read.cash Log in
@Emeline

@Emeline in May 2022

@Emeline

First of May Kagigising lang ,masarap ang tulog ko nakabawi na rin. Ganda ang sikat ng araw tirik na tirik. Habang kumakain ng almusal sa biranda ,nag enjoy ako tumingin sa pagsikat ng araw. Pagkatapos nito ,maligo ako at namnamim ang sikat ng araw habang nag exercise . Ganda ng buhay sa probensiya makapagrelax at makalanghap ng sariwang hangin. Ito ang namiss ko dito sa bahay namin sa probensiya. Lalo na ang manok sa umaga tumitilaok. Yan ang naging orasan nmin sa umaga…

@Emeline

Tigum River Ito ang tanawin na pinuntahan namin kaninang hapon ng akin anak . Namiss ng anak ko tong maliit pasiya ,dito naliligo noon . Every afternoon dito na sila nagtimpasaw sa ilog. Isa sa mga kalibangan nila . Kaya ngayon ,habang dito siya nagbakasyon ,binalikan niya tong lugar. Sympre para may remembrance siya dito nagpakuha ng picture sa akin. Hindi niya alam dito na siya nakarating sa @noisecash natin. Ibang iba na ang mukha ng Tigum River noon kompara ngayon. Noon…

@Emeline

Blossom Monday Araw ng abala sa gawain o araw ng pasokan nman. Pero kung buhay probensiya hindi ko maradaman yan. Kung ganito ka ganda ang paligid ko dito Hindi ko mamalayan ang mga gawain tapos na Pala. Ang mga bulaklak parang simbolo na mayroon din tayo maganda buhay.may ibat ibang klase at katagian ang bawat isa.ganon din ang buhay natin. Nalalanta at sumisibol ulit Kung may problema may pàg asa. Gustong gusto ko dito magbakasyon matagal kaso hindi pwede dahil nga may mga…

@Emeline

Plano ko na bukas nalang kami uuwi, ngayon hapon sana kami babalik ng Aklan. Kaya bago kami magkahiwalay ng mga kapatid ko ,napagkasunduan nmin na besitahin ang puntod ng tatay namin. Birthday niya ngayon,pero 22years na siya nawala sa amin.lumaki na kaming walang tatay. Kaya kung ano mayroon kami ngayon ,Basta tuwing birthday niya pinagkasunduan nalang namin na magkaroon kami ng kunting salo salo kahit papaano magkita kita kami tapos sabay sabay magbesita sa puntod ni tatay…

@Emeline

Thank you for the sun. The one that shines on everyone. Who feels love. Maliwalas ang panahon Maagang lumabas si haring araw. Ito lagi ang inaabangan ko habang nag exercise sa umaga para makahingi ulit ng Vit.D sa kanya. Martes na ilang araw na ako dito sa bahay ni nanay.. kailangan ko na umuuwi mamaya ,kahapon hindi kami natuloy humirit pa ng Isang araw. Pero kung ganito ang buhay sa probensiya talagang masasabi ko wala ka talagang planong umuwi pa. Maliwalas ang…

@Emeline

Bye for now Cabatuan Papunta palang kami sa bahay ni Nanay ang saya saya namin.excited ang lahat. Pero ngayon pauwi na kami parang malungkot kami.mas gusto sana namin tumagal dito sa bahay ni nanay pero hindi pwede bukas may klase at may pasok narin ang asawa ko. Ito mga larawan na to daan papuntang sa bayan nila dahil barangay pa kami nakatira. Marami mga punong kahoy sa daan . Nagbigay shade sa mga tao dumaan dito. Kahit mainit kung maraming kahoy malaki ang tulong niya…

@Emeline

Nakakain na ba kayo ? Ako bumili nalang ng letson manok para sa hapunan namin . Ayaw ko na magluto dahil napagod na ang katawan ko sa biahe. May pansit na pinadala ang kapatid ko ,ininit ko nalang para pandagdag sa ulam namin. Bukas nalang ako magluto ng gulay. Kakatapos lang namin ng kain,kaya tambay muna kami dito sa labas ng bahay. Maaga pa naman matulog,Tamang tama lang matunaw ang kinain ko. Habang dito ako sa labas napansin ko ang halaman ko matamlay dahil tuyong tuyo…

@Emeline

Me and the Sea I have always loved the beach . The smell of the salty water. The wind in my face, The gentle roar of the waves all combine to create a sense of peace and calm. Isang larawan ko na gusto ang dagat pero takot lumagoy .nag enjoy lang magtampisaw sa isang tabi. Natutuwa habang naglalakad parang nakadikit at kasundo ko ang langit. Picture ko last week pa to ,na kung saan nag celebrate ako ng birthday ko sa isang resort.nakita ko lang pàg scroll ko sa gallery ko…

@Emeline

Pumunta kami ng asawa ko ngayon sa bahay ng ka officemate niya may kailangan ayusin na papers tungkol sa opisa nila ..dahil nasa travel kanina alanganin na dumiretso sa opisina nila kaya puntahan nlang ng asawa ko. Pero bago yan pinupunta ako ng asawa ko sa opisina niya para samahan ko daw . Sa biahe ramdam ko talaga ang init tumataginting kahit pahapon na. May dinaan kami na maliit na tindahan nagbebenta ng halohalo kaya huminto kami at bumili. Medyo nagmamadali ang partner…

@Emeline

Good morning Philippines Good morning noisemate.. Oras sa Pilipinas 2am na ngayon.. Maaga ako kanina natulog , kaso lang nagising ako sa masamang panaginip ko . Hinahabol ako ng isang malalaking aso na gusto kagatin . Dahil takot ako sa aso mula noon kagatin ako.takbo ng takbo ang ginnagawa ko.Hanggang may isang malalim na bangin at takot na takot ako mahulog doon.at nandiyan na aso palapit sa akin. Sigaw ng sigaw ako na humihingi ng tulong baka mahulog at kagatin ng…

@Emeline

Good morning Thursday 💞💞 Nakaalmusal na ba . Ako nagluluto pa lang dahil late na ang gising ko . Nakatulog ako ulit kanina pagkatapos ng masamang panaginip ko.kaya nakabawi. Plano ko maglaba ngayon ,maganda ang sikat ng araw.sigurado tuyo ang mga labahin ko. Pero bago yan kakain muna ako at maligo para diretso ang trabaho at iwas pasma. Share ko lng to ang mga manok ng Nanay ko ,ito ang pinapakain ng bunso ko tuwing umaga doon sa likod ng bahay ni lola niya habang nasa…

