Minsan talaga dumarating tayo sa puntong walang wala na, wala nang paksa na maisip. Ay meron pala pero di mo kayang panindigan, parang EX mo lang na pinaibig ka sa una pero sa huli iniwan ka rin pala at pinagpalit sa iba. Danas ko na ito, yung medjo nasa kalahati ka na pero di mo ma arok ang dulo, ang dulo nang iyong artikulo. Wag kang mag isip nang kung ano ano, artikulo lang ang aking punto.
Minsan pigang piga na ang ating utak, pero walang lumalabas kasi naubos na ang katas. Katas nang lawak nang iyong pag-iisip, di yung katas nang iyong ano. Pero pag nakatapos ka nang isang artikulo, ang tuwa ay sadyang parang unang βfirst bloodβ mo kasi syempre may mailathala ka na at mag aantay ka na lang kung patok ba ito kay βrustyβ ang kaibigan mong maliit, pero malaki ang ano, yung tip nya pag gusto nya ang iyong inilathala.
Ano nga ba ang mga dahilan bakit tayo ay walang maisulat minsan?
Maraming dahilan kung bakit tayo ay iniwan, isti walang maisulat minsan dahil masyado nating pinapagod ang ating sarili. Nakalimutan na natin magpakasaya at masyado tayong nakapukos pano kumita. Enjoy enjoy din bes ha?
Walang inspirasyon
Sa buhay natin sa mundong ibabaw kailangan talaga natin nang inspirasyon, yun ang mag tutulak sayo papunta sa kanya, isti para ikaw ay magpatuloy na magsusumikap.
Ang pagsusumikap natin sa lahat nang ating ginagawa ay bunga nang inyong pagmamahalan, ay di pala bunga nang mga inspirasyones natin sa buhay.
Kaya ito ay mahalaga upang mapanatili ang nag-aalab na pagnanais sa kanya, isti na makapagsulat.
Pinagod mo ang iyong sarili
Wag mo kasing pagurin ang iyong sarili, magtira nang lakas para sa ibang bagay. Mahirap magsulat kapag ikaw ay pagod lalo na ang iyong utak, kasi di yan makapagbigay nang tamang detalye na naaayon sa iyong artikulo.
Magpahinga ka din pag may time, βcheat dayβ kumbaga. Tinatawag ko itong cheat day kasi niloloko ka lang nya, habang ikaw naman ay asang asa. Pwera biro, cheat day para magpahinga. Mahirap kasi pag lagi kang pagod, di gumagana nang maayos ang iyong kaawa awang utak.
Kulang sa determinasyon
Ang determinasyon ay parang krudo na siyang magpapatakbo sa makina, makina nang iyong utak. Kung ikaw ay kulang sa determinasyon, mahirapan kang magpatuloy sa iyong nasimulan.
Maraming dahilan kung bakit dapat natin kailangan magkaroon nang matibay na determinasyon, dahil hindi araw araw pasko. Minsan may mga araw na olats tayo, wala tayong natatanggap na biyaya kaya minsan nakakapanghina pero kung ikaw ay determinado, kahit may mga pagsubok kayang kaya mo itong lampasan. Tulad nang iyong pagsusulat kailangan mo nang determinasyon para matapos ang iyong nasimulan na artikulo.
Kulang ka sa layunin
Ang layunin ay mahalaga, kung wala kang layunin ano pat nandito ka? Ano ang iyong layunin bakit ikaw ay nagsusulat? Kailangan mo magkaroon nang layunin sa buhay upang iyong maisaayos ang mga bagay bagay.
Sa pagsusulat minsan ang iba may layunin na magkapagsulat nang isang artikulo kada isang araw, yung iba nmn ay tatlo o higit pa sa isang linggo. Mahalaga na may layunin din tayo para mas lalo tayong magpursigi upang makamatin mo ang matamis na oo, isti ang minimithi mong tagumpay.
Want to read this in English? Just click that globe button near the EXC badge.
Pangwakas na pahayag
Yan ay ilan lamang sa mga nakikita kung dahilan kung bakit minsan tayo ay nawawalan nang maisulat or minsan tinatamad tayo magsulat. Pero parang pakiramdam ko sinulat ko na ito sa English inulit ko lang ata yung iba eh? π
Pagpasensyahan nyo na, gusto ko talaga dapat free style lang tong artikulo na ito pero di ko alam bakit ganito na naman ang kinalabasan.
Bahala kayo magbasa dyan. Bye!
HAHAHAHHAHA.. ang galing! Habang nagbabasa ako, naalala ko yung mga freestyle na pinapanood ko dati.. Feeling ko yung utak ko ganun ang way ng pagbabasa sa artikulo mo.. HEHEHE. At hindi ko alam na pde pala ma translate na gamit yung globe. Galing! Yun lang masasabi ko..