Ang Buwan ng aking Pag-gastos
Minsan sa buhay natin may pagkashunga din tayo e. Yung tipong pangako tayo ng pangako na ganito at ganyan pero di din pala natin kayang tuparin ganon! Alam niyo bang naloloka ako? Nagtatagalog ako ngayon kasi mas gusto ko ilabas yung hinanakit ko sa loob loob ko tagos hanggang bones ba sa sarili ko? Hay buhay parang life!
Nung mga nakaraang araw, ang sabi ko sainyo mag aayos lang ako ng kwarto ko, nagsimula ako sa pag wawalis. Punas dito, tanggal ng alikabok there tapos hanggang sa nagbuhat buhat na ng mga malalaking cabinet na akala mo naman eh, sobrang macho ng mga braso ko pero sa totoo lang, pag kagising ko after that, sumakit bigla yung likod ko dahil dyarn nagmukha akong parang matanda, iika-ika akong maglakad at naka hawak sa likod. Napagalitan nga ako dahil dyan e, di ko lang naikwento kasi nga, ewan ko nakalimutan ko yung rason, noong last last week pa yan eh.
So ayon nga po, naglinis ako. Tapos napunta ako sa pagbubuhat hanggang sa napunta po tayo sa pag pipinta ng mga dingding ng kwarto. Tapos napagastos tayo dahil sa ganyan. Kasi ang akala ko libre lang ang papintor e may bayad pala! Pero okay lang, ang main goal ko kasi e alisin at mag ayos ng kalat pero naalala ko, ako pala yung kalat! My gosh! Pero syempre naman meron tayong natutunan after natin mag papinta. Natuto akong magpinta at yung mga kakailanganin, kung paano at ano uunahing gawin, napaisip-isip nga ako alam n'yo ba? Parang gusto ko na din mag apply bilang taga pinta ng mga kung sino man naghahanap ng tagapag pinta ng bahay nila. Malaki daw kasi sweldo sa ganyan e tapos depende pa if masarap yung nagpapapinta- este, kung may libreng snacks pa diba?
Anyways, Guys. Yung title ng artikulo ko ngayon e kung nagtataka kayo, bakit ganyan yung Pamagat? Kasi, dahil sa Napashopee nanaman ako ng wala sa oras. Ang sabi ko sainyo maglilinis lang ako ng kalat at mag aayos ng gamit pero yung paglilinis na 'yun, hindi ko alam na kailangan pala ng paggastos ng pera. Jusko!
Ito yung mga pinag gastosan ko ngayong buwan (kung hindi man ninyo tanda or aware kung ano-ano yung mga napag-gastusan ko dito):
Floor mat (8 yards)- Php 760 plus Shipping fee na 55 pesos is equals to Php 815
Hanging Clothes rack - Php 367 plus shipping fee na 69 pesos is equals to Php 427
3 Wallpapers - Php 327 plus shipping fee na 35 pesos is equals to Php 357
Tatlo palang yan na mga bagay bagay na inorder ko sa shopee and ang Total nilang lahat is Php 1,599 at Kung naalala niyo din, yung ginamit ko dito is yung sweldo ko doon sa pag sagot sa modyul ng nakakabata ko na pinsan. Hindi ko ginamit yung BCH ko dito kasi ang pinag gastusan ko ng BCH ay yung pag gastos sa kagamitan sa pagpipinta Php 3,000 and sweldo ng nagpinta sa kwarto ko Php 3,500 at lahat lahat na ng nagastos ko mula sa nasa itaas hanggang sa sweldo ng nagpintura ng kwarto ko ay mahigit Php 1,599 + Php 6,500 alam niyo na kung ilan ang total hindi pa kasama dyan yung pinameryenda ko sa nagpintor.
Napaka sakit sa bulsa talaga. Yung kahit simpleng ayos lang sana na gusto ko na gawin pero ang mahal at magastos pala talaga. Pero para sakin ay okay lang, maigi na para wala na akong proproblemahin at alam kong mas mahihirapan pa ako kung may mga iniisip akong problema na gaya nito, hindi ba?
Ngayon, Napagastos nanaman po ang lola nyo.
Nag convert ako ng BCH kasama yung pang sweldo kagabi. Ang ikinonvert ko na amount is 0.31 BCH. Inantay ko siya kahapon ng hapon na mareach sa Php 5,500 exact amount ng pag convert ko that time. Kasi kailangan ng pampakintab ng wall worth 700 pesos pero not knowing na 550 lang pala siya. Pero okay na din pandagdag nalang ng kakailanganin kasi tama nga ako, hindi sapat yung 1,000 pesos. Yung 3,500 binigay ko na na sweldo niya kahapon. May natira na 1,450. Iyon ang ginamit ko pang bili ng mga iba pang kagamitan.
Katulad ng mga sumusunod:
Bumili ako ng 3D wallpaper Foam bricks wall stickers bali 12 pcs. Yung binili ko kasi yun yung measurement na alam ko kasi diko sinukat eh, bili nalang tayo ulit kapag kulang.