@Emeline

Fresh Aquarium This afternoon we decided to clean our aquarium, dahil matagal na ito hindi nalilinisan. humingi ako ng tulong sa aking mga anak sa pagbubuhat at paglagay ng tubig. But, as I was about to transfer the fish onto the separate container, napansin ko nanghihina ang tatlong isda. After putting all the crafts, nilagay ko na yung mga isda sa aquarium ngunit nakakalungkot dahil namatay ang tatlong isda. Pagkatapos linisin ang aquarium ako ay nag pahinga at tumambay sa…

@Emeline

Hello sa lahat Good morning kaingay... Kagigising lang medyo na late ako ,ano oras na naman kami nakatulog. Sa unang larawan ,habang gumawa ang asawa ko ng report sa opisina nila ,nag inuman sila ng anak ko.tinutulungan kasi ng anak ko na lalaki para madali matapos. Nasa tamang edad nman ang anak ko,at ito lagi niyaya ni papa niya para may kasama sa inum. Para hindi boring daw tagay daw silang dalawa.tamang tama naman may binigay na alak ang kapatid ko kaya hayan tinira nila…

@Emeline

After a huge feast, we went out to catch a breeze. Since it's friday we expect nothing much but to relax. Nagpahinga dahil tapos na ang trabaho ko at walang klase na ang mga bata kung baga tinapos nila ang module ng maaga para makalakwatsa sa dagat. Ang sarap sa dagat lalo nang alam mo hindi lang ito maganda tignan kundi lugar kung saan makakahinga ka ng maluwag. A comfort place, walang masyadong tao dito kaya kumuha kami ng maraming pictures, naligo ang mga bata at…

@Emeline

Good morning noise friends😘😘 It's Saturday, and it's time for other's to relax, while I can't. I need to do my laundries, but before I wash them, I took a walk here in this open area. I'm thankful for God for giving us another day to be able do the things we must and should. A day we can happily have. Sana itong sikat ng araw maging simbolo ng pagbabago sa atin buhay. After walking,pahinga muna ako,bago uminom ng kape para makasimula magluto ng almusal namin. Naghihintay na…

@Emeline

Pumunta ako sa bayan ng kalibo kanina mga around 9am para may I follow up ang papers sa motor namin dahil palapit na maexpire ang rehistro ng motor namin. Mahirap na kung hindi marenew agad,ginagamit kasi ng anak ko kung pupunta sa school kung may klase kaya obligado talaga si papa niya magrenew.alam natin hindi to makasave ng buhay .iwas huli lang at incase may habol Tayo kung ano mangyayari sa daan kung mayroon ka kompletong dokumento. Nadaanan ko kanina ang gilid ng plaza…

@Emeline

Grilled pork for dinner.. I went to the bank to check my balance inquiry and thank God we received my husband's salary. Maaga dumating,pag alis ko palang sa bahay pasalubong agad ang belin ng mga bata. Sabi ko pagdumating ang sahod ni papa niyo ipagbili ko kayo ng baboy o manok yan nalang ang pasalubong ko para may ulam tayo sa hapunan. Para isang gasto nalang. Hindi nabigo ang mga bata,laking tuwa nila inihaw na baboy ang ulam nila ngayon hapunan. Minsan lang ako bumili…

@Emeline

Hello ka noisemate!!! good morning Maaga gumising lutuin ko muna tong natira Kong saging kahapon. Maraming saging pinadala si mother last time pàg uwi namin sa amin probensiya.hilaw pa to galing doon ngayon hinog na at ang bilogan ng mga saging. Ito gawing kong pan almusal ,may dalawang piraso at isang tasang kape busog na ako mabigat na sa tiyan. Dito ko sa kahoy niluto para tipid medyo matagal kasi ilaga to .sayang ang gasul ko. Pagkatapos ng almusal ko mamaya plano ko…

@Emeline

I went out earlier to attend church and got groceries. After I got back, I checked my inbox and it's very overwhelming to see all the greetings they've send me for mother's day. My husband, kids, sister, and friends. Couldn't thank even more. Masasabi ko sarili ko kahit walang handa o pera, feeling ko napakayaman ko na,mayaman sa friends na halos bumabati sa akin.nakakataba ng puso. Lalo na mga kapatid nandiyan din sila. Napakabusy naman ng cellphone ko ngayon . Salamat…

@Emeline

Good morning ka noisemate!!! Ready na ba kayo bumuto??? Ako mamaya pa tapusin ko muna trabaho ko bago magpila doon. Alam ko ngayon palang daming tao na ,sumilip ako sa balkonahe namin dami na dumaan sa harap namin para bumoto ,malapit lang kasi kami school. Magkape muna ako ,Tara na sabayan niyo ako. Dito tayo sa balkonahe ko.saging at left over na spaghetti tapos paresan ng mainit na kape. Habang umiinom sabay rin mag papainit ky haring araw ,ganda ng sikat niya.pero kagabi…

@Emeline

Hello kaingay,magandang hapon. Halos nakaboto na ang lahat ako nasa pila parin kaninang pa ako dito. Sobrang isang oras na.pagkatapos ko kumain ng tanhalian diretso agad ako dito akala ko kunti na ang tao dios ko!! Grabi dami parin ang tao at Ang sikat ng araw nakatapat pa sa pila ko. Parang nasunog ako.ang sakit ng sikat ng araw sa balat ko. Para hindi ako mainip binaling ko nalang ang sarili ko sa mga bulaklak na to. Buti nalang ang mga gaganda nila kaya naaliw ako. Hindi…

@Emeline

Breakfast Done Maaga gumising ,balik trabaho na ulit si mister at may klase narin ang mga bata. Miswa na may sardinas ang ulam namin ngayon at may partner na pritong tuyo. Masarap siya dahil nilagyan ko ng gulay na patola. Kakatapos ko lang kumain. Habang dito ako balkonahe ko nagkinig ako ng radyo kung sino na ang nanalo. Si Leni man o si BBM irespeto nalang natin. Marami din natuwa dahil panalo ang manok nila. Mayroon din nalungkot at nagalit pa dahil talo ang manok nila.…

