Strict Parents

Avatar for Eries28
3 years ago

Walo kami sa mag kakapatid. Limang babae at tatlong lalaki. Kaya naman kami dumami dahil ang tatay ko gustong gusto magkalalaki, natupad naman ang gusto niya ang magkaroon ng anak na lalaki pero mga bunso na.

Sa bukid kami nakatira, malayo kami sa bayan pero masasabi kong maalwan ang buhay namin kahit nasa bukid lang kami nakatira. Ang mdalas lang nakakapunta ng bayan noon ay mga parents ko, pero noong magsimula na akong mag aral ng high school araw araw na akong nasa bayan.

Nabuhay kaming may takot sa magulang, madami ang bawal. Minsan naiisip ko nalang kung ano ba ang problema sa kanila. Minsan na rin akong nagtanim ng galit sa kanila dahil sa sobrang higpit nila sa amin.

Mga Dapat Gawin sa Bahay

1.) Maagang Gumising

Gusto ng parents ko noon na umaga palang gumising na kami para gawin ang aming mga gawain, ang magwalis sa harapan ng bahay kasi since sa bukid kami nakatira madaming puno ang nakapaligid sa aming bahay kaya araw araw madaming dahon ang nalalaglag at kailangan namin walisin umaga palang. Kailangan din laging malinis sa loob ng bahay. Naranasan ko na ang mapalo habang natutulog kasi late na ako gumising.

2.) Higaan mo, Ligpit Mo

So everytime na gigising kami at babangon sa higaan kailangan maayos na ang sari sariling silid dahil kung hindi lagot ka, ikaw uutusan ng uutusan at maririndi sa ingay ni mama. Hanggang ngayon nkasanayan ko na talaga na bago umalis sa higaan malinis na ang kwarto ko.

3.) Magpaalam Kapag may Pupuntahan

Ito yung pinakamahirap na part para sa amin, ang magpaalam sa kanila kasi wala naman kaming magagawa kapag di kami pinayagan. Minsan kahit gustuhin ko man na makipag bonding sa mga kaibigan ko or sumama sa outing or swimming, sinasabi ko na agad na di ako pwede dahil alam kong di naman ako papayagan.

4.) Magsimba Tuwing Linggo

Kailangan kapag Sunday maaga na kami lahat magigising, maagang kakain at gagayak na papuntang simbahan. Lahat kami dapat nasa church hanggang sa matapos bago lumabas.

5.) Matulog sa Tanghali

Ang kondisyon nila matulog muna bago maglaro sa labas. Minsan kahit di naman ako inaantok pinipilit ko nalang matulog kasi may pamalong nakahanda sa tabi ng higaan.

6.) Magdasal Bago Kumain

Kailangan bago kumain magdasal muna, kung sino yung mabanggit ng nanay ko na pangalan siya yung mag lelead ng prayer.

7.) Magdasal Bago Matulog

Nakaugalian na namin ang magdasal bago matulog. Pagpatak ng 8 pm kailangan nasa master's bedroom na kaming lahat para isa isang manalangin. Panalangin na magmumula mismo sa aming mga bibig at sa puso.

Mga Hindi Dapat Gawin Sa Bahay

1.) Bawal Magmura

Lumaki ako sa christian family kaya ito ang isa sa pinakaayaw ng aming mga magulang, ang makarinig sa amin ng pagmumura. Katakot takot na pala ang mararansanan kapag nakarinig sila ng di magandang salita.

2.) 6 PM Curfew

Kung sa iba ngayon lang nauso ang curfew sa amin noon pa. Kailangan pagpatak ng ala sais ng hapon nasa loob na kami ng bahay dahil kapag wala susunduin kami ng palo. Takot ako sa Papa ko noon kasi grabe talaga siya mamalo. Pinapalo niya kami kahit madaming tao kaya masama talaga ang loob ko sa kaniya.

3.) Bawal Matulog sa Ibang Bahay

Gustuhin ko man matulog sa bahay ng mga tita ko or pinsan ko ayaw ni Papa maliban nalang kung sa lola ko ako matutulog pumapayag sila kaya malapit talaga ako sa lola ko. Naalala ko noon tumatakbo pa ako papunta kay lola at yumayakap para di lang ako mapalo ni Papa.

4.) Bawal Pumunta sa mga Sayawan

Dahil laking provice ako diba uso talaga noon ang sayawan or 'baile' na tinatawag? Pero ni minsan di ko naranasan yan. Minsan pumunta ako sa isang sayawan na malapit sa amin, di na ako nagpaalam sa parents ko kasi alam ko namang di ako papayagan. Eh kahit high school night nga di ko man lang naranasan kaya marami nagsasabi high school life is the best pero para sakin college life ang pinaka the best kasi malayo na ako sa kanila.

Nacurious lang talaga ako kung ano ba yung baile na tinatawag pero pag uwi ko ng bahay sinampal ako ni mama at di pinansin ng ilang linggo. Masakit pala ang masampal ng magulang at mapapaiyak ka talaga, napapanood ko lang yun sa TV or movie pero di ko akalaing mangyayari din pala sa akin.