Bakit ko kailangan ito? Saan ko gagamitin?
Ilalagay ko siya sa may Likod ng pintuan ko. Alam niyo naman yung pintuan ko, magaspang siya kasing gaspang nung mukha ng tsismosa mong kapitbahay charot. Bumili ako nito dahil kailangan kong takpan yung sa may likod ng pintuan dahil pinagbabahayan siya ng gagamba mag mga sapot-sapot kaya kailangan natin siyang ingatan kasi kapag hindi ko ginawa yun, may alikabok nanaman tayong maiipon.
Naisipan ko bumili ng Bedsheets at Punda ng kama ko para mai ayon natin siya sa kulay ng wall ko. Kasi kapag hindi ako bumili nito, tapos gagamitin ko yung bed sheets kong DORAEMON parang sumakit bigla mata ko kanina sa nakita ko buti nalang nga meron pa pala yung bedsheet ng kama nila Lola ko, iyon muna ang ginamit ko.
Charannn! Ganyan yung itsura. Ops! Pasilip muna natin yarn. Tsaka na ang Room tour kapag tapos na talaga lahat.
Ay oo nga pala nakalimutan ko, bumili din pala ako ng Kumot ko. Naaayon din sa itsura ng bedsheet and punda ko para naman brownish talaga tapos kulay brown din kulay nung balat ko mukhang, hindi ata ako nakikita sa gabi neto. Yung tipong kapag hinahanap or hahanapin ako ni Lola tapos di niya ako makita bigla, pano kaya kapag brown out ano?
Alam niyo ba, isa sa pinaka problema ko ngayon ay yung sobrang plain tignan ng kwarto ko. Bukod sa yung itsura ng floor mat ko tsaka yung wallpaper na ikakabit bukas sa may wall, wala eh, plain na lahat. Kaya naisipan ko nalang na bumili ng murang kurtina sa shopee
Ayan apat na pcs ang binili ko at yung presyo niya eh Php 37.00 kada isang piraso. Maganda naman yung feedbacks sa comment sections at parang ganyan din yung kurtina ng Lola ko kasi manipis lang din sila. Pero ayan nga gusto ko na fabric ng kurtina para hindi naman sobrang dark sa loob ng kwarto ko, may sinag sinag din ng ataw parang shining shemmering splendid ba? Charot.
Tapos eto, Last na nicheck out ko etong personalized Board photo wall decor. Nag pacustomized ako ng picture namin nila Mama yung tatlo kami nila ate nung debut ko kasi balak ko siyang ilagay sa may wall doon sa likod ng pintuan ng kwarto ko. Para naman may picture din kami kasi wala kaming picture na naihang ng ilang taon na. Nakakamiss din makakita ng Family picture. Tapos inenext ko next month, magpapaprint ako ng mga pictures family picture ng #Club1BCH , picture ni RUSTY tsaka, Solo picture ko na panakot sa daga.
Next month nalang ako bibili ng mga iba pang kagamitan kung sakali mang meron pang kulang. Sa ngayon, tama na muna ang pag gastos at pag iipunan ko nalang ulit yung mga iba pang kakailanganin.
Ay, Apaka daldal ko nanaman pala. Pasensya na kayo at nawili lang akong ishare kung gaano ako ka gastadora ngayong buwan pero sobrang saya lang makita na yung kwarto na'to, kahit hindi saakin, naging maaliwalas siyang tignan dahil sa Bitcoincash. Kung hindi dahil sa pag iipon at pagsusumikap ko dito hindi ko ito magagawan ng paraan at mananatiling kakalat padin ang kwarto na ito. Sa wakas! Makakafocus na din ako sa pag grigrind at makakabasa ng maayos dahil maaliwalas at presko ang Kwarto ko dahil naka bukas lahat ng bintana.
Iyon lang at tapos na.
Hi there! Salamat sa pagbabasa. Pasensya na at napatagalog ako ngayong araw. Mas madali kasi ang pagtitipa kapag tagalog kasi ang tagal ko na ding hindi nagtatagalog dito. Pasensya na sa mga foreigners ko na mambabasa at mga kaibigan kung di man nila maintindihan sa ngayon ito. Tsaka gusto ko din gayahin yung pagsasalita ng mga Tiktokers sa mga shinishare nila sa everyday life nila. Haha
Gusto ko lang din pala magpasalamat sa lahat lahat kung hindi dahil sainyo, hindi ko matutupad itong isa sa mga pangarap ko. :)
My Previous Articles:
I have debt and I am not proud of it!
Recover your ShopeePay PIN by using these simple solutions
This is the main reason why I hate decorating my room
I am the owner of my Wallet NOT you
While the Clouds are still Orange: Memories will never be forgotten
Yay! Nainggit naman ako nang slight sa pa.make over mo sa room mo mare. Ako, hindi ko alam kung kailan pa kasi medyo kapos pa. Ipon-ipon muna siguro. Medyo malaki kasi room ko. Hehe. (Para sa'kin lang naman.)