@Emeline

Nag enjoy kay Tamtam Enjoy na enjoy ang bunso ko doon sa likod ng opisina ng papa niya. Halos makakita siya ng aso takot siya baka kagatin.kanina habang nakatambay kami doon sa likod dahil kumuha kami ng mangga may aso lumapit sa bunso ko. Ang pangalan Tamtam. Tumakbo siya papalayo pero hinahabol pa rin siya.Huminto nalang siya at hinwakan ang likod ni Tamtam sabay haplos . Akala namin hindi siya mabait ay naku !!paghinaplos haplos mo yon likod niya naglalambing pa ang…

@Emeline

Insaktong 3:30ako ginising ni bunso dahil sumakit ang tiyan niya hanggang ngayon. Kawawa naman maiyak itak na siya sa sakit. Hindi ko alam kung ano ang rason.wala naman ibang kinain kang gabi yong hapunan namin tinolang isda. Baka nalamigan lang tiyan niya. Mainit na tubig pinainum ko sa kanya at linagyan ko ng efficascent ointment ang tiyan niya para lang maibsan ang sakit . Ilang beses na rin ng Cr pero ganon parin daw. Ilang oras na kami dito sala ayaw niya na pumasok sa…

@Emeline

Hello kaingay !!!kamusta na kayo??? Akala niyo birthday no? Hindi noon mother's day pa yan,araw na kung saan sinopresa namin ang ulit ang nanay namin. Nakita ko to sa gallery ko ngayon ,Sabi ko share ko nga ito ,dito sa #noisecash natin.. Akala mo buburahin ko yon mga picture na kailangan ko naflex.kailangan dito lang yon picture ni nanay pàg mamiss ko siya dito ko nalang tingnan sa gallery ko kung wala akong pantawag. Isang alaala lang to kung saan pinaiyak namin si Nanay…

@Emeline

Kakarating ko lang galing palengke bumili ako ng ulam para bukas . Maaga bukas papasok ang asawa ko kaya ngayon palang nakahanda na ako. Napansin ko lang ang mga daan kahapon kumpara ngayon iba na. Ngayon marami na sasakyan dumadaan at busy na ang kalsada at maraming isda na sa palengke. Kahapon :halos walang sasakyan dadaan parang nag lockdown ng isang araw at napansin ko wala din isda kahapon sa tindahan. Hindi ko alam kung ano nang yari baka nagcelebrate sila dahil panalo…

@Emeline

MOSS ROSE Magandang umaga sa inyo lahat,,, Pero mas maganda pa kayo sa umaga ka noisemate... Magandang bulaklak sumasalubong sa akin ngayon umaga.. Nakakataba ng puso kung makikita mo namumukad sila. Maliliit na klase na bulaklak pero may nakakaiba din sila ng taglay na kagandahan. Isa siya sa grupo ng succulent ang kanyang dahon at stems. Kung tawagin sa amin ay "alusiman" pero sa iba ang tawag dito ay "Moss Ross" , hindi ordinaryong alusiman daw ito . Iba yon alusiman kung…

@Emeline

Bago ko umpisahan to pagkain ko flex ko muna sa inyo ang ulam ko na gulay. Kanina ko pa to niluto mga 10am ,ngayon lang ako kakain kasi kakarating ko palang galing ng bayan ng kalibo. Schedule kasi Ng vaccine ni bunso ngayon. Hindi naman late ang tanghalian ko tama lang naman to ah kaya nakisilip pa dito bago mag umpisa ng kain. Kayo ano ba ulam niyo? Kahapon ko pa to binili kaya maaga ako nagluto kanina .pero yon ulam ko sa almusal sinain na isda na tira pa kagabi. Maparami…

@Emeline

Lugar na maraming negative ion.. Pumunta kami kanina mga 4pm ng asawa ko para magtanong lang kung magkano ang smoketest ng sasakyan ,malapit na kasi ma expire ang restro. Mga dalawang buwan siguro nakalipas kumuha ang anak ko ng license driver ngayon restro naman ng sasakyan. Ang gasto pala!! Malapit sa isang dagat ang opisina nila, kaya may time din ako maglanghap ng sariwang hangin. Tumanbay kami doon ,sobrang isang oras. Sabi nga nila maganda ang hangin sa dagat na kung…

@Emeline

Kung lagi pula si BCH sinabayan din ng langit. Parang hindi rin magpatalo,Puro pula ang labanan ngayon pati si BBM. Kuha ko to kanina galing ako sa likod ng bahay ng kapitbahay namin .May kinuha akong importante para bukas sa paaralan ng anak ko. Napansin ko agad to.Bago ako umuwi o pumasok sa bahay kinunan ko muna. Kaya siguro kanina masyadong mainit ,yon pala ang kalawakan ay parang kulay lava na. Pero sa totoo lang ganda ng kulay niya kanina tingnan , doon din kami…

@Emeline

Coffee with Biko Tara na kape tayo ....kape muna tayo bago simulan ang lahat para mainitan ang tiyan. Tira to kahapon na Biko na binili ko sa 5abing dagat . Try ko din ang Choco coffee kung masarap ipartner sa Biko pero may pagkamatis masyado. Masarap pagkaluto ng Biko makapal ang topping niya at mabango .Hindi ko alam kung ano tawag sa inilagay nila na topping, importante masarap ,pasado na yan sa akin sulit na ang bili ko. Today is Friday!!!bukas walang opisina kaya bawi…

@Emeline

Headache Dahil kahapon schedule ni bunso sa vaccine kaya sakit sa ulo ang inabot niya. Medyo may sinat kunting at mabigat ang katawan niya kaya halos buong umaga nakahiga lang siya. Natural na reaction lang naman to sa lahat nagpabakuna. Paracetamol lang naman ang katapat niya para gumaan ang pakiramdam niya. Takot na siya lumabas ng bahay dahil bagong vaccine Siya...hahaha may ganon na siyang nalalaman.Hindi niya alam protektado na siya ngayon laban sa virus... Pero mabuti…

@Emeline

Avocado shake Sobrang init kanina hindi mapigilan ang mga bata humingi ng halohalo ,sa kabilang kanto may nagtitinda doon. Napaisip ko apat kami lahat kakain tag 50 pesos pa naman ang order kung sa tag50 apat kami 200pesos yon lahat ,,diba mahal na yon sa akin..pwede ko na yon ibili ng pan ulam namin. Naalala ko may avocado sa refrigerator namin para hindi na magasto ginawa kong avocado shake. Binilhan ko nalang ng evaporated milk at may icecube naman kami da ref . Laking…

