Pambansang Kamao

23 57
Avatar for Expelliarmus30
3 years ago
Topics: Sports

August 24, 2021. Tuesday.

 

Gusto ko lang batiin ang nag iisang nating Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao. Kahit pa hindi nya naipanalo ang laban kay Ugas nitong nakaraang linggo.

 

Maganda at Mapagpalang Araw sa ating lahat. Nawa ang lahat ay masaya at maayos ang kalagayan. Sana ay malusog at ligtas tayong lahat palagi.

 

Nananalo ang Boksingero ng Cuba na si Yordenis Ugas (Unanimous Decision) laban kay Manny Pacquiao sa ginanap na laban nitong nakaraang linggo, na may pinamagatang Pacquiao vs. Ugas. Na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Nananatili pa rin kay Ugas ang WBA welterweight title dahil hindi ito nasungkit ng ating pambansang kamao.

 

Ngunit sa kabila ng pagkabigo na masungkit o mabawi muli ang ninanais na titulo ng ating pambato ako ay sumasaludo pa rin sa kanyang kakayahan. Hindi man sya nagwagi sa kanyang laban ay ipinagmamaki pa rin sya ng maraming Pilipino. Dahil matalo man sya ay hindi maipagkakaila kung paano nya winagaywag ang watawat ng Pilipinas sa larangan ng “Boxing”. Hindi din matatawarang ang kontribusyon nya sa pagboboxing. Napakaraming beses nya ng nagwagi sa boxing kaya naman hindi maitatangging isang Legend na ang pangalan nya pagdating sa Boxing. Kaya naman wala naman na syang dapat pang patunayan dahil kitang kita naman na ang layo ng narating nya. Kung sakaling magreretiro man sya ay hindi na iyon kaso dahil napakatagal na nyang lumalaban at may edad na sya ngayon. Kitang kita naman na sa huling laban nya na hindi na sya gaanoong katikas katulad ng dati.

 

Si Manny Pacquaio pa rin naman ang kampeon para pusong Pilipino. Kaya naman kung ano man ang magkng desisyon nya ay paniguradong para iyun sa ikabubuti ng desisyon nya at hindi iyun dahil sa pagkatalo nya.

 

Ngunit ang iba talaga ay hindi nauubusan ng pambabatikos at pati ang asawa ng ating Pambasang Kamao ay ginawan pa nila ng memes. Marami ang napatawa nito at ang iba naman ay hindi ito ikanatuwa. May ilang komento din akong nabasa sa isang Instagram post tungkol kay Jinkee Pacquiao at ito ay nagsasaad ng masasakit na salita at hindi kaaya ayang akusasyon sa pamilya Pacquiao. Pero kahit ganoon pa man ay hindi naman nasusukat lang sa materyal na bagay nasusukat at suporta ng isang tao. At sana ay iwasan na rin natin ang manghusga ng iba lalo na at wala naman tayong pinagbabasehan.

 

Marami man ang nalungkot sa kinalabasan ng huli mong laban ay  saludo pa rin ako sa iyo Sir Manny Pacquiao. At manalo man o matalo ay ikaw pa rin ang nag iisang pambansang kamao ng mga Pilipino at ng Pilipinas. We are still proud of you.

 

 Authors Note:

I supposed to publish this article yesterday but since it has a maintenance/upgrading/updating of this site I just publish it this day.

 

Lead image source: CNN Philippines

 

Photo 1 source: www.cbssports.com

Photo 2 source: www.startattle.com

Photo 3 soucre: Facebook memes

 

 

Thanks to all of my wonderful sponsors. Thank you so much for the love and support. Visit and read their precious articles too.

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

And I also want to thanks everyone who always read, comment and upvotes my articles. Love you guys and thanks a lot.

 

 

Feel free to read my previous articles here if you have free time:

1.      https://read.cash/@Expelliarmus30/something-personal-ad7ba092

2.      https://read.cash/@Expelliarmus30/twenty-four-equals-to-five-hundred-sixty-two-228ba794

3.      https://read.cash/@Expelliarmus30/restore-the-past-4dba7e44

4.      https://read.cash/@Expelliarmus30/friend-pa-answer-399e6dab

5.      https://read.cash/@Expelliarmus30/ecq-season-3-c1598f5e

 

 

Thanks a lot for reading this.

 

God bless and Keep safe Everyone.

 

Don't forget to Be Good and Be Nice as always.

 

Bye.

