Konting Update lang po ito.

December 6, 2021. Sunday.

 

Update lang po talaga ito sa mga nangyayari sa buhay ko. Ikukuwento ko lang po kung bakit nitong mga nakaraaang araw ay medyo hindi na ako active sa dalawang platform na ito: Read Cash at Noise Cash.

 

So pwede nyo na po i-skip ito kung ayaw nyo po ng mga kwento tungkol sa personal na buhay! Hahahaha joke lang po.

 

Nitong mga nakaraang araw po kasi ay naging abala ko ako sa paghahanap ng gagawa ng machine namin, iyun po ay ang gagawin naming product sa Research. Search po ako ng search ng mga machine shop dito sa aming lugar at kahit yung medyo malalayo na po, basta machine shop. Text at tawag po ang ginagawa ko, yun ay kapag po meron akong nakikitang contact number sa mga website nila sa Internet. Pero kapag wala silang kahit anong contact number ay chinahat ko na lang po ang mga Facebook Page nila. Sinesearch ko rin po sa Facebook ang mga page nila para makita ko kung kaya ba nilang gawin ang product namin at kung ano bang mga klase ng machine ang ginagawa nila.

 

Kaso sa dami po ng tinetext ko at tinatawagan ko ay walang sumasagot. Sa mga chinachat ko ay may ilan din namang sumagot pero sinasabi nila na hindi nila kayang gawin ang aming product. Pati mga Engineering, Automotive, Appliances at kung ano ano pang mga tungkol sa mga gumagawa ng machine ay nachat ko na po. Hahahha.

 

Kaya medyo nahihirapan po kami ng mga kagrupo ko. Hindi kami kasi makakausad sa susunod na part ng research namin kung hindi po namin magagawa ang product. Binibigyan pa kami ng Professor namin ng hanggang matapos ang buwan na ito at dapat may maipakita na kami sa pagbabalik ng klase namin sa susunod na taon, sa January 3, 2022. Eh pero dahil sa nahihirapan po kaming humanap ng gagawa ng product namin ay hindi din ako sigurado kung matatapos namin ito bago matapos ang taon.

 

 Alam naman namin na hindi po ganun kabilis gawin ang machine kaya nagpupursige talaga kami maghanap ng mapag-papagagawaan. Sa susunod nga po na Sabado at Linggo ay lalabas na talaga kami at kami na mismo ang pupunta sa mga machine shop dito sa amin at kahit sa ibang lugar pa kahit malayo. Syempre po ay may klase kami simula Lunes hanggang Byernes kaya sa mga ganyang araw ay hindi po kami pwedeng lumabas para humanap ng mga Machine Shop.

 

At isa lang iyan po iyan sa mga dahilan kung bakit ako abala nitong mga nakaraang araw. Syempre sa kakachat, text at call ko ay umaaksaya na rin po iyun ng oras kaya naman hindi ko na po muna napagtutuunan ng pansin ang ibang bagay. Ginagawa ko lang kasi ang pagchachat, text at call o pagsesearch sa mga machine shop ay kapag vacant ko sa mga subject ko. Sa major subject ko rin kasi ay maraming kaming gagawin. Meron din akong Quantity Cooking na gagawin. Kailangan kong gumawa ng 10 servings ng pagkain, isang main dish at isang dessert. Tig sasampung piraso ng main dish at sampung piraso ng dessert. At naggagawa po ako ng Costing para sa mga yan para malaman ko kung magkano ko ba sila ibebenta o para malaman ko ang selling price ng mga lulutuin ko. Isa pa iyan sa problema ko, hahahhah syempre kailangan ko din ng pera para sa pagluluto na yan, gagatusan ko din iyan. At isa pa sa problema ko kung saan ako kukuha ng pera hahahahha. Ayaw ko naman ng humingi sa mama ko dahil alam kong marami din syang pinagkakagastusan at may mga utang din syang binabayaran kaya hindi ko na sila sinasama sa problema ko.

 

 At marami pa po akong problema sa totoo lang hahahha. Pero hindi ko na iyun ibabahagi lahat dahil ayoko rin na pati kayo ay madamay sa problema ko at baka mamaya ay mamroblema na din po kayo hahhaha. Good vibes lang po tayo palagi. Ako sa totoo lang po kahit sobrang dami ko ng problema hindi ko pa rin kinakalimutan ang ngumiti. At ayoko din po kasing masyadong isipin ang mga problema ko at ayoko dibdibin ng husto at baka kung ano pang mangyari sa akin. At ayaw ko naman na mangyari iyun. Kaya lagi ko pa ring pinipili na maging masaya sa kabila ng marami kong problema.