@Emeline

Maaga pa rin gumising!!! Walang pasok ang mga bata at opisina . Sabi ko babawi ako ng tulog ngayon,pero hindi ko parin nagawa nakagising talaga ako ng maaga. Bumangon parin ako kanina 5:30am at nag init ng tubig para magkape.. Yan na ang nasanayan ko araw araw maliban masakit ang ulo ko.pagkatapos ko uminom ng kape diretso na agad ako sa hardin ko. Habang hindi pa masakit ang sikat ng araw dito muna ako para diligan sila at dinagdagan ko ang mga kaan na kunti nalang ang lupa…

@Emeline

Bananaque Meryenda tayo !!! Meryenda ng kapitbahay ko pumunta ako doon humingi ng gulay,pero naging Marites pa ako doon sa kanila. Inalok nila ako mameryenda ng bagong luto niyang bananaque ,ayaw ko sana pero namimilit kaya hayan nakaplastar sa balkonahe nila habang nag kwentuhan ... Nakakahiya naman tangihan , pero sa totoo lang sarap ang niluto niya lalo na mainit init pa. Maligamgam nalang na tubig ang pantulak ko. Salamat sa kapitbahay ko humingi ako ng gulay niya may…

@Emeline

Weather ☁️☁️ Kanina ganito kalinaw ang kalangitan,parang cotton candy ang mga ulap. Sobrang init at maliwalas ang panahon... Pero ngayon biglang nagkulimlim ang panahon parang gusto na niya ibuhos ang lahat na galit niya at bigat niyang dinadala. Dumilim at umaambon bigla. May lakad pa naman kami ngayon pero kung ganito na panahon madilim at umaambon ipagliban nalang namin. Sigurado ako uulan to malakas mamaya. Kaya plano ko lahat ng halaman ko ipalabas ko na para makatikim…

@Emeline

Bloody afternoon!!! Naalala niyo kanina nag post ako ng panahon dito sa amin ,sa umaga ang linaw ng kalagitan tapos sa hapon bigla naman dumilim at umambon. Akala ko uulan na ng malakas yon pala tinapon lang ng hangin. Mga bandang 6pm ganito na naman ang kinalalabasan ng panahon. Pulang pula ang kulay ng langit parang may himagsikan. Nabigla ako habang naghuhugas ng plato sa kusina nakita ko ganito na ang kulay ng langit.. Kinuhaan ko siya sa likod ng bahay namin to kanina…

@Emeline

Kape at Kamoteng Kahoy Akala ko hindi na uulan ??kahapon pa kasi makulimlim ,pero ngayon paggising ko totoo na dumating na talaga siya. Alam ko na kung bakit masarap ang tulog malamig pala ang panahon .Umulan na! Hindi ko namalayan umulan siguro madaling araw na kasi anong oras na ako nakatulog Hindi pa umulan. Late ang gising ko alam niyo na ang dahilan.... Kaya anong oras na pa 8am na pala to... Nakaramdam ako ng gutom,nagtimpla ako ng kape at may kamoteng kahoy sa…

@Emeline

Parlor Time Hindi ako ang magpapaganda ha.. May sinamahan lang ako dito papuntang parlor. Mamaya ko na lang sabihin sa inyo kung tapos na. Ayaw niya kasi paalam nahihiya siya,lalo na pàg alam niya post ko dito. Mahiyain klaseng babae to.. Alam niyo 11am pa kami dito, hanggang ngayon hindi pa kami nakauwi,pero patapos na rin. Mga ganitong klaseng papaganda sa buhok kailangan paglaanan talaga ng oras. Nag biscuit nalang ako habang naghihintay.kumain naman kami bago umalis.…

@Emeline

Pinaganda ng Saloon Tararaaannn!!!! Ito na ipakilala ko na sa inyo ang batang mahiyain ,mahinhin walang iba ang bata nakaupo sa isang parlor kanina.Ang aking nag iisang anghel ...Angel sa tunay na pangalan. Ayaw na ipakita ang mukha niya baka daw makaabot na nman kung saan ..😂😂 Pero may katigasan ang ulo ni mama niya hindi parin mapaawat. Kahit hindi niya alam ninakawan ko parin ng picture. Pàg uwi namin kanina halos hindi makaalis alis sa salamin sa bago niyang kulot na…

@Emeline

Tortang talong... Tapos na kami kumain kanina pa ako gumising .Maaga din ako nagluto para maaga di makapag almusal .Tortang talong ang ulam namin kaso lang walang partner wala din kaming catsup pero naubos pa rin.Maagang pumunta ang asawa ko sa kanilang opisina may kailangan lang tapusin. Habang nang doon siya tinatapos ko din ang trabaho ko dito sa loob ng bahay. Plano namin mamaya 10am uuwi kami ng Iloilo. Kaya kailangan tapusin ang dapat tapusin ako pagkatapos nito sa…

@Emeline

Ready na 1 2 3..... Kanina pa to nakahanda pero mag 2pm na Hindi parin kami nakaalis dahil lahat busy ang asawa ko hindi makaalis alis sa office nila dahil nga darating naman ulit ang director nila bukas dito sa office nila ..Hala!!!parang kinakabahan na ako kung tutuloy ba o hindi na. Sumabay din ang anak ko doon parin sa school nila hanggang ngayon dahil sa pila magbayad para sa final exam nila. Kung saan may pupuntahan kami maraming asikasohin dahil araw ng lunes at…

@Emeline

Nakarating din sa wakas.. Madilim na kami kanina nakarating sa amin ,bandang 7am na. Akala ko hindi na kami uuwi dito sa bahay ng Nanay ko.Buti nalang kahit anong oras tuloy parin. Kuha ko tong picture kanina habang sa biahe kami daan patungo sa amin,at ang paglubog ng araw. May mga lugar na umuulan , mayroon din makulimlim pero itong kuha ko malapit na sa bayan ni nanay maganda ang panahon. Hindi parin ako nakatulog dahil umiinom sila isa na doon ang asawa ko.hinihintay ko…

@Emeline

FEEDING TIME Ito agad ang ginawa ko sa bahay ni nanay ang magpakain ng mga manok. Pàg open mo ng pintuan sila agad makikita mo ,nasanay pala sila sa ganitong oras pinapakain na sila ni nanay . Pero maganda sa pakiramdam na sila agad naging bungad sa paggising mo. Sa ngayon ako muna nagpapakain sa kanila,miss ko ang ganitong buhay dito sa amin noon maliit pa kami tuwing umaga tinuturuan kami ng tatay at Nanay namin magpakain ng manok at baboy noon. Napansin ko isa sa kanila…

