ayaw kasi ng ate ko sumali kaya ayan si bunso nalang😂 Ayan costume ni ate Faith yan nong nursery kasya na sa kaniya..hehe. Yan muna update ko nga kaingay mag uumpisa na sila.. Good morning..po sa lahat.
Kain kayo dyan mga mate? Kamusta kayo ok lang ba? Kumain na ba ang lahat kung di pa ay tara sabay tayo hehe tapos na nga din ako kumain kanina pa naman kami nakauwe saglit lang din. Pamankin ko sumali sa donation lang pero yong iba dyan pera talga ang nilaban kahit sa public lang may mayayaman padin no hehe ang nanalo sa pera 23k ang pera isang bagsakan pa. .ang laki din ng kinita ng school sa donation ilang bata ang sumali may bayad na tag 200..200bata ang kasali di magkano…
Aanhin mo ang malamig kung wala ka namang kayakap🤣 Oh diba mga nilalamig dyan ikape niyo nalang ng maibsan. Ganitong palya ang aming lakad dali-dali pa naman kami tas wala lang din hayst aksya pa sa pamasahe nilibre ako ng bilas ko ng chocolate di habang daan inuhaw ako tas pag dating ng brgy on process pa..ay ma i di wow! Ka talga..basta mahabang kwento kami ngayon nakauwe na nilamig tuloy yong mainit kong puso iste pakiramdam🤪🤣 kaya ito napakape tara na nga kape tayo…
Im happy to receive this amount this afternoon. Di man kita po kilala pero more blessings po for you kung sino ka man. Ganito nakakabuhay ng natatamad mong damdamin iste katawan yong gusto mong matulog dumilat ka para tingnan ang notif and when i oppen wallla thank you. Nakakailan na to di ko alam kong same lang sila hehe Masaya ako salamat po😊💜 Parang may englis na ata ako ah hmm..hehe.
Si Ate at si Bunso🥰 Ayan habang uso pa si UN ngayon balik-balik sa nakaraan hehe. Yong panganay ko na yan yan ang costume niya noon nong unang sabak sa UN yong panahon pa nayan di pa siya mareklamo..isang beses niyang sinoot lang. Ngayon si bunso na nag suot kanina hehe same age lang din sila halos dito apat na taon dyan si ate Faith at si Bunso mag apat palang.. Naku pag ka cute naman talaga sasali ko na daw si ate Faith sa sunod na UN hehe natuwa sa mga costume kanina kaya…
Keep Safe AKLAN🙏 Imbes na humina lalo pang lumakas ang bagyo nakakalungkot na noong isang araw pa binabaha ang ilan sa lugar sa probinsya ko isa din sa bayan ko ang binabaha lagpas tao na😢 Kahit wala ka sa sitwasyon ng nabahaan ngayon madarama mo yong lungkot kurot sa puso mo mga kababayan mo ganun ilang araw lubog sa bahay. Na sa unang pag kakataon ngayon lang binaha. Di lang sa lugar ko maging sa apektado ng bagyo na yan ang bagal niyang kumilos halos dadaaanan niya lupa…
Pancake and Hot Coffe! Sana kape nalang ako para pag nilalamig ka hahanaphanapin mo ang init ko chaaaaarrr oh para lang yan sa may legal na jowa ha😅 Ang lamig kasi tapos maulan ang seste di ka makalabas bibili ng ulam paano hangin palang ang lamig na paano pag nasa ulanan ka kahit may payong ka dama mo padin ang panlalamig niya🤣😜 ulan yong ibig kong sabihin🤣 kayo talga minsan sa life napakahirap kong iisiping mahirap pero magaan lang naman kung iisiping magaan..pili ka…
Healthy Gulay para sa tag-ulan. Ayan naka kain na ang mga bebe ko. Pinapili ko kung aling gulay ang gusto kasi di nako makapunta sa palingke ang lakas ng ulan buti bukas ang isang natinda ng gulay sayote sana bibilhin ko kaso sabi ng ate faith kalabasa nalang alogbati, kalabasa at saluyot at okra. Ayan parang inisteam ko lang para bet na bet nila. Maag ko ng pinakain kasi matuyulog ako nv maag hahaha kalamigan ng panahon..yong panganay ko bago kumain Ingat sa mga madadaanan…
Kape na kami kayo dyan kape na. Ang lamig ng panahon grabe pasok sa kalamnan. Ang lawak pala ng bagyong to halos buong pilipinas kaya ingat kayo mga mate ha. Wag pakampante lalo sa ma malapit sa ilog or sapa hanggat may ulan hay grabe..dami nakong nakitang nawalan ng buhay. Di talaga maiwasan ang sakuna gaya ng bagyo na to na akala mo tahimik pero grabe..ang dala.. Keepsafe🙏