 

“When the going gets tough, put one foot in front of the other and just keep going. Don’t give up.” ― Roy T. Bennett

Authors Note

At iyan lang po muna para sa araw na ito. Hahaha update lang po talaga iyan kung bakit busy ako at medyo hindi ako ganun ka-active dito at sa noise. Sana po ay maintindihan nyo kung minsan ay hindi po ako nakakapag reply sa inyo o hindi po ako nakakapagcomment sa mga article nyo. Pero nagpapasalamat pa rin po talaga ako sa mga tao na kahit anong mangyari ay binabasa pa rin po ang aking mga gawain at hindi sila nagsasawa sa akin. Malaking tulong po kayo sa akin kaya malaki din po talaga ang pasasalamat ko sa inyo. At dahil nandyan po kayo parati para sa akin ay nagpapatuloy pa rin ako. Maraming maraming salamat po talaga sa inyo. Hanggang dito na lang po at Hanggang sa muli.

 

Maraming Salamat  sa inyong pagbabasa, sana ay huwag kayong mapagod na basahin ang aking mga gawa. Salamat sa inyong suporta at tiwala sa aking at sa aking mga articles. Salamat muli.

 

 

Gusto ko magpasalamat ng sobra sa aking mga Sponsors na sobrang babait at generous. Bisitahin at basahin nyo rin sana ang kanilang mga artikulo kapag mayroon kayong libreng oras. Sobrang gaganda din ng kanilang mga gawang artikulo at sigurado ang mageenjoy kayo sa pagbabasa. At gusto ko din palang magpasalamat sa mga taong palaging binabasa, nagcomment at nag upvote sa aking mga artikulo. Maraming salamat din sa inyo. At nawa ay pagpalain kayong lahat dahil sa taglay nyo kabaitan at kabutihan.

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

 

Thanks for reading this.

 

Keep Safe and God Bless us always.

 

Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.

 

Bye.

I made it with Canva

 

 Lead image source: Unsplash

 

7
$ 6.45
$ 6.39 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @kingofreview
$ 0.02 from @jasglaybam
+ 1
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Kaya mo yan, mahirap pero wag ka sumuko. Ganun talaga ang buhay shoodent hehe..

$ 0.03
2 years ago

Opo wala pong susuko. Pagsubok lang po ang lahat ng ito. 💪

$ 0.00
2 years ago

Tama, you will get over with it before you know it.

$ 0.00
2 years ago

True po! Minsan hindi po natin namalayan nalampasan na po pala natin ang mga pagsubok natin sa buhay.

$ 0.00
2 years ago

Laban lang sis. Kaya mo yan. Ganyan talaga buhay estudyante lalo na pag may research. Alam ko ang pinagdaanan mo ngayon kasi pinagdaanan ko rin yan. Kaya go lang. Kering-keri mo yan.😊

$ 0.03
2 years ago

Yes po Fighting lang po. Maraming Salamat po sa encouragement.

$ 0.00
2 years ago

Tama yan kahit maramingnprobkem maging masaya pa din tayo makakaraos din,

Nakakita kana na ba ng pagagawan

$ 0.03
2 years ago

Hindi pa nga po hanggang ngayon eh. Mahirap daw po kasi gawin yung product namin at hindi daw po nila kaya.

$ 0.00
2 years ago

Naku sayang naman kung ganon

$ 0.00
2 years ago

As of now po may kinakausap na po kaming machine shop. Hinihintay na lang po namin ang tawag kung kaya po nilang gawin.

$ 0.00
2 years ago

Okay lang po yan ate, hindi lang kayo hehe. ang tagal ng last publish ko, di ko po kasi masyadong maharap magpublish. Maybe tomorrow po siguro hehe. Ang problema ko lang po talaga yung oras hehe. Kainis po kasi may curfew pa hehe

$ 0.03
2 years ago

Salamat po. Opo ang mga estudyante po ngayon ay kulang na kulang po talaga sa oras.

$ 0.00
2 years ago