@Emeline

Prince of Orange Hello kaingay nakakain na kayo?? Labas mahilig sa bulaklak tulad ko. Unang tingin ko palang sa halaman ni Nanay nagustuhan ko agad to. Habang kumakain ako ng almusal ko kanina doon talaga ang mata ko nakakatitig sa kanya. Parang na inlove ako sa bulaklak na ito. Sabi ni nanay mahal daw to bilbilhin lalo na sa nagbibinta ng mga bulaklak sa mall. Binigay lang ng kapatid ko sa kanya to Ay naku!kung pwede lang sana kita ampunin ,ampunin talaga kita, kaso baka…

@Emeline

Birthday party!!! Pàg sinabi na party lahat ng diyan na,sayawan , kantahan, at lalo inuman etc. Hanggang ngayon gising pa rin ako ,pilit ko pinipikit ang mata ko pero ang tainga ko rinig na rinig niya ang inggay sa labas . Isang kantahan hanggang ngayon hindi pa rin tapos. Buti nalang medyo malayo ang agwat ng bawat bahay dito. Kaya Malaya mo magagawa mag ingay dahil hindi naman makarestorbo sa iba. Birthday ng pamankin ko ...kaya nag enjoy Sila ngayon gabi...kantahan habang…

@Emeline

F O G Feeling December ang umaga ko ngayon , umulan kagabi at madaling araw. Kaya ngayon umaga sumilip ako sa bintana kung umuulan pa o hindi na. Nabigla ko nakita ko makapal na fog , tapos sobrang lamig. Sarap sana itulog ulit ,pero nag pakulo nalang ng tubig para magkape.. Habang humihigop ng mainit na kape tinitingnan ko ang paligid ng bahay ni nanay. Makapal ang fog ,mainggay ang huni ng palaka at ang tilaok ng mga manok. Ang grabi pala ang kokak ng palaka kung…

@Emeline

Beach Time Nagising ng maaga Kumain ng maaga Nagprepare para umuwi sa Aklan Pero sa dagat pa ang amin destinasyon.. Biglang liko ang daan namin nagyaya mag pa dagat... Natuwa ang mga bata sa biglang Plano. Kakarating palang namin dito sa dagat.. Kahit ilang oras lang kami dito sulitin na agad ,. Malayo ang dagat sa amin kaya kailangan paglaanan dapat ng oras ito . Hindi tulad sa amin sa Aklan 5min.lng nandiyan na agad ang dagat. Sinamahan kami ng maganda panahon ,kaya…

@Emeline

Horseback riding🐎🐎 Kanina doon kami sa resort, pagkatapos ng ligo ng mga bata sumakay sila sa kabayo.ang pangalan niya ay si Isabel. Tuwang tuwa si bunso nakasakay sa kabayo .. firstime niya ginawa to ,natakot pa siya kanina ,ng makita niya ang maliit niyang cousin bigla siya nabuhayan kaya nagkaroon din siya ng lakas sumakay ky Isabel. Sa alalay ni Manong sa kanya natupad ang pangarap niya sumakay. Si Isabel ay isang malakas,at may magandang kulay na nagustuhan ng mga…

@Emeline

Good morning mga kaingay ko!!!! Dito ako ngayon sa harap ng bahay ni nanay .. Malamig !!Ganon padin sa umaga makapal ang fog ,para hindi masyadong makaramdam ng lamig ,nagwalking nalang ako pabalik balik dito lang sa harap ng bahay at hardin. Napansin ko tong hardin ni nanay maraming bulaklak pero nagkalagasan ito sa lupa.simpleng tingnan at maganda ang kulay. Nakalimutan ko na ang pangalan nito ,gusto ko itanong ky Nanay pero tulog pa siya ,napagod siya kahapon sa amin…

@Emeline

Masakit na sa balat ang init at pinapawisan ka sa sobrang init ng panahon. Pauwi na kami ng Aklan , pero alanganin sa oras huminto kami at kumain.. Dalawang oras na kami nasa biahe , nakaramdam na ng gutom ang mga bata . Kumain at nag halohalo muna kami bago naman lumarga. Ganda ng mga ulap sarap abutin ng mga kamay ko parang cotton candy ... Habang sa biahe tinitingnan ko nlang sila para malibang ako hanggang makarating sa amin Palamig muna kami para maibsan ang init..…

@Emeline

Heavy cloud Kanina grabi ang tindi ng init halos gusto ko abutin ang mga magagandang ulap. Maliwalas ang panahon .pero ngayon biglang nag iba.. Kanina kung puting puti ng mga ulap at magànda sa mata ko.ito na ngayon,sobrang itim na siya at nakakatakot dahil may dalang pang kulob. Gusto niya na ibuhos pero hindi parin niya magagawa.dinadala siya ng hangin palayo.umaabon pero saglit lang at biglang nawawala . Parang tao gustong umiyak pero pinipigilan niya. Sayang hindi niya…

@Emeline

Adobong manok Dahil maaga ako kanina natulog , nakagising ako ng ganitong oras para mag Cr .pero bumalik ako sa higaan hind na ako ulit.. Naramdaman ko ang bigat ng ulo ko ,Wala naman akong lagnat,basta ang ulo masakit parang lutang ako kung maglakad. Kumain ako buti nalang may tirang adobong manok at kanin. Kahit kunti pilit ko kumain para makainum ng gamot na paracetamol . Agad naman ako bumalik dito sa higaan kahit gising ang kaluluwa ,Basta makapahinga ang katawan.…

@Emeline

Masayang umaga sa lahat❤️❤️ Oras ko na pahinga ngayon ,kahit anong oras nakatulog ka gabi ,pero nakagising parin ng maaga. Sinimulan ko ang lahat kanina sa walking exercise papuntang dagat na malapit sa amin. Pagkatapos pàg uwi nagluto at nag alamusal. Kaya pahinga muna ako dito sa amin balkonahe habang nag kikinig ng Christian song sabay tambay na rin dito ky #noisecash. Plano ko sana mag laba nalang ngayon ,pero ang panahon hindi ko maintindahan parang biglang makulimlim…