5.) Bawal Magkaroon ng Kasintahan Habang Nag aaral pa

Ito yung madalas na pinapaalala ng mga magulang namin noon. Dahil sa karamihan nga sa amin ay babae mas mahigpit sila dito. Batang 90's kasi ako at iba talaga noon kumpara ngayon. Kapag mabuntis ka lang habang nag aaral kapa kahihiyan na ng pamilya yun.

Naalala ko ka noon, 15 years old palang ako, 2nd year high school nagkaroon na ako ng kasintahan pero nilihim ko lang yun sa magulang ko. Inabot kami ng buwan hanggang sa nalaman ng parents ko. Nagalit si Papa at takot na takot ako noon, hindi na niya ako pinapasok ng school at mag asawa nalang daw ako. Hiniwalayan ko noon ang kasintahan ko matapos ng 1 week na hindi ko pagpasok sa school. Mas pinili ko yung studies ko muna bago lovelife.

Yan ang ilan lang sa mga rules ng aking mga magulang noon na magpahanggang ngayon nakatatak na sa aming isipan. Gusto ko lang ibahagi ang aking naranasan noon, upang di ipaalam sa lahat na masama silang magulang kundi upang pasalamatan sila dahil kung hindi sila naging mahigpit samin hindi kami magiging mabuting anak at wala kami sa kinatatayuan namin ngayon.

Ngayong malalaki na kami at malayo sa kanila, namimis ko yung pinapagalitan ako noon at pinapalo. Noon di ko maunawaan kung bakit sila ganoon sa amin pero sa paglipas ng panahon, habang nakakaranas tayo ng problema sa buhay nererealized natin na tama ang ating mga magulan, na ginagawa lang nila yun para mapabuti tayo at huwag na huwag tayong magtatanim ng galit sa kanila. Kung magkakaroon man ako ng chance na magkaroon ng ibang magulang, sila at sila pa rin ang pipiliin ko.

Hanggang dito lang muna. Salamat sa pagbabasa!
Sponsors of Eries28
empty
empty
empty

Lead image source: from Unsplash

7
$ 0.13
$ 0.05 from @Zcharina22
$ 0.05 from @Jeansapphire39
$ 0.02 from @Khing14
+ 1
Avatar for Eries28
3 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Sis 6 kami lahat mgkakapatid, 3 boys/3 sisters kya pg nasa bahay lang kmi eh pwede na kmi mglaro. Konti lng bawas sa rules ng magulang mo kesa sa akin. Grvh palo ko non since elem to highskol kasi mahlig ako mglaro sa labas at kahit 1pm dpat tulog na kami sus tumakas ako para mkipag chinese garter sa mga kaibigan ko. At bawal kmi mtulog sa ibang bahay tlga kundi palo ang aabutin nmin

$ 0.00
3 years ago

Hehe. Di rin kami pedeng tumakas sis at nakakatakot mamalo papa ko. Minsan kasi hindi sinturon ang pinapalo samin kaya masakit talaga. Hehe

$ 0.00
3 years ago

Sis kahoy pinapalo sa amin ni tatay tska c nanay yung walis tingting talaga hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Maganda ang naging pagpapapalaki sa inyo ng parents nyo sis. Kudos!

$ 0.00
3 years ago

Yes sis. Mahigpit pero dyan kami natuto sa pagiging mahigpit niya at pinilit niya kaming makapagtapos ng pag aaral kahit mahirap ang buhay. Thank you sis.

$ 0.00
3 years ago

maswerte kayo sis sa parents ninyo...

$ 0.00
3 years ago

Ganyan din kami dati ,pero sa mga nakakabata kong kapatid hindi na nasunod.

$ 0.00
3 years ago

Oo sis sa mga bunsong lalaki namin hindi na ganyan. Hehe.

$ 0.00
3 years ago

Iba na kasi mga kabataan ngayon sis no😄

$ 0.00
3 years ago

Ganyan din parents ko sis, sobrang stict. Nagrebelde din ako dahil sa khigoitan nila sakin pero ngayon na may anak na ako naintindihan ko na ng mas malinaw kung bakit ganin sila.

$ 0.00
3 years ago

Mauunawaan lang talaga natin ang lahat sis kapag nagmamatured na tayo. Thankful pa din ako kahit strict sila kasi natuto ako sa buhay at naging mabuti naman kalagayan ko kahit papano.😊

$ 0.00
3 years ago

Strict din parents namin. 6 pm curfe, higaan mo ligpit mo din kmi.. Parang lahat ata ng nabasa ko sa article mo na dapat gawin at hindi dapat gawin ay nakaapplay din sa amin noong kabataan ko sis..hehehhe

$ 0.00
3 years ago

Ako din sis yan ang pahapyaw lang. Madami pa yan pero baka umabot ng ilang oras kung isusulat ko lahat. Hehe

$ 0.00
3 years ago

Walo din kaming magkakapatid tatlong babae at limang lalake magkakasunod din kaming mga babae tapos sunod sunod na din ang lalake.. Mas maganda nga yung strict parents eh madami kang matutunan..

$ 0.00
3 years ago

Tama sis. Noon di ko maintindihan paghihigpit nila pero ngayon naiintindihan ko. Missed my parents na.

$ 0.00
3 years ago

Hehe bisitahin na sila hehe

$ 0.00
3 years ago