I am enlightened now.
March 10, 2022. Thursday.
Naliwanagan na ako sa wakas. Hindi ba nga noong nakaraang linggo ay ibinahagi ko sa inyo na nakaranas ako ng stress pero hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko nga ba alam ang dahilan? O alam ko pero hindi ko lang masabi na yun mismo ang dahilan?
Ngayon ay maayos na ako. Hindi na ako stress. At sa tingin ko ay alam ko na rin yung dahilan ng naging stress ko. At masaya ako na mabilis ko napagaling ang sarili ko sa stress o mabilis naghilom ang mabigat kong pakiramdam.
Noong nakaraang linggo ay halos pinag sasabay sabay ko ang mga gawain. Last week ay hindi pa rin kasi nag sisimula ang klase namin online kaya naisip ko na marami pa akong time para gawin ang mga bagay na gusto ko.
Nag install ako ng Discord noong kalahatian ng buwan ng February, mga Feb. 15 o 16 ata yun. At ng mainstall ko na ay agad akong sumali sa mga guild kung saan naghahanap ng mga scholar para sa pegaxy. Maraming maraming guild akong sinalihan. At hindi lang yun, nagpaka-active din ako sa Twitter dahil kailangan yun para mapansin ka sa mga guild. Mayat maya ako nagchecheck ng message sa Discord dahil kailangan mo talagang maging active doon at kailangan palagi kang nakikipag interact sa mga tao doon para mabilis ka mapansin ng mga manager. Karamihan sa grupo na sinalihan ko ay yun ang requirements, ang maging active palagi. Sa iba naman guild kailangan lang mag fill up ng scholar form at sumali sa mga events nila katulad ng mga quizes. Meron din mga guild na kailangan mo i-engage ang sarili mo at gumawa ng paraan para magrow ang guild nyo katulad na lang ng magpost ng mga memes, achievement, motivation sa Twitter, pwede din ipakita kung anong talent ang meron ka at sumali sa mga games at marami pang iba.
Siguro nasa higit 5 guild ang sinalihan ko noon, at ng bago matapos ang buwan ay nasa 10 guild na ata ang nasalihan ko. Minsan sobrang active ko din sa Facebook dahil kailangan mong manood ng live na mga naglalaro ng Pegaxy doon dahil nagpapagive away sila ng pegaxy scholarship. Ganun din sa Twitter maya't maya ay binubuksan ko ang app at nagchecheck ng nga latest tweet doon, retweet dito, like dito, comment dito at marami pang iba.
Hanggang sa pumasok na nga ang Buwan ng March kung saan magpapasukan na ulit kami online. Parang doon na nagsimula akong mastress at sumabay pa ang mga problema namin dito sa bahay. Noong February din ang dami talagang naging problema ng pamilya ko naging topic ko nga rin yun palagi dito eh at puro financial problem ang mga yun kaya naisip ko din talaga maggrind ng magrind at humanap pa ng ibang pagkakakitaan tulad nga ng Pegaxy. Pero hindi ko akalain na yun din ang magiging dahilan ng stress ko. Sa sobrang daming problema kong iniisip sumabay pa ang pressure na kailangan kong mas kumita para makatulong sa aking pamliya.
Masasabi ko na ginawa ko naman ang best ko para makakuha ng pegaxy scholarship sa mga guild pero hindi nga siguro sapat ang lahat ng effort na ginawa ko. Biruin nyo ang aga ko nagigising noon tapos halos madaling araw na din ako nakakatulog dahil kailangan kong maging active sa pag memessage sa mga guild at kailangan magparticipate sa mga activity nila. At ng maisip ko na parang yun ang dahilan kung bakit mas naiistress ako ay agad kong ginawan ng paraan yun.
Linggo, March 6, araw bago magsimula ulit ang online class namin ay nagdeactivate ako ng Twitter account ko, nag Disabled ako ng Discord account ko at inun-install ko na rin ang App at nag unfollow o nagdislike ako ng mga Page na pinafollow ko sa Facebook. Hindi naman sa nag give up na ako para makakuha ng scholarship inisip ko lang na ayaw kong bumalik ako sa pag aaral ng stress ako. Ang hirap kaya nun guys, nakaka stress na nga ang pag aaral sasabay pa ang stress ko sa ibang bagay. Kaya napagdesisyunan ko talagang gawin ang mga yan dahil ayoko na masira ang ulo ko ay este mastress pala hahahha. At sa tingin ko ay nakabuti naman ang ginawa ko na yan at sa tingin ko ay yan talaga ang the best na ginawa ko para mawala at masolusyunan ang stress ko. Hindi man ako nakakuha ng kung ano mang scholarship sa Pegaxy at least hindi naman ako nastress, naiistress tulad ng iba ngayon hahhahha.
Yung family problem alam ko na hindi naman talaga nawawala yun sa buhay natin kaya ang inalis ko na lang ay yung problem na alam kong hindi ko naman sana pinoproblema. Masaya na ako at sapat na sa akin kung ano man ang mga pinagkakakitaan ko sa ngayon. Ang mahalaga ay hindi ako stress. Yun talaga ng pinaka importante sa lahat. Aanuhin ko ang pera kung hindi naman maayos ang mental health ko diba? So in the end pipiliin ko pa rin talaga ang sarili ko higit sa anu mang bagay dahil ang sarili ko ang kayamanan ko.
So ngayon ay malinaw na sa akin ang mga bagay bagay at maayos na ulit ako at yun ang pinakamahalaga sa ngayon.
At iyan lang po para sa araw na ito. Sana ay may natutunan kayo sa pagbabasa ng article ko na ito, alam ko na meron yan kahit papaano dahil habang sinusulat ko ito ay marami akong na-realize kaya sana ay kayo din. Salamat po ulit sa inyong lahat at sa palagi nyong pagsuporta. Mahal ko kayo. Bukas ulit.
Thank you very much for reading, I hope you do not get tired of reading my works. Thank you for your support and trust in me and my articles. Thank you again.
I would like to thank my Sponsors who are so kind and generous. Please visit and read their articles when you have free time. Their articles are also very beautiful and great so you will definitely enjoy reading. And I also want to thank the people who always read, comment and upvote my articles. Thank you very much too. And may you all be blessed for your kindness and goodness.
Thanks for reading this.
Keep Safe and God Bless us always.
Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.
Bye.
Lead image source: Unsplash
...and you will also help the author collect more tips.
Palaging may oras para sa iyo hangga't marunong kang mag-ayos! Sa tingin ko iyon ang pinakamahusay na paraan upang matupad ang lahat ng mga aktibidad