@Emeline

Grilled fish.. Halos sa atin siguro nakakain na ng tanghalian Anong oras na ilang minuto nalang 2pm na. May dalang isda ang asawa ko galing sa boss niya binigay sa kanya "bukaw bukaw"kung tawagin sa amin . Masarap siya ihawin ,matabang klaseng isda kasi to .kailangan may sawsawan Siya. Inihaw ko agad para ulam namin ngayon tanhali. Anong oras na gumising ang mga bata kanina kaya ok lang pàg late ang tanhalian namin busog pa naman sila. Ang asawa ko hindi naghintay ng inihaw…

@Emeline

Theme:Mobile Legend Dito ako sa isang birthday party ngayon. Natawa ako sa batang sampung taon gulang ,Ang request niya kay mama niya sa birthday party niya ang theme mobile legend. Alam naman natin lahat pagdating sa laro isa sa sikat ang mobile legend. Halos na ang mga bata naglalaro narin nito. Itong anak ng kaibigan ko adik na sa larong mobile legend.maaga pa tinatapos na niya agad ang module na para makalaro..Buti nalang sinusunod niya ang utos ng mama niya kung hindi…

@Emeline

Hello !! Ito naghanda ng saring sari gulay ,Hindi na kailangan magluto na himay himayin ko nalang at hugasan ready to eat na agad. Need kasi natin to kung minsan para cleansing sa mga kinakain natin lalo na kung maraming iniinom na gamot at mahilig sa mamantikain. Ito na ang almusal ko bago umpisahan ang mga labahin ko mamaya na ako magluto wala nman opisina at pasok kaya hindi ako abala sa pagluto. Tara na kain tayo sabayan niyo ako ,sarap crunchy ng mga gulay..sana…

@Emeline

Nagyaya ang asawa ko pumunta sa bayan para magtanong tanong sa presyo ng baterya ng sasakyan namin dahil ilang beses na sa umaga pàg pinaandar hindi na gagana. Ilang taong na kasi ginagamit naghahanap na ng kapalit,hindi naman pwede hayaan lang anong oras tinatawagan siya sa opisina para magtravel kaya kailangan laging nakahanda . Mahal pala ang presyo ng battery ng sasakyan kompara noon ang laki pagtaas niya.mabigat na sa bulsa.ganyan talaga mahal ang maintenance pàg masira…

@Emeline

Parang uulan pero hindi naman tutuloy to ganyang lagi ang panahon dito sa amin , umaambon lang pero ang ulap maitim. Kaya maaga ako ngayon nagluto ng hapunan namin. Sinabawan isda ang ulam namin . Lahat na trabaho ko ngayon natapos na sa wakas. Gusto ng asawa ko uminom kahit isang bote lang ng redhorse kaso lang iniisip niya na may gamot siya iniinom ..Iwan ko mamaya kung iinum siya..nagdalawang isip Ako naman biglang naalala ko yon pagpunta namin sa beach noon isang araw…

@Emeline

Nilagang saging at mainit init na kape kayo diyan,. Maagang nagising at nag luto ng saging ,galing pa to sa amin probensiya. Ito na akin almusal solve na ako. Mamaya nalang ako magluto ng ulam namin.balikan ko muna kahapon ang mga sinampay ko hindi pa tapos. Tapusin ko ng maaga ang trabaho ko para makapagsimba na rin ako . Happy Sunday everyone...

@Emeline

Basta masaya si Nanay masaya din ako para sa kanya. Kanina tawag ng tawag siya sa akin pupunta daw sila sa antique para mamasyal doon. Gusto niya pumunta di kami doon,kaso lang Hindi kami natuloy dahil nga ang baterya ng sasakyan nagloloko na. Doon na sila pawang tawag parin siya na maganda doon ang lugar na pinuntahan nila. Puro kwento nalang ang inabot ko at picture na pinapadala sa messanger ko. Sympre hindi rin ako natuloy doon , nahihinayang rin....nakakainggit!!pero…

@Emeline

Malakas ang ulam dito sa amin kaya nakatikim naman ng tubig ulan ang mga halaman ko. Bago mag kape ako kanina pinalabas ko muna ang halaman ko sa paso nasa balkonahe para maulanan din sila. Ng lumakas na ang ulan nagkape na rin ako ,habang humihigop ng mainit ng kape sabay din tingin sa patak ng ulan tumatama sa dahon ng mga halaman at bulaklak ko. Masigla at matataba naman sila nito kung palagi ganito umuulan. Salamat bumagsak din siya sa lupa at sa mga pananim ilang araw…

@Emeline

Solar street lights Mula Barangay Andagao hanggang Airport sa Barangay Pook napakaliwanag ng daan nila dahil sa kanilang solar street lights. Kahit hatinggabi gabi kapa dadaan hindi ka matatakot dahil ang liwanag ng daan parang umaga lang. Maiwasan na rin ang desgrasya sa gabi lalo na mga motorista na lasing kung gabi na umuuwi. Kakauwi lang namin ng asawa ko mayroon siyang tinatapos sa opisina na kailangan mapadala bukas sa Regional office nila . Habang sa biahe pauwi…

@Emeline

Lunes!!!araw ng pasokan at opisina na naman.. Kamusta kayo mga kaingay naka almusal na ba kayo?? Ako kanina pa nakaluto ready na ang mesa ko para paggising nila kakain nalang. Piniritong itlog,tuyo at talong na may sawsawan. Mamaya naako magluto ng gulay para may sabaw para sa tanhalian namin. Pasahan naman ng module ng mga bata at exam ng anak ko sa kolihiyo kaya akin lahat ngayon ang trabaho sa loob ng bahay.Hindi ko na pwede mautusan to tiis muna ako ngayon hanggang…

@Emeline

Kung nagbibinta ako nito sigurado marami na akong pera.ilang kilo na naman ang order ng Director ng asawa ko . Lulutuin ko ngayon pagkatapos ipadala ko sa isang Ceres liner para makarating pa doon sa Iloilo. Anim na kilo lahat ito tapos tag 650 ang per kilo naku mahal hindi ko kaya ng bulsa ko kaya pinaldahan nila ako ng pambili nito..libre lang luto para kakain nalang sila pagdating doon. Birthday ng asawa ng director ng asawa ko kaya gawin panghanda mamayang hapunan .Tama…