8
$ 3.81
$ 3.56 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @FarmGirl
+ 4
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty
Avatar for Expelliarmus30
3 years ago
Topics: Sports

Comments

Normal lang naman na matalo ehh di talaga iyan mawawala sa laban Kaya kahit matalo man basta ginawa mo best mo panalo kaparin

$ 0.03
3 years ago

Agree po. At hindi naman po porket natalo kay ay hindi ka na pwedeng manalo ulit. Laban lang ng laban. 😁 Proud pa rin po tayo sa kanya kase binuhos nya ang best nya sa laban na yun.

$ 0.00
3 years ago

nag trending talaga si jinkee....win or losepanalo pa rin si pacman para sating mga pinoy

$ 0.03
3 years ago

Opo eh actually lagi naman po nagtetrend si Jinkee at Mommy Dionisia kapag may laban si Pacquiao. Nagkataon lang po na hindi nakasama si Mommy D sa Las Vegas dahil senior na hahahha.

$ 0.00
3 years ago

Tama, okay lang kahit natalo siya. Ano ba naman yung konting talo sa dami ng ipinanalo nya para sa bayan. OK pa rin yan. Hehe.

$ 0.03
3 years ago

Correct po andami nya ng nauwing panalo para sa pilipino.

$ 0.00
3 years ago

Yes saludo parin tayo kay sir Manny Pacquiao. Naiangat nya ang bansang Pilipinas sa larangan ng Boxing. Manalo o matalo saludo parin kami sa iyo sir Manny Pacquiao! 💪❤️

$ 0.03
3 years ago

Tama po. Malaki po talaga ang ambag nya pag dating sa boxing. Pinakilala nya ang galing ng isang pinoy.

$ 0.00
3 years ago

Yes Langga. Kaya proud na proud parin tayo sa kanya manalo man o matalo.. He still our Manny Pacquiao ang ating pambansang kamao. 💪

$ 0.00
3 years ago

Yes our one and only po.

$ 0.00
3 years ago

Yes Langga. Nakakaproud parin..❤️

$ 0.00
3 years ago

Napanood ko ang laro niya. Kahanga-hanga pa rin ang taglay niyang lakas kahit sa edad niya. Natalo man siya pero hindi mabubura ng talo ang karangalang naibigay niya sa bansa natin. Sa larangan ng boxing, namamayagpag pa rin ang mga Pinoy.💪

$ 0.03
3 years ago

True po masyado nga lang pong kase matangkad ang kalaban nya kay medyo hindi umaabot ang iba nyang suntok pero da best pa rin po talaga ang isang Manny.

$ 0.00
3 years ago

Kahit man natalo sya still proud pa rin tayo kasi dala nya bandila natin kahit may ininda syang sakit sa binti nya at mata nya.Siguro napapanahon talaga na hindi na sa kanya yong swerte na kay Ugas na, pagbigyan nalang natin kung yan ang nakatadhana na :)

$ 0.03
3 years ago

Opo may karamdaman nga po kase sya ng araw na yun kaya halatang hindi gaanong kaayos ang laban nya. Tama po.

$ 0.00
3 years ago

Opo .Kasi kagabi sa balita sabi nya masakit daw yung paa nya.Very close tight talaga yung binti kaya pag gumagalaw nya masakit plus yung mata nya na dati pa masakit na daw eh mukhang nabugbug ata ng husto may stitches sya sa mata kaya cguro nagkaganun na masakit na.Pero ok lang kisa mapuruhan yun ang magkaproblema pa

$ 0.00
3 years ago

Opo bawi na lang next time kung hindi pa po sya magreretire. At tsaka mas mahalaga po ang health nya higit sa lahat.

$ 0.00
3 years ago

Baka magretired na po sya sa palagay ko lang.

$ 0.00
3 years ago

Feel ko din po eh. Madami naman na po syang naabot sa buhay kaya kung gugustuhin nya po ay okay naman na po yun.

$ 0.00
3 years ago

Malakas pa rin tlga sia, s age nia kaya pa rin umabot til last round.. Proud pinoy p din tayo s lahat ng karangalan na ibinigay nia.. Nakatatak na a ng pinoy s laranagan ng boxing🥊💪

$ 0.03
3 years ago

Opo ang lakas nya pa rin po talaga kase kita naman kung anong nangyari sa mukha ni ugas eh ahahhha.

$ 0.00
3 years ago

He's still our pride po.

$ 0.03
3 years ago

Yes po still our champion of all time. 💪

$ 0.00
3 years ago