Pasasalamat Post💙💜 Good Evening..matutulog akong nakangite, salamat talga sa nag do-donate sake alam ko kilala niyo na ako hehe pero di ko po alam kong sino kayo pero alam kong mababasa niyo po ito maraming salamat ng dahil sa inyo ngumingiti ako pag nag no-notif si Trust wallet ko ang saya. Di ko man kayo kilala maraming salamat sa inyo. 🥰💙💜 may dalawa talgang nagbigay ang laki salamat po.. Thanks a lot po🤗 Matutulog na po kami at akoy hinihila na sa higaan nakakaantok yong…
Breakfast! Ang pag dilat ng mata sa umaga ang gigising ka na buhay ka, walang takot sa paligid kalmado na ang lahat ay biyaya na yan mula sa Diyos. Ang mga nadapa babangon ulit yan tyong pinoy malakas fighting spirit naten sa ganitong bagyo.. May balita pa na meron ulit kasunod abay talga naman ano. Sanay wala na ng makabangon ang mga nadaanan ng bagyong Paeng. Nagutom ako ng maaga naghanap ako aagad dito sa kapit bahay ko kong may sabaw syempre alam nila yan na maraming mag…
Me and Bunso.😍 Blesses sunday mga ka noise.app kamusta po ang sunday ninyo Halloween na ba sa inyo hehe may nakikita akong naka costume kanina..sa november 5 ko na siguro dadalawin ang puntod ng late hubby ko pinagbawal kasi dito na magsama ng bata kaya kami lang ng byenan ko ang makakapunta parang kelan lang apat na taon na namin syang dinadalaw ang bilis ng panahon. After mass ayan pictjre kami ni bunso hehe kikay talga ee di kagaya ni ate niya na ayaw manlang mga dress na…
Dinner ginisang sitaw😋 Sa halagang 25 pesos may masarap na gulay na kami. At tuwang tuwa ang anak ko sa niluto ko kesa kami mag itlog na naman. Sabi nga ng anak ko baka maging sisiw na sya bukas hehe. Bumili ako ng sitaw sariwa kasi dalawang tali tas 3 na sibuyas at 2 na kamatis.. Nilagay ko yong tira naming corned beef kaninang tanghali oh sarap lang at wala po akong nilagay na asin at seasoning dyan yong corned beef na bali ang pinaka pinapanglasa ko nilagyan ko ng…
Pansit at Kape. Ang sarap kumain ng kumain kaya ayan almusal tayo. .long weekend pala ngayon no.. Ang bilis ng araw maagang nagising kahit ayaw ko pang bumangon ay gora na kasi mga anak ko gising na..ayan pagkabangon hilamos at lumabas na nga ako para bumili ng maalmusal pansit nga ang nahanap ko diba sampong piso mabubusog ka na.. Kayo dyan nag almusal na ba .medyo sumisilip si haring araw mukhang maganda ang panahon mag lalaba na ko baka dumatin na naman si asungot na…
Kalamansi. Isa na siguro ako sa mamimile ng kalamansi bukod kasi sa pinapanlasa ko yan sa isda sa pagsigang ko ay isa din yan sa nilalagay sa sawsawan ko. Nagulat nalang ako sa tinda ng pinsan ko na kalamansi 100 kilo kasi dito at sa kaniya naman ay 35 lang. Sabi ko kong malapit lang mag papadeliver ako at ititinda ko dito samen hehe aapat na piraso limang piso dito. Pwedeng gaweng juice pa to..ang kalamansi juice po pala ay kailangan naten di lang sa maraming bitamina kung…
Tinolang Manok. Salamat sa mabait kong hipag binigyan ako ng ulam na manok nag lalaba kasi ako plano ko talga angang bumili nalang ng lutong ulam nasalubong ko sya galing sa palingke sabi niya kung pasaan ako, sabi ko bibili ng ulam. Wag na daw at abigyan niya nalang ako ayan di lang isang mancook kungdi isang maliit na kalderlo..sarap mga kaingay. Tayo na at kumain. Late nako kakain tinapos ko na muna ang sampayin ko para pagtapos kain mamaginga nalang. Kain po tayo..
My Late Hubby😊 Sa pictures kala mo buhay na buhay..pero dahil pista ng mga minatay ngayon parang oras oras ko ata syang naiisip! Naniniwala ako na nag paparamdam talaga ang mga love ones naten sa tuwing namamatay, tulad ng sa hubby ko na ito alam niyo malalagutan na lang to ng hininga pero kapakanan ko paren ang iniisip niya, wag akong umiyak sabi niya. Pero ang kamatayan ay kukunin na talaga ang buhay na meron siya. Nailibing na sya non tatlong araw ang lumipas. As in…
Pang Painit ng sikmura KAPE! Ito na ang weather pangit ng umaga dito samin parang may bagyo ganitong oras kala mo alas singo madilim. Ingat s apupuntang puntod ngayon. Kape nga pala mga kaingay nag kape na ba kayo ito lang muna at tinatamad lang lumabas malamig ang hangin maambin pati. Tara kape tayo bago simulan ang araw mga kaingay.