@Emeline

B A T S O Y Pain init sa maulan na panahon.. Pagkatapos namin pinadala ang alimango sa Ceres liner diretso agad kami sa isang restaurant kung saan may batsoy . umuulan kanina kaya gusto kong humigop na mainit na sabaw. Pansit molo soup ang gusto ko iorde kaso wala silang stocks daw naubusan sila kaya batsoy nalang. Masarap naman ang batsoy nila parang lapaz batsoy din .maraming sahog at malasa ang sabaw kaya pinawisan ako. Hindi na Ako kakain ng hapunan ,pero ipagluto ko ang…

@Emeline

Tirik ang sikat ng araw. Tirik ang sikat at Ang araw ay maganda,kaya gumising at bumangon kana. Ganito ang sasalubong sayo sino naman hindi ganahan umpisahan ang trabaho ng maaga para mamaya magpahinga kanalang dahil agang aga pinapawisan kana. Hindi na ako walking exercise paggising ko gising na rin si haring araw,kaya nagluto nalang ako agad..sigurado grabe ang init nito mamaya ngayon palang feel ko na pinapawisan na ako pabalik balik sa kusina.. Sana papalain tayo ng…

@Emeline

Upgrading internet connectivity Lagi nalang mahina ang internet speed lalo na kung masama ang panahon. Ang mga bata umaangal kung mayroon research na kailang gawin sa school pati narin ang asawa . Kaya napag desisyunan namin na upgrade nalang para hindi na magkaroon ng problema kung oras ng online class nila. Sana tuloy tuloy na maganda ang internet speed para makatrabaho na ng maayos ang asawa ng kanya mga report.tapos sa mga bata narin na tapos ang module hindi na maabala…

@Emeline

Foggy clouds Ganda ng kalangitan parang may bumubuga ng usok ng sasakyan , O kaya parang usok ng sigarilyo ,ano pa ba?,pwede din usok ng isang pabrika na naggiling ng tubo. Napaka puting puti ng ulap na makikita mo napakaganda ng panahon kanina. Tirik ang araw at maliwalas ang panahon. Ito kanina ang ulap na doon ako sa bayan . Ngayon hapon ito na naman parang uulan at pakulimlim ang panahon. hindi na masyadong mainit tulad kanina. Bago dumating ang ulan tapusin muna namin…

@Emeline

Taraanngg!!! Luto na para sa tanhalian ang sweet and sour na isda gurayan ang tawag dito sa amin hindi ko alam kung ano sa tawag sa inyo. Hintayin ko nlang maluto ang sinain na kanin para sabay sabay na kami kumain Maparami naman ng kain ang mga anak ko at asawa nito, isa sa paborito nila klaseng ulam ito. Kamusta kayo mga kaingay?? Ako na miss ko na yon ,sa umaga pàg open ko nang cellphone ko mayroon agad na tunog galing sa coin.ph ko ngayon wala na. Sana bumalik kana para…

@Emeline

Ilang oras hindi ako nakadalaw dito. Busy ang araw ko ,tapos kanina galing ako ng bayan diretso kami ng dagat kasi ang Unica ija ko pumipilit na mamasyal kaya hayan doon din kami napadpad. May kasama siyang kaibigan,bago maligo daming arte pa ,pa picture doon ,pa picture dito . Iba na talaga ang panahon ng millinials ngayon. Minsan lang lumalabas ito kaya parang hindi nakakita ng dagat... Hindi ko napasin kung sa bahay lang kami parang batang maliit lang ang tingin ko plsa…

@Emeline

Alamusal na tayo!!! Nagrequest ang bunso gusto niya piniritong saging kaya umaga din ako nagluto. Maraming saging binigay si Nanay pàg uwi namin lastweek ngayon hinog na . Kahapon nilagang saging din ang almusal namin ..nasawa na siguro kumain sila ng nilaga. Pinirito naman, masarap sana kung nilagyang ko to ng sugar kaso hindi kakain ang asawa ko takot siya tumaas ang sugar niya ,kasi mataas na agad.. Pàg gising ko kanina naawa ako sa anak ko anong oras na hindi pa…

@Emeline

Sikat ng araw tirik na tirik parin. Lahat ng labahin ko natapos ,pero sayang ang sikat ng araw hindi kona ito maabutan ...pagod na ako .Bukas ko nalang to isampay. Sabado pa sana akomaglaba ,pero hindi naman ako busy dahil wala ang asawa ko naglaba nalang ako. Hindi na rin ako mag luto ng ulam namin ,mula tanghalian at hapunan isang lutuan na kanina para mamaya initin nalang. Pahinga muna ako at magmeryenda para mamaya hindi na masyadong mainit napag isipan ko, pwede na ako…

@Emeline

Zumba Kanina pagkatapos ko ng pahinga gusto ko sana mag walking exercise pero napunta sa iba. Imbes ako mag exercise nanuod nalang ako ng exercise ng iba.🤣😂 Hindi natuloy ang plano ko ,pumunta ako ng City Mall para ipagbili ng chicken ang mga bata para ulam nila bukas ng umaga at iba pa pangangailangan sa bahay. Pagdating ko doon mayroon isang grupo nag zuzumba kaya nalibang ako doon.bumili ako ng isang hamburger at umupo sa gilid at nanuod sa kanila.Sabi ko kung hindi lang…

@Emeline

Dahil maulan dito sa amin kape muna tayo. Kahapon ganda ng panahon ,pero ngayon umuulan na.hindi mo talaga masasabi kung kailan uulan.. Mga halaman ko nakatikim ulit ng tubig ulan. Kanina pa ako nagising kaso lang tinapos ko kahapon ang labahan ko,sinampay ko na kahit maambon.at nagluto na rin ng almusal bago magkape. Paggising ni bunso maging teacher na ako..alam niyo nayan sa mga Nanay na mayroon module ang mga anak.kaya habang nag kape nagpahinga na rin para may lakas…

@Emeline

Fresh naman ulit bagong linis . Ganda na tingnan may bagong shell kami nilagay sa aquarium hindi ko alam kung ano tawagin ito pero maganda siya tingnan sa loob ng aquarium namin. Kunti nalang ang isda natira ,namatay na ang iba. Plano ko bilhan agad ng bagong isda.mas marami mas maganda tingnan. Sabi nila bawal daw ilagay sa loob ng bahay malas daw ito ? Noon sa labas ito kaso maraming bata ,nilaruan nila kaya mabilis madumi ang tubig at namatay ang isda.pinasok ko nalang sa…

@Emeline

Kain tayo late na yon almusal ko, pwede na rin pantahalian to. Nilagang saging kanina ang kinain ko bago magtrabaho, kaya ngayon lang rin ako nakasilip dito . After ng kain may lakad ako kasama ko ang asawa ko.niyaya kami ng boss niya doon sana kakain ngayon sa kanina pero hindi ko alam kung makarating kami doon may importante lakad pa kasi kami. Blessing ngayon ng pinagawa niyang kubo pero may swimming pool na pwedeng pwede tambahayan kahit sino o paligoan ng mga bata.…

@Emeline

Alimango... Akala namin hindi kami makarating sa isang handaan ng boss niya dahil marami kaming nilalakad na importante para sa opisina nila taga alalay lang ako. Itong boss niya tawag ng tawag kahit anong oras pwede daw kami doon hintayin nila. Marami pa silang handa natira mga 3:30pm na kami doon pumunta.Halos seafoods ang ulam nila.pagdating sa ulam sigurado alimango mas gusto ko ..kitang kita naman ang tataba niya.dami ko nman nakain.pero ang asawa ko ayaw niya ang…

@Emeline

Good morning sa lahat!!! Napakaganda sa damdamin paggising mo sa umaga marinig mo ang tunog na cellphone mo ,yon na miss mo hindi pa bumalik sa normal. Salamat #noisecash bumalik kana sa normal maraming napasaya mo at natulongan na tao. Basta may buhay may pàg asa. Maaga ako kagabi natulog kaya maaga din ako nagising.napagod lang siguro ako sa buong araw namin lakad. Itong picture kuha ko pàg uwi namin kung saan madilim ang ulap .ilang minuto nakarating sa bahay bago bumuhos…

@Emeline

Pet shop Galing kmi sa simbahan nadaanan namin to isang petshop na nagustuhan ng bunso ko.Masayang masaya siya pagkakita niya ng hamster atat na atat siya ,gusto niya agad hawakan .pero hindi pwede magalit ang papa namin.ang gaganda ng mga kulay at cute nila. Natutulog sila at natuwa si bunso habang tinitinan niya ang mga ito. Hamster ang gusto niya belhin noon niya pa to hinihingi sa akin kaso ayaw ng papa niya mag alaga siya ng hamster. Ang dahilan ng ama niya baka hindi…

@Emeline

Hello mga kaingay... Sa ganitong oras lahat meryenda ang pinag aabalahan. Ako hindi!dito muna ako sa garden ko need ko na bawasan ang mga sangga ng bonggavilla dahil magulo na at ang sampaguita ko need korin dagdagan ng pataba para mas marami pang bulaklak ibibigay nya sa akin. Ang ganda ng bulaklak niya puting puti tapos gusto ng mga bata ginagawa nilang kwentas. Kailangan ko rin ilipat sa ibang paso ang iba kong halaman para mas lalong tataba sila nagsisikipan na kasi…

@Emeline

Sotanghon with sprout Hello! good morning 🌅🌅 May 30 isang araw nalang June na..araw ng lunes ngayon kaya maaga gumising at magluto ng almusal . Basta araw ng lunes busy ulit ako lalo na ang kusina ko tuwing umaga dahil may pasok sa trabaho at may klase. Kahapon araw ng linggo maraming nagtitinda , dumaan ako sa tindahan para bumili ng ulam para ngayon nakitikita ko yon sprout o "tawgue"kung tawagin sa amin bumili ako,na miss ko yon luto ni Nanay na sotanghon na may tawgue .…

@Emeline

Makulimlim na ang panahon isaktong pàg uwi ko ngayon.kaninang 10am pa ako umalis ng bahay . Kakarating ko palang 4pm na marami ako pinuntahan ,alam niyo basta katapusan ng buwan maraming duedate na kailangan bayaran para iwas na rin sa penalty kaya tiis ako sa pila at katapusan rin ng pera o but as na ang bulsa . Wala magawa dahil monthly obligation na. Alanganin na sa oras umuwi kailangan ko bayaran lahat kaya doon na ako kumain sa andoks . Sobrang gutom ko napaorder ako ng…

@Emeline

Night walks Pagkatapos ko kumain dito agad ako nagtambay sa labas ng bahay tapos kunting walking exercise para matunawan,pabalikbalik lang ako ng lakad dito sa harap. Maraming bikers pa dumaan dito sa harap ng bahay .Busy narin ang mga daan ngayon daming sasakyan na dumadaan hindi tulad noon . Mainggay na ang bawat kanto marami na nag inuman pareho dito sa kapitbahay namin ngayon . Nakatulog ako kanina pagdating ko dahil napagod ako sa mga lakad ko kanina.kaya ngayon…

@Emeline

Good morning!!! Isang tulog nalang June na ,ang bilis ng araw lumipas. Ito sinalubong ako ng malakas na ulan ngayon umaga. Sarap bumalik sa higaan ang lamig ,pero hindi kailangan ko magprepare ng almusal namin dahil may pasok sa trabaho ang asawa ko. Hayan punong puno na ang mga palangana ko . Tuwing umuulan nag iipon ako ng tubig ulan para sa mga labahin kong puting damit ,at pandilig sa halaman ko kung araw ng tag init. Kung ganitong ang panahon sarap mag luto at kumain ng…

@Emeline

Sugar attack +chest pain Buti nalang hindi ka sa petsa uno ng buwan ng hunyo baka buong buwan naman tayo pabalikbalik sa doctor ,mga kasabihan ng mga matatanda. Umaatake na naman ang pagkasweet ni sweetheart ko ...umaapaw na naman ang dami ng sugar niya hayan tuloy sa laboratory ang bagsak namin ngayon kahit maulan kanina go lng kami para makapatingin kami sa doctor.Ilang araw na rin sumakit ang dibdib niya akala mo na hiblood siya sa akin kunting exercise hiningal na yon…

@Emeline

Hello June!! good morning 🌅🌅 Palabas na si haring araw,parang maganda ang unang araw ni June maliwalas ang panahon. Share ko lang to kahapon kinuhanan ko ng litrato ang bulaklak na ito sa bahay ng officemate ng asawa ko . Hindi ko naman alam ang pangalan niya ang importante maganda sa paningin ko at hanga ako punong puno ng bulaklak ang bawat puno niya ,pati ang kulay ganda din.Mahal ang bili nila sa isang mall dahil nagustuhan niya kahit mahal binili mahilig din sa…